You are on page 1of 3

0PANGUNAHING SULIRANIN: Ano-ano ang mga epekto ng barayti ng wika na

idyolek? TIYAK NA SULIRANIN (ito yung mga specific questions regarding sa


pangunahing suliranin. 1. Ano ang magandang epekto ng barayti ng wika na
Idyolek? 2. Ano ang hindi magandang epekto ng barayti ng wika na Idyolek? 3.
Ano ang Idyolek?
KABANATA 1

EPEKTO NG BARAYTI NA WIKANG IDYOLEK


RASYUNALE SA PAGAARAL

A) PANIMULA

Sa paglipas ng panahon, maraming salita o istilo ng pagsasalita ang nagbabago o dumarating sa bawat
takbo ng buhay ng tao. Ang halimbawa nito ay ang barayti ng wikang Idyolek. Ang barayti ng wikang
Idyolek ay isang uri ng pormal na wika na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal sa isang yunik na
pamamaraan. Ang maaaring pagkakaiba sa barayti ng wikang ito ay ang kaibahan ng dulot ng pagbigkas
o pamamahayag o pagbibigay-diin sa mga salita o parirala. Maaaring kaibahan rin sa paggamit ng tono o
ritmo sa pagbigkas o paghayag ng partikular na pangungusap. Ang barayti ng wikang Idyolek ay ang
pinaka-liberal na wika at pinakaprominente na ginagaya ng mga impersonators kadalasan sapagkat ang
kakaibang istilo ng pagsasalita ng kanilang mga ginagaya ay siyang nagbibigay-buhay sa kanilang mga
pagpapatawa, ito ay halimbawa ng epekto ng Idyolek. Nang dahil sa barayti ng wikang ito, ang bawat
indibidwal ay nagkaroon ng tatak o namumukod-tanging pamamahayag ng saloobin.
Subalit maaaring maging problema ang barayti ng wikang Idyolek sa pamamagitan ng maaaring
maging sanhi ng bullying kung naisipan ang barayti ng wikang Idyolek sa maling pamamaraan, gaya ng
isang indibidwal na may yunik na istilong natural ng pagsasalita ay maaaring gawing katatawanan ng
mga tao sa paligid na walang kamalayan sa barayti ng wikang Idyolek kaya’t mahalagang magsaliksik
patungkol dito at alamin ang bawat impormasyon at datos ng barayti ng wikang Idyolek.

B) LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay bigyang katuturan ang barayti ng wikang Idyolek na gamit
ang naturang impormasyon tulad ng mga paraan sa paggamit nito at tungkulin nito sa komunikasyon.
Ninanais din ng mga mananaliksik na aralin ang kasaysayan ng wikang Idyolek kung paano ito nabuo at
kung ano mga prosesong pinagdaanan.

You might also like