You are on page 1of 5

12

FILIPINO
PILING LARANGAN –
TEKBOK
Quarter 2 – Week 3
LIHAM PANG - NEGOSYO
I. Panimula:

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulating nanghihikayat ng


aksiyon, nakikipagtransaksyon sa negosyo at nagpapanatili ng tuloy -tuloy na
daloy ng komunikasyon sa trabaho. Sa pagsulat ng liham pangnegosyo,
mahalagang tiyakin kung ano ang layunin ng liham.

Mga saklaw ng liham pangnegosyo:


• Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw
• Promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo
• Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon
• Pagbibigay ng instruksyon
• Pag – uulat tungkol sa mga aktibidad
• Pag – aanunsiyo at pagrerehistro ng mga reklamo
• Talaan o record ng mga kasunduan
• Pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangnegosyo:


• Maging maingat sa tono at estratehiyang organisasyonal
• Kinakailangang masiguro ng nagsusulat na ang liham ay maikli, tiyak,
malinaw, wasto at mapanghikayat

Dalawang anyo ng liham;


a. Anyong block – ang lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan
ng liham
b. Anyong may indensyon o indented form – nakapasok ang unang salita sa
bawat talata. Ang patunguhan ay nasa ikalawang bahagi at nasa gawing
kanan ang pamuhatan at pamitagang pangwakas.

Anim na bahagi ng liham pangnegosyo:


a. Pamuhatan – mula sa salitang ugat na “buhat” o pinagmulan. Sa
bahaging ito matatagpuan ang adres ng nagpapadala ng liham na
kadalasang nasa dalawa hanggang tatlonglinya lamang. Inilalagay ang
petsa sa huling linya ng bahaging ito.
b. Patunguhan – mula sa salitang “tungo” o pupuntahan. Dito makikita ang
adres ng pinadadalhan ng liham at isinasama ang titulo at pangalan ng
padadalhan ng liham na nasa kaliwang bahagi.
c. Bating pambungad – karaniwang nagsisimula sa mga salitang “Mahal na”
na sinusundan ng apelyido ng taong sinusulatan na may titulo (G., Gng.)
o mismong titulo ng propesyon o katungkulang hawak ng taong
pinapadalhan.
d. Katawan ng liham – nasusulat bilang teksto o talata na kinakailangang
typewritten o computerized upang mas madaling maunawaan at malinaw.
Sa unang talata nararapat na malinaw naipahayag ang punong diwa at
ang buod ng nais sabihin. Sa gitnang bahagi naman ng katawan nararapat

1
na isalaysay ang mga pangyayari o magbigay ng mga katibayan hinggil sa
mga pangyayari o usapin habang sa huling pangungusap ng liham
sinasabi ang aksyon na dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.
e. Pamitagang Pangwakas – isang maikling pagbati na nagpapahayag ng
paggalang at pamamaalam. Nagtatapos sa kuwit at kadalasang nasa
kaliwang gilig o margin ng lilham
f. Lagda – maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan
ng taong lalagda. Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng
pangalan bagaman hindi naman kinakailangan.

75 Road 5
Marulas, Manila PAMUHATAN

Agosto 23,2020

Gng. Elena Cruz


Pangulo PATUNGUHAN
Luke Inc.
567 Emms Subdivision
Tarlac City, Philippines

Mahal na Gng. Cruz; BATING PAMBUNGAD

Magandang araw!

Ipinapabatid ng liham na ito ang tungkol sa panawagan ng mga


naninirahan sa subdivision na ito. Nais nilang malaman kung bakit hindi pa
natutugunan ang mga katanungan hinggil sa pagbabayad ng fees para sa
asosasyon.

Naipaliwanag na ng aming opisyal ang mga tuntunin sa buwanang


bayarin sa asosasyon, ngunit nais nilang marinig ang inyong panig at
paglilinaw tungkol dito. KATAWAN
NG LIHAM
Ikinagagalak naming ang iyong positibong pagtugon.

Lubos na gumagalang, PAMITAGANG PANGWAKAS

(pirma)
Charm Abellana LAGDA
tagapamahala

2
Mga Katangiang dapat taglayin ng mabisang Liham pang – negosyo
1. Malinaw ngunit magalang – kailangan malinaw ang layunin at maingat
ang panananlita sa liham pangnegosyo. Gumamit ng pormal na
pananalita at iwasan na maging personal angpakikipag -usap sa liham.
2. Maikli ngunit buong – buo – maging tiyak sa gamit ng mga salita. Hindi
dapat na maging mahaba ang liham pang – negosyo dahil may
tungkulin at transaksyon na nakapaloob dito na nangangailangan ng
agarang aksyon
3. Tiyak – Dapat tiyak at tama ang mga detalye na isusulat sa liham pang
– negosyo. Beripikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng babanggitin
4. Isaalang – alang ang kapakanan ng kapwa – iwasang may mapahamak
na tao o may pangalang masira
5. Wasto ang gramatika – nararapat na tama ang paggamit ng mga salita
sapagkat ang maling gamit ng salita ay maaaring magdulot ng ibang
pakahulugan at kalaunan ay hindi pagkakaunawan sa nilalaman at
mensahe ng liham. Tiyakin din na tama ang pagkakabuo at
pagkakasunod – sunod ng mga pangungusap para sa tamang pag –
unawa ng mambabasa
6. Maganda sa paningin – maging malinis at siguraduhing walang bura o
alterasyon sa anumang bahagi ng liham at dapat wala rin itong
anumang dumi. Dapat maayos ang format, ito man ay block o indented

II. Kasanayang Pampagkatuto at koda:


• Naipapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo
sa pamamagitan ng angkop na mga termino. (CS_FTV11/12PS-0j-I-
93)
• Nakakasulat ng sulating (liham – pangnegosyo) batay sa maingat,
wasto, at angkop na paggamit ng wika. (CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
• Naisasaalang – alang ang mga etika sa binubuong teknikal –
bokasyunal na sulatin. (CS_FTV11/12Pu-0m-o -99)

III. Pamamaraan:
GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan o pahayag. Ibigay ang
hinihinging impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat nito sa puwang na
nakalaan bago ang mga bilang.
________________1. Ito ay mula sa salitang “buhat” o pinagmulan ng liham.
________________2. Ito ay mula sa salitang “tungo” o pupuntahan o padadalhan
ng liham
________________3. Ito ay bahagi ng liham na laging nagtatapos sa tutuldok o
tuldok – kuwit.
________________4. Ito ay bahagi ng liham na dapat typewritten o computerized.
________________5. Sa anong bahagi ng katawan ng liham dapat malinaw na
ipahayag ang diwa at ang buod na nais sabihin?

3
________________6. Sa anong bahagi ng katawan ng liham dapat sinasabi ang
aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan?
________________7. Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at
pamamaalam.
________________8. Sa anong bahagi ng katawan ng liham dapat isalaysay ang
mga pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan hinggil sa pangyayari o
usapin?
________________9. Ilang linyang espasyo ang dapat ilaan bago ilagay ang
pangalan ng taong lalagda?
________________10. Ito ay anyo ng liham kung saan nakapasok ang unang salita
sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa kaliwa, ang pamuhatan at
pamitangang pangwakas ay nasa kanan.

GAWAIN 2
a) Gumawa ng pananaliksik hinggil sa liham pangnegosyo na ginagamit sa
sumusunod na espisipikong trabaho na inaalok bilang kurso sa iyong
paaralan:
• Beauty care services
• Bread and pastry production
• Hilot wellness massage
• Food and beverages
b) Mula sa napili, maglista ng lima o higit pang katangiang ginagamit sa
pagsulat ng liham pangnegosyo sa nasabing trabaho. Isulat sa sagutang
papel ang mga katangiang ito. Tiyaking isulat ang
bibliyograpiya/sanggunian ng pinagkuhanan ng impormasyon.

GAWAIN 3

Bumili ka ng bagong cellphone sa isang shop. Pagdating mo sa bahay ay


nalaman mong depektibo pala ang nabili mong cellphone. Gumawa ka ng liham
na naglalaman ng iyong reklamo tungkol sa binili mong produkto na may
depekto. Ipadala mo ito sa ahensya na nangangalaga sa karapatang ito. Ang
iyong nagawang liham ay mamarkahan base sa nilalaman (10), organisasyon
(10), at paggamit ng wika at mekaniks (15).

IV. Paglalahat:
Ang liham pangnehgosyo ay pormal na sulating naglalayong manghikayat
ng aksiyon, makipagtransaksiyon sa negosyo at magpanatili ng tuloy – tuloy na
daloy ng komunikasyon sa trabaho.

V. Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=DlKgHNNUVyg

VI. Susi sa Pagwawasto:


1.pamuhatan 2. Patunguhan 3. Bating pambungad 4. Katawan 5. Unang talata 6. Huling bahagi 7.
Panitagang pangwakas 8. Gitnang bahagi 9. Dalawa 10. Anyong indented

You might also like