You are on page 1of 15

Pagsulat ng Opinyon

Modyul ng mga Mag-aaral


sa Filipino sa Piling Larang- Isp rts

Una/ Ikatlong Markahan - Modyul 4• Linggo 4

JENEFER CAGAS-TIONGAN
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan kung saan
ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing
ahensya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang kondisyon.
Ang modyul na ito ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum
partikular ngayong panahon ng pandemya. Alinmang bahagi ng materyal na ito ay
pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning edukasyonal lamang basta’t
humingi ng pahintulot at kilalanin ang may-ari nito. Hindi pinahihintulutan ang
paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o
pagkakakitaan.
Ipinauunawa ring ang modyul na ito ay nabuo sa tulong din ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian na may mga karapatang-ari. Kung may
pagkukulang sa pagsipi o iba pang kamalian sa modyul, ito ay hindi sinasadya at ang
bumuo nito ay bukas sa anumang pagwawasto.

ii
Aralin 4: PAGSULAT NG OPINYON
Magandang araw sa iyo!

Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang ikatlong modyul. Ngayon ay


sisimulan mo na ang pang-apat na modyul. Mahalagang magpatuloy ka pa rin sa iyong
pagpupursigeng matuto ng mga aralin sa Filipino Piling Larang-Isports.

Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa pagsulat ng opinyon sa balitang


pang-isports. Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang nakasusulat ka ng sulating batay
sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika at naisasaalang-alang mo ang etika
sa binubuong sulating pang-isports. CS_FI11/12PU0m-o-101

Pabatid:
HUWAG KALIMUTANG GUMAMIT NG SAGUTANG PAPEL.
HUWAG MONG SUSULATAN ANG MODYUL NA ITO.

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang mabuo
ang konsepto ng pangungusap.

1. Nagagawa ng isang artikulong opinyon na magbigay ng _______.


A. kulay sa balitang pang-isports.
B. direksyon sa mga nais matuto ng isang laro.
C. pagkakataon sa mambabasa na bumuo ng kuro-kuro.
D. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komento.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong


opinyon?
A. Mayroong itong peg C. Nagbibigay ng opinyon batay sa
mga datos
B. Naglalarawan ng mga pangyayari D. Pagsasama ng galing sa pagsulat
at opinyon

3. Alin sa mga ito ang pinakamahalagang elemento ng opinyon?


A. Peg C. Layout
B. Lead D. Subject

4. Alin sa sumusunod ang HINDI elemento ng opinyon?


A. Panimula na nakagaganyak C. Proposisyon at argumento
B. Pananaw ng isang insider D. Salaysay ng mga naganap

2
5. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika ng Opinyon?
A. Simple B. Maiksi C. Hindi Seryoso D. Hindi maligoy

6. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan o hindi gamitin sa pagsulat ng


opinyon?
A. Mga sipi C. Komentaryo
B. Seksismo D. Salitang ingles

7. Mahalagang ang opinyon ay _________.


A. naratibo C. sensitibo sa kasarian
B. obhetibo D. laging mapanghimok

8. Iwasang gumamit ng jargon dahil _________.


A. kadalasang nasa Ingles ito. C. hindi mauunawaan ng mambabasa.
B. pinapahaba nito ang artikulo D. mahirap itong saliksikin ng manunulat

9. Ang isang opinyon ay nakabatay sa _______.


A. pagsusuri ng datos C. sariling opinyon ng analyst
B. komentong kapwa ng insider D. detalye ng mga pangyayari

10. Para maging epektibo ang pagsulat ng opinyon, kailangang _______.


A. nagsaliksik ng mga jargon. C. alam ang patakaran ng mga laro.
B. interesado sa isusulat na isports. D. nakikinig sa komento ng mga analyst.

BALIKAN
BALIKAN
Bago tayo magpatuloy, balikan muna natin ang kahulugan at katangian ng
opinyon o analisis.

Panuto. Punan ng tamang salita ang patlang. Piliin ang sagot sa angkop na
salitang ipupuno sa patlang na nasa loob ng kahon.

artikulo balita estilo


isports mahikayat manunulat
makulay opinyon pagsusuri
pahayagan usapin

Ang isang ___(1)___o analisis ay may elemento ng pangangatwiran.


Nakatuon ang mga ganitong sulatin sa ___(2)___ at pagtatasa sa mga pangyayari o
usapin imbes na paghahatid lang ng ___(3)___. Makikita sa ganitong klaseng mga
sulatin ang perspektiba ng ___(4)___ tungkol sa paksa at may layuning maipalitaw
kundi man ___(5)___ ang mambabasa sa kanyang tindig sa naturang ___(6)___.
Dahil dito, maaaring mas ___(7)___ ang gamit ng mga salita at may pwersa o diin ang
mga pahayag sa artikulo. Kadalasang may regular na kolumnista ang ganitong mga
sulatin sa isang ____(8)___ o magasin. Dahil dito, nakikilala ang manunulat sa

3
kanyang ____(9)____ ng pagsulat, kaalaman sa isang larangan ng ____(10) o
perspektiba at paraan ng pag-iisip sa mga bagay-bagay tungkol dito.

TUKLASIN

Gawain 1. Basahin at Suriin Mo!

Panuto: Basahin ang artikulo at sagutan ang pamprosesong tanong. Itala ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

SANA Ronnie
Magsanoc
mula sa http://www.abantetonite.com/issue/dec3013/sports_achieve.htm#.VvY3VCHK27M

Sa pagpasok ng 2014, marami tayong mga nais maisakatuparan para sa


mundo ng isports sa ating bansa. Mga dalangin na mabigyang katotohanan sana
upang patuloy na lumapad, umangat, umunlad at tuluyang maging Asian power o ‘di
kaya’y mapansin ang husay ng mga Pinoy sa global stage. Sana ay magpatuloy ang
pagbabalik ni Manny Pacquiao sa kanyang dating kinalalagyan sa mundo ng boxing.
Si Pacman ang pinaka-kilalang Pinoy sa buong mundo. Ang tagumpay niya ay
nagtutulak sa ating bansa na mapansin sa lahat ng kontinente. Ang 2014 ay kritikal sa
kampanya ng Pambansang Kamao para makabalik sa kanyang ginintuang trono.
Sana ay makagawa ang Philippine Sports Commission ng panibagong “sports
arena” na kayang pagdausan ng Southeast Asian Games. Bago, moderno at malayo
sa trapiko. Sa loob man o labas ng Manila, napakahalaga ng isang world class stadium
para sa imahe ng Pilipinas. Nais nating magdaos ng world class competition at
magpasibol ng world class athletes, kaya nararapat na sa lalong madaling panahon,
dapat ay makagawa tayo ng matinding kalibre na pag-eensayuhan ng ating mga
national athletes para sumulong ang estado ng palakasan sa ating bansa. Isang arena
o stadium na magiging bahay ng lahat ng sports.
Sana ay magpatuloy ang pag-angat ng golf sa pagpasok ng taon. Sina
Celestino Tugot, Ireneo Legaspi, Ben Arda at Frankie Minoza ang mga “legends” ng
golf sa Pilipinas. Magandang maipagpatuloy nila Antonio Lascuna, Juvic Pagunsan,
Angelo Que, Artemio Murukami, maging sina Jennifer Rosales, Princess Mary
Superal, Claire Amelia Legazpi ang dating tikas ng Filipino golfers sa Asian region.
Sana ay tumibay pa ang estado ng volleyball sa Pilipinas. Tumaas na ang
interes ng mga manunuod sa laro. Marapat na isang national team na sana ang mabuo
at makapag-prepara sa mga Asean, maging sa Asian competitions. Marami pa tayong
palakasan na nais sanang gumaling pa ang mga Pilipino. Ang badminton, football,
track and field, taekwondo ay ilan pa sa ating mga pinapanalangin na kasikatan ng
mga Pilipino.
Sana ay pagsama-samahan ng ating mga sports leaders ang mga
pamamaraan upang lubusan pang tumibay ang kalagayan ng sports sa Pilipinas sa
pagpasok ng 2014.

4
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pamagat ng artikulo?
2. Ang artikulo ba ay makatotohanan?Bakit?
3. Ito ba ay katulad ng balita? Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano-ano ang katangian ng artikulo kung ihahambing mo sa pagsulat ng balita?

Magagabayan ka naman ngayon sa pagsulat ng opinyon sa isang balitang


pang-isports. Basahin at unawaing mabuti ang mga paliwanag at mga halimbawa
bago mo gawin ang mga gawain sa Pagyamanin.

SURIIN
Ano ang Opinyon?
Isang sulating hindi katulad ng naunang natalakay, mayroong elemento ng
pangangatwiran sa artikulong ito. Nakatuon ang mga ganitong sulatin sa pagsusuri at
pagtatasa sa mga pangyayari o usapin imbes na maghahatid lang ng balita. Makikita
sa ganitong uri ng mga sulatin ang perspektiba ng manunulat tungkol sa paksa at may
layuning maipalitaw kundi man mahikayat ang mambabasa sa kanyang tindig sa
naturang usapin. Dahil dito, maaaring mas makulay ang gamit ng mga salita at may
pwersa o diin ang mga pahayag sa artikulo.

Paksa Paglalahad ng komento sa napapanahong balita at lathalain


Elemento kadalasang binubuo ng 600-800 salita
may pinaghalong pananaw ng batikan sa laro at kasanayan ng
propesyonal na magsusulat makontrebersiya
may makatotohanang argumento
nilakipan ng pananaliksik
ang komento at opinyon ng sumulat na umaaliw sa mga
mambabasa

Estruktura may peg (ito ang naunang kwento na naglalaman ng kontrobersiya)


nakagaganyak na panimula
pananaw ng isang insider o analisis ng isang eksperto sa isyu
upang mapakinggan ang iba't ibang panig ng argumento
makagawa ng paghahambing sa ibang tao o pangyayari malinaw
na tindig na susuportahan mga proposisyon o argumento at
ebidensiya
lagom ng mga argumento
may isang pagwawakas na mag-iiwan ng impormasyon nag-
aanyaya sa mambasa na limiin ang kaniyang sariling analisis sa
kuwento
Estilo may sariling estilo ang manunulat
Katangian may kalayaan ito

5
Wika simple na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa
nanghihikayat
iwasan ang paggamit ng jargon
Pagkaka- maikli, hindi maligoy
sulat
iwasan din ang mga acronym pero kung gagamit nito, tiyakin na
maibigay ang buong pangalan at salita sa unang banggit.
maging gender sensitive sa mga komento hindi maging
mapanghusga at magbigay ng personal na atake. iwasan ang
paulit-ulit na salita at pahayag yupemismo.
tiyaking walang mali sa grammar
Manunulat maging tiyak sa isinusulat, kailangan niyang maging interesado sa
isports o mga pangyayaring may kaugnayan dito kailangan ding
alam ng manunulat ang mga patakaran o panuntunan ng laro na
pagbabatayan ng kaniyang sulatin

PAGYAMANIN

Nabasa at naunawaan mo bang mabuti ang inilahad tungkol sa mga pagsulat


ng opinyon? Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa sa mga naunang modyul upang ganap
mong maunawaan ang paksa. Kung naintindihan mo na ang teksto, gawin mo ang
mga susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa pagsulat ng
sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika at naisasaalang-alang
mo ang etika sa pagsulat nito.
Ang mga sumusunod na gawain ay magsisilbing daan sa iyo upang
mapayaman at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.

Gawain 2. Tukuyin Mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang artikulo sa ibaba. Pagkatapos ay
punan ang tsart ng mga angkop na impormasyon. Isulat ang inyong mga
sagot sa inyong sagutang papel.

MANILA, Philippines – Pinagkokomento ng Commission on Elections (Comelec) ang


kampo ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao hinggil sa petisyong inihain sa poll body
na layong harangin ang pagsasahimpapawid sa Pilipinas ng laban ng Pambansang
Kamao kay Timothy Bradley sa Abril 9 sa Estados Unidos. Sinabi ni Comelec
Chairman Andres Bautista na wala pa silang desisyon kung papayagan o hindi ang
pagpapalabas ng laban ni Pacquiao sa Pilipinas.Paliwanag ni Bautista, nagkasundo
ang Comelec en banc na bigyan na lamang ng limang araw si Pacquiao para
magsumite ng komento bago sila magdesisyon. Hindi naman masabi ni Bautista kung
kailan nila mailalabas ang desisyon. Matatandaang si Pacquiao, na tumatakbo sa
senatorial race, ay nakatakdang lumaban kay Bradley sa Abril 9, na natapat din sa
pagsisimula ng overseas absentee voting at ipinagbabawal na ang pangangampanya.
Kamakailan ay hiniling ni independent senatorial candidate at dating Akbayan Rep.

6
Walden Bello sa Comelec na utusan si Pacquiao na ipagpaliban ang laban kay Bradley
bunsod ng ‘extensive media exposure” na makukuha ng Pambansang Kamao.Una
nang nagbanta si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na puwedeng ma-
disqualify si Pacquiao dahil sa paglabag sa Fair Election Act bunsod nang
nakatakdang laban kay Bradley sa panahon ng campaign period. Sinabi pa ni
Guanzon na karapatan ni Pacquiao na makipaghamok sa ring ngunit kapag
isinahimpapawid ito sa telebisyon ay magdudulot ng hindi makatuwirang exposure ng
Pambansang Kamao kumpara sa mga katunggali niya sa halalan. Batay sa Fair
Election Act, bawal din ang pagsasahimpapawid ng endorsements ng kandidato ng
anomang produkto o serbisyo. Maihahalintulad aniya ang pay-per-view contract sa
product endorsement, bukod pa sa kanyang mga sponsor na ipapalabas sa Pacman-
Bradley fight. Magiging patas din aniya ang postponement sa mga tumatakbong
artista, broadcaster at iba pang personalidad na ‘di muna pinapayagang mag-on-air
habang halalan. Ulat ni Rudy Andal

Ano ang pinapaksa sa artikulo?


Ano ang kontrobersiyal na isyu sa
artikulo?
Estruktura
Estilo
Katangian
Wika
Pagkaka-sulat

Manunulat

ISA-ISIP

Gawain 3. Suriin Mo!


Panuto: Basahin at suriin ang opinyon patungkol sa 2021 na Palarong
Pambansa . Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

2021 Palarong Pambansa balak gawing via virtual

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay plano ng Department of


Education (DepEd) na gawin ang taunang Palarong Pambansa via virtual.

Kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast edition ay


sinabi ni DepEd Palarong Pambansa Director Joel Erestain na hindi lahat ng 20 sports
events ay maaaring maidaos.

“We’re planning to hold virtual Palarong Pambansa,” ani Erestain. “Kaso nga
lang hindi na siya iyong full spectrum of the sporting events ng Palaro.”

7
Sabagay hindi lamang ngayon magkakaroon ng ganitong sitwasyon kaugnay
ng Palarong Pambansa dahil mula nang ilunsad noong 1948 ang Palaro, ay ilang
beses nakansela ang nasabing annual sporting event para sa mga elementarya at
sekundaryang mag-aaral na manlalaro dahil sa iba’t ibang dahilan.

Kinansela ang Palarong Pambansa noong 1957 dahil sa pagkamatay ni


Pangulong Ramon Magsaysay habang noong 1972 ay idineklara naman ang Martial
Law.

Hindi rin naidaos ang sports meet noong 1984 hanggang 1987 matapos patayin
si Sen. Benigno Aquino Jr. na nagresulta sa EDSA Revolution.
Ang 2020 edition na hahawakan sana ng Marikina City ay nakansela dahil sa COVID-
19 pandemic.

“Nakikita namin ang sitwasyon ng Palarong Pambansa ngayong taon “nakikinita


naming ang posibilidad na hindi matutuloy hanggang sa susunod na taon, ito ay
nakadepende kung mayroon nang sapat na bakuna laban sa Covid sa buong
bansa para sa mga mag-aaral ,” ani Erestain.

1. Ano ang kontrobersiya sa artikulo?


2. Ano-ano ang mga katotohanang inilahad patungkol sa paksa?
3. Paano isasagawa ang Palarong Pambansa sa taong 2021?
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong opinyon dito?
5. Sang-ayon ka ba sa katayuan o paninindigan ng manunulat? Bakit?

ISAGAWA

Panuto: Suriin mo ang mga talata at isaayos ito upang mabuo ang sulating
opinyon. Isulat ang bilang ng talata ayon sa pagkasunod-sunod.

___ 1. Talo sa puntos si Pacquiao kay Bradley sa desisyong kontrobersiyal


pero magkagayunman, naroon na iyon.
At asasabing dahil sa dalawang talo noong 2012 ni Pacquiao, isa na
lang ang laban niya sa 2013. Ito’y sa Nob. 24 laban kay Brandon Rios.
___ 2. Ayaw na raw talagang labanan ni Juan Manuel Marquez si Manny
Pacquiao. Wala na raw kasi siyang dapat patunayan pa.
Oo nga naman. Di ba’t pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa 6th round
noong Disyembre 2012?
___ 3. Kaya’t kung masilat si Marquez sa puntos tulad nang nangyari kay
Pacquiao, di ako magtataka. At sa usaping Pacquiao kontra Marquez
uli, pera lang katapat niyan.
Sa premyong korek (right prize), Marquez yuyukod din. Boksing ire at
– pera pera lang iyan.
___ 4. Iyon ang unang panalo ni Marquez sa apat nilang laban ni Pacquiao
mula 04. Ang una’y tabla at ang sumunod na dalawang salpukan ay
panalo si Pacquiao sa puntos.
Sasagupain naman ngayon ni Marquez si Timothy Bradley. Si Bradley
ang nagpatikim sa una sa dalawang talo ni Pacquiao noong 2012.

8
___ 5. Matindi rin itong Mehikanong si Rios. Ang rekord niya’y 31-1-1 at may
20 knockouts.
___ Ako’y tinanong kung kangino ako sa laban ngayon nina Marquez at
Bradley.Si Marquez siyempre, pero sa isang kondisyon: Na hindi
tatakbo mula Round 1 hanggang Round 12 si Bradley. Kilala kasi si
Bradley na takbuhin at pag nagkataon, hindi siya tatamaan ni Marquez6
nang matindi.

TAYAHIN
TAYAHIN
Panghuling Pagtataya
Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang mabuo
ang konsepto ng pangungusap.
1. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika ng Opinyon?
A. Simple B. Maiksi C. Hindi Seryoso D. Hindi maligoy

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan o hindi gamitin sa pagsulat ng


opinyon?
C. Mga sipi C. Komentaryo
D. Seksismo D. Salitang ingles

3. Mahalagang ang opinyon ay _________.


A. naratibo C. sensitibo sa kasarian
B. obhetibo D. laging mapanghimok

4. Iwasang gumamit ng jargon dahil _________.


C. kadalasang nasa Ingles ito. C. hindi mauunawaan ng mambabasa.
D. pinapahaba nito ang artikulo D. mahirap itong saliksikin ng manunulat

5. Ang isang opinyon ay nakabatay sa _______.


C. pagsusuri ng datos C. sariling opinyon ng analyst
D. komentong kapwa ng insider D. detalye ng mga pangyayari

6. Para maging epektibo ang pagsulat ng opinyon, kailangang _______.


C. nagsaliksik ng mga jargon. C. alam ang patakaran ng mga laro.
D. interesado sa isusulat na isports. D. nakikinig sa komento ng mga analyst.

7. Nagagawa ng isang artikulong opinyon na magbigay ng


_______.
A. kulay sa balitang pang-isports.
E. direksyon sa mga nais matuto ng isang laro.
F. pagkakataon sa mambabasa na bumuo ng kuro-kuro.
G. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komento.

9
8. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong
opinyon?
C. Mayroong itong peg C. Nagbibigay ng opinyon batay sa
mga datos
D. Naglalarawan ng mga pangyayari D. Pagsasama ng galing sa pagsulat
at opinyon

9. Alin sa mga ito ang pinakamahalagang elemento ng opinyon?


C. Peg C. Layout
D. Lead D. Subject

10. Alin sa sumusunod ang HINDI elemento ng opinyon?


C. Panimula na nakagaganyak C. Proposisyon at argumento
D. Pananaw ng isang insider D. Salaysay ng mga naganap

KARAGDAGANG GAWAIN
Pagsaliksik: Magsaliksik ng anumang opinyon sa balitang pang-isports. Isulat sa
sagutang papel, at sagutan ang sumusunod:

Ano ang pinapaksa sa artikulo?


Ano ang kontrobersiyal na isyu sa
artikulo?
Estruktura
Estilo
Katangian
Wika
Pagkaka-sulat

Manunulat

10
11
TUKLASIN
PAGYAMANIN
ISAISIP
(Depende ang sagot ng
mga mag-aaral )
TAYAHIN BALIKAN SUBUKIN
1. C 1. opinyon 1. C
2. B ISAGAWA 2. pagsusuri 2. B
3. C 3. balita 3. A
4. C 2 4. manunulat 4. D
5. D 4 5. mahikayat 5. C
6. D 1 6. usapin 6. B
7. C 5 7. makulay 7. C
8. B 6 8. pahayagan 8. C
9. A 3 9. estilo 9. D
10. D 10. isports 10. D
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Jocson, M. et. .Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Quezon


City, Lorimar Pub. Co., 2005.

Santos, C. et.al., Filipino Piling Larang-Isports Patnubay ng Guro, Kagawaran


ng Edukasyon-Republika ng Pilipinas, unang limbag,2016.

Meraña, Beth Repiza. Author Archive|philstar.com. Web.

PSN Palaro Ngayon|philstar.com. Web.

Sports|Balita - Tagalog Newspaper Tabloid. Web.

Trinidad, Chino. Dalawa Singko|SPIN.PH. Web.

12
13
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Pampaaralan Sangay ng Benguet, Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

14

You might also like