You are on page 1of 21

9

Filipino 9 Panitikang Asyano


Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 3 Nobela
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: ANGELI D. ESPERO
Editor: Jolle May T. Bayron, Rosalie N. Española

Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Prima A. Roullo, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Angeli D. Espero
Tagalapat: Arianne N. Tagolino
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug-REPS, ADM
Leonardo B. Mission- REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD- CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD-EPS, LRMS
Bernardita M. Villano- Division ADM Coordinator
Prima A. Roullo-EPS, Filipino
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 228-885/ (083) 228-1893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na
paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag -aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag -aaral na makipag -ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
-

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Kumusta na? Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang maikling kuwento at


mga elemento nito. Isa rin sa uri ng panitikan ay ang nobela. Sa araling ito,
ipakikilala ang nobela, mga ilang halimbawa at susuriin din natin ang mga
tunggaliang nakapaloob sa ilang bahagi nito, lalo na ang tunggaliang tao vs
sarili.

Layunin:
Sa araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay;
1. Nakikilala ang katuturan ng nobela at elemento nito;
2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng tunggalian at mga halimbawa
nito;
3. Nakikilala ang kahulugan ng mga pahiwatig na salita na ginamit
sa bahagi ng nobela;
4. Nasusuri ang tunggaliang tao vs sarili sa binasang bahagi ng
nobela;
5. Nakagagawa ng mga sitwasyong kakikitaan ng tunggaliang tao vs.
sarili

Kasanayang Pampagkatuto:
. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
2. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na
ginamit sa akda
3. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang
tao vs. sarili

2
Subukin

Sa pagsusulit na ito ay susukatin natin ang inyong paunang kaalaman sa


susunod na talakayan. Sagutin ang sumusunod na bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Elemento ng nobela na nagpapakita ng lugar at panahon ng mga


pinangyarihan
A. tauhan B. banghay C. tagpuan D. damdamin

_____2. Elemento na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela


A. tauhan B. banghay C. tagpuan D. damdamin

_____3. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela.


A. tauhan B. banghay C. tagpuan D. tema

_____4. Ito ay paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.


A. tauhan B. simbolismo C. tagpuan D. tema

_____5. Elemento na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay


at pangyayari.
A. tauhan B. simbolismo C. tagpuan D. tema

_____6. Ito ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, may mahabang


kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan.
A. maikling kuwento B. nobela C. tula D. sanaysay

_____7. Ito ay tunggalian sa pagitan ng tao laban sa mga elemento at


puwersa ng kalikasan.
A. tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs lipunan

_____8. Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang


tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan
A. tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs lipunan

_____9. Ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng kanyang kapwa.


A. tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs lipunan

_____10. Ang sumusunod ay halimbawa ng tao vs. sarili, maliban sa


A. bagyo B. selos C. inggit D. kawalan ng tiwala

3
Aralin

2 NOBELA

Balikan

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang maikling kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay
na pangyayari sa buhay. Ito ay kapayakan at kakaunting tauhan, may isang
tiyak na tagpuan at tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari
sa buhay ng pangunahing tauhan.

Isa rin sa akdang pampanitikan na ginagamit ang imahinasyon na hango sa


mga tunay na pangyayari ay ang nobela. Ang isang nobela ay nagtataglay ng
maraming ligaw na tagpo. Ito ay may mahabang kawing ng panahon at
ginagalawan ng maraming mga tauhan. Kakikitaan din ito ng mga
tunggalian o labanan sa pagitan ng magkakasalungat na puwersa.

Kagaya rin ng maikling kuwento ang nobela na may mga elemento, katulad
ng tauhan, tagpuan, tema o paksa, banghay at iba pa. Patuloy mo pang
basahin at sagutin ang modyul na ito upang lubos na maunawaan ang
nakapaloob sa nobela. Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang pag-
unawa at pagsasalaysay ng sariling likhang alamat gamit ang pang-abay na
pamanahon .

Ang lahat ng iyong natutunan ay makatutulong upang matukoy mo ang


pagkakaiba ng nobela sa iba pang uri ng panitikan.

Sikapin mong sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba kung maaalala
mo pa ang mga natalakay sa ibang aralin.

4
Tuklasin

Panimulang gawain:
Panuto: Itala sa unang kahon ang mga karanasang hindi mo
makakalimutan noong nasa elementarya ka at sa pangalawang kahon
naman ngayong nasa sekundarya ka na.

Bakit hindi mo ito makalimutan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ano-anong mga aral ang natutunan mo sa mga karanasang ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Paghambingin ang kabataan noon at ngayon pagdating sa pag-aaral,


gawaing bahay at mga nakagisnang laro.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sa pagkataong ito, nakapagbalik-tanaw ka sa iyong mga karanasan. Bakit


ko nga ba pinasariwa ito sa iyo? Alamin natin ang mga karanasan ni
Roberto sa unang bahagi ng nobela. Halina’t basahin at unawaing mabuti
ang nobelang:
ABNKKBSNPLAko?
ni Bob Ong

Grade 2. Section 1. Isang araw, buwan ng Hunyo, sa isang public


elementary school. Hinati ‘yung canteen, ‘yung kalahati room namin. Siguro
mga 40 pupils kami. 39 lang ang upuan, at 30 lang ang ayos. Siyam ang
magtitiyaga sa mga gumigewang na salumpuwit. Isa ang araw-araw na
makikipag-Trip to Jerusalem. Ako ‘yun.

5
Isang istante lang ang naghihiwalay sa klase namin at sa mga
kusinerong nagluluto ng sopas. Sa room na ito kami pinagdala ng laruan
para ipakita sa klase. Show and Tell. Walang problema, seaman si tatay.
Nagdala ako ng AA battery-operated police car. Walang kuwenta, pero ‘yun
ang dinala ko dahil ‘yun ang kasya sa bag kong maliit. Mataimtim akong
nagdasal habang naghihintay na matawag sa recitation. Antagal. Ngawit na
ako sa pagtataas ng kamay nang pansinin ako ng teacher ko. Wala na
kasing ibang volunteer, tapos na lahat, at wala na s’yang choice kundi
tawagin ako.

“ROBERTO!”

Lumuwa ang mata ng mga classmates ko nang magpunta ako sa


harapan. Nakita nila ang laruan kong de-battery. Nung mga panahon na
‘yon, jolens lang ang laruan ng mga bata sa amin. Ang sino mang may
battery-operated na laruan e diyos.

“D-dis is may toy…eee-eeeets ah kar…”

“What kind of car, Roberto?” tanong ng teacher kong, for the first time
in the history e, humahanga na sa ‘kin.

“Aah po-lis kar…eeet has baterees…”

Natapos ang presentasyon. Instant celebrity ako at respetado na ng


lahat. Nagkaroon na rin ako ng sariling upuan. Milagro. Bago mag-uwian
ipinaalala ng teacher ko na magdala ulit kami ng laruan kinabukasan. Ayos.
Moment of glory ulit.

Nagdala ako ng plastic na clown mask, ‘yung kasya ulit sa bag ko.
Nang mabalitaan ito ng classmates ko sa kalagitnaan ng klase, unti-unting
nagkagulo. Nang malaman ng teacher ko ang pinagkakaguluhan, tinanong
ako kung bakit may laruan ako sa bag…kasabay nito ang malutong na palo
sa hita ko. Aruy!

“K-kasi po, sabi niyo magdala ulit ng l-laruan…”

“May sinabi ba kong ganon?” tanong n’ya sa buong klase.

Walang um-oo. Hanggang sa mga oras na ito hindi ko alam kung


guniguni ko lang ‘yung narinig kong direksiyon na magdala ulit kami ng
laruan o ipinagkanulo ako ng classmates ko.

6
S’ya si Miss Uyehara. Maliit, may salamin, matanda, dalaga. Kung
bakit n’ya ako pinalo, hindi ko alam. Pero maraming beses pa naulit ‘yon, sa
ibang teacher, ibang antas, ibang eskwelahan, ibang panahon. Seventeen
years akong labas-pasok sa eskwelahan. Naging teacher’s pet at teacher’s
enemy, nag-drawing ng aso’t pusa, nangopya, nagpakopya, humiram ng
notebook, hindi nagsauli, nag-recite, nag-cutting classes, naglinis ng room,
umabsent, gumawa ng pekeng excuse letter, nag-vandal, nag-JS, nag-top
ten sa NCEE, sumulat sa slumbook, sumulat ng “I Promise To Bring My PE
Uniform” ng 300 times, nagmartsa sa CAT, nagka-medal sa quiz bee,
bumagsak sa periodical test, nag-flag ceremony.

Seventeen years. Meron din naman akong natutunan…hindi


sinasadya. Minsan masarap mag-review.

Gawain : Sagutin ang mga tanong batay sa binasang bahagi ng nobela.


Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
. Sino ang pangunahing tauhan?
Sagot:_____________________________________________________________________
2. Saan ang tagpuan ng binasang akda?
Sagot:_____________________________________________________________________
3. Ilarawan ang katangian ng nagsasalita sa binasang akda.
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ano-anong problema o suliranin ang nakita mo sa akda?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Masaya ba ang karanasan mo noong elementarya at sekundarya?
Ipaliwanag
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2: Bigyan ng sariling interpretasyon ang mga pangungusap na


ginamit sa bahagi ng nobelang binasa
. Naging teacher’s pet at teacher’s enemy ako.
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Siguro mga 40 pupils kami. 39 lang ang upuan at 30 lang ang ayos.
Siyam ang magtitiyaga sa gumigewang na salumpuwit.
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
3. Lumuwa ang mata ng mga klasmate ko nang magpunta ako sa harapan.
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Instant celebrity ako at respetado na ng lahat.
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Hinati ‘yung canteen ang kalahati room namin.
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

Nobela

Nobela- Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ito ay


may mahabang kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming mga
tauhan. Kakikitaan din ito ng mga tunggalian o labanan sa pagitan ng
magkakasalungat na puwersa gaya ng sumusunod:

. Tao vs. kalikasan- Ang tunggaliang ito ay sa pagitan ng tao laban sa mga
elemento at puwersa ng kalikasan. Halimbawa: ulan, init, bagyo, lamig,
lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pa.
Magbigay pa ng dalawang halimbawa:
a._______________________________
b._______________________________

2. Tao vs tao- Dito naman ang tao ay laban sa kapwa tao, ang kanyang
problema o kasawian ay dulot ng kanyang kapwa. Ito ay labanan ng bida
at kontrabida o mabuting tao sa masamang tao.
Halimbawa: suntukan, sinabunutan ng kaaway, pinaputukan ng baril
Magbigay pa ng dalawang halimbawa:
a._________________________________
b._________________________________

3. Tao vs. sarili- Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng
iisang tao.
Halimbawa: pinoproblema kung ano ang pipiliin, ang tama o mali, ang
masama o mabuti, kawalan ng tiwala sa sarili, at inggit.
Magbigay pa ng dalawang halimbawa:

8
a. ____________________________________
b. ____________________________________

4. Tao vs. lipunan-Umiiral ang panlanbas na tunggaliang ito kapag


lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng
lipunan.
Halimbawa: mapaniil na kultura at ideolohiya, kahirapan, kurapsyon
Magbigay pa ng dalawang halimbawa:
a._____________________________________
b._____________________________________

Elemento ng Nobela
. Tauhan- Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
2. Tagpuan- Ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
3. Banghay- Ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa nobela.
4. Tema- Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela.
5. Damdamin- Ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
6. Simbolismo- Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari.

Gawain : Venn Diagram


Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng nobela

Nobela Maikling Kuwento

Pagkakatulad

9
Gawain 2: Balikan ang bahagi ng nobela sa itaas at punan ang Web
Organizer ng mga sitwasyong nabasa na nagpapakita ng tunggaliang tao vs
sarili

TAO VS. SARILI

Paano kaya mapagtatagumpayan ang mga naitala mong suliranin sa itaas?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Upang masukat natin ang iyong natutunan sa aralin, basahin ang kabanata
6 ng nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Si Sisa

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na


natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng
dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Ngunit si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan. May
isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapus-palad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking


iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan. Hindi niya maasikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang
ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang
asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito
noong siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng
loob. Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng

10
sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunman, para kay Sisa ang
lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin.


Mayroong tuyong tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na
siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng
patong bundok na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang ihahain kay
Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya
sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi
ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa
simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng


ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga
pagkaing nakasadya para sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang
dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling
umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng
perang sasahurin ng anak.

Nadurog ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi


umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya
nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo


sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi
na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, ‘di lang iisang
beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pag-aawit ng
kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa
kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan
siyang dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya nang
malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Gawain : Pag-aalis ng sagabal


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

. yumao-_________________
2. nagulantang-________________
3. kundiman-_____________________
4. kumakalinga-_______________________
5. kasamaang-palad-________________________

11
Gawain 2: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang akda?
Sagot:_____________________________________________________________________
2. Saan ang tagpuan ng binasang akda?
Sagot:_____________________________________________________________________
3. Bakit umiyak si Sisa?
Sagot:_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang damdaming namayani sa binasang kabanata?
Sagot:_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ano ang tema ng binasang akda?
Sagot:_____________________________________________________________________

Gawain 3: Isulat sa hugis ulap ang nakita mong mga tunggaliang tao vs
sarili sa binasang akda at isulat mo naman sa hugis puso ang payo mo para
sa kanya.

Isaisip

Upang higit na maunawaan ang tinalakay na mga paksa, magsagawa tayo


ng pagbabalik-aral. Punan lamang ang speech bubble ng iyong sagot.
1.Ano ang nobela?

12
2. Ibigay ang apat na tunggalian

3. Ano ang kahalagahan ng tauhan sa nobela?

Ang 4.______________ang nagpapagalaw at nagbibigay


buhay sa nobela.
Ang 5.___________ ay pagkakasunud-sunod ng pangyayari
sa nobela.

Ang 6.____________ay lugar at panahon ng mga


pinangyarihan.

7. Magbigay ka naman ng sitwasyong nagpapakita ng tunggaliang tao vs


kalikasan.

13
8. Ano-ano ang kahalagahan ng tunggalian sa nobela?

Isagawa

Mag-isip ng mga sitwasyong naranasan mo na, na kung saan ay


nakaramdam ka ng inggit, selos, kahinaan ng loob, walang tiwala at galit sa
sarili. Ilagay mo ito sa broken heart. Ilista naman sa loob ng pusong buo
ang ginawa mong paraan at solusyon upang labanan ito.

Mga sitwasyong naranasan ko na

Mga solusyong ginawa

14
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.
. Elemento na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
A. tauhan B. banghay C. tagpuan D. damdamin

2. Ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng kanyang kapwa.


A. tao vs. kalikasan B. tao vs. lipunan C. tao vs. sarili D. tao vs tao

3. Ito ay paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.


A. damdamin B. tema C. banghay D. tauhan

4. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.


A. banghay B. tauhan C. tagpuan D. tema

5. Elemento ng nobela na nagpapakita ng lugar at panahon ng mga


pinangyarihan
A. banghay B. damdamin C. tagpuan D. tauhan

6. Ito ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, may mahabang kawing


ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan.
A. dagli B. tula C. nobela D. dula

7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tao vs. sarili, maliban sa


A. inggit B. kahinaan ng loob C. lindol D. kawalan ng tiwala

8. Ito ay tunggalian sa pagitan ng tao laban sa mga elemento at puwersa ng


kalikasan.
A. tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs lipunan

9. Elemento na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at


pangyayari.
A. damdamin B. banghay C. tagpuan D. simbolismo

0. Umiiral ang panlanbas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o
mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan
A. tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs lipunan

15
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat sa mga bilog ang mga natutunan mo sa modyul na ito.

BINABATI KITA! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa


iyo upang madagdagan ang iyong kaalaman sa konsepto sa modyul na ito.

16
17
Suriin
Gawain 1
Pagkakaiba ng nobela
• mahaba at maraming mga pangyayari
• may mga kabanata
• maraming suliranin at tagpuan
• maraming tauhan
Pagkakaiba ng maikling kuwento
• Iilan lamang ang tauhan at may isang tagpuan
• Maikli at natatapos basahin sa isang upuan lamang
• May isang tiyak na tunggalian
Pagkakatulad
• may banghay
• may suliranin
• may tagpuan at tauhan
Gawain 2
• pagiging pasaway ni Roberto
• kayabangan
• pangongopya
• pagpapakopya
• paggawa ng pekeng excuse letter
Tuklasin
Subukin
Gawain 1
1. C 9. B
1. Roberto 2. A 10. C
2. paaralan/silid-aralan 3. B
3. bibo, masayahin, pilyo, pasaway minsan, 4. D
mabait 5. B
4. nangopya/nagpakopya, gumawa ng pekeng 6. B
sulat, pasaway 7. C
8. D
Susi sa Pagwawasto
18
Filipino. Pasig City: Bureau of Learning Resources(DepEd-BLR)
Peralta, Romulo N. et.al. 2017. Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa
Sanggunian
Tayahin
1. A
2. D
3. B
4. A
5. C
6. C
7. C
8. C
9. D
10. D
Isaisip
1. Ito ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, may mahabang
kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan.
2. Tao vs tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kalikasan
3. Ang tauhan ang nagbibigay buhay sa kuwento
4. tauhan
5. banghay
6. tagpuan
7.lindol, bagyo, tsunami, pagsabog ng bulkan, baha
8. Ang suliranin ang pinakapuso ng kuwento kung wala ito ay hindi uusad at walang
kasukdulang magaganap.
Pagyamanin
Gawain 1
1. namatay
2. nagulat/nabigla
3. awit ng pag-ibig
4. umaaruga
5. minalas
Gawain 2
1. Sisa
2. sa tahanan/bahay
3. Umiyak si Sisa dahil inubos ng kanyang asawa ang pagkaing inihanda para sa
dalawang anak at nakaramdam siya ng awa sa kanilang dalawa.
4. lungkot, sama ng loob, pagkaawa, pighati
5. Pamilya/kababaihan
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

19

You might also like