You are on page 1of 8

Mga Pamamaraan at

Estratehiyang
sa Pagsusuri at Pagsusulat ng
Tekstong sa Larangan ng
Humanidades
a. Deskripsyon o Paglalarawan

Halimbawa:
Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito.
Nangingibabaw ang ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tinder sa
pagsalubong sa isa na naming bagong araw. Katakam-takam tingnan ang
mga sariwang gulay, ang kumikinang-sa-karaniwang mga isda, mga
bagong dating na karne, prutas, at iba pa.
b. Paglilista

Halimbawa:
Sa daloy ng laro, lumalakas (“level up”) ang bawat hero sa
pamamagitan ng (1) pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero, (2)
pagbasag ng mga tore (“tower”) ng kalabang koponan, (3) pagbili ng
mga gamit (“items”) gamit ang naiipong pera (“gold”) ng bawat player
mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at creep.
c. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Halimbawa:
Ang mga pangyayaring sa tinatawag na telecommunication
revolution ay nagdulot ng malaking impak sa teknolohiya ng
komunikasyon mula nanh ipakilala ang telegraph noong dekada 40 siglo
19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse Code noong 1844 (Search
Unified Communication). Ang mga tuklas na ito ang nagbunsod sa iba’t-
ibang modipikasyon at pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon.
Taong 1960 nang magkaroon ng telecommunication satellite na isang
balloon. Naging sunud-sunod na ang lalo pang pag-unlad ng teknolohiya
hanggang sa makapaglagay ng unang satellite sa kalawakan, ang Telstar,
na nagging dahilan upang maging possible ang komunikasyon ng tao sa
bawat panig ng mundo.
d. Sanhi at Bunga
Halimbawa:
Nakakabahala para sa mga magulang kung Jejemon ang isang anak
dahil nakikita nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung
talagang nahumaling na ang isang tao sa paggamit ng wikang jejemon,
ginagamit niya na rin ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung
hindi naiintindihan ng mga magulang ang Jejemon, magkakaroon ng isang
harang sa pagitan ng magulang at anak sa komunikasyon. Dahil dito,
maaaring mapalayo ang loob ng anak sa kaniyang mga magulang.
e. Pagkokompara

Halimbawa:
Kapuna-puna ang kaibahan sa Kubismong Pranses ng mga likha ni
Manansala, na kung kaniyang tawagi’y Tahimbuhay. Naiiba ang mga ito
hindi lamang sa kanilang pagpapahalaga sa kaanyuan ng mga bagay na
ipininta, kundi pati sa karamihan ng mga hugis ng mga bagay. Naririto ang
palayok, kawali, mangkok, sandok, gayundin naman ang iba’t-ibang
sangkap ng anumang iluluto. Isda, kamatis, at iba pang mga gulay.
PAGSULAT SA
HUMANIDADES
1. Impormasyonal
- Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
a. Paktuwal na Impormasyon
b. Paglalarawan
c. Proseso
2. Imahinatibo
- Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon
(nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan,
gayundin ang pagsusuri dito.

3. Pangungumbinse
- Pagganyak ito upang mapaniwala o di-mapaniwala ang
bumabasa, nakikinig, at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo
kaya’t mahalagang ang opinion ay kaakibat ng ebidensya at
katuwiran o argumento. 32

You might also like