You are on page 1of 37

ANG TALUMPATI

Madalas, naiuugnay ang talumpati sa mga


politikong nagpapahayag ng kanilang plataporma
sa isang malaking pagtitipon, sa panauhing
pandangal na nagbibigay ng mensahe sa
seremonya ng pagtatapos ng isang paaralan, o ng
Pangulo ng Pilipinas na nag uulat sa bayan ng
nagawa ng kanyang administrasyon sa nagdaang
taon tulad ng State of the Nation address o SONA.
KAHULUGAN
1. Pormal na pagpapahayag ng binibigkas sa
harap ng manonood o tagapakinig

2. Ito ay karaniwang binibigkas bagaman


madalas itong nagsisimula sa nakasulat
na anyo.
3. May grupo ng tao o publikong inaasahang manood o
makinig nito. Batay rito, maari ding ituring na
talumpati ang iba pang anyo ng pormal na
pampublikong pagpapahayag tulad ng natatanging
panayam o lektura, presentasyon ng papel, keynote
address o susing talumpati, talumpating
 \
pangseremonya, talumpating nagbibigay inspirasyon,
at iba pa. Dahil dito, kailangan ding matutuhan ng
estudyante ang ilang prinsipyo sa pagsulat ng
talumpati.
Ang proseso/hakbang ng pagsulat ng
talumpati ay maaring sa tatlong yugto:

1. PAGHAHANDA - Mahalaga ang


panimulang pagsisiyasat sa mga
elementong nakapaloob dito dahil
kailangang isaalang-alang ang mga ito
sa pagtiyak sa nilalaman, tagal, at tono
ng talumpati.
May mga elemento/bahagi na
dapat isaalang-alang sa
pagtiyak sa nilalaman, tagal,
at tono ng talumpati:
a. Layunin ng Okasyon

b. Layunin ng Tagatalumpati
c. Manonood/Tagapakinig
d. Lugar na Pagdarausan
1. LAYUNIN NG OKASYON-kung
may itinakdang tema o paksa ang
mga nag-organisa ng okasyon, dapat
alamin at unawain ito para maiayon
ang talumpati.
2. LAYUNIN NG
TAGAPAGTALUMPATI-pagtiyak kung
ano ang magiging layunin sa
pagtatalumpati o ang espesipikong papel
sa okasyon.
3. MANONOOD-pangunahing salik sa
nilalaman at estilo ng talumpati, kaya
nakakaimpluwensya sila sa paghahanda
ng talumpati. Kailangan ding alamin ang
ilang bagay tungkol sa katangian nila.
4. TAGPUAN-tumutukoy ito
sa lugar, kagamitan, oras, at
daloy ng programa.
2. PANANALIKSIK
a. Pagbubuo ng Plano

b. Pagtitipon ng Materyal
c. Pagsulat ng Balangkas
1. PAGBUO NG PLANO-pag-aralang
mabuti ang paksa o tema at papel ng
tagapagtalumpati sa okasyon. Maaari
ding sumangguni sa iba para mapahusay
ang plano.
2.PAGTITIPON NG MATERYAL-
tipunin ang mga materyal na
kailangan ayon sa nabuong plano
ng pagdebelop ng paksa o tema.
3. PAGSULAT NG BALANGKAS-
iklasipika o pagpangkat-pangkatin ang
mga natipong materyal. Ang balangkas
ang magbibigay ng direksyon sa
pagsulat.
3. PAGSULAT

Dalawang mahahalagang proseso na


dapat isaalang-alang sa yugtong ito:

Pagsulat ng Talumpati
Pagrerebisa ng Talumpati
PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas. Ang
talumpati ay sinusulat hindi para basahin kundi
para bigkasin.

2. Sumulat ng simpleng estilo. Iwasan ang


mahahabang salita. Hangga’t maaari huwag ding
gumamit ng teknikal na salita. Sa halip na
gumamit ng mga abstraktong salita, mas gamitin
ang mga kongkretong salita o iyong lumikha ng
mental na imahen sa tagapakinig.
3. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensiyon
ng pagpapahayag na pagbibigkas. Ilan sa mga ito
ay ang
mga sumusunod:
a. Paggamit ng matatalinghagang pahayag o tayutay
b. Paggamit ng kwento
c. Pagbibiro
d. Paggamit ng kongkretong halimbawa
e. Paggamit ng paralelismo
f. Paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga
talata
g. Pagbibigay ng tatlong halimbawa para
maipaliwanag ang isang ideya
4. Huwag piliting isulat agad ang simula at
katapusan ng talumpati. Karaniwan, mas madali
kung magsisimula sa katawan ng talumpati.

Ang introduksyon ay maaaring maglaman ng


alinman sa sumusunod:

a. Sipi mula sa isang akdang pampanitikan


b. Anekdota
c. Pagbanggit ng paksa o tema at pagpapliwanag
ng mga susing konsepto nito
d. Pag-iisa-isa sa mga layunin
e. Pagtatanong sa tagapakinig
Ang kongklusyon naman ay maaaring maglaman
ng alinman sa sumusunod:

a. Sipi mula sa isang akdang pampanitikan o


anekdota na magbibigay diin sa nilinang na ideya
b. Paglalagom sa mga pangunahing ideyang
dinebelop
c. Pagerebyu sa mga layunin at kung paano ito
natamo
d. Panawagan sa tagapakinig na gumawa ng pagkilos
5. Huwag piliting isulat agad ang
simula at katapusan ng talumpati.
Karaniwan, mas madali kung
magsisimula sa katawan ng talumpati
PAGREREBISA NG TALUMPATI

1. Paulit-ulit na pagbasa. Kapag nasulat na ang


unang draft o burador, hindi ito
nangangahulugan na ganap na ngang tapos
ang talumpati. Kailangan itong rebisahin.
Isang mahalagang hakbang sa pagrerebisa
ang paulit ulit na pagbasa nang malakas sa
draft.
2. Pag-ayon ng istilo ng nakasulat na talumpati
sa paraang pabigkas. Pakinggan kung may
musika o ritmo ang bagsak ng mga pahayag.
3. Pag- aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na
oras.

Narito ang karaniwang tagal ng iba’t ibang uri ng talumpati:

• Panayam o lektura 45-50 minuto


• Presentasyon ng papel sa isang kumperensiya 20-25 minuto
• Susing panayam 18-22 minuto
• Pagpapakilala sa panauhing pandangal 3-4 minuto
• Talumpati para sa isang seremonya 5-7 minuto
Mahalagang Tandaan: sa kabila ng mga paliwanag tungkol sa
proseso ng pagsulat, ang dapat idiin ay ang panlipunang gamit ng
talumpati. Ang pagbigkas ng talumpati sa harap ng publiko sa isang
pormal na konteksto ang ikinatatangi nito sa maraming anyo ng
pagpapahayag. Dahil binibigkas ito sa harap ng madla, mahalagang
isaisip na ang talumpati ay dapat na may kabuluhan sa buhay ng
mga makikinig. Ang paksa ay napapanahon at may kaugnayan sa
lipunan; ang nilalaman ay mapagkukunan ng mga ideya para
makapamuhay nang mabuti sa lipunang ito. Ang iba’t ibang
pamamaraan at estratehiya namang ipinaliwanag sa araling ito ay
tutulong para higit na mabisang maipapaabot sa mga tagapakinig
ang nais na ipahayag sa mga ideya.
Uri ng Talumpati
Talumpati

 ay isang sining ng pagpapahayag


ng kaisipan o opinyon ng isang tao
tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
A. IMPROMPTU
- Ito ay biglaang talumpati na
binibigkas pamamaraan na maaaring
gamiting gabay sa pagbigay ng
biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang
paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.
Ilang Paalala:

Maglaan ka ng oras sa paghahanda


-huminga ng malalim
-mag-isip ng magandang panimula
-dahan-dahang tumayo at lumakad
Ilang Paalala:

2. Magsalita ng mabagal
-nakatutulong ito na mag-isip kung
ano ang susunod mong sasabihin.
Nakakatulong din ito upang
mabawasan ang iyong nerbyos.
Ilang Paalala
3. Magpokus
-iwasang mag-isip ng
negatibo dahil sa kawalan ng
kahandaan. Iwasang
magpaligoy-ligoy sa
pagsasalita
B. EXTEMPO
-ayon kay James Copeland (1964) ang
unang kahirapan sa pagsasagawa ng
pagbigkas ng extempo sa isang
kompetisyon ay kawalan ng kahandaan sa
pagbigkas. Ang paghahanda rito ay
limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng
paksa at mismong paligsahan.
B. EXTEMPO
-sa ibang paligsahan ang
mananalumpati ay
tinatanggal kung lalampas o
kaya ay kulangin sa oras.
C. Isinaulong talumpati
-ang tagapagsalita ay gumagawa
muna ng kanyang talumpati.
Samakatwid, may paghahanda na sa
ganitong tipo ng pagtatalumpati at
kailangang memoryado o saulado ang
pyesa.
D. PAGBASA NG PAPEL SA PANAYAM O
KUMPERENSYA
-makikita sa bahaging ito ang
kasanayan sa pagsulat ng papel na
babasahin sa kumperensya. Ang pag-
oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat
ng panimula, katawan at wakas ay
dapat na magkakaugnay.
Mga Kasangkapan ng
Tagapagsalita

1. TINIG
-ISINASAALANG-ALANG SA BAHAGING ITO
ANG TULIN O BILIS NG PANANALITA,
PAGBIBIGAY DIIN SA MAHAHALAGANG
SALITA O MENSAHE NA KAILANGANG
MAUNAWAAN NG TAGAPAKINIG, TONO NG
PANANALITA, PAGTAAS AT PAGBABA NG
TINIG AT PAGLAKAS AT PAGHINA NG TINIG.
2. TINDIG
-tumindig nang maayos at iwasan ang
tindig militar na parang naninigas ang
katawan. Sikaping maging magaan ang
katawan at nakarelaks.
3. GALAW
-tumutukoy sa anumang pagkilos na
ginagawa ng tao na may kaugnayan sa
pagsasalita o pagpapahayag ng
kaisipan o anumang damdamin sa
madla o mga tagapakinig.
4. KUMPAS NG KAMAY
-ginagamit ag kumpas ng kamay sa
pagbibigay diin sa sinasabi.
Halimbawa: pagtaas ng kanang kamay
Ngunit hindi dapat makaagaw ng pansin
ang sobrang pagkumpas ng kamay
habang nagsasalita.

You might also like