You are on page 1of 6

TALUMPATI

Akademikong
Sulatin:
1
Pagsulat ng
Panimula ng
Panukalang
Proyekto
Ang Pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi
mabibigkas sa harap ng madla.

Layunin ng Talumpati
a. Maghatid ng tuwa o sigla
b. Magbigay impormasiyon
c. Magpahayag ng katwiran
d. Mangumbinsi ng mga tao

Mga uri ng Talumpati


1. Biglaang Talumpati -Ito ay
ibinibigay nang biglaan o walang
paghahanda,
kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa
nang biglaan o walang paghahanda.
Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo
ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay
ginagamit sa mga kumbesyon seminar o
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya
rin ng manuskrito sapagkat ito ay
mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang
maayos bago bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig.
Mga uri ng Talumpati
1. Biglaang Talumpati - Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati – Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan
itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati - Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos
bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati


1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga
detalye o nilalaman ng talumpati ay
nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay
ng mga materyales ng talumpati ay
nakabatay sa panguanhing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon -
kalimitang nahahati sa dalawang bahagi
ang
pagkakahabi ng talumpat gamit ang
huwarang ito.
Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati
1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa panguanhing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpat gamit ang huwarang ito.

Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati - ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa
hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang
bibigkasing talumpati.

1.. Introduksyon - ito ang pinakapanimula.


Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para
sa nilalaman ng talumpati kaya naman
dapat angkop ang pambungad sa katawan
ng
talumpati. Ang mga sumusunod na
katangian sa isang mahusay na panimula:
- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng
mga makikinig.
- maihanda ang mga tagapakinig sa
gaganaping pagtalakay sa paksa.
- maipaliwanag ang paksa
1. Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat
angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na panimula:
- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
- maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalgang
punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.

Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati


a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang lahat
ng detalye.
b. Kalinawan - kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig.
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

3. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at
argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.

4. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng
nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

Uri ng Tagapakinig ng Talumpati

Ayon kay Lorenzo, et al. sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan (2002), ang ilan sa dapat mabatid
ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang mga sumusunod:

1. Ang edad o gulang ng mga makikinig - Mahalagang alamim ang edad o gulang ng nakararami sa mga tagapakinig. lakma ang
nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng makikinig. Halimbawa, ang mga bata ay tiyak na hindi lubos na
magiging interesado sa mga paksang pangmatanda, gayundin naman, magiging kabagot - bagot para sa mga matatanda ang mga
paksang pambata.

2. Ang bilang ng mga makikinig - Mahalagang malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa talumpati. Kung maraming
makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati. Mapaghahandaan nang husto ang
talumpati kung batid ang dami ng makikinig.

3. Kasarian - Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Nagkakaroon din ng
magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa. Mahalagang malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay
binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o ng magkahalong kasarian.

4. Edukasyon o antas sa lipunan - Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng nakararaming dadalo sa pagtitipon at
maging ang antas ng kanilang buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng edukasyon saa kakayahan ng mga tagapakinig na
umunawa sa paksa. Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pankat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na
akma para sa kanila. Kung ang karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba
ring pamamaraan ng pagtatalakay ang dapat gamitin sa kanila.

5. Mga saloobin o dati nang alam ng mga nakikinig - Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng
mga nakikinig tungkol sa paksa. Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping gawing kasangkapan ito ng mga
bago at karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes.

Tema o Paksang Tatalakayin

1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin - Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng
impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin at dyornal. Mula rito ay maaaring kumuha ng mahahalagang datos o
kinakailangang impormasyon tungkol sa paksa kasama ang sanggunian. Maaari ding magsagawa ng interbyu sa isang taong
eksperto sa paksang tatalakayin upang higit na maging makatotohanan ang nilalaman ng susulating talumpati sa pamamgitan ng
pagbanggit ng mga nagging karanasan at nalalaman ng taong kinapanayam.

Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang laman, at may mga maling impormasyon. Mahalagang
isiping higit na mahalaga ang nilalaman ng talumpati kaysa sa ganda ng boses, husay sa pagbigkas, at mga biswal na tulong sa
presentasyon.

Sa kasalukuyan, ang internet ang isa sa pangunahing ginagamit ng marami sa pangangalap ng mga datos mula sa
mapagkakatiwalaang mga sanggunian, artikulo, aklat, at iba pang babasahin.

2. Pagbuo ng Tesis - Matapos makapangalap ng sapat na datos o impormasyon ang susunod na hakbang na gagawin ay ang pagbuo
ng tesis o pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin. Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing
mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay
magbigay ng kabatiran, ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay
manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay magtaguyod ng
pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig.

3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto Kapag may tiyak nang tesis - para sa talumpati, maaari nang alamin ng
mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang
mahahalagang detalyeng bibigyang pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati.

You might also like