You are on page 1of 14

Filipino 9

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan –Modyul 5:“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”Elehiya –
Bhutan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marites Soriano Gonzales
Editor: Imelda T. Tuańo at Jay-R S. Montecer
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul 5 para sa Sariling Pagkatuto
“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” Elehiya –
Bhutan
Manunulat: Marites S. Gonzales
Tagasuri:Salve Regina O. Piezas /Editor: Imelda T. Tuańo at Jay-ar S. Montecer

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Modyul 5 para sa
araling “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” Elehiya – Korea!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Modyul 5 ukol sa “Elehiya sa


Kamatayan ni Kuya ” Elehiya – Bhutan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
SA PAGWAWASTOMGA
1. Nasusuri ang elemento ng elehiya batay sa
INAASAHAN
-Tema
-Mga Tauhan
-Tagpuan
-Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon
-Wikang ginamit
-Pahiwatig o simbolo
-Damdamin

2. Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang letrang T kung Tama at letrang M kung Mali ang
sumusunod na pangungusap.
_____1. Ang Epiko ay naglalarawan ng pagbubulay-bulay na nagpapakita ng
masidhing damdamin na patungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay.
_____2. Nagsalin sa Filipino ng “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ay si
Pat V. Villafuerte
_____3. Ang mga katangian ng elehiya ay pagiging matimpi, mapagmuni
muni at di-masintahin.
_____4. Ang taong pinahahalagahan sa tulang ito ay ang ina.
_____5. Ang uri ng tekstong ito ay nagsasalaysay.

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang nawawalang titik


sa patlang.
1. Ang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng Himalaya,
sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asya.

B U N

6
2. Ang opisyal na relihiyon sa bansang ito ay _________
B D M

3. Kilala rin ito bilang isang tulang liriko.


E H A

4. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya .


P N D M A N

5. Ninanais nating balikan kapag may mahal sa buhay na lumisan.


A A L

ARALIN

Basahin at unawain ang elehiyang nagmula sa Bhutan.


“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikwadrong larawang guhit, poster, at larawan,
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luhanaglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maaamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.

7
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha,ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at kwalang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay
nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking inaay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

Pat V. Villafuerte et. al. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. Pasig City:
Vibal Group, Inc. 2014.

MGA PAGSASANAY

GAWAIN 1.

Panuto: Suriin ang mga pahayag batay sa sumusunod na Elemento ng


Elehiya: Tema, Tagpuan, Mga Mahihiwatigang kaugalian o
Tradisyon, Wikang ginamit, Pahiwatig o Simbolo at Damdamin

Mga Pahayag Elemento ng Elehiya


1. Mga mata’y nawalan ng luha, ang Tema-
lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

8
2. Mula sa maraming taon ng Mahihiwatigang
paghihirap kaugalian/tradisyon-
Sa pag-aaral at paghahanap ng
magpapaaral
3. Ang lahat ay nagluksa,ang burol ay Wikang ginamit-
bumaba,ang bukid ay dinaanan ng
unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
4.Sa edad na dalawampu’tisa, isinugo Pahiwatig o Simbolo-
ang buhay
Ang kaniyang malungkot na
paglalakbay na hindi na matanaw
5. Ang masaklap na pangyayari, Damdamin-
nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas
ang hangganan, gaya ng paggunita

GAWAIN 2
Panuto: Bigyang-puna ang tono ng may-akda sa elehiyang nabasa.

A. Nagagalit C. Nagdadalamhati
B. Nalulungkot D. Nanghihinayang

1. Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isinugo ang buhay
2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak
3. Wala nang dapat ipagbunyi!
Ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na
4. Ang lahat ay nagluksa,ang burol ay bumaba,ang bukid ay nadaanan
ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
5. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita

9
GAWAIN 3
Panuto: Piliin ang tamang katumbas na pahayag ng mga
sinalungguhitang salita mula sa taludtod ng tula.

1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay


A. isinilang sa mundo C. nawalan ng hininga
B. isinugal ang buhay D. lumisan sa mundo
2. Una sa dami ng aking kakilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
A. layunin o adikain C. marangyang pamumuhay
B. nais makamit sa buhay D. kayaman
3. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
A. polusyon sa paligid C. kaguluhan sa lipunan
B. pagsisiga ng mga puno D. pagsubok sa buhay
4. Ang buhay ay saglit na nawala
A. naghirap C. nahimatay
B. nagdurusa D. nakulong
5 .Malungkot na lumisan ang tag-araw
A. lumisan C. lumikas
B. lumimot D. pumanaw

PAGLALAHAT
PANUTO: Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag batay sa iyong konsepto o
pananaw sa buhay.

Bakit mahalaga sa
Paano ipinadama ng
sumulat ng tula ang mga
may-akda ang labis
alaalang iniwan ng
niyang pagdadalamhati
kaniyang kapatid?
sa tula?

10
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Pumili ng isang avatar emoticon na nagpapakita ng iyong
damdamin batay sa Elehiya.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang taong labis na ipinagluluksa ng may-akda sa tula ay ang ___________


A. anak C. kapatid
B. asawa D. magulang

2. Ang elehiya ay isang tulang liriko na may temang


A. Emosyong hindi maipaliwanag ng isang tao.
B. Puno ng mga pagsubok sa buhay.
C. Mga saloobing nais ipahayag.
D. Naglalarawan ng pagbubulay-bulay na nagpapakita
ng masidhing damdamin patungkol sa mahal sa buhay.

11
3. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal
na inialay” Ang unang linya ng tula ay nagpapahiwatig ng ______________
A. pag-iisa
B. paglubog ng araw
C. pagpanaw ng isang tao
D. panibagong araw na darating

4. Ang masaklap na pangyayari,nagwakas na. Ang salitang masaklap


ay nangangahulugang ______________
A. hindi maganda
B. hindi malilimutan
C. kawalang pag-asa
D. masama

5. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin


ng lumisan ay ______________
A. humiwalay
B. lumayo
C. lumika
D. umalis

12
SUSI SA PAGWAWASTO

13
Sanggunian

Vilma C. Ambat et. al. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. Pasig City:
Vibal Group, Inc. 2014.
https://app.quizalize.com/view/quiz/filipino-pabula-ang-hatol-ng-kuneho-0905acff-865f-
406b-9a04-aab1c190f41a
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ang-hatol-ng-kuneho-gr9-filipino-aralin-22

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00YpTZn3ciDrZ1qfBlH4307_-
Ht1Q%3A1596284949893&ei=FWAlX4WJNo2Pr7wP4o6SmA8&q=antas+ng+literasi+ng+
korea&oq=&gs_lcp=
https://www.facebook.com/804387872952408/posts/ang-hatol-ng-kunehoisinalin-sa-filipino-
ni-vilma-c-ambat-noong-unang-panahon-nan/804433202947875/
https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-lobo-at-ang-ubas-pabula.html
https://www.google.com/search?q=+avatar+fb&tbm=isch&ved=2ahUKEwiA7oT6gM_rAhUqzYsBHdg
SC7AQ2-
cCegQIABAA&oq=+avatar+fb&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQE
zIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQE1CHRVjaS2DlUWgAcAB4AIABtQKIAckGkgEHMC40Lj
AuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=tvBRX4C7MKqar7wP2KWsgAs&bih=6
08&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH853PH853

14

You might also like

  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Jean Janna Roxas
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    My Name Is CARLO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    100% (1)
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Fil8 Q4 M4 Edited
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Document20 pages
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Caloy Montejo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Gines, Hanna Alexa L.
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Ariane Leynes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • FIL8 Q4 M3 New Edited
    FIL8 Q4 M3 New Edited
    Document18 pages
    FIL8 Q4 M3 New Edited
    Caloy Montejo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 M18 PDF
    Fil10 Q1 M18 PDF
    Document14 pages
    Fil10 Q1 M18 PDF
    Rhona Angela Cruz
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Marylyn Blanker
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    yajope8262
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    JJ THOMPSON
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document20 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Health 2 - Q3 - M3
    Health 2 - Q3 - M3
    Document13 pages
    Health 2 - Q3 - M3
    Gladie Faye Balbalosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Mayren Vizarra
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    Document18 pages
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    carmell channel
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet