Professional Documents
Culture Documents
Inaasahang matutunan:
a. Nailalahad ang seneryo ng lipunan sa panahon ng komersyalismo.
b. Naihahambing ang dating kultura sa kultura ngayon.
c. Nakasusulat ng iba’t ibang kultura noon na buhay pa hanggang ngayon.
Introduksyon
Abstraksyon
Mga Kolonyalismo
Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin sa naging epekto ng
kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at kontexto ng
pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan,
pananakop at paniniil sa katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo ipinapalabas
ang pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga natatanging simbolikong instrumentong
ginamit ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa ng kaayusan ng mga Filipino. Ginamit ang
relihiyon upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang
maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang istrakturang politikal
at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa kultural na lebel—ang paggamit ng comedia
at zarzuela upang mahubog ang mga sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing
naging mahina ang imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang
miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng nasabing wika.
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng sariling
anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at
sarswela ang mga dulang ito.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang
pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng
pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila. Kung kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya,
kahirapan at pagkaalipin ang pananakop ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng
katauhan na sila mismo ang humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging
tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila.
Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal
Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong
kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at
karatig-Katagalugan at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares sa Cebu. Naturete at
nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula gamit ang mga dramang naisulat nina
Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad
(Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya). Kung kaya’t tinuring ang mga obrang ito bilang subersibo at
mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerika, naging palaman sa
publiko ang ganitong pagbabanta.
Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang Amerikano, pinalaganap
ng huli ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at
benevolent assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang
ganitong kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan.
Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap mula sa sensibilidad
ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok,
marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, pananda,
paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon.
Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya.
Paano? Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa.
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang una’y kultura at
ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. “Culture is both the
‘arts’ and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and
social reproduction, it is also a matter of creativity and change”
Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay
masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na
sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na
ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay
na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba
pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-
malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa
radyo tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5).
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na nangangahulugang
“kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng
popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na
pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula
sa salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay unang lumitaw at
naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura (may
empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan.
Ang produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at
mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito: “A variant of high-low
cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority of the popular, is that which decries commodity-
based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying” (2000: 44).
Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing ang gumagawa o
sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal
na hangganan ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at
marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan
ng mga bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging
pananda ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997)
usapin ng loob at labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na kulturang
nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay pumasok na sa sensibilidad,
pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi
pa sa pisikal na pagtangkilik lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng
kalooban ang mula sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa. Sa ganitong sitwasyon
pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga produkto,
bagkus sa pagkonsumo nito.
bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer. Ang
punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o
produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga
komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t
nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang
isang usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang
kanilang dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng
saysay sa mga tao. Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at resistans.
Tunay ngang nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang
popular. Ngunit nagiging pupugak-pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos
ang kagustuhan ng konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing
kuntento ang konsumer, ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin ang
kanilang lugar sa merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang magkaroon ng palagiang inobasyon sa
serbisyo at produkto, at bigyan ng maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang
manatiling tapat na tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang ganitong kalakaran ng kulturang popular? Kung
may kontrol man sila iyon ay dulot ng kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang
guguho ang kapital dahil sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng mga komukonsumo. Ang kulturang
popular sa mga kapitalista ay lugar ng pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng
malayang pagpili o paghulagpos.
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng sariling
anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at
sarswela ang mga dulang ito. Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa
ilalim ng Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang
lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila. Kung kaya’t aktuwalisasyon ng
kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang pananakop ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga
Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio
sa paningin nila ngunit naging tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila. Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal
Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong
kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at
karatig-Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares (Don
Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula
gamit ang mga dramang naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Cruz
(Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya). Kung kaya’t tinurin ang mga
obrang ito bilang subersibo at mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa
imperyalistang Amerika, naging palaman sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs, 1981): …[It]
inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of the United States in
the Philippines, and…to incite the people of the Philippine Islands to open and armed resistance to the
constituted authorities, and to induce them to conspire together for the secret organization of armed forces, to
be used when the opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the present Government and
setting up another in its stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen Fernandez, 377). Upang maiwasan
ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang Amerikano, pinalaganap ng huli ang
tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at benevolent
assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang ganitong
kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na: “American control of the
educational system made possible the distortion and suppression of information regarding Philippine
resistance to American rule and the atrocities committed by the American army to crush that resistance” (1978:
68). Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit ng sistemang
edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang namamayaning pananaw, sinabi ni Priscelina
Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang ipinagmalaki ng mga Amerikano para alisin ang
pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng
wikang Ingles. Dito ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang wika at
kulturang labas sa tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.
Pagtataya sa Natutunan:
1. Pagsulat ng Ulat Naratibo Panuto: Magbahagi tungkol sa mga nakikitang pagbabago o mga popular na
klase na mga awitin, politika at kultura (1-3 talata).
A. Awitin
B. Politika
C. Kultura
2. Isulat ang kaibahan ng mga nakagisnang kultura noon at mga kultura ngayon. (1-2 talata)
3. Balik Tanaw sa nakaraan: Sumulat ng mga kultura noon na buhay pa hanggang ngayon. 10-15 kuturang
ng mga Pilipino.