You are on page 1of 1

Ace

Ang paliwanag at pagkakaiba ng dalawang uri ng kamangmangan

Kamangmangang madaraig

Kamangmangang di madaraig

Kamangmangang Madaraig

Ito at tumutukoy sa kamangmangan kung saan ikaw ay mayroon pang magagawang paraan upang ito ay
malampasan. malalampasan mo ang kamangmangan sa pamamagitan ng pag aaral at pagsisikap na ikaw
ay matuto, Tayo ay laging may pagkakataon na matuto sa maraming bagay ngunit ang ilan sa atin ay
nadadaig ng katamaran, walang ginagawa at gusto na lamang ay habang buhay na mangmang.

Halimbawa

May dumating sa inyong tahanan na isang tao na mayroong dalang papel at mga kasulatan sinabi niya sa
iyo na kailangan mong pirmahan iyon dahil iyon ay mga dokumento na nagpapatunay na ang lupang
iyong sinasaka ay pagmamay ari mo talaga. Ngunit sa katotohanan ay ang laman ng mga papeles na iyon
ikaw ay kusang loob na aalis sa iyong lugar sapagkat ibinibigay mo na ang lupang iyon sa ibang tao.
Maiiwasan ang mga ganitong bagay kung ikaw ay may kaalaman. kung ikaw ay mag aaral hindi ka
maloloko ng sinuman.

Kamangmangang di madaraig

Ito ay tumutukoy sa kamangmangan ng tao na hindi nya malalampasan sapagkat siya ay hindi
gumagawa ng paraan upang ito ay malampasan. Ito ay tumatagal at bumabawas sa pananagutan sa
kanyang kilos at pasya. Ito ay dahil sa pagkakataong ginawa ang pag pili pinaniniwalaan mong tama ang
iyong ginawa.

Halimbawa

May dumating sa inyong tahanan na inaalok ka ng iba't-ibang klase ng gamot, ayon sa kanya na ito ay
mabisa nakakagamot ng lahat ng uri ng karamdaman. Bukod pa dito pag nag member ka sa kanila ay
bibigyan ka nila ng mas maraming produkto at pwede mo pa ibenta sa iba at kikita ka ng malaki. Agad
kang naniwala at nagbigay ng malaking halaga, pagkaalis ng taong iyon ay nasabi ng kaibigan mo na ito
ay scam lahat ng mga produkto nila ay peke at hindi nakakagamot

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/177769#readmore

You might also like