You are on page 1of 5

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng Kolehiyo ng Edukasyon


ng St. Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng
bawat mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang Filipino.

Petsa : Pebrero, 2020


Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayang
Pangwika
Uri ng Kagamitang Pagkatuto : Modyul 2

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga sumusunod


na panuto:
1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis College of
Bulanao.
2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit ano
mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon ng Saint
Louis College of Bulanao o sa may-akda
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap.

MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


 I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
 Ipasa ang mga kasagutan sa EDMODO ayon sa angkop na oras at petsa.
 Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess sa internet.
 Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
 Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

PAANO NATUTUHAN ANG WIKA?

I. PANIMULA
ANG pag-iisip at ang Wika ay magkalapit ang ugnayan at ang kanilang debelopment ay
magkasabay din.
Kaya nga, saan ba dapat magsimula kung magpaplano ng mga gawain para sa isang
pagtuturong pangwika. Dapat mag-ugat ang anumang pagpaplano sa pamamagitan ng isang
tanong: "Paano natutuhan ng mga bata ang wika?" Ang kasagutan dito ang titiyak kung paano
dapat ihanda ang kaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda kung anong
uri ng mga gawain ang dapat na ilaan sa mga mag-aaral.

II. MGA INAASAHANG BUNGA

A. Natutukoy at naipaliliwanag ang tungkulin ng mga mag-aaral at mga guro sa pagkatuto


at pagtuturo ng wika ayon sa mga ipinahihiwatig ng; teoryang behaviorist, teoryang
innativist, teoryang kognitibist, teoryang makatao.

B. Nakapagbibigay ng mga dapat angkinin ng guro upang maging makabuluhan ang


kanyang pagtuturo

III. NILALAMAN NG KURSO


Paksa
Paano Natutuhan ang Wika?

IV. KARANASANG PAMPAGKATUTO


Ang mga batang matagumpay na nakasusunod/nakagagawa ng mga gawaing kaugnay ng pag-
iisip ay karaniwan na iyong may kahusayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Halimbawa, ayon kay Tompkins (1990, p. 2) ang pagsulong at pag-unlad sa pagsulat ng mga bata
ay maoobserbahan habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang mga kompleks na ideya o
kaisipan sa kanilang mga sulatin.
Marami nang mga pagpapaliwanag ang ating nabasa hinggil sa kung paano natutuhan ang
wika. Ngunit halos magkakaiba at minsan ay nagsasalungatan pa ang mga ito sa isa't isa. Isang
kampo ang naniniwala na ang pagkatuto raw ng Wika ay isang likas na kakayahan; may
naniniwala naman na ang pagkatuto ng Wika ay bunga ng panggagaya sa pagsasalita rag m
matatanda. At mayroon din nananalig na ang pagkatuto ng Wika ay isang proseso ng interaksyon
sa kapwa at dapat bigyang pansin ang aktibong tungkulin ng mga bata upang maranasan at
matamo ang wika.
Hindi mapasusubalian ang naging papel ng pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa proseso ng
pagkatuto. Malaki ang naging impluwensya ng mga teoryang behaviorist, innative at kognitib
hinggil sa mga kinagawiang paraan sa pagtuturo ng wika. Ating alamin ang ilang pangunahing
teorya na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Teoryang Behaviorist

Ipinahahayag ng teotyang behaviorist na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan


sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol
ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at
mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. Binigyang-diin ni Skinner (1968),
isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o
gawi.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 2


May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain kung
tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksiyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang ay
maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang doktor o isang
abogado. Unti-unting ihahantad ang bata sa mga bagay at gawaing kaugnay nito at palagi nang
may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay
palaging kariringgan ng mga papuring: “Magaling.” “Tama ang sagot mo.” “Kahanga-hanga ka.”
“Sige, ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorist sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at
mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual method (ALM) na naging
popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorist. Ang mga
pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba:

* binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;


* binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
* paggamit lamang ng target na wika;
* kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
* kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
* ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

Teoryang Innative

Ang teoryang innative sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak


na may "likas na salik" sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975. 1965) na ang
kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay
nakikipag-interakasyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang
wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito nabubuo.
Ito'y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-
isip na "aparato" na taglay ng mga bata at tinawag niya itong language-acquisition device
(LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.
Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ang mga tuntunin. Ang
mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang LAD ay patuloy na
ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang
kaganapan ng kanilang edad (maturation).

Teoryang Kognitib

Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong


dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing
may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at
mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang
prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng
wika o di kaya nama'y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga
kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan
ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali
ay tinatanaw ng mga kognitibist bi lang isang integral na bahagi ng pagkatuto.
Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang kognitibist.
Nakapokus ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod.
Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na
halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog
na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay
nagsi.simula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang dulog
pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga
halimbawa. Ang teoryang kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang
aktibong prosesong pangkaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng
mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito'y maiuugnay ng mga mag-

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 3


aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Sa
pagkatuto ng wika, kailangang himukin ng guro ang mag-aaral na mag-isip nang may kamalayan
at pag-usapan ang wika upang mapag-ibayo ang kanilang kakayahan sa paggamit nito.
Ang teoryang kognitibist at teoryang innative ay magkatulad sa maraming aspekto.
Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas
na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang tanging pagkakaiba
ng dalawang teoryang ito'y may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga
innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong
matu an. Samantalang sa kampo ng mga kognitibist, kailangan ang patuturo at mga kaligiran sa
pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.
Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng mga
bata at kung paano sila natututo. Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga ito ang
magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyong posisyon hinggil sa
mga teoryang ito'y hindi ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng teorya o pagsasaulo ng mga
paliwanag hinggil dito.Ang mahalaga ay ang sarili mong paniniwala hinggil sa kung paano
natuto at kung paano nakapagtatamo ng wika ang mga bata.

Teoryang Makatao

Ang temyang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga salik na


pandamdamin at emosyunal. Ito'y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay
mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may
positibong saloobin Sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga kondisyon
ito'y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay maaaring hindi
magbunga ng pagkatuto.
Kaya nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang
mga mag-aaral sa wikang pag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng wika.
Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum atisang
pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam na bawat mag-aaral at
malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Kailangan ding Iinangin ng
guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.
Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa anumang
proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalangalang ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng
nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng Wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay
ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at ang
Suggestopedia ni Lazonov.

Pagkatuto vs Akwisisyon ng Wika

Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanag hinggil sa pagkakaiba ng pagkatuto


at ak%'isisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang
Wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o silabus. Ang
ganitong pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga tuntunin sa pagamit Wika at
pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang sistematiko at pormal na paraan.
Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi namamalayan at katulad ito
halos kung paano natutuhan ang ating unang wika. Ito ay nagaganap sa isang sitwasyon na ang
mag-aaral ay nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang wika."Pinupulot"
ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig na sa palagay niya'y kailangan sa pakikipag-usap sa
mga tao sa kanyang paligid.
Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng Wika lalo't higit kung pangalawang
Wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito sa isa't isa.
Kung sisilipin natin ang nangyayari sa loob ng klasrum at sa loob ng tahanan hinggil sa
pagkatuto ng wika, makikita natin ang ganitong tanawin. Sa loob ng klasrum, ipinalalagay na
kailangang ituro sa mga bata ang mga tuntunin para matutuhan ang wika. Sa halip na ihantad ang
bata sa mayamang kaligiran ng wikang sinasalita, ang input ay may hangganan at inihahanay

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 4


nang may kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng kurikulum. Ang pagaaral ay nagsimula
sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa pagbuo ng salita. Ang pokus ng pag-aaral ay ang
wika sa halip ng mga makabuluhang gawain o konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng
mga bata, isang mahigpit na batas na ang sagot ay sa kompletong pangungusap.
Sa 1oob ng tahanan, malaya ang bata sa kanyang pagkatuto. Walang mga tuntunin na
kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig. Hindi ang pagkatuto ng
magkakahiwalay na tunog at salita ang kanilang natütuhan kundi mga natural na wika na
kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo palagi ang pidbak at walang nagsasabi sa
kanila na "ulitin mo nga sa kompletong pangungusap." Ayon kay Krashen, ang ganitong
kaligiran sa pagaaral ng wika ay may "low affective filter" kaya ang pagkatuto ay madali at
mabilis.
Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilahad sa pagtuturo ng wika? Sa epektibong
pagtuturo ng wika, hindi sapat ang pagalam lamang sa iba't ibang pamaraan sa pagtuturo. Dapat
ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa mga teoryang linggwistika at sikolohiya na
pinagbabatayan ng mga pamaraan sa pagtuturo.

V. PAGTATAYA

Sagutin at Gawin
1. Anu-ano ang magiging tungkulin ng mga mag-aaral at mga guro sa pagkatuto at pagtuturo ng
wika ayon sa mga ipinahihiwatig ng:

1.1. teoryang behaviorist?

1.2. teoryang innativist?

1.3. teoryang kognitibist?

1.4. teoryang makatao?

2. Ano ang dapat angkinin ng guro upang maging makabuluhan ang kanyang pagtuturo?

VI. SANGGUNIAN

Aklat

Aguilar, R.L. et al. (2011). Sining ng komunikasyon (Akademikong filipino). Metro Manila:
Grandbooks Publishing, Inc.
Aguilar, R.L. et al. (2002). Sining ng komunikasyon (Gawaing-aklat sa Filipino 1). Makati
City: Grandwater Publication and Research Corporation.
Arnilla, A.K.A. (2013). Komunikasyon sa akademikong filipino. Quezon City: Wiseman’s
Book Trading, Inc.
Arrogante, J.A. et al. (2012). UGNAYAN: Komunikasyon sa akademikong filipino.
Mandaluyong City: National Book Store.
Arrogante, J.A. et al. (2007). Sining ng komunikasyon sa akademikong filipino.
Mandaluyong City: National Book Store.
Badayos, P.B. (2012). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Mga teorya, simulain at
istratehiyag): Metro Manila: Granbooks Publishing, Inc.
Bernales, R.A. et al. (2012). Komunikasyon sa akademikong filipino (Batayan at sanayang-
aklat sa Filipino 1, antas tersyarya). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 5

You might also like