You are on page 1of 2

DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA

1. PRESCRIPTIVE GRAMMAR- Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng


mahabang talataan ng mga talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan.
 Pangunahing gawain sa klase ang pagsasalin ng mga nakasulat na teksto.
 Hindi inaasahang nasasalita ng guro ang wikang itinututro. Ang mahalaga ay may
malawak siyang kaalaman sa mga tunutuning pambalarila.

2. DESCRIPTIVE LINGUISTICS- Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o


dayagraming bilang gamiting paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika.
 Ang pagsusuri ng mga pangungusap ay nagsisimula sa paghahati ng mga pangungusap sa
dalawang bahagi at bawat isa nito ay hahatiin pang muli hanggang sa masuri ang maliliit
na komponent na bumubuo sa pangungusap.
 Ang ganitong sistema sa pag-aaral ng wika ay pinaniniwalaang mailalapat din sa pag-
aaral ng pangalawang wika.

3. TEORYANG BEHAVIORISM- Ipinahahayag nito na ang mga bata ay ipinanganak na may


kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng
pagkontrol ng kanilang kapaligiran.
 Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng
mga angkop na pagpapatibay rito.

4. TEORYANG INNATISM- Ito ay naniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may “LIKAS


NA TALINO” sa pagkatuto ng wika.
 Ipinaliwanag ni Chomsky na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas
itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
 Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis
ng sosyo-kultural na kapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito ay mabibigyang-kahulugan
lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
 Ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito
ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng
tao.
 Ang bata ay may Universal Grammar kaya may kakayahang matuto ng wika.

5. TEORYANG KOGNITIB- Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang
nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan
ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga
ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.
 Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng
mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di kaya naman ay nailalapat nang mali ang
mga ito.
 Ayon sa mga cognitivitist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.

6. TEORYANG MAKATAO- Ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na


pandamdamin at emosyonal.
 Ito ay nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop
ang kapaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa
mga bagong kaalaman at impormasyon.

You might also like