You are on page 1of 5

Pagsulat ng Balitang Pampalakasan

Balitang Pampalakasan

- Puno ng aksiyon at emosyon


- Hindi lamang hinggil sa balitang isports kundi kinapapalooban din ng trivia, lathalain,
editoryal, kartung pang-editoryal at kolum tungkol sa isports.
- Isa sa kinagigiliwang basahin ng mga kabataan.

Katangian ng Balitang Pampalakasan

 Gaya ng karaniwang balita, ang pampalakasan ay karaniwang sumasagot sa ano, sino,


saan, kailan, bakit at paano (5Ws at 1H).
 Ang mga pangyayari ay naglalarawan ng mga kapana-panabik at maaksiyong kaganapan.
 Gumagamit ng mga makukulay na salita at ginagamitan ng mga sports lingo.

Mga Katangian ng Manunulat ng Balitang Pampalakasan

1. Alam ang mga tuntunin ng laro.


2. Marunong gumamit ng mga salitang pampalakasan.
3. Hindi kinikilingan ang ibang koponan bagkus parehong pantay ang ginagawang
pagbabalita.
4. Mausisa at may matalas na pakiramdam sa bawat kilos ng mga manlalaro.
5. Marunong mag-analisa sa mga talang nakalap niya mula sa napanood na laro.
6. May malawak na kaalaman sa iba’t ibang uri ng laro upang makapagbigay siya nang
maayos na balita.
7. Hindi nagpapadala sa silakbo ng damdamin lalo na kung natatalo o nanalo ang paborito
niyang koponan.
8. Palagiang nanonood ng mga laro upang makakuha nang tumpak na tala o datos.
9. May pagpapahalaga sa iba’t ibang uri ng laro at sadyang mahiligin sa mga isports.
10. Mapag-usisa, palatanong, mapamaraan, at marunong maglahad nang maayos na anggulo
ng balita.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan

Gumamit ng maaksiyong salita na itatampok sa pamatnubay upang mahikayat ang mga


mambabasa.
Ilagay sa pamatnubay ang mga pangalan o koponang nagwagi, natalong koponan,
iskor, at anong uri ng laro, at saan at kailan ginanap ang laro.
Sa susunod na talata, ilagay kung paano nanalo ang koponan, bakit natalo ang kalaban,
ano ang lagay ng mga manlalaro, at paano ipinanalo ang laro.
Sa huling talata, maaaring ilakip ang mga manonood, ang lagay ng panahon, mga
paghahandang ginawa ng mga manlalaro, at mga hinaharap na pagsubok o suliranin
habang nag-eensayo.
Pagwawasto ng Sipi

 Ang kaayusan at kalinawan ng sipi ay nakasalalay sa tagapagwasto ng kopya.


 Iniwawasto ang kabuoan ng sipi na may kamalian sa baybay, bantas, balarila,
pagkakasulat at estilo.
 Mabusising pinag-aaralan ng tagapagwasto ang buong artikulo upang lumabas itong
maayos at maganda.

Mga Katangian ng Tagawasto o Copyreader

a. May malawak na kaalaman sa paksa o nilalaman ng artikulong iniwawasto.


b. Mahusay sa gramatika, pagbabantas, at may sapat na kaalaman o bihasa sa Filipino at
English.
c. Kabisado ang lahat ng mga simbolong ginagamit sa pagwawasto ng mga artikulo.
d. Marunong sumulat o bumuo ng mga salita.
e. May kakayahang magwasto sa mga kamalian ng mga datos batay sa naisulat na
artikulo.
f. Matiyaga sa pagwawasto ng alinmang sipi ng artikulo.
g. Malawak ang bokabularyo.
h. May sapat na kaalaman sa mga nangyayari sa paligid upang maiwasto ang mga artikulo
sakaling may maling impormasyong nakapaloob dito.
i. Alam ang batas hinggil sa libelo.
j. Hindi nagpapadala o nagpapadaig sa nilalaman ng mga artikulong iniwawasto.

Mga Gawain ng Tagawasto o Copyreader

a. Tinitiyak na wasto ang pangalan, lugar, pamagat, posisyon at iba pang datos sa artikulo.
b. Tinitiyak na wasto ang gramatika at baybay ng mga salita bago ipalilimbag.
c. Ang mga mahahabang pangungusap ay pinaiikli ayon sa estado at pamamaraan ng
pagsulat ng pahayagan.
d. Kinakaltas ang mga walang kabuluhang datos.
e. Pinapalitan ang mga salitang may kahirapang unawain.
f. Tinitiyak na walang libelo at nakapaninira ng tao ang anumang naisulat na artikulo.
g. Sumusulat ng ulo ng balita.
h. Tinitiyak na may mabisang pamatnubay na ginamit.
i. Tinitiyak na walang nagsasaad ng opinyon ng sumulat kung ito ay balita.
j. Nagbibigay ng tagubilin sa tagapaglimbag hinggil sa gagamiting tipo, bilang ng kolum,
laki ng font.
Mga Pananda sa Pagwawasto ng Sipi

You might also like