You are on page 1of 26

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

Panimula

Sa paglipas ng panahon, sa pag-usbong ng bagong henerasyon, tunay na ang wika

nga ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang

mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Wika

ang siyang nagbibigkis sa mga mamamayan na siyang dahilan ng ating pagkakaunawaan.

Ngunit, batid ba natin ang tunay nitong epekto sa pagkatuto ng kabataan?

“Ang wika ay susi ng puso’t diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.” Isa ito sa

mga tanyag na kasabihan na nagmula kay Marisol Mapula. Ang Wika ay hindi lang basta

bastang sinasambit. Ito ay isinasapuso at isinasabuhay. Ito ang pinakamabisang

kasangkapan sa maayos na pakikipagtalastasan. Ang wika’y kalipunan ng tunog, simbolo

at kaugnay na bantas upang maiparating ang nais nating sabihin. Ginagamit ito upang

maiapaabot natin ang ating mga saloobin, kaisipan at damdamin pasalita man, o pasulat.

Ito’y isang sisidlan upang maitago at maipasa ang kultura’t kasaysayan ng isang bansa.

Nagsisilbi itong lubid upang manatili silang isa at buo sa kanilang puso’t diwa.

Gamit ang wika, naipararating ng isang tao ang kaibuturan ng kanyang

damdamin, ang tunay niyang katauhan, ang lawak ng kanyang kaalaman, at ang

kasanayan niya sa anumang larangan. Samakatuwid, ang wika ang nagsisilbing paraan

upang maipakita ng isang tao at bansa ang tunay niyang pagkakailanlan.

1
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Ang pagsasaliksik na ito ay ginawa sapagkat isa ito sa mga kontrobersiyal at

napapanahong paksa. Layunin ng mga mananaliksik na magbigay ng mga impormasyon,

istatistika, at konkretong datos ukol sa epekto ng wikang ginagamit ng guro bilang

midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Layunin din ng mga mananaliksik

na sagutin ang mga tanong at suliranin ng pag-aaral at maisapubliko ang mga saloobin ng

mga estudyante tungkol sa paksang sinasaliksik. Ito ay magpapalinaw hindi lamang sa

pagiisip ng mga mananaliksik kung hindi pati na rin sa mga estudyante at higit sa lahat

ang institusyon.

Sa tesis na isinagawa ni Mamauag (2015), masasabing wala pa ring resulta ang

iba’t-ibang pananaliksik na nagpapatunay kung ano talaga ang dapat gamiting wika

bilang midyum ng pagtuturo at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto

ng mga mag-aaral. Gayundin, wala ring matibay na batayan na mas mainam kapag Ingles

ang gamit sa pagtuturo,

Habang lumilipas ang panahon, mas lalo ring lumalaganap ang globalisasyon sa

mundo, partikular na sa Pilipinas. Hindi lang nito basta-bastang naiimpluwensiyahan ang

ekonomiya ng bansa, ngunit pati narin ang lenggwaheng ginagamit ng mga mamamayan.

Totoong kailangan din nating gamitin ang Wikang Ingles sapagkat mas ginagamit nga

naman ito sa mga kumpanya at trabaho gaya ng “Call Center”. Isipin natin kung anong

mangyayari sa ating mga Pilipino kapag mas lalong bumaba ang kaalaman natin sa

Wikang Ingles. Mas lalong maghihirap ang ekonomiya’t industriya ng Pilipinas kung

hindi natin ito gagamitin. Mahihirapan din tayo sa pakikipag-usap sa mga dayuhan kung

hindi natin ito lilinangin at gagamitin.


2
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Sa kabilang banda, nararapat din na gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo

sapagkat ito ang wika natin. Ito ang pambansang wika ng Pilipinas. Mas ginagamit din ito

sa pakikipag-usap. Ito ang sumisimbolo sa pagkakainlanlan ng sambayanang Pilipino.

3
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Ang pagsasaliksik na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng ginagamit na wika ng

guro bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na

baiting ng ABM sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima- Quezon City Campus.

Ang wikang dapat gamitin sa pagtuturo ay isang kontrobersiyang paksa na hindi

parin nabibigyang-linaw hanggang ngayon. Sa wika nagkakaugnay-ugnay ang

mamamayan ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakailanlan nila, sapagkat dito sila

nakikilala. Gamit nito, maipapakita nila ang kanilang mga saloobin, kaisipan at

damdamin.

Ayon kay Vilegas, noong 2003, ang kabataan ay binigyan na ng pagkakataong

magsalita at makinig sa Wikang Filipino sa kanilang araw-araw na buhay. Gayunpaman,

karamihan ng kabataan ay hindi nabibigyan ng pagkakataong magsalita at magensayo ng

paggamit ng wikang Ingles. Ang malinaw lamang sa ating sitwasyon, ang wikang Ingles

ay patuloy na nararanasan ang pribilehiyo nito sa Pilipinas.

Ang wika ay isang malaking salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ang tulay

ng pagkakaintindihan ng guro sa kanyang mga estudyante. Kay tagal ng ginagamit ang

wikang Ingles sa pagtuturo sa asignaturang Mathematika at Agham. Ngunit, ito nga ba

ang pinaka-epektibong paraan sa pagtuturo nito? Ang pananaliksik na ito ay nagsisikap

matuklasan kung ano nga ba ang epekto ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng

pagtuturo sa mga mag-aaral. Kailangan itong pag-aralan upang umunlad ang estado ng

pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon ngayon.

4
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Base sa pag-aaral ni Amamio noong 2000, ang kaugalian daw ng mga estudyante,

guro, at mga magulang patungkol sa Wikang Ingles at Filipino bilang midyum ng

pagbibigay impormasyon at direksyon ay nagkaroon ng kawili-wiling pagtutulad. Ang

mga estudyante at guro ay mas pabor sa paggamit ng Wikang Ingles bilang midyum ng

pagbibigay ng impormasyon at direksyon sapagkat ramdam nilang mas napapaliwanag

nila ang mga bagay-bagay sa Wikang Ingles. Dagdag ng mga guro, ang Wikang Ingles ay

isang intelektwal na lenggwahe at isang mahalagang kagamitan sa pagkuha ng

impormasyon at paggamit ng teknolohiya. Sa dako naman ng mga magulang, sila ay

panig sa paggamit ng Wikang Filipino sapagkat sinasabi nila na ito ang wikang malaya

nilang nagagamit at naipapahayag ang kanilang mga sarili. Ito ang lenggwahe na mas

madali nilang naiintindihan at mas madali nilang naipapaintindi.

5
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng wikang ginagamit bilamg midyum ng

pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay isa sa mga nakita ng mga mananaliksik na

tulay upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin. Kung kaya't ang mga

mananaliksik ay kumuha ng iba't-ibang teorya na nakapaloob sa "Mga teorya sa

pagkatuto ng wika" na makakatulong sa kanilang pag-aaral at para mas maunawaan ito.

Ang Teoryang Innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ang mga bata

ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ang kakayahan sa wika ay

likas na nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang

kapaligiran. Ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at ang

wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling

biyolohikal ng tao. (Chomsky, 1975,1965)

Ang Teoryang Behaviorist, ayon sa kanila, ang mga bata ay pinanganak na may

kakayahan na sa pagkatuto ng wika, ng kanilang kilos at gawi. Binibigyang-diin din na

kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at

pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang gawi o kilos. (Skinner, 1968)

Ang Teoryang Innateness ay ang kanyang kagustuhang matutunan ang wika ay

napapalawig ng pakikinig sa mga pahayag ng kausap, kaya, ang kanyang utak ay

gumagana sa pagbibigay ng kahulugan ng kanyang sinabi. (Noam Chomsky)

Ang Teoryang Kognitibo ay wika ng isang aspekto sa intelektwal

debelopment/pag-unlad ng bata. Kailangang maintindihan ng bata ang konsepto bago

6
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

niya makuha ang partikular na salita/wika na magpapaliwanag tungkol sa konseptong

gusto niyang buoin. (Jean Piaget)

Ang Teoryang Interaksyon ay nagpapakita ng interaksyong nagaganap sa pagitan

ng bata at ng kanyang tagapangalaga. Ang mga napapakinggang salita o pahayag (input)

mula sa tagapangalaga ay nagagaya ng bata. Sa murang edad, kakikitaan na siya ng

pagnanais na magsalita, kahit pautal-utal pa ang pagbanggit niya sa mga letra, may mga

tunog nang namumutawi sa kanyang mga labi. Habang lumalaki at nagkaka-edad ang

bata, natuto siya ng maraming salita dahil na rin sa kanyang pakikisalamuha sa iba. Kung

siya'y maging propesyonal, mas lalawak pa ang kanyang kaalaman, karanasan at mas

malalim na siyang mag-isip. (Jerome Bruner)

7
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Balangkas Konseptwal

Naisagawa ang pananaliksik sa konseptong nais bigyang kasagutan ng mga

mananaliksik. Ang mga nakapaloob dito ay ang mga katanungan, proseso at inaasahang

kakalabasan ng pananaliksik. Ang batayang konseptwal na ito ay magpapakita ng

sistematikong pananaw sa naging daloy ng pananaliksik.

Input PROSESO
1. Paano nahuhubog ng wikang  Nagsagawa ng sarbey
ginagamit ng guro ang  Nagsagawa ng interbyu
pagkatuto o kakayahan mga  Nagkalap ng mga impormasyon galing sa
magaaral?
internet patungkol sa paksa
2. Gaano kalaki ang epekto ng
wikang ginagamit ng guro  Nagbasa ng mga artikulo mula sa iba’t-
bilang midyum ng pagtuturo sa ibang librong nailathala
pagkatuto ng mga mag-aaral?  Nagkonsulta sa mga iba pang sanggunian
3. Makatutulong ba ang wikang  Pagsuri sa mga naunang pag-aaral o
ginagamit ng guro bilang pananaliksik
midyum ng pagtuturo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral?
4. Napapadali ba ang pagkatuto
ng mga mag-aaral dahil sa
wikang ginagamit ng guro
bilang midyum ng pagtuturo?
5. Hadlang ba sa pagkatuto ng
mga mag-aaaral ang wikang AWPUT
ginagamit ng guro bilang  Inaasahan ng mga mananaliksik na ang
midyum ng pagtuturo? kalalabasan ng kanilang pag-aaral ay
6. Napababagal ba ang mabigyan ng impormasyon at kalinawan
pagkatuto ng mga mag-aaral ang mga mag-aaral sa epekto ng wikang
dahil sa wikang ginagamit ng ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa
guro bilang midyum ng pagkatuto nila.
pagtuturo?  Nais ng mga mananaliksik na mabatid kung
gaano kalaki ang epekto ng wikang
ginagamit ng guro bilang midyum ng
pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral

8
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Paglalahad ng Suliranin

May mga suliranin na napag-usapan ang mga mananaliksik ukol sa kanilang

paksa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri kung ano ang mga epekto

ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ng ika-11 na baiting ng ABM sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima- Quezon City

Campus.

Ang mga tiyak na suliranin na layuning masagot ng mga mananaliksik ay ang

mga sumusunod:

1. Paano nahuhubog ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo ang

pagkatuto o kakayahan mga magaaral?

2. Gaano kalaki ang epekto ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng

pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

3. Makatutulong ba ang wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral?

4. Napapadali ba ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa wikang ginagamit ng

guro bilang midyum ng pagtuturo?

5. Hadlang ba sa pagkatuto ng mga mag-aaaral ang wikang ginagamit ng guro bilang

midyum ng pagtuturo?

6. Napababagal ba ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa wikang ginagamit ng

guro bilang midyum ng pagtuturo?

9
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay datos, istatistika, at

konkretong datos ukol sa epekto ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng

pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Binubuo rin ito ng iba’t-ibang pag-aaral at

literatura sa loob at labas ng bansa. Naniniwala ang mga mananaliksik na mayroong

positibo at negatibong epekto ang paksang sinasaliksik. Sa tulong ng mga estudyante ng

Unibersidad ng Our Lady of Fatima - Quezon City Campus, edad labing lima hanggang

edad dalawampu, kumuha ang mga mananaliksik ng limampung respondente mula sa

mga mag aaral ng ng ika-11 na baiting ng ABM sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima-

Quezon City Campus. Ang sarbey na gagawin ay sa loob lamang ng unibersidad taong

2019-2020.

Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng mga kalahok na may sariling

karanasan at kaalaman patungkol sa paksang pinag-aaralan.

10
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa paglaganap ng edukasyon sa

bansa. Isipin natin kung sa paanong paraan tayo magkakaroon ng kaalaman sa iba’t-ibang

larangan kagaya ng sining at agham kung wala tayong sariling wikang pinanghahawakan.

Ang wika ang siyang nagbibigay daan upang magkaroon tayo ng iba’t-ibang kasanayan at

kaalaman sa ating kapaligiran. Kaya ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral

- Makatutulong ito upang mabigyang sila ng linaw sa mga epekto ng wikang

ginagamit sa pagtuturo sa kanilang pagkatuto. Sila ang pangunahing pokus sa

pag-aaral na ito kaya malalaman rin nila kung gaano ng aba kalaki ang epekto nito

sa pagkatuto nila. Bukod pa riyan, mabibigyan din sila ng kasagutan kung

nakatutulong ng ba o nakahahadlang ang wikang ginagamit ng guro bilang

midyum ng pagtuturo.

Sa mga guro

- Malalaman nila kung gaano kalaki at ano-ano ang mga epekto ng wikang

ginagamit nila bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng kanilang mag-aaral.

Maaari nila itong gamitin bilang aplikasyon sa paraan ng pagtuturo nila.

Sa mga magulang

- Makatutulong ito dahil sila ang mas nakakaunawa at mas nakakaalam kung ano

ang nakabubuti sa kanilang anak. Mahalagang salik ang mga magulang sapagkat

11
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

sila ang unang mga guro ng mga kabataan. Isa sila sa mga taong nakakaapekto sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa mga susunod na henerasyon ng mananaliksik

- Maaari itong gawing sanggunian ng mga susunod pang henerasyon ng

mananaliksik. Ang mga nasaliksik sa pag-aaral na ito ay puwede nilang gawing

gabay at ideya kung saan nga ba talaga dapat tayo mag pokus sa wikang ating

gagamitin.

12
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Terminolohiyang Ginamit

ABM

 Accountancy, Business, Management

 Isa sa mga strand na inaalok sa Academic Track ng Senior High School

Asignatura

 Lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto.

 Pinag-aaralan ng mga mag-aaral o tinuturo ng mga guro

Filipino

 Ito ay hango sa wikang Tagalog na siyang pangunahing wika ng Kalakhang

Maynila at mga kalapit nitong lalawigan tulad ng Laguna’t Bulacan.


 Pambansang wika ng Pilipinas

Guro

 Isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral.

 Tagaturo o tagapayo

Henerasyon

 Ang mga susunod pang mga taong ipapanganak

 Salinglahi o mga taong ipinanganak at nabuhay sa iisang panahon

Ingles

 Isang wika na nagmula sa mga wikang Aleman na isang sangay ng Indo-

Europeong pamilya ng mga wika.


 Pangalawang wika ng mga Pilipino

Mag-aaral
13
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

 Isang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino.

Mananaliksik

 isang taong kumakalap at naghahanap ng mga impormasyon at mahahalagang

detalye patungkol sa isang paksa.

Mother Tongue

 Ang unang salita o wika na ating natutunan mula sa pagkabata.

Wika

 Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang

maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.


 Bahagi ng pakikipagtalastasan

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


14
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Sa pag-aaral na ito, nakapaloob ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

inilahad ng mga mananaliksik upang magkaroon ng mabuting pananaw sa mga suliranin

na napapaloob sa pananaliksik na ito.

Banyagang Literatura

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga

kaisipan damdamin at mithiin. (Edward Sapir - Langage, introduction à l'étude de la

parole, 2014)

Ayon kila Bartlett (2015), maraming sistemang pang-edukasyon sa buong mundo

na ipinipilit ang ekslusibong paggamit ng isa o ilang pribilehiyo ng mga wika kahit na

nangangahulugan itong pagliban sa iba pang wika na sanay nang sinasalita ng mga bata.

Tinutuon ng sistemang pang-edukasyon ang paggamit at paghasa ng isa o iilang mga

wika na hindi isinasaalang-alang ang pang-unawa ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Ibrahim (2017) sa kanyang artikulo na “English as a medium of

instruction: Challenges to Nigerian primary schools” na mas mainam gamitin ang

mother tongue ng mga mag-aaral sa pagtuturo kaysa sa paggamit ng Wikang Ingles. Ito’y

sa kadahilanang mas nagagawa nang maayos ng mga estudyante ang ipinapagawa

sakanila.

Ayon sa artikulo ni Galloway (2017), Sinasabing mas ginagamit ang Wikang

Ingles sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng STEM sa Netherlands at Scandinavia dahil mas

mabilis ang paglaki at paglaganap nito kumpara sa ibang wika. Sinasabi ring mas marami

ang natututo kapag ginagamit ang Wikang Ingles sa pagtuturo.


15
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Dapat isaalang-alang ng mga guro ang wikang kanilang ginagamit sa pagtuturo.

Hindi lang ito basta-bastang lenggwahe, ito ay parte na rin ng kanilang araw-araw na

pamumuhay. Sinabi rin ni Mulovhedzi sa kanyang artikulo (2017) na mas mainam na

ituro na ang una at pangalawang wika habang sila’y bata pa lamang.

Banyagang Pag-aaral

Nakasaad sa pag-aaral na ginawa ni Madriñan (2014), dapat daw ay may sapat ng

kaalaman ang mga mag-aaral sa kanilang mother tongue kung nais nilang aralin pa ang

ibang wika. Ito raw ang pinakamabisang paraan sa pagkatuto ng kabataan.

Sa parehong pag-aaral na isinagawa rin ng unang nabanggit, sinasabi na mas

makakatulong sa paghasa ng cognitive system ng isang bata kung magbabasa, magsusulat

at tuturuan ito gamit ng kanyang mother tongue. (Madriñan 2014)

Ayon sa National Education Support Strategy ng United Nations Educational,

Scientific and Cultural Organization (UNESCO) (2015), lubhang nakakabahala na ang

mababang kalidad ng edukasyon sa elementarya sa Pilipinas base sa achievement rates.

Dalawampu’t anim na porsiyento (26%) lamang ng mga mag-aaral sa ika-anim na

baitang ang may mastery of English (ang mastery ay nangangahulugang 75% o higit pa

ang marking nakuha). Tatlungpu’t isa (31%) ang may mastery of Mathematics at 15%

naman ang sa Agham. Ganun rin ang isinasaadng istatistika sa High School: 7% na

kahusayan sa Ingles; 16% sa Matematika, at 2% sa Agham.


16
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Nakasaad sa tesis na ginawa ni Mamauag (2015) ang aklat na International

Accounting na sinulat ni Steve Lawrence, hindi malaking suliranin ang wika sa pag-aaral

dahil maraming nang alam na paraan ang mga tao sa pagsasalin nito. Maaaring may

pinag-aralan din ang ilan sa mga banyagang wika kaya nagiging madali ang

pagpapahayag ng impormasyon tungkol sa Pagtuturo. Marami na ring kumpanya ang

multilingual o gumagamit ng dalawa o marami pang wika upang maging mas madali ang

pagpapalitan ng mga transaksyon sa isa’t-isa.

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni Bolatin (2019), ipinaliwanag nina Baker

at Jones kung bakit ang mga batang minorya ng wika na tinuturuan lamang sa

pamamagitan ng ikalawang wika ay maaaring mabigo sa paaralan at kung bakit ang mga

bata na nakapag-aral sa mga programang pang-bilingual ay maaaring magkaroon ng

cognitive advantage sa mga monolingual na mag-aaral.

Lokal na Litetura

Ayon kay Gutierrez sa kanyang artikulo, (2017) ang Wikang Filipino ay

napakahalaga dahil ito ay ginagamit natin sa pangaraw-araw na pakikipagusap. Bilang

isang kabataan, dapat ay hindi natin ito ikahiya kundi dapat itong gamitin at ipagmalaki.

Mula sa artikulo ni Mojica (2017), ang Wikang Filipino raw sa kasalukuyan ay

unti-unti nang nawawala dahil sa paggamit ng karamihan sa Wikang Ingles. Bilang

Pilipino, dapat natin itong pahalagahan, pagyamanin at huwag hayaang makalimutan.

Base naman sa artikulong nailathala ni Contreras (2014), hindi na raw dapat isalin

pa ang ilang Ingles na salita sa Filipino lalo na sa mga asignaturang Sipnayan at Agham.
17
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Giit niya rin na magkakaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan ang mga mag-aaral kung

isasalin pa ito sa Filipino. Ito ay sa dahilang ang layunin dapat ng wika ay ang

magkaunawaan.

Sinabi ni Allaine, (2012) sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang

Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino

sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring

katumbas o counter-part sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula

sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo

na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa

lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.

Ang Wikang Filipino at Ingles ay parehong mahalaga, hindi dapat natin ito

ipinagkukumpara. Wikang Ingles na nakakatulong sa pagkuha ng trabaho at Wikang

Filipino na sumisimbolo sa ating pagkapilipino. Estabaya (2017).

Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong Marso 17,

2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wikasa pagtuturo sa

mga pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang

kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.

Lokal na Pag-aaral

Ang wika ay isa sa mga mahahalagang bagay na dapat bigyan ng atensyon dahil

ito ay ang mahusay na susi sa pag-aaral at tagumpay ng mga estudyante sa iba't ibang

mga lugar ng akademikong paksa. Ang bilingualism ay tumutukoy sa paggamit ng

dalawang wika sa ilang bahagi upang mapadali ang pag-aaral ng mga mag-aaral na may
18
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

kakayahan sa kanilang sariling wika at nakakakuha ng kasanayan sa iba. Ang Pilipinas ay

isang bilingual na bansa. Higit pa rito, ito ay isang multilingual na bansa. (Gorgonio,

2014)

Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA News" kung saan sinubukan nilang

alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mgamatatanda ang kahulugan ng mga

lumang salita kagaya ng alimpuyok, papagayo at salakat. Wala sa mga modernong

kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mgasalitang ito subalit may

isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa ulat na ito" masasabi

nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ngkaalaman tungkol sa

wika mula sa ating kasaysayan.

Ayon sa ginawang pagsasaliksik nina Santos et al, (2016) mababa ang porsyento

ng kasanayan ng mgamag-aaral sa elementarya sa larangan ng mga asignaturang

Matematika, Ingles at Agham. Gayundin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa sekondarya,

ang porsyento ng kanilang kasanayansa Ingles, Matematika at Agham ay mababa.

Nangangahulugang mababa ang porsyento ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Pilipinas

na nasa elementarya at sekondarya.

Sa tesis na isinagawa ni Mamauag (2015), masasabing wala pa ring resulta ang

iba’t-ibang pananaliksik na nagpapatunay kung ano talaga ang dapat gamiting wika

bilang midyum ng pagtuturo at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto

ng mga mag-aaral. Gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit

sapagtuturo, maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa matematiks. Sa ngayon, isa sa

mgapinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto


19
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

ngpaggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Matematiks. Ayon

sakaranasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating

angmga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro

sawikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa Wikang Filipino.

Ayon kay Nolasco (2014) ng Linguistics Department ng Unibersidad ng Pilipinas,

sa cognitive aspect ng mental development ng mga bata, mas nagiging pahirap ang pag-

aaral gamit ang Wikang Ingles. Halimbawa, ang isang estudyante sa Maynila na

malamang ay pinalaki sa wikang Tagalog. Siguradong malilito siya sa pag-aaral gamit

ang Wikang Ingles. Lalo itong nagging mas mahirap sa batang hindi Tagalog ang unang

lengguwahe; mahirap pagsabayin ang Filipino at Ingles ng estudyante kung rehiyonal na

dayalekto (tulad ng Cebuano, Hiligaynon, Maranao, o iba pa) ang ikinalakihan niya sa

bahay.

Ayon naman sa pagsasaliksik na ginawa ni Jimenez (2017), Nais raw ni dating

Pangulong Gloria Arroyo na gamitin ang Ingles bilang pangunahing midyum ng

pagtuturo sa araling Ingles, Matematika at Agham simula sa grade 3 sa lahat ng

pampubliko at pribadong paaralan. Samantalang wikang Filipino naman ang gagamitin sa

asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.

Sa kabuoan, mayroong iba’t-ibang pananaw ang mga mananaliksik at iba pa

patungkol sa paksang sinasaliksik ng aming grupo. Konektado ang mga kaugnay

literatura’t pag-aaral sa isa’t-isa. Makatutulong ito sa pagbibigay ng sapat na

impormasyon at konkretong datos patungkol sa epekto ng wikang ginagamit bilang

midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


20
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

KABANATA III

METODOLOHIYANG GINAMIT

Sa kabanatang ito ay ipiprisinta ang paraan ng pananaliksik, ang mga respondent

at populasyon, mga pokus ng pag-aaral, mga instrument ng pananaliksik at tritment ng

mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

21
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang deskriptibo

o descriptive survey. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito

para sa paksang kanilang sinasaliksik sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng

datos mula sa mga respondente. Ang pananaliksik na ito ay nagangailangan ng pananaw

mula sa mga respondenteng sasagot sa mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng talatanungan para makalikom ng sapat at konkretong datos mula sa mga

respondente. Limitado lamang ang mga respondent. Ang disenyong deskriptibo ay ang

nakita ng mga mananaliksik na angkop at magiging mabisa para sa pag-aaral na ito upang

mas makakalap ng impormasyon.

Instrumentong Ginamit

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga

kinakailangang datos sa pagaaral ay isang sarbey-kwestyoneyr o talatanungan para sa

paksa ng aralin na may partisipasyon ng mga magaaral mula sa Unibersidad ng Our Lady

of Fatima Lagro Quezon City Campus sa ika-11 na baiting ng ABM. Ito ay upang

mabigyan liwanag kung ano ang iba't-ibang pananaw ng mga estudyante ukol sa sa

usaping ito. Nagamit ang nakalap na datos para sa pagaaral upang malalaman ang

pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa paksa.

Sa kabuoan, ang instrumenting ginamit ay siyang magiging daan upang makakuha

ng mga datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito.

Paraan ng Pangangalap ng Datos


22
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay nangalap ng datos na may kinalaman sa kanilang paksa. Maipapakita ng

mga mananaliksik ang proseso kung paano nakalap ang mga datos na ginamit upang

matagumpay na masagawa ang pananaliksik. Ito ang mga sumusunod:

1. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na kanilang pasasagutan.

2. Ang mga nalikhang katanungan ng mga mananaliksik ay pinasagutan sa mga

napili nilang mga respondente.

3. Pagkatapos ay pinagsuma ang mga magkakaparehas ng kasagutan.

4.Sinuri ng mga mananaliksik ang porsyento o bahagdan ng magkakaparehong

kasagutan sa katanungang ibinigay sa mga napiling respondente upang makabuo ng

isang makabuluhang konklusyon.

5. Nakamit ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondente ukol sa mga

epekto ng wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Populasyon

Ang pinagkuhaan ng mga mananaliksik ng mga respondente ay bahagi lamang ng

kabuoang populasyon ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na baitang ng ABM strand. Sa

loob ng kabuoang populasyon nito, kumuha lamang sila ng limampung respondente.

Ginawa ang pagpipili ng mga respondente sa pamamagitan ng Simple random sampling.

Respondente
23
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na

baiting na kumukuha ng ABM strand sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima sa lungsod

ng Quezon. Nagkaroon ng limampung (50) respondente sa pag-aaral na ginawa. Simple

random sampling ang mga napiling paraan ng pagpili ng respondente. Ang mga kalahok

ay nahati sa dalawang grupo. Ang grupong babae na may ibang pananaw patungkol sa

epekto ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga

mag-aaral at lalaki na iba rin ang pananaw sa patungkol sa paksa.

Istadistikal Tritment ng Datos


Ang pamamaraan ng estatistikang gagamitin ay ang pagkuha ng porsiyento o

bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaraal na ito. Ito ang ginamit upang makita

ang bahagdan ng mga sagot at bilang ng taong tumugon sa sarbey. Batay sa nabilang na

tugon ng mga respondente sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa

bawat bilang ng tugon. Ang pagkuha ng kabuoang bahagdan ay:

Kung saan ang:

P ay nangangahulugang bahagdan

ay ang bilang ng sagot

ay bilang ng respondente

24
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

BIBLIYOGRAPI

 Estabaya, B. (2017, January 8). FILIPINO ENGLISH vs ENGLISH ENGLISH.

Retrieved from http://biancaestabaya.blogspot.com/

 Gorgonio, D. (2012). Use of Filipino and English in Social Studies Learning.

Retrieved from

https://www.academia.edu/9414531/Use_of_Filipino_and_English_in_Social_Stu

dieS_Learning
25
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY – QUEZON CITY CAMPUS

 De Juan, G. (2013, March 29). Wika? ano ba ang WIKA?. Retrieved from

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/wika-ano-ba-ang-wika/

 Bayang Pilipinas (2011, October 26). Ingles o Filipino: Aling Wika ba ang Dapat

na gamitin sa Paaralan?. Retrieved from

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2011/10/26/tagalog-blogger/

26

You might also like