You are on page 1of 13

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 13: Epiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Cristina A. Acena, Myzel R. Renovalles
Tagasuri: Maria Brombuela at Melinda P. Iquin
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso
Tagalapat: Janessa S. Amparado

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 7
Ikalawang Markahan
Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto
Epiko
Manunulat: Cristina A. Acena, Myzel R. Renovalles
Tagasuri: Maria Brombuela at Melinda P. Iquin/ Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino 7) ng Modyul 13 para
sa araling Epiko !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Filipino 7) Modyul 13 ukol sa (Epiko) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. nabibigyang-kahulugan ang epiko bilang isang anyo ng panitikang


Pilipino;
B. naiisa-isa ang mga katangian at elemento ng epiko; at
C. nakapaglalahad ng isang halimbawa ng epiko ng kabisayaan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Sagutin mo ang mga paunang pagsubok. Susukatin lamang nito


ang iyong kaalaman hinggil sa paksang pag-aaralan. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

1. Isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kanyang mga
katunggali.
A. Dula C. Maikling Kuwento
B. Epiko D. Pabula
2. Alin sa sumusunod na epiko ang hindi nagmula sa kabisayaan?
A. Biag ni Lam-ang C. Maragtas
B. Hinilawod D. Labaw Donggon
3. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng epiko?
A. Umiikot ang kuwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng
tauhan
B. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan
C. Pagkakaroon ng mga supernatural na pangyayari
D. May iisang tagpuan
4. Anong elemento ng epiko ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari?
A. Banghay C. Tauhan
B. Tagpuan D. Tugma
5. Ito ay elemento ng epiko na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
A. Indayog C. Talinghaga
B. Sukat D. Tugma
BALIK-ARAL

Bago natin simulan ang susunod na aralin, ay sukatin muna natin ang
iyong natutuhan sa naunang aralin. Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot sa
Hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Ito ay isang uri ng panitikang nahahati sa A. Dula
ilang yugto na maraming tagpo. B. Editoryal
2. Isang uri ng dulang may kasiya-siyang wakas C. Melodrama
para sa pangunahing tauhan. D. Trahedya
3. Dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi E. Wakas
o hahantong sa kaniyang kabiguan ngunit
karaniwang may makabuluhang pagtatapos.
4. Sangkap ng Dula na kung saan dito matagpuan
ang kakalasan at ang kalutusan.
5. Bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng kuro-kuro
tungkol sa napapanahong isyu.

ARALIN
Tunghayan ang mga larawan at maaari mong tukuyin ang bawat isa.
Ilan lamang sila sa mga kilalang “superheroes” na ating hinahangaan ngunit

bago pa man sila nakilala ay may mga tinatawag na tayong mga bayani na
matatagpuan sa kuwentong nakapaloob sa mga epiko na isang uri ng
panitikang lumaganap sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga
mananakop.
Epiko
(Kahulugan, Katangian, Elemento at Halimbawa)

Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan


at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali.
Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng
pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay rin dito ang mga
sinaunang paniniwala, kaugalian at mga huwaran ng mamamayan kung saan
nagmula ang akda.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang “awit”.
Ito ay hinango rin sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”.
Dagdag pa, ito ay mahabang salaysay maaaring bigkasin sa anyong patula o
paawit. Maaari rin itong sabayan ng ilang instrumento at maaari rin namang wala.
Kalimitang binubuo ito ng 1,000 hanggang 55,000 linya.
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba
at maaring umabot o humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukuwento nito. Ang
macro-epic ay naglalaman ng “micro-epic” o isang parte o bahagi ng kuwento na
maaaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kuwento.

Mga Elemento ng Epiko


Ang sumusunod ay mga elemento na bumubuo sa isang epiko:
 Banghay – Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ito ay
maaaring maging payak o komplikado. Ang banghay ng isang epiko
ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan,
kasukdulan, kakalasan, at wakas.
 Matatalinghagang salita – Ang mga matatalinghagang salita ay ang
mga salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan.
Halimbawa:
balat sibuyas – mahiyain
naglulubid ng buhangin – sinungaling
 Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod. Sa epiko, may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay
wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing
pantig.
 Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang
mga pangyayari. Naaapektuhan nito ang takbo ng kuwento,
kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang
malinawan ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng
kuwento.
 Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa
madaling salita, ang tauhan ang kumikilos sa akda. Sa kuwento ng
kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking
kapangyarihan.
 Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat
taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng
salita

Mga Katangian ng Epiko


Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa mambabasa upang
mas madaling mabatid na ang akdang kanilang binabasa ay nabibilang sa
epiko. Narito sa ibaba ang ilan sa mahahalagang katangian na dapat
makikita sa isang akda o kuwento:
 Umiikot ang kuwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran
ng bayani. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang epiko ay tumatalakay sa
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga makapangyarihang
nilalang.
 May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan.
Karaniwang dinadagdagan ng “epithet” ang mga pangalan ng tauhan
upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang epithet ay pang-uri na
naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty Achilles mula sa
akda ni Homer.
 May malawak na tagpuan. Hindi lamang sa iisang tagpuan at oras
naganap ang kuwento. Maaaring maganap ang istorya nito sa iba’t
ibang parte ng mundo o maging sa buong kalawakan at ibang mundo.
 Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga
tauhan.
 Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari. Hindi
mawawala sa epiko ang mga kabulabulalas na mga pangyayari tulad
ng pakikisalamuha ng Diyos sa mga tao. Naglalaman din ito ng mga
hindi kapanipaniwalang mga pangyayari.
 Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga Diyos at mga mortal
na tao. Sa pakikisalamuha ng mga Diyos sa mga tao, laging
ipinapakita ang kalamangan ng mga ito sa mga kayang gawin ng mga
tao.
 May mga bayaning nagsisilbing modelo at huwaran sa mga
mamamayan. Ang epiko ay ginawa upang maging inspirasyon ng
mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang mga bayani sa uri ng
panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangiang tulad ng pagiging
matapang at pagkakaroon ng paninindigan na nagiging dahilan
upang tularan sila ng mga tao.
 Naglalaman ng mga matatalinghagang salita. Isa rin sa mga
katangian ng epiko ang pagkakaroon ng matatalinghagang salita
kung saan napapagana ang isip ng mga mambabasa sa kung ano ba
talaga ang ibig sabihin ng mga salitang nakapaloob sa akda.

Mga Halimbawa ng Epiko


Narito ang ilan sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas at sa mundo.
Ang mga kuwentong ito ay nagpapakita ng mga kabulabulalas na
pangyayari at nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan.
 Halimbawa ng Epiko sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan lalo na pagdating sa Epiko. Ang
bawat rehiyon sa ating bansa ay mayroong maipagmamalaking sariling
kuwento ng kabayanihan at ilan dito ay mababasa mo sa ibaba (pamagat
lamang):

Epiko ng Luzon
 Biag ni Lam-ang – Nagmula sa lalawigan ng Ilocos.
 Hudhud: Kuwento ni Aliguyon – Nagmula sa probinsya ng Ifugao.
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
Epiko ng Visayas
 Labaw Donggon
 Maragtas
 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon ( Epic from Panay)
Epiko ng Mindanao
 Bantugan
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan
 Ulod
 Halimbawa ng Epiko ng Mundo
Marami ring kuwento ang tumatalakay sa kabayanihan ng mga
pangunahing tauhan ang nailimbag sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Narito
sa ibaba ang ilan sa mga halimbawa ng epiko na nakilala nang husto sa
buong mundo.
 The Epic of Gilgamesh
 The Illiad & The Odyssey (Gresya)
 Mahabharata (India)
 Beowulf (Inglatera)
 The song of Roland (Fransya)
 Sundiata
 Ramayana (India)

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa sumusunod


na pahayag. Isulat ang letra nang tamang sagot sa sagutang papel.
A. Matalinghang Salita B. Tauhan
C. Epiko D. Hinilawod E. Tagpuan

1. Isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
2. Elemento ng epiko na nagbibigay ng buhay at kumikilos sa akda.
3. Isa sa mga katangian ng epiko kung saan napagagana nito ang isip ng mga
mambabasa.
4. Isa sa mga tanyag na epiko sa kabisayaan.
5. Isang elemento ng epiko na tumutukoy sa lugar at oras kung saan naganap
ang mga pangyayari
B. Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang tamang sagot sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A Q W P S E D R G B N M P
B B A N G H A Y J F G H A
C E O M A S D F G H J K A
L A B A W D O N G G O N W
S R I Z X C V B N M L P I
O T U A S D F G H J K L T
P Y U Q S W E R T Y U I T
E M I C R O E P I C O P Z

1. Ito ay salitang Griyego na nangangahulugang awit. (Ang sagot ay pataas)


2. Isang parte o bahagi ng kuwento na maaaring ihiwalay at makabuo ng isa pang
bukod na kuwento. (Ang sagot ay pahalang)
3. Tumutukoy sa wastong pagkaka-sunod-sunod ng mga pangyayari. (Ang sagot ay
pahalang)
4. Isa pang tanyag na epiko na nagmula sa kabisayaan. (Ang sagot ay pahalang)
5. Bukod sa patula, ito ay isa ring paraan ng pagbigkas ng epiko. (Ang sagot ay
pababa)

C. Panuto: Pangkatin ang sumusunod na epiko ayon sa kung saan ito


nagmula. Isulat sa tamang hanay ang iyong sagot.

BIDASARI IBALON HINILAWOD


RAMAYANA MARAGTAS HUDHUD BANTUGAN
DARANGAN MAHABHARATA BIAG NI LAM-ANG

LUZON VISAYAS MINDANAO IBANG BANSA

PAGLALAHAT

Panuto: Magbigay ng iyong natutuhan mula sa araling tinalakay.

EPIKO
PAGPAPAHALAGA
Sa araling ito ay nakilala natin ng lubusan ang epiko bilang isa sa
mga sinaunang panitikang Pilipino na ipinagmamalaki ng ating lahi.

Ikaw bilang isang mag-aaral, paano mo


mapahahalagahan ang mga panitikan tulad ng
epiko?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto. Tama o Mali. Sagutin mo kung tama o mali ang mga pahayag. Ibigay
ang tamang sagot kung mali ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan tulad ng epiko.
2. Ang epiko ay naglalaman ng maiikling kawikaan na galing sa mga
tauhan.
3. Ang Biag ni Lam-ang ay kilalang epiko ng mga Ilokano.
4. Ang tauhan ang siyang nagbibigay buhay sa epiko.
5. Umiikot ang kuwento ng epiko sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng
bayani.
SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN
Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc at Carmela Esguerra-Jose, Pinagyamang
Pluma, Quezon Ave., Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House Inc.,
2018, pahina 211-231

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/Pinoy Collection (Epic poems in the


Philippines) qwiklit.com tagaloglang.com Epiko: Kahulugan, Elemento, Katangian
at mga Halimbawa (accessed: June 26, 2020)

https://brainly.ph/?fbclid=IwAR0c7mSUZ4sUy8BlTmZCWLXiUK78FOPPP9hRvnw
UPEWamq8w51Nq5DZcGBc “Dula at mga Uri nito” (accessed: June 26, 2020)

https://philnews.ph/2020/01/22/dula-ano-ang-kahulugan-ng-dula-at-mga-
halimbawa-nito/ (accessed: June 26, 2020)

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Fil8 Q4 M4 Edited
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Document20 pages
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Caloy Montejo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Mayren Vizarra
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    RONALYN MODESTO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Maria Carmela Arellano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Gines, Hanna Alexa L.
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M3 Pagbasa
    FIL11 Q3 M3 Pagbasa
    Document14 pages
    FIL11 Q3 M3 Pagbasa
    Mercado Franchezcah Nicole C.
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Ariane Leynes
    No ratings yet
  • Science 3 Q2 M15 LAYOUT
    Science 3 Q2 M15 LAYOUT
    Document16 pages
    Science 3 Q2 M15 LAYOUT
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 M18 PDF
    Fil10 Q1 M18 PDF
    Document14 pages
    Fil10 Q1 M18 PDF
    Rhona Angela Cruz
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    My Name Is CARLO
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 1
    Filipino: Modyul 1
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 1
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Document18 pages
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Raymark sancha
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    JJ THOMPSON
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    Document18 pages
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    carmell channel
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Marylyn Blanker
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Joan Makiling
    No ratings yet
  • Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Document14 pages
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Joan Makiling
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Marychel Sambrano
    No ratings yet
  • Science 3 Q1 M1
    Science 3 Q1 M1
    Document16 pages
    Science 3 Q1 M1
    Camille Respicio
    No ratings yet
  • Science 3 Q2 M5 - LAYOUT
    Science 3 Q2 M5 - LAYOUT
    Document20 pages
    Science 3 Q2 M5 - LAYOUT
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet