You are on page 1of 15

ELECGE 1

KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


(KOMFIL)

MODYUL 9

\
Pamagat ng Kurso: Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL)

Paksa: _Komunikasyon Para sa Trabaho:___________________________


Liham Pangnegosyo at Memorandum______________________

Inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral pagkatapos ng


yunit

1. Makagawa ng malinaw na magkakaugnay at mabisang mga liham pangnegosyo para sa trabaho


ng mag-aaral;
2. Malinang ang kasanayan ng mag-aaral na maihanda sa gawaing ito habang maaga pa.
3. Maipakita ang kaibahan ng paggawa ng karaniwang liham sa Memorandum.

Learning and Teaching Support Materials

1. Modyul
2. Illustration
3. Web sources
4 Iba’t-ibang teksto

Lektyur Proper at Talakayan)

III – A KOMUNIKASYON PARA SA TRABAHO:


LIHAM PANGNEGOSYO AT MEMORANDUM

Mga Layunin

1. Nakagagawa ng mga liham pangnegosyo para sa trabaho


2. Nasusuri ang mga bahagi ng liham pangnegosyo, anyo at istilo nito.
3. Naiaangkop ang mga pamamaraan ng paggawa ng mabisang komunikasyong pasulat.
Talakayin Natin:

Sa trabaho, ang komunikasyon ay hindi laging pasalita, May mga pagkakataong ang komunikasyon ay
pasulat. Ito ang dahilan kung bakit sa paaralan pa lang ay nililinang na ang kasanayang ito upang ang
mga mag-aaral ay maihanda sa gawaing ito.

A. LIHAM PANGNEGOSYO

Lahat ng tao ay kailangang may kaalaman sa pagbuo ng isang liham. Esensyal ang gampanin nto sa
buhay ng isang tao. Ginagamit ito sa pakikipag-ugnayan sa mga kapamilya, kaibigan at kakilala.
Bagaman hindi na gaanong ginagamit ang personal na pagliham dahil sa pag-unlad ng mga
teknolohiya sa chat, mayroon pa ring mga espesyal na pagkakataon kung kailan ito ay ginagamit.
Napakahalaga ang pagkakaroon ng tamang setting sa paggawa ng liham.

7 C’s of Technical Writing

1. Dapat na ito ay malinaw (clear) –Maayos ang paghahanay ng mensahe, ugnayan nito at may
kalinawan ang pagpapahayag.
2. Wasto (correct) – maayos ang gramatikang ginamit at wasto mismo ang mensahe. Kailangan
macheck o mavalidate ang mga ipinahayag sa liham.
3. Kumpleto (complete) –kung ang lahat ng detalye ay naisama.
4. Magalang (courteous) – mararamdaman ito sa tono ng mga pahayag, lalo na sa emosyon
tulad ng pagkamahinahon, pagiging magalang at, pagkamaunawain.
5. Maikli (concise) – hindi ito paligoy-ligoy, direkta at maiksi ang paraan ng mga pahayag.
6. Kombersasyonal (Conversstional) – kahit pormal ang liham pangnegosyo, mas maganda
kung tila nakikipag-usap lamang ang dating nito sa mambabasa, at pagiging natural ng
manunulat sa kanyang mga pahayag.
7. Mapagsaalang-alang (considerate) – dapat naisaalang-alang ang interes o damdamin ng
sinusulatan kaysa sa personal na hangarin ng manunulat. Pumili ng tamang pananalita upang
maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.

Gamit, Anyo at Bahagi ng Liham Pangnegosyo:

Halimbawa ng ilang Anyo ng Liham Pangnegosyo:

1. Liham ng Aplikasyon sa Trabaho(Application Letter) - na tinatawag din Cover Letter. Ito ang
liham na inihahanda ng isang taong naghahanap ng trabaho.

2. Liham ng Pagbibitiw sa Trabaho (Resignation Letter) – inihahanda ng isang magbibitiw na sa


trabaho o tapusin na ang kanyang paninilbihan.

3. Liham ng Pagbebenta (Sales Letter) – liham ng pangnegosyo kung nais magbenta ng isang
produkto o serbisyo.

4. Liham ng Pagbili o Pag-Order (Order Letter) –ito naman ay inihahanda kun nais bumili ng
produkto o serbisyo

5. Liham ng Pagtatanong o Paghiling (Inquiry or Request Letter) – ang liham na ito ay


naglalayon makaalam ng detalye ng isang tao o organisasyon.
6. Liham ng Paniningil (Collection Letter) – inihahanda ang ganitong liham kung may
kailangang kolektahin ang isang negosyo sa kanyang kliyente o customer.

Mga Bahagi ng Liham at Deskripsyon nito: (Ayon sa Patnubay sa Opisyal na Korespondensiya ng


Komisyon sa Wikang Filipino, 2013)

1. Pamuhatan (Heading) - Binubuo ito ng opisyal na pangalan,ng tanggapan, adres, telepono, at


numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon).

May dalawang uri ng pamuhatan:

a. Nilimbag na pamuhatan (printed letterhead)


b. Minakinilya (typeset)

2. Petsa (Date) – kung kailan isinulat ang liham na binubuo ng buwan, araw, at taon. Nilalagyan ng
kuwit ang pagitan ng araw at taon

Halimbawa: Abril 21, 2016 21 Abril 2016 Ika-21 ng Abril 2016

3. Patunguhan (Inside Address) – Binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong


padadalhan ng liham. Iniiwasan ang pagdadaglat sa pagsulat ng adres o direksyon.

Halimbawa:

Dr. Joy V. Ramos


Pangulo
Asia Pacific Professional Development
& Innovative Global Solutions.Inc.
675 Qduirino Highway, Novaliches, Quezon City

4. Bating Pambungad (Salutation) – ito ay pagbati sa sinusulatan. May iba’t-ibang anyo


itongsinusunod:

Mahal na Ginoo: Mahal na Dekano Guiang:

Ginoo: Mahal na Presidente Duterte:

Mahal na Binibini: Mahal na Propesor Vidad:

Binibini: Dr. Fermin:

Mahal na Ginang: GiAng katawan nang:


Tandaan na ang tutuldok (:) ang ginagamig sa pormal na bating pambungad, ngunit kunng
kapalagayang- loob ang sinusulatan, kuwit ang gamitin.

Mahal na Fernando, Kaibigang Maria,

5. Katawan ng Liham (Body of the Letter) – Ito ang tampok na bahagi ng liham at nagsasaad ng
mensahe sa sinusulatan.

Ang katawan ng liham ay naglalaman ng a) panimula na naglalaman ng maikling introduksyon


Sa liham kasma ang pagpapahayag ng layon nng liham b) katawan na kinapapalooban ng
mga detalye ng liham c) huling talata – na nagsasaad sa inaasahang aksyon mula sa sinulatan.

6. Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close) - Nagsasaad ito ng pamamaalam sa


sinusulatan. Ito ay isinusulat dalawan espasyo nula sa huling salita sa katawan ng liham.
Ginagamitan ito ng kuwit bilang pananda. Sa pagsulat nito, iniaangkop ito sa posisyon ng taong
sinusulatan. Itinutugma rin ito sa lebel ng pormalidad na ginagamit sa bating pambungad.

Halimbawa: Magalang na sumkaliowa at ibabang bahagi ngsainyo, Matapat


na sumasainyo.

7. Lagda (Signature) – Binubuo ito ng pangalan, lagda at posisyon ng lumiham.

Halimbawa:
Matapat na sumasainyo,

Engr. Mark Aaron R. Guiang


Project Engineer
Ayala Lands, Inc
8. Inisyal na Pagkakilanlan (Identifying Initials) – Inisyal ito ng gumawa ng liham

Halimbawa:

MRG;jrs 08082016

(Ibig sabihin, ipinahanda ito ni Engr. Mark Aaron R. Guiang (MRG), at inihanda naman ito
ni Jasmin R. Sajulga (secretarya), noong Agosto 8, 2016)

9. Paglalakip (Enclosure) – Nagsasaad ito ng mga dokumentong inilakip sa liham. Makikita ito sa
ibabang bhagi ng liham.

Kalakip
Resume
Transcript of Records

Kalakip: Gaya ng nasasaad


10. Tawag-Pansin (Attention Line) – Ito ay panawag –pansin sa taong kailangan. Inilalagay ito sa
tapat ng bating pambungad o sa bandang gitna.

Halimbawa:
__________________________
__________________________
__________________________

Tawag-pansin: Bb. Kathlene Mae Anfone


Sales Manager

11. Paksa (Subject) – Opsyonal lamang ito. Nakatutulong ito sa agarang pagtukoy kung tungkol saan
ang liham. Isinusulat ito dalawang espasyo pagkatapos ng bating pambungad.

Halimbawa:

__________________________

PAKSA; Koleksyon ng Balanse noong Agosto

12. Notasyon ng Binigyan ng Sipi (Copy Notation). Tanda ito ng nagbigay ng kopya sa iba maliban
sa siulatan. Ginagamit ang pananda c or cc para dito.

Halimbawa:
cc: Accounting Department

Kung susulat ng liham, maaring gamitin alin man sa tatlong estilo sa pagsulat:

1. Estilong Semi-Block
2. Estilong Block

3. Estilong Full-Blocked
B. MEMORANDUM

Ang Memorandum ay isang anyo na tinatawag na in-house correspondence na isinusulat para sa


isang tao o sa isang grupo ng mga tao. Agad-agad sinasabi rito ang nais sabihin nang walang
paligoy-ligoy. Malinaw ang pokus ng Memorandum at binibigyang-diin ang dapat mabatid ng
mambabasa.

Nagagawang puntuhin sa memo ang nais sabihin sa tatlo o apat na maiikling talata. Mula sa
introduksyon, katawan (na maikli rin) na naghahayag ng isa o dalawang talata, na nagtatapos sa
isang maikli ring kongklusyon.

May mga memo na kasing-ikli din ng isang talata o isang pangungusap. Ang haba o ikli ng memo ay
nakabatay sa layunin o awdyens.

Para sa convenience sa mga sitwasyong ang memong nakasulat sa papel ay mas pinipili kaysa e-
mail. May mga programa sa kompyuter na may inaalok nang porma ng memo na tinatawag na
templeyt (template).
 Gawain: A. Talakayin ang iba’t-ibang katangian ng liham ng pangnegosyo
Sa pamagitan ng pagsulat ng 5 o higit pang pangungusap.
1. Malinaw (clear)
2. Wasto (Correct)
3. Magalang(Corect)
4. Kombersasyonal (Conversational)
5. Maikli (Concise)
6. Mapagsaalang-alang (considerate)
7. Kumpleto (Complete)

 B. . Talakayin sa pamagitan ng pagsulat ng 5 o higit pang pangungusap.


 1.ang iba’t-bahagi ng liham
 2. Anyo/uri ng mga liham
 3.Ano ang kaibahan ng karaniwang Liham pangnegosyo sa Memorandum?
Pamagat ng Kurso: Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL)

Paksa: _Komunikasyong Para sa Trabaho:__________________________


Naratibong Ulat, Pagpupulong at Katitikan ng Pulong

Inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral pagkatapos ng


yunit

1. Makagawa ng malinaw, magkakaugnay at mabisang mga materyales sa komunikasyon para sa


trabaho gamit ang naratibong pag-uulat;
2. Maipakita ang kaibahan ng Naratibong Ulat sa Karaniwang Liham Pangnegosyo at
Memorandum na masasabi ding pormal;
3. Magamit ang kasanayang mag-ulat pang komunikasyon para sa trabaho tulad ng Performance
Report, Incident Report at iba pa;
4. Mapaunlad ang kaalaman sa pag-oranisa ng pulong;
5. Mapahalagahan ang paggawa ng Katitikan ng Pulong.

Learning and Teaching Support Materials

1. Modyul
2. Illustration
3. Web sources
4 Iba’t-ibang teksto

Lektyur Proper at Talakayan

III-B. KOMUNIKASYON PARA SA TRABAHO:


NARATIBONG ULAT, PAGPUPULONG AT KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Mga Layunin:

1. Naipaliliwanag ang mekaniks o proseso ng paggawa ng Naratibong Ulat;


2. Nailalarawan ang kaibahan ng Naratibong Ulat sa Liham Pangnegosyo o Memrandum;
3. Napapaunlad ang kakayahang mag-organisa ng pulong at gumawa ng katitikan nito.

Talakayin Natin:

Maliban sa liham pangnegosyo at memorandum, may iba pang sulating gamitin sa larangan ng trabaho.
Ito ang naratibong ulat at ang katitikan ng pulong. Kaya inaasahang ang kaugnayan nito sa mga
gawaing pang-komunikasyon para sa trabaho.
A. NARATIBONG ULAT

Ano ba ng Naratibong Ulat?

Ayon kay Lesikar (2000), ito ay isang organisado at obhetibong komunikasyon ng mga makatotohanang
impormasyon na magagamit para sa isang tiyak na layunin.

Ang isang simpleng liham ay posibleng maging ulat kung may layunin itong mag-ulat. Ang tingin ng iba
dito ay bilang pag-iisa-isa sa mga pangyayari o paglalahad lamang ng mga pangyayari kasama ang mga
impormasyong kaugnay nito, ngunit’t kung susuriin, ay makikita ang mga batayang katangian ng isang
naratibong ulat.

1. Ang ulat ay organisado – pinag-isipang itong mabuti at isinasaayos ang mga impormasyong
kailangan para madali itong maunawaan at maibahagi.
2. Ang ulat ay obhetibo – ito ay dapat na walang pagkiling. Sa halip, maging matapat ito sa
pagbibigay ng datos o detalye ng walang halong pagmamanipula o motibong personal.
3. Ang ulat ay makotohanan – ang datos ay masinop na kinakalap at tinitiyak na ito ay totoo at
walang kamalian, sapagkat ang ulat ay magsisilbing permanente ng dokumento.
4. Ang ulat ay may gamit – dahil ito ay may layunin, mahalagang malaman kun saan o ano ang
paggamitan ng sulating ito. Mahalagang matiyak na ang patutunguhan ng ulat ay makarating sa
babasa nito. Halimbawa, ang naratibong ulat ng security guard hinggil sa pangyayaring
humantong sa pagkumpiska ng ID ng isang mag-aaral ay magiging basahen ng Tanggapan sa
Ugnayan Pang mag-aaral o OSA (Office of Student’s Affairs) sa karampatang parusang ipapataw
sa mag-aaral.

Ang pagsulat ng naratibong ulat ay magagamit sa sumusunod na sitwasyon:

Sa Eskwelahan (Estudyante) Sa Trabaho (Propesyonal)


1. Ulat ng isang pangkatang gawain 1. Pagtatapos ng isang proyekto/programa
2. Estado ng proyektong ginagawa 2. Insidente sa trabaho
3. Paggasta sa isang programa ng 3. Estado ng kasalukuyang proyekto o
organisasyon programa

Mga anyo ng Naratibong Ulat:

1. Performance Report. Ito ay ginagawa upang ilarawan ang isang indibidwal o grupo sa
pagtupad ng tungkulin upang tapusin ang isang gawain. Minsan, tinutukoy rin itong
Accomplishment Report. Halimbawa nito ay ang isinasagawang Student Assembly Report o
Performance Rating Report.
2. Progress Report. Ulat ito sa kalagayan ng isang aktibidad o proyektong kasaluyang ginagawa.
Halimbawa nito ay ang ulat sa estado ng information system na dinedebelop ng IT Department o
estado ng pagpapagawa ng isang gusali.

3. Incident Report. Ito ay ulat sa mga di-pangkaraniwang pangyayaring kadalasan ay mga


suliranin na maaring nakaapekto sa normal na daloy ng operasyon ng isang institusyon.
Halimbawa nito ay ang ulat sa pagkasira ng makina sa pabrika. Sa eskwelahan, maaring ulat ito
sa nangyaring kaguluhan sa loob ng isang klase.

Ang isang naratibong ulat ay maaaring magtaglay ng mga sumusunod na bahagi:

1. Liham (Letter of Transmittal). Isang paraan ito upang pormal na ihatid ang ulat. Sa pagsulat
nito, sinusunod ang paraang tinalakay sa pagsulat ng liham pangnegosyo.

2. Ulat (Report Paper). Ito ang kabuuan ng mismong ulat. Ito ay nagtataglay ng mga sumusunod
na bahagi:

a. Pamagat ng Ulat. Dito nakalagay ang titulo o pamagat ng ulat, para kanino ang ulat, sino o
sino-sino ang naghanda ng ulat at kailan ito ginawa. Inirerekomenda ito kung mahaba ang
nilalaman ng ulat.
b. Talaan ng Nilalaman. Inirerekomenda ito kung mahigit sa sampung pahina ang ulat.
c . Katawan ng Ulat. Ibabatay ito sa mga salik na nais isama sa ulat. Posible ring naratibong
paglalahad lamang ito.
c. Lakip. Ito ay mga dokumento na kaugnay ng ulat. Inilalagay lamang ito kung lubhang
mahalagang isama ang dokumento o walang kopya ang pinaglalaanan ng sulat.

B. PAGPUPULONG AT KATITIKAN NG PULONG

Pagpupulong - ito ay isang epektibong paraan ng komunikasyon ng mga kabilang sa mga grupo o
organisasyon sa mga direktang kalahok

Tatlong Mahahalagang Proseso ng Pagpupulong:

- Preparasyon ng Agenda – mula sa pandiwang Latin na agere, na nangangahulugang gagawin. Ito


ay isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang
pagpupulong.

Mga Isinasaalang-alang sa pagdidisenyo ng Agenda: (Swartz, 2015)

1. Saloobin ng mga kasamahan. Saloobin, hinaing at pangangailangan ay nabibigyan ng


pagkakataong malaman.

2. Paksang mahalaga sa buong grupo. Paksang mahalaga na may kinalaman sa mga inaasahang
kalahok sa pagpupulong ang pinag-uusapang paksa.

3. Estrukturang patanong ng mga paksa. Ang paksa na nasa anyong patanong ay


nangangahulugan ng kasagutan.

4. Layunin ng bawat paksa. Upang maging maayos ang daloy ng pagpupulong, mahalagang
matiyak ang layunin ng paksa tulad ng: gagawing desisyon, o pagdedesisyon
pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng panukala sa gagawing desisyon, o pagdedesisyon.

5. Oras na ilalaan sa bawat paksa. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin, dahil kadalasang may
itinalagang oras ng pagsasagawa ng pulong
Narito naman ang mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng agenda para sa isang pagpupulong:

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong – Linawing mabuti ang layunin ng pagsasagawa ng


pagpupulong.

2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong - Dapat tapos na at
aprobado na ang agenda ng nagpapatawag ng pulong talong araw bago ang pagpupulong para
mabigyan ng maagang distribusyon ng agenda ang mga kalahok upang paghandaan ang mga
paksang nakatala dito.
3. Simulan sa mga simple ang detalye. Bago itala ang mga paksa, mahalagang ilahad ang mga
impormassyon tulad ng petsa at oras ng pulong, lugar ng pulong, at mga inaasahang kalahok.

4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda – Itala ang ‘di hihigit sa
limang paksa upang pag-usapan sa pulong. Ang maraming talakayin ay maaring lamang
makapagdulot lamang ng pagkabagot o information overload.

5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa - Ayon sa nakaplano, ilagay ang nakalaang
oras sa bawt paksa. Magagabayan nito ang mga kalahok sa ilaaang panahon upang pag-usapan
ang bawat isyu.

6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong – Kung may


espesipikong detalye, kailangang maisam ito sa agenda.

- Ang Pagpupulong (Meeting) –Ito ay pagpupulong ng dalawa o higit pang indibidwal upang
pag-usapin ang isang komon na layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng organisasyon o
grupong kinabibilangan nila.

Para masabing balido ang isang pulong, dapat na matupad ang mga sumusunod na kondisyon:

1. Ang nagpatawag ng pulong ay may awtoridad para gawin ito.


2. Ang pabatid na magkakaroon ng pulong ay nakuha ng mga inaasahang kalahok.
3. Ang quorum ng nakadalo.
4. Ang alituntunin o regulasyon ng organisasyon ay nasunod,

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng isang Pulong ayon kay Walsh (1995, batay sa kanyang aklat na The
Meeting Manual:

1. Pagbubukas ng Pulong (Opening the meeting) – Opisyal na idedeklara ng chairperson


ang pagsisimula ng pagpupulong.
2. Paumanhin (Apologies) – Bago magsimula ang pulong, kinukuha ng kalihim ang listahan ng
mga nakadalo at hindi. Inihahayag ng chairperson ang pangalan ng mga opisyal na
pinadalhan ng pabatid ngunit hindi nakadalo sa pulong.

3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong (Adoption of the previous minutes) – Dito


binabasa ng kalihim ang katitikan ng nakaraang pulong at binibigyan ang mga dumalo ng
kopya ng naturang katitikan. Kapag nabasa na ang katitikan, inihahayag na ang adapsyon o
pagtanggap nito. Tinatalakay ito, kapag sumang-ayon, tinatanggap na ito. Kung may pagtutol,
o mungkahing pagbabago, tinatalakay muli ito at muling ihahayag ang adapsyon ng katitikan,

4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong (Business arising from previous


minutes) – Isinasama sa agenda anais pang pag-usapang mga paksang na hango sa katitikan.

5. Pagtalakay sa mga liham (correspondence) – Kailangan talakayin sa pulong ang mga


ipinadalang liham galing sa koreo, e-mail o fax mail. Tinatalakay ito ng pabuod para ipabatid
s mga kasapi ng organisasyon o grupo.

6. Pagtalakay sa mga ulat (Reports) – Sa bahaging ito tinatalakay ang mga ulat,
pinagdedebatehan ang nilalaman, interpretasyon, at rekmendasyon ng ulat

7. Pagtalakay sa Agenda (General business) – Ito ang pinkasentro ng isinasagawang pulong.


Dito kinukuha ang panukala para sa pagdedsisyon, paggawa ng desisyon o mga nakatalang
paksa pa sa agenda.

8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa Agenda (Other business) – Itinatanong kung may


mga isyu pang nais pag-usapan ang mga kalahok.

9. Pagtatapos ng pulong (Closing the meeting o adjfournment) – Dito na isinasara ng


chairperson ang pagpupulong. At opisya na winawakasan na ito.

Mga bagay na hindi na kailangan pang isama sa katitikan ng pulong:

1. ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusugan.


2. ang mosyon para sa pagbabago na sinusugan, ngunit hindi sinang-ayunan
3. ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di-sumang-ayon sa isang mosyon.
4. ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang kalahok na itala
ang paraan ng kanyang pagboto

Kung iisipin, hindi mahalaga ang pagtatala ng katitikan kung ikukumpara sa mismong pagpupulong.
Ngunit kung hindi ito gagawin, ay malaking kawalan ito sa oras at resorses.

Ayon kay Sylvester (2015), kung hindi gagawin ang katitikan ng pulong, makikitang hindi pare-pareho
ang rekoleksyon ng mga kalahok sa mga naganap at maaari rin iba-iba sila ng ideya sa napagkasunduan.

Kung walang katitikan, ang mga mahahalagang tungkuling naiatang at kailangang matapos ay posibleng
hindi matupad dahil nakalimutan.

Upang hindi masayang ang oras at maayos na maisulat ang katitikan ng pulong, mahalagang isaalang-
alang ang mga tanong na inihayag ni Lyn Gaertner-Johnston(2006), sa kanyang Tips for Writing Meeting
Minutes.

Dapat masagot ang mga sumusunod na katanungan; desisyon; mga napagkasunduan:

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo? (Isama ito kung kinakailangan)
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kalian ito dapat maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon, kailan, saan, at
bakit kailangan?

Sa pagtatala mahalagang tandaan na: 1) dapat isulat ang katitikan ng pulong sa loob ng 48 oras upang
maipabatid sa mga may nakatalagang tungkulin ang kanilang mga gagawin at malaman kung sino ang
hindi mga nakadalo, 2) dapat gumamit ng mga positibong mga salita, 3) huwag nang isama ang ano
mang impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sinumang kalahok (halimbawa: Nagsigawan sina
Pepe at Pilar dahil sa di-pagkakaunawaan sa isyu).

Gawain 2:
Gumamit ng lima (5 ) o higit pang pangungusap sa pagsagot.
1. Bigyang ng pakahulugan (define) kung bakit ang ulat ay dapat na:

A. Organisado
B. Obhetibo(Objective)
C. Makatotohanan
D. May gamit

2. Ano ang kahalagahan ng pagpupulong?


3. Ano ang Agenda? Gaano kahalaga ito?
4. Ano-ano ang hindi na dapat isama o banggitin sa Katitikan ng Pulong?

GAWAIN 3

Sumulat ng isang liham pangnegosyo.


Ipakita ang paggamit ng 7’C of Technical Writing

Ang mga kasagutan ay ipapadala ninyo sa google classroom.Bibigyan ko kayo ng isang lingo o pitong
araw upang masagutan ito. Kailangang makarating ang inyong mga kasagutan sa inyong google
classroom bago mag-alas 6 ng gabi ng ikapitong araw.

You might also like