You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 13: Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Engelbert D. Rufo
Tagasuri: Amado R. Amado at Leda L. Tolentino
Editors: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto
13
SANAYSAY
Manunulat: Engelbert D. Rufo
Tagasuri: Leda L. Tolentino at Amado R. Amado/Editor: Melinda P. Iquin at Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 13 para sa
araling Sanaysay

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 13 ukol sa Sanaysay

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos


mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang


malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-


aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan


halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay


naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.


2. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang
akda.
MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
1. Napalalalim ang pang-unawa sa kahulugan, katangian at mga uri ng sanaysay.
2. Napahahalagahan ang sanaysay bilang bahagi ng panitikan.
3. Nakasusulat ng isang halimbawa ng sanaysay batay sa mga uri nito.

PAUNANG PAGSUBOK
Natitiyak kong sapat na ang iyong kahandaan upang muling matuto
ng isang bagong aralin subalit bago ka tumuklas ng dagdag na kaalaman
ay sagutan muna ang sumusunod na pagsubok:

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang.

_______1. Siya ang itinuturing na bayani ng Africa.


A. Barrack Obama C. Michael Jordan
B. Dilma Rousseff D. Nelson Mandela

_______2. Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag


ang sariling kaisipan.
A. maikling kuwento C sanaysay
B. nobela D. tula

_______3 Siya ay sinilang sa Pransiya at tinaguriang “Ama ng Sanaysay.”


A. Alejandro Abadilla C. Robertson Torres
B. Michel de Montaigne D. William Shakespeare

_______4. Binigkas ni Nelson Mandela ang kanyang talumpati bilang pangulo


noong __________.
A. Mayo 10,1994 C. Setyembre 8, 1994
B. Agosto 21, 1994 D. Disyembre 30, 1994

_______5. Sa _______ Africa namuno at kinilala ang kabutihan ni Nelson Mandela.


A. Hilagang C. Silangan
B. Kanlurang D. Timog

6
BALIK-ARAL

Nagustuhan mo ba ang katatapos lamang na aralin? Alam kong may


natutuhan ka. Subukin natin ngayon kung iyo pang naaalala ang ilang
bagay ukol dito.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasagutan sa bawat bilang. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang sagot.

A. Epiko D. Maghan Sundiata

B. J.D Pickett E. Paninindigan


C. Mary Grace Tabora F. Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali

______1. Ang pangunahing tauhan na hinulaan ng isang mahiwagang mangangaso


na magiging makapangyarihang pinuno subalit marami ang hindi
naniwala sa dahilan na pitong taong gulang na siya ay hindi pa
nakakalakad.

______2. Ang nagsalin sa wikang Filipino ng sinaunang epiko.

______3. Ito ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatwiran.

______4. Ang katumbas sa Filipino ng Sundiata: An Epic of the Old Mali.

______ 5. Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at


kalahati’y supernatural.

ARALIN

Narito ang isang bagong aralin na tiyak na magpapayaman sa iyong


kaalaman. Pag-aralan lamang ito ng mabuti at tiyak na marami kang
matututuhan!

Ang Sanaysay at ang dalawang uri nito


Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang
kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa
sanaysay ay tumutukoy sa mahahalgang impormasyong ibinibigay nito sa
mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaring isulat ng
pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at

7
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang
buod ng komposisyon.

Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay


isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng
mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”
Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Motaigne ang tinaguriang
“Ama ng sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na
ngangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyong
pagsulat.

Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di pormal o personal.


Narito ang pagkakaiba ng dalawa.

Pormal Di-Pormal o Personal


Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
o kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
makaagham at lohikal na pagsasaayos pang-araw-araw, at personal.
sa paksang tinatalakay.
Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang
nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo di-kumikiling sa damdamin Subhektibo sapagkat pumapanig sa
ng may akda. damdamin at paniniwala ng may-akda.

MGA PAGSASANAY
Tunay at nakalulugod na nakarating ka na sa bahaging ito ng iyong
pag-aaral, alam ko na handa ka nang subukin ang iyong nalalaman sa
pamamagitan ng ilang pagsasanay.

PAGSASANAY BLG.1

Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang T sa patlang kung tama at M
kung mali ang sumusunod na pahayag kaugnay sa sanaysay.

______1. Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.


______2. Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang
sanay.”
______3. Pormal ang isang sanaysay kung ito ay maingat na pinipili ang pananalita.
______4. Nagsisilbing aliwan/libangan at ang himig ng pananalita ay parang
nakikipag-usap lamang ay ilan sa katangian ng di-pormal o personal na
sanaysay.
______5. Ito ay tinatawag na essay sa wikang Ingles na ngangahulugang isang
pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

8
Basahin ang isang halimbawa ng sanaysay

Silang mga Anay


Kahit na sino’y. makapagsasabing lubhang mapaminsala ang anay. Ang mga
ito’y itinuturing na mumunting salot sa mga bahay na residensiyal at maging sa
mga nagtatayugang gusaling pangkalakal. Kaya nga ba’t naging mahusay na
negosyo ang pagpuksa sa mga anay. Sa madaling salita, kaaway nating mga tao
ang mga anay ngunit maari kayang ang mga katulad ng mga anay ay magbigay ng
aral o leksiyon sa mga taong may hustong isip at damdamin? Maaari, kung kayo ay
naniniwala sa kasabihang “pinakasukdol mang kasamaan ay may natatagong
kabutihan at sa pinakasagad mang kapangitan ay may masasalaming
kagandahan.”
Ang unang enkuwentro ko sa mga anay ay noong ako ay bata pa. Mga labing
–isang taong gulang pa lamang ako noon. Marami akong tanim na halaman sa
aming bakuran. Namumunga na ang mga patolang nasa balag ng kawayan. Ang
talong, kamatis, petsay, letsugas, at okra ay mabubulas at nagsisimunga na rin sa
pali-paligid ng aming bakuran. May tanim din akong ampalaya, pipino at kundol.
Siyang-siya ako tuwing hapong ako’y nanggagaling sa paaralan at madaratnang
namimitas si Inang ng mga bunga ng aking pananim.”Sayang,” may pagmamahal
at pagmamalaking nasasabi ko sa aking sarili. Parang ayaw kong may ibang
makikialam sa aking mga tanim. Subalit iilang araw pa lang na napag-aanihan ang
aking gulayan ay nagsungit ang panahon. Dumaan ang isang napakalakas na
bagyo at ang mga gulay at iba pang mga pananim ko ay nangasirang lahat.
Nang mapawi ang bagyo at unos at muling sumikat ang araw, lumong-lumo
ako’t hindi makakain. Parang maysakit ako habang pinagmamasdan ang pangit na
labi ng aking halamang winasak ng bagyo at baha. Umiyak ako noon.
Mayamaya’y ano’t parang nalibang ako sa pagmamasid sa isang punso ng
mga anay sa tabi ng inuupuan kong ugat ng puno ng banaba. Kaipala’y lumubog
din sa tubig ang punso at nawasak. Ngunit nakita kong ang mga anay na
nagbabahay doon ay buong pagkakaisa at kaabalahang gumagawa. Tahimik sa
pagtatayong muli ng nawasak nilang tirahan. Tulong-tulong sila. Sama-sama.
Parang iisang katawang gumagawa.
Noon nga parang may sumaksak na pagkapahiya sa aking batang isipan.
Ako? Pananim lang naman ang nasira, ngunit heto at hindi malaman ang gagawin,
kung sino ang sisisihin.
Pero sila, sila’y maliliit na anay lamang subalit sa pagkakataong iyon, para
silang mga taong may-isip na nagpasiya at ginawa ang sa inaakala nila ay siyang
tama.
Sa utak ko’y napatimo ang matiim na aral na iyon mula sa anay. Na
anumang kabiguan, anumang tiiisin, anumang hirap na makasalubong sa landas
ng buhay ay mapagtatagumpayan kung may matibay na pasiyang tumindig na
muli sa pagkakalugmok.
-Hango sa Sanayang Aklat sa Pagbasa
D.C.S., Maynila/Sandigan Sining ng Komunikasyon

9
Pagsasanay BLG. 2

Panuto: Piliin sa Hanay B ang pinaka malapit na kahulugan ng mga salitang


nakaitalisado sa hanay A.

Hanay A Hanay B
1. ang mga okra ay mabubulas A. sukdulan
2. pinakasagad sa kapangitan B. pagkakadapa
3.pagpuksa sa mga anay C. malalaki
4. nalibang sa pagmamasid D. pagpatay
5. tumindig muli sa pagkakalugmok E. pagtitingin

Pagsasanay BLG. 3

Panuto: Gumawa ng isang di-pormal na sanaysay hinggil sa nararanasang


hamon sa atin ng kasalukuyang panahon. Maaaring pumili ng paksa sa loob
kahon.

COVID-19 “Blended Learning”


Mabagal at mahal na internet load sa Pilipinas

“Early Pregnancy”

“Anti Terrorism Act of 2020”

Pamantayan sa pagbuo ng di-pormal na sanaysay

Nakabuo ng tatlong talata na may maayos na pagkakalahad at 8-10 na puntos


pagkakaugnay ang mga ideya.
Gumamit ng mga patunay sa paglalahad.
Nakabuo ng tatlong talata subalit hindi maayos ang 5-7 na puntos
pagkakalahad at pagkakaugnay ng mga ideya.
Kulang ang mga patunay na ginamit.
Hindi nakabuo ng tatlong talata at walang pagkakaugnay ng 1-4 na puntos
mga ideya.
Kulang ang mga patunay na ginamit.

10
PAGLALAHAT

Malapit mo ng matapos ang aralin. Sa bahaging ito ay muli nating


balikan ang iba pang mahahalagang kaalaman na hindi mo dapat
malimutan.

Seryoso ang paksa ng pormal na sanaysay. Natural, hindi himig biro ang
pagkakasulat nito. Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng awtor ang kanyang
tinatalakay na bagay o isyu nang di lamang nababatay sa sarili niyang karanasan
at nalalaman. May sanggunian; may batayang kilala at kinikilala sa kanyang
inilalahad. Masasabi na isang pag-aaral tungkol sa tao, sa buhay-buhay at sa mga
baga-bagay na may impluwensiya sa pamumuhay ang pormal na sanaysay.

Ang inilalahad naman ng sanaysay na di-pormal o personal ay naaayon sa


mga bagay na nakatatawag sa pansin ng diwa at damdamin, na inaakalang
mahalaga. Dahil may pagkapersonal ang paksa ng sanaysay na ito, personal din
ang istilo ng pagkakasulat. Kaya maaaring pabiro, malungkot, masaya, o
naghihimagsik ang himig ng di-pormal o personal na sanaysay sa kabuuan nito.

Inaasahan ko na lubos mong naunawaan ang dalawang uri ng sanaysay,


kaya naman subukin mong tukuyin kung anong uri ng sanaysay ang
sumusunod na bilang. Isulat sa patlang ang letrang P kung pormal at DP kung
di-pormal.

________1. Inilalahad at ipinaliliwanag ng buong ingat ng awtor ang kanyang


tinatalakay.
________2.Personal ang istilo ng pagkakasulat.

________3. Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.

________4. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-


akda.
________5.Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.

Magaling kung natapos mo na ang lahat ng mga ibinigay na gawain


sa itaas. Marahil ay nalibang ka at natuto sa bagong aralin. Ngayon ay
subukin mo namang pahalagahanan ang iyong natutuhan.

11
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng pagdugtong sa
pangungusap.

Mahalaga ang sanaysay sa pagtalakay ng isang napapanahong paksa dahil


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________.
Bilang isang mag-aaral, dapat na marunong akong sumulat ng sanaysay sapagkat
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________.
Bago sumulat ng sanaysay, dapat na may sapat na kaalaman hinggil sa isang
paksa upang ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang ___________ ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan.


A. awit B. bugtungan C. sanaysay D. tula

2. Sa anong taon isinilang ang ama ng sanaysay.


A. 1580 B. 1680 C. 1780 D. 1880

3. Ito ay tinawag na essai sa wikang ________ na ngangahulugang isang


pagtatangka, isang pagtuklas sa anyo ng pagsulat.
A. Aleman B. Griyego C.Hapon D. Pranses

4. Uri ng sanaysay na nagbibigay lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga


paksang karaniwan, pang-araw-araw, at personal.
A. pormal B. di-pormal C. di-malaya D. malaya

5. Uri ng sanaysay na maingat na pinipili ang pananalita at nagbibigay ng


impormasyon.
A. pormal B. di-pormal C. Malaya D. di-malaya

12
13
D.C.S., Maynila/Sandigan Sining ng Komunikasyon
-Hango sa Sanayang Aklat sa Pagbasa
sa Filipino, Unang Edisyon, 2015
Kagawaran ng Edukasyon,Modyul para sa mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang
Sanggunian
MODYUL 13
ARALIN 3.5 SANAYSAY
Paunang Pagsubok Balik aral
1. D 1. D
2. C 2. C
3. B 3. E
4. A 4. F
5. D 5. A
Pagsasanay BLG. 1 Pagsasanay BLG. 2
1. T 1. C
2. T 2. A
3. T 3. D
4. T 4. E
5. M 5. B
Paglalahat
1. P
2. DP
3. P
4 DP
5. P
Panapos na Pagsusulit
1. C
2. A
3. D
4. B
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like