You are on page 1of 7

MODYUL SA PILING LARANGAN

FINAL
PANGALAN: STRAND:

Aralin 1:Ang Akademikong Pagsulat: Pagsulat ng Talumpati


Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa
panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala,pananaw at pangangatwiran sa isang partikular na paksang
pinag-uusapan.Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y
biglaan.Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati.
Ang Pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito
ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.
Mga uri ng Talumpati
1. Biglaang Talumpati -Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo
ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang
maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati
1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa panguanhing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpat gamit ang
huwarang ito.
Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati
ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga
ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati. ang paghahabi o
pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang
higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati.
1.. Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya
naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na
panimula:

 mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.


 maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
 maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang
mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.
Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati
a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang
lahat ng detalye.
b. Kalinawan -kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig.
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
3. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga
patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
4. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo
ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.
Ayon sa aklat ni Ailene Baisa Julian, et. al sa Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang (Akademik), na ang
pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang
partikular na paksa.
Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay
hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.Sa pangkalahatan,may apat na uri ng
talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap nga tagapakinig.
Aralin 2: Pagsulat ng Memorandum
Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o organisasyon. Kung walang
maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang kaayusan. Gayundin naman, kung
ang komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing namang pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa
pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng samahan ang mga lithiin at nais
tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang maayos, organisado , at sistematikong pagpupulong ito
man ay isang business meeting ,one-on-one meeting , o company or school meeting.
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang
memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa
pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin
ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng
kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon
sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham.
Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na
dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng
produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o
pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at malalaking
kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:

 Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon


 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting
department
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.
a) Memorandum para sa kahilingan
b) Memorandum para sa kabatiran
c) Memorandum para sa pagtugon
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng sumusunod na mga
impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3
(2014).
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-
uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinaguukulan nito. Kung ang tatanggap
ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng
nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang
memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na
lamang na nakapapormal ang memong ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan
ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang
maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid
nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng
sumusunod:
a) Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b) Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito
c) Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d) Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa
bahaging Mula kay …
Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
(046)4376775
MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang
Mula Kay: Nestor S. Lontoc,
Registrar, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa Disyembre
12,2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.
Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng rebyu para sa
mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

Oras Asignatura Guro


08:00 – 10:00 n.u. Filipino Bb. Reyes
10:00 – 10:30 n.u. Malayang Sandali
10:30 – 12:30 n.h. Araling Panlipunan G. Nieras
12:30 – 01:30 n.h. Malayang Sandali
01:30 – 02:30 n.h Matematika G. Pineda
02:30 – 04:30 n.h. Agham Gng. Abundo

ARALIN 3: Pagsulat ng Adyenda


Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong :
1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:
a) a.mga paksang tatalakayin
b) b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c) c.oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano
katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay
kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o
pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng
pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung
kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o
ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang
kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom
na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan
makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang
gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan
sa layunin ng pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling
ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
ARALIN 4: Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan . Ang opisyal na tala
ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado,
sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong
maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan
,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para
sa susunod na pagpaplano at pagkilos.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
(1) Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa
,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
(2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng
lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
(3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay
napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
(4) Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay .
Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol
dito.
(5) Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas
mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa
bahaging ito .
(6) Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
(7) Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
(8)Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite.
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong
Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at
iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.
Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng katitikan ng
pulong ay kinakailangang :
1.Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2.Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4.Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5.Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading 7.Gumamit ng
recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong
Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong
nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing
na isang legal na dokumento.
3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi
na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang
mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na..
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything Practice Interview Book at
The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat
gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong
Bago ang Pulong
 Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk, papel ,bolpen ,
lapatop ,recorder
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng
sapat na espasyo para sa bawat paksa
Habang Isinagawa ang Pulong
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
 Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala ang mahalagang ideya o puntos.
 Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-
ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
 Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Pagkatapos ng Pulong
 Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan ,
lingguhan), at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Lagyan ng
“Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling pagwawasto nito,
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

MGA GAWAIN: ilagay sa yellow pad paper ang mga sagot.


GAWAIN 1:
Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman
ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong
(Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong )
_______1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
_______2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_______3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_______4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalayin sa pulong.
_______ 5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_______ 6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong. _______ 7.
Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang sa simpleng
usapin.
_______ 8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______ 9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin.
_______10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_______11. Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahalagang paksa
_______12. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng
katitikan ang iyong gagamitin.
_______13. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat isakatuparan gaya halimbawa sa
pagdalo sa isang pulong.
_______14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung
kinakailangan.
_______15. Buoin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay.
GAWAIN 2:
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Basahin nang maayos ang katanungan at piliin ang titik ng angkop na
sagot.Isulat ito sa patlang.
1.Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong
nailahad sa isang pagpupulong.
A. Memo B. Adyenda C. Memorandum D.katitikan ng pulong
2.Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado,sistematiko at komprehensibo o
nagtataglay ng lahat ng mahahalagng detalyeng tinalakay sa pulong.
A.Katangian B.Kahulugan C.Gamit D.kahalagahan
3.Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang
lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A.Usaping napagkasunduan B. Heading C.Kalahok D.Lagda
4. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo
tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
A. Patalastas B.Iskedyul C.Pagtatapos D. Lagda
5. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan ,
lingguhan), at maging ang layunin nito.
A.Bago ang Pulong C.Pagkatapos ng Pulong
B.Habang Isinagawa ang Pulong D sa pagsimula ng Pulong
6.Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at
ang naging resulta ng botohan.
A.Bago ang Pulong B.Pagkatapos ng Pulong
C.Habang Isinagawa ang Pulong D sa pagsimula ng Pulong
7. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo
para sa bawat paksa.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D.Sa pagsimula ng Pulong
8 .Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang
pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong
isinagawa.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D. Sanaysay ng katitikan 9.Estilo ng
pagsulat ng katitikan ng pulong na nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng
samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan
mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na..
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan 10. Estilo ng
pagsulat ng katitikan ng pulong na isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong. Ang ganitong uri ay
maituturing na isang legal na dokumento.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan

You might also like