You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

SOUTHERN LEYTE STATE UNIVERSITY


Sogod, Southern Leyte
Website: www.slsuonline.edu.ph
Email: slsumaincampus@gmail.com/
op@slsuonline.edu.ph Telefax: (053) 382-3294

College Of Business & Management


College/ Program

Bachelor of Science in Tourism Management

(DALUMAT) NA SA FILIPINO 2nd Semester, AY 2019 – 2020

Submitted by: Jeffrey A. De Veyra

Submitted to: Mrs, Flordeliza Vitor


PAGTATASA SA NATUTUNAN

Ibigay ang mga kasagutan sa mga sumusunod:

1. Ano-ano ang dalawang uri ng sanaysay at ipaliwanag?

Answer: Mayroong dalawang uri ang sanaysay: pormal at di pormal.

a. Pormal Na Sanaysay

Ang sanaysay na pormal ay mayroong seryosong tono paksa at mayroong masusi at


komprehensibong pagsasalaysay ng mga katotohanan, pangyayari, at karanasan. Gumagamit
din ito ng pormal o akademikong salita. Ginagawa rin ang buong sanaysay gamit ang mga
impormasyong mahahalaga at ginagamitan ng pananaliksik. Maayos din ang pagkakasunod-
sunod ng ideya sa sanaysay na ito.

b. Di Pormal Na Sanaysay

Ang di pormal na sanaysay naman ay tumatalakay naman sa isang paksa o usaping


pangkaraniwan na o mas nananaig ang opinyon o obserbasyon. Gumagamit din ito ng mga
balbal o mga salitang magagaan lamang at karaniwang hindi sumusunod sa nakasanayang
paraan ng pagbibigay ng ideya at pangyayari.

2. Ano-ano ang tatlong bahagi ng sanaysay? Ipaliwanag

Answer: Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nilalaman ng personal na mga opinyon.
Mayroon itong tatlong bahagi. Ito ay ang mga sumusunod:

Panimula o Introduksyon, Katawan o Nilalaman at Wakas o Konklusyon

a. Panimula o Introduksyon

Ang panimula o intoduksyon ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil nakasalalay dito
kung ipagpapatuloy ng isang mambabasa ang sanaysay o hindi. Kaya kadalasang isinusulat dito
ang mga nakapupukaw-interes na mga salita upang makuha ang atensyon at ganahan sa
pagbasa hanggang sa matapos ito.

b.Katawan o Nilalaman

Ang Katawan o Nilalaman nito ang mga mahahalagang katotohanan ng isang paksa. Sinasagot
din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula. Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang
impormasyon para talakayin ang problemang bumabangon sa paksa. Maaaring ang nilalaman
ay ang mga sumusunod. Ebidenysang nakalap, Proseso, Lohika o Kronolohiya

Wakas o Konklusyon

Ito ang huling bahagi na nagbubuod ng buong paksa. Kung minsan ay nagtatawid din ito ng
mga mahalagang rekomendasyon kung kinakailangan. Ang sanaysay ay magiging isang mas
matinding paninindigan kung may konklusyon.

3. Bakit kinakailanagn ang sangkap ng sanaysay sa pagbuo ng teksto?

Answer: Dahil maari nating makuha ang wastong pagkahalohalo nito walang maliligaw walang
mawawala kundi nakatutok lamang sa isa ito ay ang paksa. maari tayong makagawa ng obra
maestra at makabuluhang sanaysay kung ito ay ating isasabuhay at syempre ilagay natin ang
ating sariling ideya hango sa ating nararamdaman hindi dun sa galing sa internet kundi galing sa
saloobin natin.

4. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat?

Answer: Ito’y nangangailangan ng masusing pagiisip at dapat na isaalang-alang ang sumusunod:

a. Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin ang mgakaisipan.

b. Piliin ang paksang kawili-wili

c. Mahusay na pagkakabuo

d. Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang sanaysay

e. Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na kahulugan


5. Ano ang paksa ng tekstong isusulat?

Answer: paglalabay makapagmuni muni makapag isip ng mabuti sa pamagitan ng mga lugar na
aking mapupuntahan, .isalaysay ng mabuti para sa mga kabataan may kabuluhan.sapat na
oras,kapag naisulat na ng maayos

6. Ano ang kayunin sa pagsulat nito?

Answer: Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng mga guni-guni, makulay, matayutay,


matalinghaga at masimbolong mga pangyayari.

7. Saan ako kukuha ng ideya?

Answer: Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat
isusulat. Dapat isaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga
impormasyon kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging
epekto ng akda sa mambabasa.

8. Paano ito sisimulan?

Answer: Kung ang iyong kabanata ay walang preview na talata, maaari mong laktawan ang
hakbang na ito.Hakbang. Pag-label ng bawat Seksyon Ngayon ay oras na upang makuha ang
nilalaman ng kabanata. Ang bawat seksyon ng kabanata ay pinaghihiwalay ng malaking bold na
titik na tinatawag na isang headline. Ginagawa nito ang kabanata na inorganisa at gagawin din
ang aming balangkas na maayos. Sa iyong outline, gamitin ang ilang paraan ng pag-format tulad
ng pagkakaroon ng A, B, C, ect. para sa bawat headline. Maaari kang gumamit ng roman
numeral o ibang bagay kung gusto mo.

9. Paano maipapaliwanag ang mga ideyang nalikom upang higit na makabuluhan?

Answer: Maipapaliwanag ko ito sa paraan na aking palalawakin at papadaliinang mga salita


upang mabilis maintindhan ng aking mgamambabasa ang aking isinulat na teksto. Ako’y
magsasaliksik pa ng mas malalim upang ako’y makapag hanap pa ng ibang paliwanag at
kahulugan ang mga isinulat kong teksto. Ang mga nalikom kong ideya ay mahalagang may
malalim at madaming mga paliwanag at halimbawa upang lubos nilang maintinidhan at
malaman. Magagawa ko ang lahat ng ito sapamamagitan ng internet at libro na naglalaman ng
kasaysayan at panitikan ng Pilipinas. Ang aking mga nalaman ay pwede kong isalin sa aking
teksto upan ito’y aking mabahagi sa aking magiging mambabasa. Maari rin akong mag-salin ng
mga bagay o teksto na maykoneksyon sa aking gagawin upang maging mas malalim ang
akingtekstong gagawin.

10. Sino ang aking mambabasa?

Answer: Ang aking magiging mambabasa ay ang aking guro sa Filipino, ang aking mga kaklase,
aking pamilya at pwede rin ang aking kapwa mag-aaral.Maari rin itong mabasa o maaari ko ring
maging mambabasa ang mga taong papakitaan ko nito o ang mga taong papakitaan ng aking
guro sa Filipino. Kahit sino ay pwede ko maging mambabasa dahil maari ito mabigyang pansin
at sila’y magkaroon ng interes. Maari itong basahin ng lahat dahil wala naming ipinagbabawal
na matitinding salita at madami silang pwede matutunan tungkol rito, kaya ito’y aking
pagplaplanuhan ng mabuti upang ito’y magingmatagumpay at magustuhan ng aking
mambabasa. Ito’y aking ipapabasa muna sa aking pamilya upang masabi kagad nila ang aking
dapat alisin o baguhin at aking mga dapat idagdag.

11. Ilang oras ang gugugulin sa pagsulat?

Answer: depende hanggang matapos ang sanaysay na isinusulat

12. Paano mapapaunlad ang tesktong naisulat?

Answer: Maghahanda ako ng tekstong naakma sa lahat ng edad at kahit kanino upang ako at
ang aking mambabasa ay magkakasuwato pagdating sa aking ginawang teksto. Mapapaunlad ko
ang aking teksto sa pamamagitan ng pag salin o lagyan ito ng mga bagay na maaring magbigay
ng interes sa aking mga magiging mambabasa at maari silang makakuha ng mga bagay tulad ng
kaalaman ukol dito, upang magkaroon sila ng malalim na pagiintindi sa panitikan, kasaysayan at
sa ideya o layunin ng aking teksto. Ito’y aking pagtutuonan ng pansin at atensyon kung gusto ko
itong mapaunlad at maging kaakit-akit ang magiging laman. Hindi mo ito mapapaunlad kung
ito’y hindi kumpleto at maiwan angmga mambabasa na bitin wala masayadong natutunan,
pwede itong maghantung sa maling pagkakaintindi ng mga mambabasa.

13. Ano-ano ang hakbang ng Pagsulat ng sanaysay?

Answer: Mga hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay:

1. Pumili ng isang general subject area na nais mo.

2. Ilista ang lahat ng iyong naiisip o ideya tungkol sa paksa.

3. Gamitin ang iyong mga inilista upang matulungan kang magpokus sa mga tiyak na paksa mula
sa subject area.

4. Magsagawa ng pagbabasa, pagsasaliksik o mag-isip pa ng mahahalagang bagay upang


mapalawak ang iyong kaalaman sa tiyak na paksa.

B. Sumulat ng isang Dalumat- Sanaysay. Pumili lamang ng isang paksa sa di-pormal


at pormal na sanaysay.

Pagpasulat ng Dalumat-Sanaysay (Di Pormal na Sanaysay)

Buhay Estudyante ng SLSU

Ang buhay ng estudyante sa SLSU, minsan masaya, minsan naman ay malungkot at higit sa
lahat marihap. May mga estudyante na na pagkagaling sa paaralan sa bahay kaagad ang
diretso. Meron din naman kung saan-saan nagpupunta. Meron din mga estudyante na ang
sabi sa magulang ay pumapasok ngunit hindi nman. Sila ay nagpupunta lamang sa kung
saan-saan ganya ng computer shop, o kaya sa mall

Mahirap din ang buhay estudyante. Masyado marami ang mga ginagawa at madami ring
mga proyektong kailangan ipasa. Minsan na kakasawa na ang buhay estudyante. Maghapon
ka na nga sa paaralan tapos pag-uwi mo madami pang mga takdang-aralin sa iba’t-ibang
asignatura. Yan ang buhay estudyante walang sawa homework, project, quizzes at
requirement ang kailangan .Wala ganyan talaga, kaya ang kailangan natin ay sipag at tiyaga
lang para makatapos ng pag-aaral. Kaya kinakailangan talagang mag-aral ng mabuti kahit
nahirap at nakakasawa para sa magandang kinabukasan.

Pagpasulat ng Dalumat-Sanaysay (Pormal na Sanaysay)


COVID -19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong


coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng
hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit,
lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga
simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng
iba. Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung
ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

You might also like