You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 9
Sanaysay mula sa
Silangang Asya

Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
Modyul 5
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda batay sa mga
kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay,
2. Naipaliliwanag ang mga salitang di-lantad ang kahulugan batay
sa konteksto ng pangungusap

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay magagamit mo
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang SLeM.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman, kasanayan at konseptong kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul

2
ARALIN
Pagsusuri sa Sanaysay
1
Inaasahan

1. Naipapaliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa


nabasa,
2. Naipapaliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay.

Simulan natin ang ating gawain sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga dati


mong kaalaman na may kaugnayan sa ating aralin. Humanda na at alam kong
kayang-kaya mo itong sagutin.

Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat sa


kwaderno ang titik ng wastong sagot.

1. Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalahad ng opinyon ukol sa isang


paksa o isyu. Ito ay ________________.
A. parabula C. sanaysay
B. dula D. tula
2. Ito ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na inilahad ng may-akda ukol sa
paksa.
A. Isyu C. Layunin
B. Opinyon D. Kagandahan
3. Ang sanaysay ay mabibilang sa anyong______________.
A. tuluyan C. idyoma
B. patula D. kasabihan
4. Sa sanaysay, maaari ring maglahad ng_____________ang may-akda tungkol
sa paksa.
A. pakikipagtunggali C. kalaban
B. salaysay D. damdamin
5. Isa sa layunin ng sanaysay ay_______________.
A. manghamon C. makipaglaban
B. magbigay ng impormasyon D. makatotohanan

Balik-tanaw
Maraming mga isyu ang lumalaganap sa ating bansa sa kasalukuyan.
Magtala ng dalawang isyu at ilahad ang narinig o nalaman mo ukol dito. Itala rin
ang masasabi ng iyong magulang ukol dito. Isulat ang iyong kasagutan sa
kwaderno.

3
Isyu 1: Isyu 2:

narinig/nalaman magulang narinig/nalaman magulang

Nakabibilib! Bilang kabataan mulat ka sa mga nangyayari sa iyong paligid.


Makakatulong ang mga ito upang maunawaan mo ang nilalaman ng ating akdang
tatalakayin.

Maikling Pagkilala sa Aralin


Hanggang sa kasalukuyan ay malaking suliranin pa rin ay pagkakapantay
ng karapatan ng kasarian. Katulad ng bansang Taiwan, ang isyung ito ay patuloy
nilang ipinaglalaban. Upang mapatunayan, basahin ang sanaysay sa ibaba na
mula sa link na http:/women-in-taiwan-essay-htm/oct1,2013.

Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon


(Sanaysay mula sa Taiwan)
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas


kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan lamang sa buong
mundo ang nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng
kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng
pantay na karapatan at paggalang tulad ng kalalakihan. Tungkulin at kalagayan
ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita
sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang
ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa
Taiwan.
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay
katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang
hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga
babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan
sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging
komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga
gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung
ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na
tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod,
pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan
sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng mga babae at ang
mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at

4
masuswelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang mga
babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaeng namamahala. Isa
pa, tumataas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon
sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaeng
nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa mga kalalakihan sa makalipas na 50
taon.
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa
pangangalaga ng mga kababaihan ay nakikita rin. Halimbawa, Accton Inc., isa sa
nangungunang hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa ng isang taon ang
maternity leave sa halip na tatlong buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay
gumagawa na ng mga batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit
nilang mapangalagaan ang mga kababaihan.
Bilang pangwakas, naiiba na ang mga gampanin ng mga babae at higit itong
mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay
binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay
tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa
ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider
nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa
kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat
magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na
makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

Sa pagpapatuloy ng aralin, nais kong basahin mo ang ilang impormasyong


tungkol sa uri ng akdang pampanitikang iyong binasa – ang Sanaysay.

SANAYSAY
- Ang Panitikan ay nasa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa
anumang napapanahong isyu. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat na
naglalahad ng kanyang opinyon at damdamin. Sa pagsulat nito, nangangailangan
ng malawak na karanasan, pagmamasid sa kapaligiran, pagbabasa, o pagsasagawa
ng pananaliksik tungkol sa napiling paksa. Nararapat din na nakapokus sa isang
paksa lamang.
Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula – makatawag-pansin, mababasa ang paksang tatalakayin
2. Katawan /panggitna- tumatalakay sa opinyon, saloobin o damdamin,
maaaring magbigay ng mungkahi, mga halimbawa o patotoo
3. Pangwakas- mapanghamong tanong, buod na tinalakay, paninindigan o patotoo.

Sangkap ng Sanaysay
1. Paksa - isyung iinugan ng pagtalakay
2. Nilalaman - opinyon, damdamin, mungkahi, pananalita, istilo
3. Mambabasa - target o kung kanino nais na maiparating ang nilalaman at
layunin ng sanaysay.

Pananaw ng may-akda sa Paksa

Mga kaisipan o damdaming nais iparating ng manunulat sa kanyang mambabasa


ukol sa paksa.

5
Ngayong nalaman mo na ang iyong binasa ay isang sanaysay, subukin natin
ang iyong kakayahan. Sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Gawain

Gawain 1
Panuto: Gamit ang LINEAR GRAPH, suriin ang sanaysay na binasa batay sa
paksa, layunin ng may-akda sa pagsulat at mga kaisipang inilahad ukol
sa paksa. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

P Paksa
A
M Layunin

A
G Mga Kaisipan
1.
A 2.
3.
T

Gawain 2:
Panuto: Itala ang mga opinyon o pananaw na inilahad ng may-akda sa sanaysay.
Isulat ang inyong kasagutan sa kwaderno.

Mga opinyon o pananaw ng may-akda


1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________
5.________________________________________________________________

Tandaan

 Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng opinyon


o saloobin ukol sa paksa.
 Sa pagbibigay ng opinyon o pananaw ukol sa isang isyu, nararapat na
alam natin ang mga bagay-bagay ukol dito.

Pag-alam sa Natutuhan

6
Batay sa ating aralin, magbigay ng iyong opinyon sa kulturang mayroon ang
Taiwan at Pilipinas kaugnay sa kalagayan ng kababaihan. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
1._____________________________________________________________
2._____________________________________________________________
3._____________________________________________________________
4._____________________________________________________________
5._____________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat sa kwaderno
ang titik ng tamang sagot.

1. Ang binasang akda ay isang uri ng akdang pampanitikan na___________ .


A. dula B. epiko C. tula D. sanaysay
2. Ang _____________ ay siyang iinugan na opinyon ng may-akda.
A. kaisipan B. damdamin C. paksa D. konsepto
3. Ang isyung binigyang-opinyon ng may-akda ay mababasa sa ______ ng akda.
A. panimula C. panggitna
B. mambabasa D. pangwakas
4. Sa binasang sanaysay, nais ng may-akda na _________________.
A. lumaban sa pamahalaan C. ilahad ang kahilingan/naisin
B. manghikayat ng pag-aaklas D. labanan ang tradisyon
5. Sa paglalahad ng sariling opinyon, nararapat na tayo ay _______________.
A. naghahamon C. sarado ang isip
B. namimintas D.may alam sa isyu

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Pagbati sa naipamalas mong kahusayan sa ating mga tinalakay na aralin.
Itala mo ang tatlong mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin. Isulat ito
kwaderno.

ARALIN
Pagbibigay-kahulugan sa mga
2 salitang di-lantad ang kahulugan

Inaasahan

7
Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto
ng pangungusap.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng


pinakatamang sagot.

1. Ang ibig sabihin ng salitang hindi lantad ang kahulugan ay_____________.


A. walang kahulugan C. tago ang kahulugan
B. maraming kahulugan D. literal na kahulugan
2. Mabibigyang-kahulugan ang salitang di lantad ang kahulugan sa
pamamagitan ng pag-alam kung__________________.
A. paano ginamit sa pangungusap
B. pagbibigay ng kaisipan sa salita
C. literal na pagpapakahulugan sa salita
D. pagbibigay ng malalim na pagpapakahulugan sa salita
3. Ang kahulugan ng tagong salita ay maaaring matagpuan sa loob ng
pangungusap.
A. Mali C. Siguro
B. Tama D. Talaga
4. Mahalaga ang papel niya sa lipunan. Ang salitang may salungguhit sa
pangungusap ay may nangangahulugang_______.
A. sulatan C. kontrabida
B. katulong D. tungkulin
5. Kamay na bakal ang pinairal niya sa pamumuno. Ang salitang may
salungguhit sa pangungusap ay may kahulugan na _______.
A. Maawain C. mapagbigay
B. mahigpit D. maalalahani

Balik-tanaw
Panuto: Basahin, unawain at suriin ang talata sa ibaba. Pagkatapos, isulat ang
sagot sa iyong kwaderno ayon sa mga sumusunod na tanong.

Kabanata 3 ng Aklat ng Ecclesiastes


Bahagi ng sanaysay
(salin ni Louie Jon A. Sanchez)

Sa bawat bagay, may panahon, may oras sa bawat hangarin sa ilalim ng


araw:
Panahon para maipanganak, at panahon para mamatay; panahon para
magtanim at panahon upang hanguin ang ano mang itinanim;
Panahon para pumaslang, at panahon para maghilom; panahon para sa
pagwasak; at panahon para sa pagbuo;
Panahon para lumuha, at panahon para humalakhak; panahon para
manangis, at panahon para sumayaw;

8
Panahon para iwaksi ang mga bato, at panahon para tipunin ang mga
bato; panahon para yumakap, panahon para itigil ang pagyakap;

Ang pamagat ng bahagi ng sanaysay ay___________________________


Ang paksa ng nahagi ng sanaysay ay _____________________________
Layunin ng bahagi ng sanaysay na _______________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__

Marahil ay nagkakaroon ka na ng ideya sa nilalaman ng ating talakayan.


Ano kayang akdang pampanitikan ang nakapaloob sa ating aralin? Upang lubusan
mong malaman, basahin mong muli ang isa pang akdang pampanitikang inihanda
na nabasa mo na noong unang markahan kaya tiyak kong alam mo na ang
nakapaloob na mga pangyayari sa akdang ito.

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman ng sanaysay.

KAY STELLA ZEEHANDELAAR


SALIN NI RUTH ELYNIA S. MABANGLO
Bahagi mula sa mga liham ng prinsesang Javanese
Japara, Mayo 25, 1899

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa


akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala
nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa
lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili
upang magkakilala tayo.

Ang aking lolo ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng


pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran.
Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na
ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang
ama; Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na
ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo
ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming lumang tradisyon
at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal
ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa


bahay, kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-
ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita
marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-
kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin

9
nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga
kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa
akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa.
Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na
mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko
nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.

Naunawaan mo ba ang nilalaman ng akdang iyong binasa?

Sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, may mga salita at pahayag


kang di agad mauunawaan ang kahulugan, ito ang mga salitang di-lantad ang
kahulugan. Maaaring mabatid ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa
konteksto kung papaano ito ginamit sa pangungusap o kaya naman ay nasa loob
ng pangungusap ang kahulugan nito.

Mula sa akda, suriin natin ang mga salitang may tagong kahulugan. Sagutin
mo ang mga gawaing inihanda ko na hahamon sa kakayahan mo na hanapin ang
kahulugan ng mga salitang di lantad ang kahulugan. Umpisahan mo na.

Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap mula sa akdang
binasa. Hanapin sa loob ng pangungusap ang kahulugan ng mga salitang
may salungguhit. Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.

1. Ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol sa akin.


2. Ako’y itinali sa bahay kailangang ‘ikahon” ako.
3. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang babae kayat bawal
lumabas o gumala.
4. Ang kahigpitan ng aming lumang tradisyon sa mga babae na
nilulumot na at patuloy na tinututulan.
5. Sa pagitan ng makapal na pader hindi ko nasilayan ang labas na
mundo ng aming bahay

Gawain 2
Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba ang kahulugan ng mga initimang salita. Isulat
sa kwaderno ang kasagutan.

1. Ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang hindi ko namamalayan.


2. Nagbukas ng pinto para sa mga panauhin na makapag-aral.
3. Tinangka ng mga kaibigan ko na mabago ang pasya ng magulang ko.
4. Makikita ko ang labas na mundo kung kasama ang estranghero kong
mapapangasawa.
5. Ako ay isang musmos pa raw na nagmamahal sa buhay.
A. bata pa
B. nagbigay ng oportunidad
C. hindi kakilala
D. sinubukan
E. pinili

10
Tandaan

 May mga salitang di-lantad ang kahulugan ngunit malalaman natin ang
kahulugan nito sa konteksto kung paano ito ginamit sa pangungusap.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Ilahad ang sarili mong opinyon sa mga nagaganap sa lipunan natin sa
kasalukuyan. Gumamit at bigyang kahulugan ang mga salitang di-
lantad ang kahulugan sa iyong pagbibigay-opinyon. Isulat sa kwaderno
ang iyong kasagutan.

Opinyonasyon

Isyu: _____________________________________________
Pananaw/Opinyon:
1._______________________________________________
2.________________________________________________
3._________________________________________________
4.________________________________________________
5._______________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng


pinakawastong sagot. Isulat sa kwaderno ang kasagutan.

1. Unti-unting nauubos ang kaban ng bayan dahil sa pandemya. Ang may


salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. tulong C. kasama
B. pondo D. sustento
2. ________________ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng bayan.
A. bato C. malaki
B. durog D. bakal
3. Ang pagpapakahulugan ng sagot sa pangungusap blg 2 ay __________.
A. awa C. galit
B. tuwa D. inis
4. Kapit lang tayo, walang maiiwan sa pagbangon, ang nais ipakahulugan
ng may salungguhit ay _______________.
A. hawak- kamay
B. kanya-kanyang diskarte
C. sama-sama sa pag-unlad
D. bahala ka sa sarili

11
5. Buhay-daga noon, dahil sa pagsisikap buhay-reyna na ngayon.
Tinutukoy ng may salungguhit ay______.
A. pulubi C. patago-tago
B. hinahabol D. mahirap

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Magbigay ng dalawang konsepto na natutuhan mula sa aralin. Bumuo ng
isang dyornal tungkol sa mga natutuhan mo sa araling ito.

K1 ________________________________________________________________________

K2 ________________________________________________________________________

Sanggunian

Sanchez,Louie Jon et al.Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan. Queon City:


Rex Book Store,Inc.,2016
Baisa, Ailene G., et.al. Piinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House,
_________________________________________________________
Inc., 2015.
http:/women-in-taiwan-essay-htm/oct1,2013
K3 ________________________________________________________________________
https://www.facebook.com/1348751401886883/posts/kay-stella-zeehandelaarsalin-ni-
ruth-elynia-s-mabanglomula-sa-mga-liham-ng-prins/1385613224867367/

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Julieta DG Madera, HT VI
Manunulat: Imelda R. Pelagio, MTI
Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HT VI

12
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Unang Pangwakas na Balik-tanaw
Pagsubok Pagsusulit
Iba-iba ang
1. C 1. D sagot ng mag-
aaral
2. B 2. C
s
3. A 3. A

4. D 4. B

5. B 5. D

Gawain 1
Pamagat: Ang Kababaihan ng Taiwan Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
Layunin: Maiparating ang mga nararanasan ng kababaihang Taiwanese noon at
ngayon
Maipahayag ang mga pagbabago at karapatang nais maranasan ng
kababaihang Taiwanese.
Kaisipan:1. Walang karapatang mag-aral
2. Tanging sa bahay lamang para gumawa ng gawaing -bahay
3. Mas mababang tingin
4. Mas komplikado-naghahapbuhay at nakaatang ang tungkulin sa
tahanan
5. May batas na nangangalaga sa babae,pagkakataong mag-aral

Gawain 2
1. Mga Karapatan ng mga babaeng taga Taiwan noong at ngayon
2. naglahad ng mga datos
3. paglalahat
4. sariling sagot ng mag-aaral

Pag-alam sa Natutuhan
Iba-iba ang sagot ng mag-aaral

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Iba-iba ang sagot ng mag-aaral

13
Susi sa Pagwawasto

Aralin 2

Unang Balik-tanaw
Pagsubok
1. Kabanata 3 ng Aklat ng Ecclesiastes
1. C
2. Mga Panahon na Dinadaanan ng Bawat Tao
2. A
3. A 3. Inilahad ang mga Nangyayari at Kahagalahan ng
mga Panahong Dinaadaanan ng Bawat Tao sa
4. D
Kanyang Buhay
5. B

Gawain 1 Gawain 2

1.Sumibol 1. E.
2. Itinai 2. B.
3. Bawal 3. D
4. Nilulumot 4. C
5. Bahay 5. A

Pag-alam sa Natutunan

Sanggunian Sariling sagot ng mag-aaral

Pangwakas na
Sanggunian Papel sa Replektibong Pagkatuto
Sangguni
Pagsusulit
Sariling sagot ng mag-aaral
1. B
2. B
3. A
4. C
5. D

14

You might also like