You are on page 1of 3

TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA

Teoryang Behaviorist

Ayon kay Skinner (1968) isang pangunahing behaviorist, na kailangang


“alagaan” ang pag-unlad naintelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at
pabibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos ogawi. May
paniniwala rin s iya na maaring maisagawa ng bata ang anumang gawain
kung tuturuan at bibigyansiya ng tamang direksyon. Ipinahahayag din ng
teoryang behaviorist na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan
sapagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilangkapaligiran. Ang kakayahang
intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapa-uunlad sa tulong ng
mgaangkop na pagpapatibay dito. Ang teoryang behaviorist sa
pagkakatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at
mgapamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Naging popular noong
mga taong 1950 at 1960 ang audio-lingualmethod (ALM) na ibinatay sa
teoryang ito. Ang mga katangian ng audio-lingual method (ALM)ay ang
mga sumusunod: Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at
pagsasalita Binibigyang-diin ang pag-uulit o dril Paggamit lamang ng
target na wika Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang
sagot Kagyat na pagwasto ng mga kamalian Ang pagtuturo ay nakatuon
sa guro. Mga papuring ginagamit ng mga gurong gumagamit ng teoryang
Behaviorist: “Magaling” “Tama ang sagot mo” “Kahanga-hanga ka”

Teoryang Innatism
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata
ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag
ni Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na
pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-
interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang kanyang kagustuhang matutunan
ang wika ay napapalawig ng pakikinig sa mga pahayag nga kausap, kaya,
ang kanyang utak ay gumagana sa pagbibigay ng kahulugan ng kanyang
sinabi.

Teoryang Kognitibo (Piaget)

Ayon sa Teoryang Kognitibo, ang pagkatuto ng wika ay nagaganap


matapos maunawaan ang isang bagay o pangyayari. Ayon rin dito, ang
pagkakamali ay palatandaan ng pagkatuto. Ang wika ay isang aspekto sa
intelektwal debelopment/pag-unlad ng bata. Kailangang maintindihan ng
bata ang konsepto bago niya makuha ang partikular na salita/wika na
magpapaliwanag tungkol sa konseptong gusto niyang buuin.

Teoryang Makatao

Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay diin sa


kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Ito‘y nananalig
na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop
ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong
saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga
kondisyong ito‘y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang
panturo ay maaaring hindi magbunga ng pagkatuto. Kaya nga, sa larangan
ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang mga mag-
aaral sa wikang pag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro
ng wika. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang
kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan
maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang
nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Dagdag pa dito, mas
mabilis na natututunan ng tao ang wika at wala siyang pag-aalinlangang
gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang kanyang saloobin. Kailangan
ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.
Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral
sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang
saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at
mga gawain sa pagkatuto

You might also like