You are on page 1of 15

Pagsulat ng Analisis

Modyul ng mga Mag-aaral


sa Filipino sa Piling Larang- Isp rts

Una/ Ikatlong Markahan - Modyul 5 • Linggo 5

JENEFER CAGAS-TIONGAN
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera


i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan kung saan
ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing
ahensya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang kondisyon.
Ang modyul na ito ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum
partikular ngayong panahon ng pandemya. Alinmang bahagi ng materyal na ito ay
pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning edukasyonal lamang basta’t
humingi ng pahintulot at kilalanin ang may-ari nito. Hindi pinahihintulutan ang
paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o
pagkakakitaan.
Ipinauunawa ring ang modyul na ito ay nabuo sa tulong din ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian na may mga karapatang-ari. Kung may
pagkukulang sa pagsipi o iba pang kamalian sa modyul, ito ay hindi sinasadya at ang
bumuo nito ay bukas sa anumang pagwawasto.

ii
Aralin 5: PAGSULAT NG ANALSIS
Magandang araw sa iyo!

Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang ikaapat na modyul. Ngayon


ay sisimulan mo na ang panlimang modyul. Mahalagang magpatuloy ka pa rin sa
iyong pagpupursigeng matuto ng mga aralin sa Filipino Piling Larang-Isports.

Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa pagsulat ng analisis ng balitang


pang-isports. Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang nakasusulat ka ng sulating batay
sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika at naisasaalang-alang mo ang etika
sa binubuong sulating pang-isports. CS_FI11/12PU0m-o-101

Pabatid:
HUWAG KALIMUTANG GUMAMIT NG SAGUTANG PAPEL.
HUWAG MONG SUSULATAN ANG MODYUL NA ITO.

SUBUKIN
Panimulang Pagtataya
Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang mabuo
ang konsepto ng pangungusap.
1. Nagagawa ng isang artikulong analisis na magbigay ng _______.
A. kulay sa balitang pang-isports.
B. direksyon sa mga nais matuto ng isang laro.
C. pagkakataon sa manunulat na sumuri.
D. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komento.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong


analisis?
A. Mahabang talata C. Nagbibigay ng opinyon batay sa
mga datos
B. Naglalarawan ng mga pangyayari D. Lahat ng nabanggit

3. Alin sa mga ito ang DAPAT IWASAN sa pagsulat ng analisis?


A. acronym C. mahabang talata
B. jargon D. lahat ng nabanggit

4. Alin sa sumusunod ang HINDI katumbas ng salitang analisis?


A. ebalwasyon C. interpretasyon
B. imbestigasyon D. paglalarawan

5. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika sa pagsulat ng analisis?


A. Simple C. Seryoso
B. Maikli D. Hindi maligoy

2
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangiang dapat taglayin ng analyst?
A. etika sa pagsulat C. kaalaman sa jargon
B. gender sensitive D. pagsasalita ng Ingles

7. Mahalaga ang analisis ay isinusulat sa _________upang maaari itong ulit-uliting


basahin.
A. mapanghimok C. naratibo
B. nanghihikayat D. obhetibo
8. Iwasang gumamit ng jargon dahil _________.
A. kadalasang nasa Ingles ito. C. hindi mauunawaan ng mambabasa
B. pinapahaba nito ang artikulo D. mahirap itong saliksikin ng manunulat

9. Ang isang analisis ay nakabatay sa _______.


A. pagsusuri ng datos. C. sariling opinyon ng analyst.
B. komentong kapwa ng insider. D. detalye ng mga pangyayari.

10. Para maging epektibo ang pagsulat ng analisis, kailangang _______.


A. nagsaliksik ng mga jargon. C. alam ang patakaran ng mga laro.
B. interesado sa isusulat na isports. D. nakikinig sa komento ng mga analyst.

BALIKAN
BA LIKAN
Bago tayo magpatuloy, balikan muna natin ang kahulugan at katangian ng
opinyon na natalakay sa nakalipas na modyul.

Panuto. Ayusin ang nakarambolang salita upang mabuo ang tamang salita na
ipupuno sa bawat patlang. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Mahalaga ang NOYOIPN upang mapalalim ang diskurso sa mga pangyayari
sa isports.
2. Sa pamamagitan ng opinyon nabibigyang - YLAUK ang mga balitang
inihahatid.
3. KURDISSO ang tawag sa pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang
mahusay na usapan tungo sa isang mabisang paglalahad.
4. Dahil sa opinyon at OEMKNTAROY ay nagiging mas interesante ang
kaganapan sa isport na kinagigiliwan.
5. Nagbibigay ito ng oportunidad sa mga manunulat upang ipamalas ang
kanilang mga AKALMANA sa pagsulat.
6. Nagiging lunsaran din ang mga ganitong artikulo upang MAIHAKTAY ang
mga mambabasa na magbigay ng kanilang sariling pagkukuro sa paksain.
7. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng teksto at konteksto ng diskurso
para maging malinaw at EPKETIOB ang ito.
8. Ang teksto ang pinanggagalingan at nagdadala ng EHMENSA o opinyong
nais ipahatid.
9. Maituturing na TKSEOT ang libro, kasulatan, memo, at iba pa.
10. Ang KOETKNSTO naman ay ang lunan at dahilan kung bakit at kailan
nagaganap ang diskurso.

3
TUKLASIN
T
Gawain 1. Basahin at Suriin Mo!

Panuto: Basahin ang isang analisis tungkol sa labanan nina Mayweather at


Alvarez at sagutan ang pamprosesong tanong. Itala ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

Magkikita sina Floyd Mayweather at Canelo Alvarez ngayong gabi sa Showtime


payper-view sa isang totoong laban na nag-apoy hindi lamang sa pag-usisa ng mundo
ng boksing, kundi sa buong mundo ng palakasan. Huwag magkamali: ito ay isang
napakalaking, malaking kaganapan.
Dahil nasilip na namin ang labanan sa loob at labas na (higit pa sa ilalim ng
post na ito), tingnan natin ang kwento ng tape para sa lahat ng apat na laban, at kaunti
pang preview na itinapon para sa mahusay na pagsukat.
Floyd Mayweather vs Canelo Alvarez

Nakalalamang sa karanasan si Mayweather, at malinaw naming lamang si


Alvarez kung edad ang pagbabasehan. Walang duda na si Alvarez ay mas bata-bata
at sariwang manlalaban; sa kabila ng pakikipaglaban nang maraming beses tulad ng
kay Floyd na may mahigit-kumulang siyam na mas kaunting mga taon bilang isang
pro, si Canelo ay hindi naglagay ng maraming pagod at luha sa kanyang katawan.
Samantala, si Mayweather ay buong lakas at nagbuhos nang matitigas na laban sa
kanyang karera, masasabi kong pinarusahan niya ang kanyang katawan sa isang de
kalidad na pagsasanay, tulad ng nakita natin mula sa mga kapwa niyang boksingero
na kasing-edad at ka-henerasyon tulad nina Manny Pacquiao at Erik Morales, ngunit
marami siyang napagdaanan na serye ng pagsasanay, upang mapanatiling
malalakas ang kanyang binti. Mayroon siyang malalakas na mga binti ng isang 36-
taong-gulang ,ito ay naipakita niya nang muling nagsalpukan sila noong Mayo 4 at
nang talunin ni Floyd si Robert Guerrero.
https://www.badlefthook.com/2013/9/14/4729944/mayweather-vs-canelo-preview-tale-of-the-tape-and-analysis-for-all

Pamprosesong Tanong:
1. Saan ibinase ng analyst ang kanyang analisis?
2. Ang artikulo ba ay makatotohanan? Bakit?
3. Ito ba ay katulad ng opinyon? Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano-ano ang katangian ng analisis kung ihahambing mo sa pagsulat ng
opinyon?

4
Magagabayan ka naman ngayon sa pagsulat ng analisis ng artikulong
pangisports. Basahin at unawaing mabuti ang mga paliwanag at mga halimbawa bago
mo gawin ang mga gawain sa Pagyamanin.

SURIIN
Ano ang Analisis?
Ang mga katumbas na salita o kasingkahulugan ng salitang Analysis ay ang
mga sumusunod na salita:
✓ pag-aaral
✓ pagsusuri
✓ ebalwasyon
✓ interpretasyon
✓ imbestigasyon
✓ pananaliksik
✓ masusing pagsisiyasat
Ang analisis ay mapanuring proseso o hakbang upang makabuo ng
mahahalagang impormasyon sa paksang pinag-uusapan upang magkaroon ng
kalinawan at katibayan ang isang suliranin o paksang nangangailangan ng matibay na
kasagutan o ebidensiya.
Ang salitang analisis ay kadalasang nagagamit sa lahat ng propesyon at lahat ng
departamento ng gobyerno, negosyo, at iba pa dahil kailangan ito para sa masusing
pagtutok sa pagkakaroon ng solusyon ang isang paksa. Bahagi rin ng pagsusuri o
analisis ng datos ang pagbubuo ng palagay o prediksiyon. Analista o analyst ang
tawag sa manunulat ng ganitong sulatin.
Mga Dapat Tandaan ng isang analyst
Tandaan ang gamit ng wika at estruktura ng mga pangungusap:
 gamit ng salita
 pagbubuo ng pangungusap
 tono ng akda
 mga pagsusuri na ginawa ng akda ayon sa datos
 ang wika ng isang artikulong isports, opinyon, o analisis ay dapat simple
lamang, sa paraang parang nakikipag-usap sa mambabasa. Isang paghikayat
din ito upang ulit-uliting basahin ang mga artikulo ng isang manunulat.
 maiksi ang mga pangungusap, direkta at hindi maligoy. Ang isang talata ay
kadalasang may dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang.
 Hindi tulad ng sanaysay na maaaring humaba nang libo-libo ang salita,
kailangang panatilihing nasa daan lamang ang salita sa artikulong opinyon at
analisis
 Hangga’t maaari ay iwasang gumamit ng jargon dahil maaaring hindi ito alam
ng mambabasa.
 Iwasan din ang mga acronym pero kung gagamit nito, tiyakin na maibigay ang
buong pangalan at salita sa unang banggit.
 Maging gender sensitive sa mga komento at hindi maging
mapanghusga at magbigay ng personal na atake.

5
 Iwasan ang paulit-ulit na salita at pahayag, mga cliché, at yupemismo.
Tiyaking walang mali sa gramar. Hindi dahil simple at conversational ang wika
ay maaari nang magkamali sa gramar.
 Upang maging tiyak sa isinusulat, kailangan niyang maging interesado sa
isports o mga pangyayaring may kaugnayan dito.
 Kailangan ding alam ng manunulat ang mga patakaran o panuntunan ng laro
na pagbabatayan ng kaniyang sulatin.
 Mahalaga ring may alam sa wika o jargon ng laro na isusulat upang higit itong
maipaliwanag sa mambabasa sa paraang madali nilang maintindihan

Mahalagang kasanayan ang pagbasa ng mga datos upang makabuo ng isang


makabuluhang analisis.
Malimit na makakakita ng mga estadistika ng mga larong basketball,
volleybal, o “tale of the tape” sa boksing gamit ng mga ilustrasyon gaya ng grap o
tsart at talahanayan dahil isa itong paraan upang mailahad ang mga datos nang mas
madaling maunawaan.
Sa pamamagitan ng mga tsart, naipapakita ang estruktura ng isang sistema.
a) Grap – may layunin itong ipakita ang ugnayan ng mga guhit at tambilang sa
paksang tinatalakay.
Mga anyo: pictograph, bar graph, line grap, pie graph
b) Flow chart ang ginagamit kung maglalahad ng isang proseso mula sa umpisa
hanggang matapos ang proseso.
c) Talahanayan ang paghahanay sa mga paksa at bilang sa isang kolum upang
mabilis na mabasa at makagawa ng paghahambing.

Mula sa pagsusuri sa mga grap at mga talahayan ng mga estadistika ng mga


laro, maaaring makagawa ng isang paghihinuha na maaaring hulaan ng isang
tagasuri ang maaaring kalabasan ng laro o mga desisyong maaaring gawin tungkol
sa isang usaping isports.

PAGYAMANIN
PAGYAMANIN
Nabasa at naunawaan mo bang mabuti ang inilahad tungkol sa mga pagsulat
ng analisis? Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa sa mga naunang modyul upang ganap
mong maunawaan ang paksa. Kung naintindihan mo na ang teksto, gawin mo ang
mga susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa pagsulat ng
sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika at naisasaalangalang
mo ang etika sa pagsulat nito.
Ang mga sumusunod na gawain ay magsisilbing daan sa iyo upang
mapayaman at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.

Gawain 2. Suriin Mo!


Panuto: Basahin ang isang analisis sa ipinapakita ng talahanayan ng medal
tally ng South East Asean Games at sagutan ang pamprosesong tanong. Itala
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Pilipinas ay unang nagpadala ng mga atleta sa Palarong ginanap sa Timog


Silangang Asya noong 1977. Bago ang 1977, ang Palaro sa Timog Silangang Asya

6
ay kilala bilang Timog-Silangang Asya na Peninsular Games. Ang bansa ay nag-host
ng laro ng apat na beses; noong 1981, 1991, 2005, at 2019. Ayon sa tala,ang
pinakamahusay na taon kung saan naging kampeonato ang bansa sa mga laro ay
naganap ng dalawang beses: noong 2005 natapos bilang pangkalahatang kampeon
ng mga laro kasama ang Thailand at Vietnam na nagtapos sa pangalawa at pangatlo
sa pangkalahatang talaan ng mga medalya. Gayundin noong 2019 kung saan
nalampasan ng bansang Pilipinas ang kanilang bilang ng medalya noong 2005 sa
bilang ng mga medalyang natamo. Ang kanilang pinakamahusay na laro, ay noong
hindi kasama ang mga edisyon na nag-host ang Pilipinas noong edisyon ng 1983 na
natapos ang laro bilang pangalawa sa likod ng Indonesia.

Bilang ng Medalya sa Bawat Edisyon

7
1. Ano ang pinapaksa ng analisis?
2. Saan ibinase ng analyst ang teksto?
3. Paano ang gamit ng wika?
4. Naiintindihan mo ba ang datos sa
talahanayan?
5. Maikli lang ba ang talata sa analisis?

ISA-ISIP
ISA-ISIP
Gawain 3. Pag-isipan Mo!
Panuto: Suriin ang tale of the tape nina Manny Pacquiao at Keith Thurman .
Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Ayon sa mga bagay na makikita ay rekord na pinamagatang “fight" ay medyo


mapanlinlang, marahil ay masasabi kong hindi ganap na tumpak. Hindi ko binilang ang
huling dalawang laban ni Pacquiao laban kina Lucas Matthysse at Adrien Broner, na
maaari kong pagbasehan. Ayon sa rekord na iyon ay nagbubukod ng maraming
malalaking laban si Pacquiao, ang ilan ay hindi kinilalang mga titulo sa mundo mula
sa apat na pangunahing mga “bouts” kasama ang laban nila ni Marco Antonio Barrera
(2003 at 2007), Erik Morales (2005 at dalawang beses noong 2006 ), Oscar De La
Hoya (2008), Ricky Hatton (2009), at Juan Manuel Marquez (2011).
Napakahabang kuwento ang maaari kong mailarawan. Si Thurman ay may
"pansamantalang" mga laban na kung saan ay kasing lehitimo tulad ng maraming
mga labanang nakilala, Ngunit alinman sa paraan ay malinaw ang resulta kapag
pinagtugma mo ito: Si Pacquiao ay may napakalaking lamang kung sa karanasan
ang pagbabasehan, sa mga matchup at sa antas ng pamagat sa labanang
pangnasyunal.
Sa mga pangunahing numero nila, tulad ng kanilang edad na 40 at 30. Si
Pacquiao ay walang pag-aalinlangan isang mahusay na boksingero, na nakikita ng

8
pangkalahatang na hindi mas masahol kaysa sa nangungunang limang sa
welterweight, na maaaring narinig natin ay isang magandang pagkabahagi.
Matalino siya, dahil iyon ang pinahahalagahan ng maraming tao, matagal nang
itinuturing na mabisa si Pacquiao dahil kilala siyang mayroong mapanirang kamao
(147). Mayroon pa siyang kakila-kilabot na bilis at pagsasama-sama ng magagaling
na mga kumbinasyon, at ang kanyang mahirap na istilo ng Southpaw ay maaaring
maging nakakalito, kulang man siya sa bigat. Samantala, minsan nang naging usap-
usapan si Thurman nang umakyat siya sa ring at pinatumba si Luis Collazo sa
ikapitong rounds noong 2015 at sina Leonardo Bundu, Robert Guerrero, Shawn
Porter, Danny Garcia at Joselito Lopez na pinatumba niya pagdating sa
ikalabindalawang rounds.
Tungkol sa kanilang mga paglabas, pinalo ni Pacquiao ang past-prime na si
Lucas Matthysse mga isang taon na ang nakalilipas sa Kuala Lumpur, at ayon sa
istadistika, dinomina niya ang isang nagmamalasakit na si Adrien Broner noong Enero,
habang si Thurman ay nakipaglaban ng ilang beses lamang sa huling dalawang taon,
ang kanyang panalo noong Enero kay Lopez, at si Josesito ay nagkaroon sa kanya sa
ilang lehitimong gulo sa laban na iyon.
Ang laban ay masasabi kong napaka-interesante. Parehong itinuturing na
napakahusay na boksingero ang dalawa, ngunit kapwa may mga pag-aalinlangan, si
Pacquiao dahil sa edad, si Thurman dahil sa ilang kapinsalaan at kawalan ng
aktibidad. Ang Bad Left Hook ay magkakaroon ng live na saklaw ni Pacquiao vs
Thurman ngayong gabi ng 9 pm ET, live sa pay-per-view, na may panimulang saklaw
simula sa 7 pm ET sa FOX.

1. Ano ang kontrobersiya sa artikulo?


2. Ano-ano ang mga katotohanang inilahad patungkol sa paksa?
3. Sinunod ba ng analyst ang pamamaraan sa pagsulat ng analisis?
4. Bakit?

ISAGAWA
ISAGAWA
Panuto: Suriin ang Tale of tape nina Tony Campbell at Kevin Martin na pawang
mga miyembro ng koponan ng Minnessota Timberwolves at sumulat ng
analisis.Maging basehan ang pamantayan sa pagpupuntos sa ibaba.

9
TAYAHIN
Panghuling Pagtataya

Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang mabuo
ang konsepto ng pangungusap.
1. Iwasang gumamit ng jargon dahil _________.
A. kadalasang nasa Ingles ito. C. hindi mauunawaan ng mambabasa
B. pinapahaba nito ang artikulo D. mahirap itong saliksikin ng manunulat

2. Nagagawa ng isang artikulong analisis na magbigay ng _______.


A. kulay sa balitang pang-isports.
B. direksyon sa mga nais matuto ng isang laro.
C. pagkakataon sa manunulat na sumuri.
D. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komento.

3. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong


analisis?
A. Mahabang talata C. Nagbibigay ng opinyon batay sa
mga datos
B. Naglalarawan ng mga pangyayari D. Lahat ng nabanggit

4. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika sa pagsulat ng analisis?


A. Simple C. Seryoso
B. Maikli D. Hindi maligoy

10
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangiang dapat taglayin ng analyst?
A. etika sa pagsulat C. kaalaman sa jargon
B. gender sensitive D. pagsasalita ng Ingles
6. Ang isang analisis ay nakabatay sa _______.
A. pagsusuri ng datos. C. sariling opinyon ng analyst.
B. komentong kapwa ng insider. D. detalye ng mga pangyayari.

7. Para maging epektibo ang pagsulat ng analisis, kailangang _______.


A. nagsaliksik ng mga jargon. C. alam ang patakaran ng mga laro.
B. interesado sa isusulat na isports. D. nakikinig sa komento ng mga analyst

8. Para maging epektibo ang pagsulat ng analisis, kailangang _______.


A. nagsaliksik ng mga jargon. C. alam ang patakaran ng mga laro.
B. interesado sa isusulat na isports. D. nakikinig sa komento ng mga analyst

9. Alin sa mga ito ang DAPAT IWASAN sa pagsulat ng analisis?


A. acronym C. mahabang talata
B. jargon D. lahat ng nabanggit

10. Ang isang analisis ay nakabatay sa _______.


C. pagsusuri ng datos. C. sariling opinyon ng analyst.
D. komentong kapwa ng insider. D. detalye ng mga pangyayari.
E.

KARAGDAGANG GAWAIN

Pagsaliksik
Panuto. Magsaliksik ng anumang analisis sa anumang palaro. Isulat sa isang
buong papel.

11
12
ISAGAWA (Inaasahang Sagot)
ISAISIP Si Campbell, na madalas na naglaro sa maliit na
pasulong na lugar sa panahon ng kanyang karera ay may
1. Ang Edad at
isang pangkalahatang mas mataas na tangkad kaysa kay
karansan ni
Martin, at sa gayon ay mas laganap ang kanyang
Pacquaio
presensya sa pintura. Iyon ang kaso hindi lamang sa
kontra kay
pagrebound ng bola, ngunit pagbaba din ng mababang
Thurman.
puntos. Si Campbell ay mas madaling kapitan ng pisikal
2. Lahat ng mga
na paghanap ng daan patungo sa nasket, habang si
impormasyon
Martin ay isang uri ng paghinto at pop ng tagabaril.
sa mga
nakalaban ni Lumilitaw si Martin na mas mabilis at mabilis ang
Pacquaio at kanyang mga paa. Ang kanyang mga kuha ay
Thurman. karaniwang itinatakda ng isa ang guwardya, at nakatuon
3. Oo dahil sa labas ng susi. Gayunpaman, pareho ang maaaring
nagsaliksik ang magpatakbo ng fast break at maging una sa korte.
analyst. Hindi
Sa pang kalahatan, nanniwala kami na ito ay isa
dahil mahaba
sa pinakamalapit na pinaglalabanan na mga tugma sa
ang analisis.
kasaysayan ng Timberwolves. Ang mga istatistika para sa
parehong mga manlalaro sa maraming mga kategorya ay
PAGYAMANIN nasa loob ng mga puntos ng bawat isa. si Martin ay may
buong karera ng Wolves na nauna sa kanya habang si
1. Bilang ng mga Campbell ay naglaro ng pinakmahusay na basketball sa
medalya ng kanyang karera kasama ang Timberwolves. Si Campbell
mga nagwagi ay itinuturing na orihinal na superstar ng samahan at dahil
sa South East doon na ranggo naming siya sa itaas ni Kevin Martin.
Asian Games
mula 1977
hanggang BALIKAN SUBUKIN
2019.
2. Ibenase sa 1. OPINYON 1. C
Talahanayan 2. KULAY 2. D
ng Medal of 3. DISKURSO 3. D
Tally ng South 4. KOMENTARYO 4. D
East Asian TUKLASIN 5. KAALAMAN 5. C
Games 6. MAHIKAYAT 6. D
3. Ang wika ay (Maaring iba-iba 7. EPEKTIBO 7. B
pormal at ang sagot ng 8. MENSAHE 8. C
simple mga mag-aaral.) 9. TEKSTO 9. A
4. Oo 10. KONTEKSTO 10. C
5. Oo
6.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Jocson, M. et. .Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,


Quezon City, Lorimar Pub. Co., 2005.

Santos, C. et.al., Filipino Piling Larang-Isports Patnubay ng Guro, Kagawaran


ng Edukasyon-Republika ng Pilipinas, unang limbag,2016.

Meraña, Beth Repiza. Author Archive|philstar.com. Web.

https://www.nba.com/timberwolves/news/tale-tape-kevin-martin-vs-tony-
campbell

https://bleacherreport.com/articles/2845951-pacquiao-vs-thurman-tale-of-
tape-fightrecords-and-more-for-both-boxers

https://www.cbssports.com/boxing/news/manny-pacquiao-vs-keith-thurman-
fightprediction-expert-pick-odds-complete-breakdown-tale-of-the-tape/

13
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Pampaaralan Sangay ng Benguet, Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

14

You might also like