You are on page 1of 5

NAKALARAWANG SANAYSAY/PICTORIAL ESSAY

Panimula
Lagi nang naririnig ang kasabihang ang isang larawan ay katumbas ng
sanlibong salita. Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga komplikadong ideya
sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Kaya naman karaniwang kamangha-
mangha ang resulta kapag pinagsama-sama at inayos ang mga larawan. Ang pag-
aayos na ito ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya ay tinatawag na
nakalarawang sanaysay o pictorial essay.

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon, partikular ang pag-


usbong ng smartphones at social media, ang popularidad ng photo essay. Kahit sino
ay maaaring nang gumawa nito. Tumingin lang sa mga social media site, blog at Web
site ng iba’t-ibang organisasyon at tatambad na nag sari-saring sanaysay na may
larawan. Ang ilan sa mga ito ay nag-aaliw at nagbibigay ng impormasyon,
samantalang ang iba ay nag-iim

Subukin
Gawain 1: Ilarawan Mo!
Panuto: Pansinin ang larawan na nasa ibaba. Magbigay ng interpretasyon o
paglalarawan patungkol dito. Isulat ang iyong sagot espayong inilaan sa ibaba ng
larawan.

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________.
Gawain 2:

Layunin

1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng pictorial/photo


essay. (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_FA11/12PU-0d-f-93)
3. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang pictorial/photo
essay. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)

Nakalarawang Sanaysay/Pictorial Essay


Ang “photo o pictorial essay” ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos
upang maglahad ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng
particular na konsepto o magpahayag ng damdamin. Hindi limitado ang paksa ng
photo essay. Maaaring ito ay serye ng mga imahen sa mataong bangketa, magulong
konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin. Maaaring ito ay patungkol sa isang
natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.

Ang “photo essay” ay katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit
ng mga teknik sa pagsasalaysay. Ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga
larawan sa pagsasalaysay. May mga photo essay na binubuo lamang ng mga
larawan. Ang iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling teksto.

Kalikasan ng Nakalarawang Sanaysay

Ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa serye ng mga


larawan. Ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento samantalang ang mga
nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan.

Elemento ng Nakalarawang Sanaysay


1. Sa kwento, dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat na
artikulo. Hayaang magsalaysay o magbigay ng komentaryo ang mga larawan.
2. Ang mga uri ng larawan ay tumutukoy sa barayti ng mga retrato gay ng wide
angle, close up, at portrait na mahalagang mailahok sa isang piyesa.
3. Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa itong
makapagkuwento sa paraang kaakit-akit at lohikal.
4. Mahalagang maglahok ng mga larawang nagtataglay ng impormasyon at ng
emosyon. Sa pamamagitan ng mga larawang ito, mabisang naipapahayag ng
manlilikha ang kaniyang mensahe.
5. Ang paglalarawan o caption ay mahalaga upang masigurong maiintindihan ng
mambabasa ang kanilang tinutunghayan.

Proseso sa Paglikha ng Nakalarawang Sanaysay/Pictorial Essay

a. Pamilyar sa pipiliing paksa


b. Isaayos ang pagkuha ng larawan
c. Magsagawa ng pangunang pananaliksik bago sumalang sa pagkuha ng
larawan.
d. Paglikha ng balangkas
e. Kumuha ng maraming larawan at siguraduhing may kwento at kaisahan ito.
f. Piliin ang angkop na imahen at ayusin sa lohikal na pagkakasunod-sunod
g. Isulat ang teksto – pamagat, maikling panimula, mga paglalarawan o caption,
maikling pagtatapos o kongklusyon.

Gawin

A. Kkkk
B. Kkkk

Buoin

Palawakin

Silipin ang mga photo essay na tampok sa mga sumusunod na Web site
at obserbahan kung paano binuo at inayos ang mga itpio.

Pinaka
Overview - Panimula
Pre-assessment – Subukin
Objectives – Alamin
Contents – Tuklasin, suriin
Exercises – linangin
Activities – gawin
Summary – buoin
Providing links – palawakin
Post assessment – tayahin
Enrichment – pagyamanin
Reference – sanggunian
Answer key – susi sa pagwawasto
Metadata - metadata

You might also like