You are on page 1of 17

Piktoryal na

Sanaysay
T. Kara
Ayon kay Amit Kalantri, isang
nobelistang Indian,
“A photograph shouldn’t be just a picture,
it should be a philosophy.”

(https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay/)
Ang piktoryal na sanaysay ay isang sulatin kung saan
higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat.

May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay-


sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may
kasamang larawan.

(Baisa-Julian at Lontoc, 2017)


Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng
sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay.

Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga


binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may
maiikling teksto o caption.

(https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-
sanaysay/)
Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang
impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.

(https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-
sanaysay/)
May piktoryal na sanaysay na:

• binubuo lamang ng mga larawan.


• binubuo ng mga larawang may maiikling teksto
• binubuo ng kalakhang teksto at sinasamahan ng mga larawan

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Dalawang Uri ng Piktoryal na Sanaysay

1. Kronolohikal - ito ay nagsasalaysay ng isang istorya sa


pamamagitan ng pagkakasunod-sunodng mga pangyayari

2. Thematic - nakapokus sa sentral na tema (halimbawa: ay


kapaligiran, isyung panlipunan, o kaya ay tungkol sa pamilya)

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

1. Ang kwento o ang istorya – Ang kwento ng ginawa mong


piktoryal na sanaysay ay kayang mapag-isa kahit na walang
mga tekstong nakasulat para sumuporta rito

2. A range of photo o saklaw ng larawa– Nangangahulugan na


kailangan magkaroon ng barayti ang mga kukuhain mong
larawan.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

2.1. The Lead Photo – Maihahalintulad ito sa unang dalawang


pangungusap na mababasa mo sa mga artikulo sa pahayagan.
Kinakailangang dapat sa bahaging ito pa lamang makuha mo na
ang atensyon o interes ng mga titingin dito. Sinasabi na ito ang
pinakamahirap na gawin sapagkat kailangang maingat na piliin ang
larawan na nakabatay ayon sa tema.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

2.2. The Scene – Ang lugar at ang paglalarawan sa lugar.


2.3. The Portraits – Kinakailangang magkaroon ng kahit isang
portrait nang sa gayon ay mailabas o makapagpakita ng masidhing
emosyon sa mga mambabasa.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

2.4. The Detail Photos – Sa bahaging ito mahalaga na ang kapsyon


mo sa mga larawan ay kinakailangang impormatibo at kapupulutan
ng aral.
2.5. The Close-up Photos – Ang larawan naman sa bahaging ito ay
“tightly cropped” at “simple shots” na makapagpapakita ng
ispesipikong elemento ng iyong istorya. Muli, sa bahaging ito
mahalaga na ang kapsyon mo sa mga larawan ay kinakailangan
malinaw at maayos na naipahayag.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

2.6. The Signature Photo – Nagbubuod ng buong sitwasyon.


2.7. The Clincher Photo – Pinal na larawan, na makapaglalabas ng
emosyon ng iyong mga mambabasa, na kung gusto mo bang ang
emosyon na maiwan sa kanila ay pagiging masaya, malungkot,o
pagkakaroon ng pag-asa.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

3. Organisasyon ng mga larawan – Mahalaga ang pagkakaayos ng


mga larawan sa isang piktoryal na sanaysay nang sa gayonay
maipapahayag mo nang epektibo ang nais mong iparating.
4. Impormasyon at emosyon – Dapat na may impormasyon at
emosyon ang larawan upang lubusan mong mahikayat ang iyong
mga mambabasa.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

5. Kapsyon – Ito ang iyong pagkakataon upang ilarawan ang


nangyayari sa pamamagitan ng salita; at dahil dito, mas
makakasigurado ka na naintindihan ng mga mambabasa ang iyong
ginawang piktoryal na sanaysay.

(https://www.coursehero.com/file/31932153/Piktoryal-na-Sanaysaydocx/)
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Piktoryal na Sanaysay
• Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinasaayos o pinag-isipang
mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o
kaisipang nais ipahayag.
• Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta
lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa
interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.

(Baisa-Julian at Lontoc, 2017)


Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Piktoryal na Sanaysay
• May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi
maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa
paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang
layunin ng pagsulat o paggawa ng piktoryal na sanaysay.
• Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba
ay mga bata, kabataan, propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang
kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga
salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

(Baisa-Julian at Lontoc, 2017)

You might also like