You are on page 1of 19

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Filipino II

Wika sa Telebisyon, Pelikula at Adbertisment


Unang Markahan
Ikaapat na Linggo Modyul 4

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa
pama- magitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
pelikula,
2. Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay-halimbawa

INIHANDA NI:
VICTOR ROMUALD ORONCILLO,LPT
GURO SA FILIPINO
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay para sa lahat ng mga estudyanteng kumukuha ng Asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ito ay isang modyul na
nakapagbibigay ng bentahe sa mga estudyante sa larangan nng komunikasyon na ang wikang
ginagamit ay Filipino. Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang makikilala mo ang kahulugan at
kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wika na magagamit bilang wikang pambansa, wikang
panturo at wikang opisyal. Sisimulan natin ang talakayan sa pamamagitan ng isang usapan.
Pagkilatis sa isang partikular na Saligang Batas ng 1987. Handa ka na ba, halika na at ating
simulan ang aralin.

PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na
ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno. Nagpapayaman
ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong
pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay
para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pangaraw-araw na
gawain.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.


BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos makompleto ang mga
aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at konseptona
kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang
nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga natutunan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang natutuhan o
impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul
ARALIN 1
ANG BARAYTI NG WIKA SA
MODERNONG TEKNOLOHIYA
INAASAHAN

Sa araling ito inaasahang matutukoy mo ang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng


mga tao sa isang lipunang binubuo ng iba’t ibang kaurian. Anumang kaisipan ng sinumang tao
ay nabibigyang larawan ng wika sa loob ng Lingguwistikong komunidad. Kaya kayong mga
mag-aaral na gumagamit ng modyul na ito ay inaasahang… Nagagamit ang kaalaman sa
modernong teknolohiya (Facebook, Google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong
pangwika.

UNANG PAGSUBOK

Halina’t subukin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman sa pagkilala sa mga salitang
ginagamit sa ilalim ng lingguwistikong komunidad.
Panuto: Basahin at unawain ang mga konseptong pangwika sa bawat pangungusap.
Piliin at isulat sa iyong kwaderno ang letra ng tamang sagot
1. Barayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa lipunan. Grupo ng iba’t ibanguri o klasipikasyon ng mga
mamamayan.
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek
2. Ang Tagalog, Bikolano, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, at Waray ay nabibilang sa
____________.
A. Sinaunang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Unang Wika
D. Wika ng Masa
3. Barayti ng wika na nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng
pinanggalingang lugar ng tagpagsalita o grupo ng tagapagsalita.
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Diyalek
4. Filipino, Mandarin, Español, Pranses, at Ingles ay maituturing naman na ____________.
A. Unang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Sinaunang Wika
D. Wika ng Mayayamang bansa
5. Ito ay nakagawiang pamamaraan ng pagsasalita ng isang indibidwal o isang pangkat ng tao. Tinatawag
din itong “estilo sa pananalita”.
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek

BALIK-TANAW

IBAHAGI MO, SAGOT MO


Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa wika. Ibahagi ang iyong
natatandaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga sumusunod.
1. Siya ang nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng iisang kultura?
2. Artikulo na naglalahad na ang pamabansang wika ng Pilipinas ay tatawaging FILIPINO?
3. Bakit tinawag na wikang panturo ang wikang FILIPINO? Ipaliwanag.

MAIKLING PAGPAPAKILALA
SA ARALIN
Ang Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwa-
hiwalay ng mga pulo at kabundukan. Hindi maiiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan
ng pamumuhay ang mga Pilipinong naninirahan sa isang partikular na lugar. Kasabay ng
kanilang pag-unlad ay ang pagbuo rin ng wika sapagkat kabuhol ng wika ang kaniyang kultura.
Upang lalo pang mapalawak ang ating kaalaman sa aralin, panoorin natin at basahin ang mga
impormayson ukol sa linggwistikong komunidad at Barayti ng Wika. Buksan lang ang
sumusunod na mga link. Kung hindi makaka-access sa internet, basahin na lamang ang talakay
sa susunod na pahina ukol sa aralin.

Tara! Tayo na’t Magpakatalino!

PANOORIN MO! BASAHIN


MO!
LINGGWISTIKONG https://www.youtube.com/watch?
KOMUNIDAD v=kw4nv-vsYik

UNA,PANGALAWANG WIKA https://www.youtube.com/watch?


AT BARAYTI NG WIKA v=FG6X5zIoY-4

Pag-Aralan Natin!
May kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika ang lingguwistikong komunidad o sa mas
madaling pagkaunawa, ang pinag-uusapan dito ay ukol sa mga barayti o baryasyon ng wika.
Sinasabing ang paglipas ng iba’t ibang lahi at sa pagsibol ng mga makabagong henerasyon tulad
ng “Gaylinggo”, “Jejemon”, “Conyo”, “Combo,” at marami pang iba ang dahilan ng
pagkakaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Filipino. Ayon sa aklat ni Jocson,
(2016) mula sa aklat na Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Lingguwistikong Komunidad ang tawag sa mga wikang ito. Isinasaalang-alang din sa pag-aaral
ng komunidad na ito angtungkol sa Dayalek, Sosyolek at Idyolek. Iyan ang tinatawg na mga
barayti ng wikana pang-araw-araw nating naririnig at iyan din ang magiging pokus natin sa
aralingito.
A. Dayalek
Barayti ng Wikang sinasalita ng isang partikular na pangkat ng tao sa isang lalawigan.
Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit
ng mga katutubong salita, depende sa kanilang pinanggalingang lalawigan.
Halimbawa:
• Waray ng mga taga Bisaya, Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos
• Ibaloy ng mga taga Mountain Province, Zambal ng mga taga Zambales.
B. Idyolek
Tawag sa pansariling istilo ng pagpapahayag ng isang indibidwal. Tinagurian din
itong”accent” sa pananalita na masasabing natatangi sa isang tao o sumisimbolo sa kanilang
pagkatao.
Halimbawa:
• “Ang buhay ay weather-weather lang”- Kim Atienza
• “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
C. Sosyolek
Wikang sinasalita ng partikular na grupo. Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyoekonomiko at kasarian ng indibidwal
tulad ng mga salitang nabibilang sa LGBTQ at salitang kalye.
Halimbawa:
• Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
• Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
• Wa facelak girlash mo! (Walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ang gelpren
mo)
Mayroon ding tinatawag na Etnolek at Ekolek. Ang una ay nabubuo mula sa
etnolingguwistikong grupo, samantala ang huli naman ay mga salita na nabubuo at naririnig sa
loob ng tahanan. Batay naman sa takdang aralin.ph gabay sa mag-aaral, sinasabing ang Unang
Wika ay tinatawag din bilang katutubong wika. Ito ay literal na wika na natututuhan natin mula
nang tayo ay ipanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika.
Bukod dito, ang unang wika ang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob
ng bahay.
Halimbawa:
• Filipino para sa mga Pilipino
• Ingles para sa mga Amerikano
Samantala, ang Pangalawang Wika, ay tumutukoy sa alinmang wikangnatutuhan ng isang
tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyangunang wika.
Halimbawa:
• Ingles para sa mga Pilipino
• Espanyol para sa mga Amerikano (Jocson, M., 2016)
GAWAIN 1

Panuto: Kantahin o basahin ang kopya ng isang saling awit sa loob ng kahon na may mga
katumbas sa ibang wikang dayuhan. Buksan lamang ang link na nasa ilalim ng titulo upang
marinig ang himig at masabayan ito. Pagkatapos awitin, suriin ang nilalaman at sagutin ang mga
tanong sa ilalim. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Porque (Pagsasalin sa Porque (Pagsasalin sa PORQUE (Pagsasalin sa


Tagalog) Chavacano) Español)
by: Maldita
https://www.youtube.com/watc https://www.youtube.com/w https://www.youtube.com/w atch?
h?v=6gkAtwUUB1M atch?v=Eb0Cay4L3vk v=Ui-ubLU7pRM Doy

Tulala lang sa 'king kwarto Solo solo na mi cuarto vueltas en mi cama Me cuesta
at nagmumuni-muni Hinde ta pwede durmi tanto dormir Me pregunto a
Ang tanong sa aking sarili Vira vira na cabesa mí mismo Donde yo me
saan ako nagkamali? El dolor yo ya cinti equivoqué ¿Por qué me
Bakit sa iyo pa nagkagusto? Porque pa contigo yo ya enamoré de ti? Si como un
Parang bula ika'y naglaho. kere? rayo te fuiste de mí ¿Por qué
Bakit ikaw pa ang napili? Como bula lang tu ya perde yo te escogí? Ahora mi
Ngayon ang puso ko ay sawi Porque contigo yo ya iskuji? corazon sufre Lo que deseo es
Kay simple lang ng aking Aura mi corazon tya sufri muy simple Que sientas lo
hiling Bien simple lang iyo ta pidi que yo sentí Pido un milagro
Na madama mo rin ang pait Era cinti tu el cosa yo ya cinti que el tiempo atrase Que sea
at Ta pidi milagro, vira'l tiempo justo el mal En mis rezos, yo
pighati El mali hace derecho pido Que yo te olvide por
Sana'y magmilagro Na dimio reso ta pidi yo siempre
Maibalik ko mali ay Era olvidas yo contigo
maideretso
Pinagdarasal ko sa aking puso
Na mabura na sa isip ko

Mga Pokus na Tanong:


1. Sa anong mga wika nakasulat ang awiting “Porque” ni Maldita?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Tungkol saan ang awitin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Madali mo bang naunawaan ang pagkakasalin nito? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong kultura ang nakapaloob sa awitin? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Sa tingin mo ang kaisipan bang nasa awit ay maiuugnay sa karanasan ng sinumang tao? Bakit
mahalagang maiugnay ang gamit ng wika sa karanasan ng isang indibidwal?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAG ALAM SA NATUTUNAN

IBAHAGI MO!
Panuto: Basahin bahagi ng blog ni Tolentino ibaba. Suriin ang pagkakalahad ng mga ideya at
mga salitang ginamit. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ilalim nito. Isulat sa kwaderno
ang sagot.

jejemon
Ni: ROLANDOTOLENTINO
Bulatlat.com
siN0H AnG iBoBo2 U~ sa ELeKxoN, N0H? c~ N0N0y~ ba Na~ wLAng TRack~ rEc0RD~
AT~ SOC-deM,~ c~ VILLar~ bA nA SndAmKMk Ang kSO ng qRapx0N, o~ C ErAp~ Na
PiNTAwd nA KRiMInl, N0h?
Ito ang bagong “craze” at pet peeve ngayon. Gusto mo o kinamumuhian mo. Gusto mo dahil
bagong anyo ito ng lengwahe, lalo na yaong historikal na naisantabi na sa kasalukuyang
terminolohiya ay ang jologs. Ito ang sub-uri ng lumpen proletaryado, ang ayaw mong makasama
sa public transport dahil ito ang inaakala mong magnanakaw ng iyong cellphone o notebook,
ayaw mong makita sa mall dahil ito ang low-brow na manggugulo lamang, o ang pumapasok sa
UP Fair para makipaggitgitan at makapasok ng libre.
Kaya marahil, ayaw mo ng jejemon o ang bagong wikang halaw sa Latin Amerika (“jeje” bilang
pagsasaad ng pagtawa o lol [laugh out loud], at ang katumbas nito sa Pilipinas ay “hehe”) na
nagpapamutiktik ng text at iba pang social networking sites (Friendster bilang pangunahing
realm ng jologs at Facebook bilang naabot na ring virtual na komunidad ng jologs at mas
naunang gitnang uri) ng dagdag na consonants at capital letters.

Pinamumutiktik ng h at ~, gayong sa aktwal na text ay 160 characters lang ang kapasidad nito,
kundi ay doble na ang bayad dito. Sa pangunahing source ng “jejemon,” ang Urban Dictionary
website, pejoratibo ang tampok na kalidad nito. Ayon dito, ang jejemon ay ang mga sumusunod:
“- a person WhO tyPeZ lYKeS tH1s pfOuh.. whether you are RICH, MIDDLE CLASS or POOR
ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED AS JEJEMON.
– (noun or adj.)
—a person who is very expert in typing..
– a person that nevr (sic) gets tired of typing consonants in all of his comments…
– people with very LOW IQ
– a person that destroys the morale of language in any typing media like internet, cellphones…
etc…
– a person you want to fuck off and kill
– an emo/gangster who owns all the possible negative qualities
(http://www.urbandictionary.com/define.php?term=jejemon)

Kung gayon, ang mga katangiang inilista ay patutsada sa abang uri (underclass) na pamali-mali
ang spelling sa texting (“spell as you pronounce” hindi pa dahil nagtitipid sa character-usage
kundi talagang di lang alam ang baybay), at kung gayon, sinasabi rin na hindi magaling mag-
type (sa kaso ng computer) at text. Kaya masasabing low IQ (walang pinag-aralan) at kung
gayon muli, pwede mong ipagfantasyang patayin kundi man makaisa man lamang sa kanila.

Parang ilang araw lang, tinanong ako ng I-phone program sa aking computer kung gusto kong
magupdate. Nag-agree ako, at natagpuan ko na lamang ang aking I-phone na blinock na ng
internet. Binili ko kasi ito sa US, pina-unlock sa Marikina Riverbanks, at nagmintina ng prepaid
sa Globe kahit pa sa kasunduan sa Apple ay post-paid lamang ang akses sa I-phone sa bansa.
Kaya nga ako na-block. Nakahabol ang copyright sa aking (iligal) na gamit ng gadget.
At ganito rin ang predikamento ng iba pang jejemons. May mahihinuang pagtutumbas sa
anumang gitnang uring panuntunan para sa mga nilalang na hindi pagkakalooban ng tadhana ng
kapitalismo na magkaroon ng akses dito. Kaya irregular ang akses. Kung branded ang sa gitnang
uri, sa jejemons ay Divisoria o Greenhills pirated (na may iba’t iba pang class ng piracy); kung
cellphones ito, pwede namang nenuk (ninakaw) o yung mas lumang modelo.

Ang paglikha ng kaantasan ay hindi lamang simpleng paghihiwalay sa may K (karapatan) at sa


wala. Ito ay paglikha rin ng epistemiko at maging literal na karahasan (sa kaso nga ng jejemon sa
Urban Dictionary na may tasitong panghihimok ng annihilation). Inetsapwera na nga sila ng
estado, ineetsapwera pa sila ng mismong mamamayan nito.
Samakatuwid, ito ang tagumpay ng mismong estado. Hindi nito kailangan gumawa ng batas para
ietsapwera ang peligrosong mamamayan. Epekto na lamang ang pagkaetsapwera ng lantarang
polisiyang ekonomiko at politika nakapabor sa naghaharing uri ng bansa. At ang isang direktang
epekto nga ng paglikha ng hegemoniya ng naghaharing uri—na pati ang pinaghaharian ay
umaastang kabahagi ng ideolohiya ng naghahari—na muling nag-eetsapwera sa mamamayan.
(Bulatlat.com)
https://www.bulatlat.com/2010/05/03/jejemon/
Mga Pokus na Tanong:
1. Paano ipinakita sa Blog na “Jejemon” ang pagbabago ng wika sa lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa anong kategorya nabibilang ang “Jejemon” batay sa ating pag-aaral? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa tingin mo nakabubuti ba o hindi ang mabilis na pagbabago ng gamit ng wika sa
pakikipagkomunikasyon sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bilang mag-aaral ng SHS paano mo ikinakategorya ang paggamit mo ng wika sa iyong
lipunan (paaralan tahanan, at komunidad)?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang barayti ng wikang ipinakikilala ng bawat pahayag na nakasalungguhit.


Isulat sa kwaderno ang titik ng wastong sagot.
1. Gaylinggo, Jejemon, Bekimon ba ika mo?
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek

2. Maayong buntag sa inyong tanan, ako po ang inyong lingkod ngayong araw.
A. Sinaunang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Unang Wika
D. Wika ng Masa

3. Tagalog Bulacan, Tagalog Batangas, Tagalog Laguna ang ilan sa mga wika sa Luzon.
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek

4. Ang Filipino, Mandarin, Español, Pranses, at Ingles ay maituturing na pangmayamang wika.


A. Sinaunang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Unang Wika
D. Wika ng Mayayamang bansa

5. Ito ang nakagawiang paraan sa pagsasalita.


A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Diyalek

6. Pre! Pahiram naman ng etneb bili lang ako ng tusok!


A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek

7. Ma! Alis po muna ko, I’ll just pay some bills of ours.
A. Sinaunang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Unang Wika
D. Wika ng Masa

8. Oh my gosh! Andyan na si crush, oh my gosh! tinignan niya ko, oh my gosh! Kumindat siya
sakin.
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek

9. Sa Kabisayaan, ito ang ilang wika: Waray, Hiligaynon, Kapampangan, at Pangasinense.


A. Sinaunang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Unang Wika
D. Dayalek
10.Narigat ti biag, no maminsan.
A. Register ng wika
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Dayalek

PAPEL SA REPLEKTIBONG
PAGKATUTO

Nagamit at napakinggan natin ang halaga ng musika sa patuloy na pagyabong ng wika


bunga ng pakikipagkomunikasyon ng iba’t ibang uri ng komunidad. Ngayon naman tayo’y
magnilay-nilay. Isulat sa kwaderno ang sa tingin mo ay gamit ng wika sa pang-araw-araw mong
buhay.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
ARALIN 2 - GAMIT NG WIKA
Sa pag-aaral ng konseptong pangwika, kasabay ding pinahahalagahan ang gamit nito sa
kapaligiran PASALITA MAN O PASULAT sapagkat ang komunidad ang nagdidikta ng paraan ng
paggamit nito sa bawat sitwasyon na hinihingi ng pagkakataon. Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay
inaasahang: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

UNANG PAGSUBOK

Halina’t subukin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman sa pagkilala sa mga pahayag na
nagpapakita ng GAMIT NG WIKA sa komunidad.
Panuto: Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot sa bawat kaalamang hinihingi sa
bawat pangungusap.
1. Ito ang gamit ng wikang nagpapahayag ng damdamin o sariling kuro-kuro.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
2. Ito naman ang gamit ng wika na naghahanap ng datos.
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo
3. Silbi ng gamit ng wika ang magpanatili ng mga relasyong sosyal.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
4. Sa pamamagitan ng mga simbolo at sagisag nangingibabaw ang gamit ng
wika na ito.
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo
5. Gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

BALIK-TANAW

Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa barayti ng wika. Ibahagi ang iyong
natatandaan sa pamamagitan ng VENN DIAGRAM.
IBAHAGI MO, SAGOT MO!

PANGALAWANG
UNANG WIKA
WIKA

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAGPAPAKILALA SA
ARALIN

Ayon kay M.A.K. Halliday ang wika ay ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang
iba’t ibang uri ng lipunang kinabibilangan. Sapagkat ang wika ang salamin ng ating
pagakakakilanlan, dito rin masasalamin ang ating mga pakikipagsapalaran sa araw-araw.
Anuman ang gawin natin, ito’y masisinag sa wikang ating ginagamit sa pasalita o pasulat mang
paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa tao.
INSTRUMENTAL – tumutugon sa pangangailangan.
PASALITA: pag-uutos, pakikitungo, pangangalakal
PASULAT: Liham pangangalakal
REGULATORI – kumokontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba
PASALITA: pagbibigay panuto/direksyon, paalala
PASULAT: paggawa ng batas, recipe, direksyon sa isang lugar
INTERAKSYUNAL – nakakapagpanatili ng relasyong sosyal
PASALITA: pangangamusta, pagpapalitan ng biro
PASULAT: imbitasyon, programa
PAMPERSONAL – nagpapahayag ng damdamin o opinyon.
PASALITA: debate, talakayan
PASULAT: pangulong-tudling o editorial, pagsulat ng suring basa
REPRESENTATIBO – nagpapahayag ng komunikasyon gamit ang simbolo o sagisag PASALITA: pahiwatig,
hinuha sa isang bagay o paligid
PASULAT: anunsyo, patalastas,
HEURISTIKO – naghahanap ng datos o impormasyon
PASALITA: pagtatanong, pananaliksik, at pakikipanayam
PASULAT: imbitasyon, programa
IMAHINATIBO– pagpapahayag ng tao gamit ang kaniyang pagiging malikhain
PASALITA: pagbigkas ng tula, pagganap sa teatro
PASULAT: pagsulat ng akdang pamapanitikan

GAWAIN 1

Panuto: Basahin ang diyalogo sa ibaba. Tukuyin mo ang gamit ng wika ng mga sinalungguhitang
pahayag. Isulat sa kwaderno ang: A. kung Instrumental, B. kung Regulatori, C. kung Heuristiko,
D. kung Pampersonal, at E. kung Impormatibo.

Jazzy: Parang (1) gusto kong lumahok sa Supreme Student Council (SSG).
Naomi: (2) Ano bang ginagawa sa SSG?
Jazzy: (3) Samahan ng mga mag-aaral sa paaralan na kinikilala ng DepEd.
Naomi: (4) Bakit SSG?
Jazzy: (5) Tungkulin ng SSG na mapanatili ang kaayusan sa loob ng paaralan sa pamamagitan
ng paglikha ng progma na nagsusulong ng disiplinadong kabataan.
Naomi: Ibig sabihin, (6) katuwang ng Guidance Counsilor?
Jazzy: Parang ganun nga, pero mashigit ang pokus niya sa programang pangkabataan.
(7) Gusto kong sumali ka rin? Naomi: Ayun naman pala! Bakit mo ko gusto isali diyan?
Jazzy: Para makasama kita! maging sa extra curricular.
Naomi: (8) Trabaho ng SSG na mapanatili ang pantay na karapatan ng mga mag-aaral sa loob ng
paaralan. Maging ang kaayusan ng ugnayan ng bawat baitang sa kanilang mga guro.
Jazzy: (9)Tama! Tara Sali ka na!
Naomi: (10) hahahaha sige na nga! Push!

SAGOT:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

GAWAIN 2
Ngayong araw, ating pagyamanin ang mga kaalamang iyong natutuhan sa mga nakaraang
aralin. Isagawa ang susunod na Gawain.
Panuto:

#Lumikha ng awit na may tema patungkol sa COVID-19. Isulat ang liriko nang orihinal.
#Salungguhitan sa likhang liriko ang linyang nagbibigay-pokus sa alinmang GAMIT NG WIKA
batay kay MAK HALLIDAY.
#Lapatan ng himig at sikaping hindi lalagpas sa tatlong (3) minuto ang buong awit.
#Maaaring ang tono ay halaw sa mga DATI ng awitin o kaya nama’y TUNOG-TAO.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan Pokus Puntos


1. Gamit ng Wika Malinaw na sinalungguhitan 25
sa liriko ang mga
pahayag na nagpapakitang ng
iba’t
ibang gamit ng wika batay
kay M.A.K.
Halliday
2. Mensahe Makabuluhan ang mensahe 25
ng awitin.
Kumukurot sa damdamin ng
makababasa.
KABUUANG PUNTOS

PAG ALAM SA NATUTUNAN


Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong natutunan batay sa aralin.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang gamit ng wika sa komunidad na ipinakikilala sa bawat sitwasyon


nakasalungguhit. Isulat sa kwaderno ang titik ng wastong sagot.
1. Kumusta! Bagong lipat ako sa lugar na ito, ang ngalan ko nga pala ay Tere.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
2. “Ikaw ang Pag-ibig, na nagpasemento ng aking kaluluwa”. Tayo’y pinagtagpo pero hindi
tinadhana.
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo
3. “Anak, pasuyo nga, pakilakasan ang aircon sa kuwarto. Sobrang init!”
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
4. “MAS OK KAPAG NAKA-MASK” ayon sa DOH.
A. Regulatori C. Imahinatibo
Heuristiko D. Representatibo
5. Naniniwala ako na dapat manatiling MECQ ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng
pasyenteng positibo sa COVID-19.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
6. Panahon ngayon ng pandemya, kaya bawal lumabas, kapag lumabag…Multa!
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo
7. Mas maganda ka sa paningin ko, promise, kapag nakapikit.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
8. Sa tingin mo bilang mag-aaral ng SHS, mas epektibo ba o hindi ang online graduation sa
2021? ______
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo
9. Nais kong matutong magluto ng karekare, maaari mo ba akong turuan?____________.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal
10. Ultimo panahon ay hindi sumasang-ayon sa iyong kagustuhan!
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Napatunayan mo na sa sarili mo na ang gamit ng wika ay hindi lang sa


pakikipagkomunikasyon kundi maging saan mang uri ng sining. Isulat sa linya ang iyong
palagay. Alin sa mga GAMIT NG WIKA ang higit mong ginagamit bilang magaaral ng senior
high school?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

“Train up a child in the way he should go, and when he is old he will not depart from it”
(PROVERBS 22:6)

You might also like