You are on page 1of 1

Social Media at ang Wikang Filipino

Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga tao ay nahuhumaling na sa paggamit ng social media. Hindi
kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng social media sa buhay nating mga Pilipino. Pinagtitibay lang
nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan. Ngunit ang
social media ay hindi lamang natin nagagamit sa pakikipag talastasan sa iba’t-ibang tao. Maaaring may
mga masamang epekto rin ito sa mga mamamayang nagtatangkilik rito. Gaya na lamang ng mga laro
dito na maaring mag dulot ng pagka adik sa henerasyon ng mga kabataan ngayon. Katunayan, hindi
lamang mga kabataan ang maaaring ma-adik sa mga laro na binibigay ng social media kundi pati
matatanda ay nakikisabay na rin dito. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang social media ay lubos na
nakatutulong sa pag unlad ng wika. Bakit? Sapagkat sa pamamagitan nito, mas naipapahayag ng bawat
tao ang kani-kaniyang mga saloobin ukol sa iba’t-ibang isyu. Maaari ring maitaguyod natin ang ating
sariling wika na Filipino sa paggamit ng social media sapagkat sa pagpapahayag ng ating mga sariling
kaalaman, syempre gagamitin natin ang wikang Filipino at dahil dito, maipapamalas natin ang ating mga
nalalaman sa paraang alam natin. Sa social media, tayo ay may kalayaang gawin ang lahat ng gusto natin
na kung maaari ay nasa mabuting pamamaraan. Sa pag unlad ng wikang Filipino, kaagapay natin ang
social media dahil ito’y isang paraan na maaari nating maipagmalaki ang wikang Filipino na mag susuyo
sa iba pang mga mamamayan na patuloy na tangkilikin at gamitin ang wikang ito sa tamang
pamamaraan.

You might also like