You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III – GITNANG LUZON

PANREHIYONG PAGTATASA PARA SA KALAGITNAANG TAON


ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:______________________________ Iskor:_____________________
Baitang at Seksiyon:___________________ Petsa:____________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang HINDI kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu?
A. pagkilala sa sanggunian
B. pagbuo ng opinyon at ugnayan
C. pagtukoy sa katotohanan at opinyon
D. pagbabago ng pananaw batay sa paniniwala ng karamihan
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang higit na makatutulong sa paglutas ng
mga suliraning panlipunan?
A. Laging bantayan ang mga ulat sa bayan upang makasali sa iba’t ibang
welga.
B. Pumunta sa ibang bansa upang doon sanayin ang kasanayan sa ibang
larang.
C. Dapat maging bukas ang kaisipan ng bawat mamamayan sa mga
isyung panlipunan.
D. Kailangang sumunod sa batas ang mga mamamayan gaya ng
pagbabayad ng tamang buwis.
3. Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto?
I. Ang hindi tuwirang pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa
lipunang kinabibilangan ay magdudulot ng kapakinabangan sa pagbuo
ng isang maayos, sistematiko at organisadong lipunan.
II. Ang bawat indibidwal ay may katayuan sa lipunang kinabibilangan at
ang katayuang ito ay may kaukulang gampanin o tungkulin sa
pagpapatakbo ng maayos na lipunan.
A. Tama ang nilalaman ng pahayag 1 at 2.
B. Tama ang nilalaman ng pahayag 1 at mali ang pahayag 2.
C. Mali ang nilalaman ng pahayag 1 at tama naman ang pahayag 2.
D. Mali ang nilalaman ng pahayag 1 at 2.
4. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report noong 2015, ano
ang pinakamalaking komposisyon ng municipal solid waste ng itinatapong
basura?
A. biodegradable C. nuclear waste
B. electronic waste D. solid waste
5. Anong batas ang nagsasaad tungkol sa paggamit ng Material Recovery
Facility (MRF) sa bansa?
A. Republic Act 115 C. Republic Act 9003
B. Republic Act 2649 D. Republic Act 9072
6. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing
naaapektuhan ng nagaganap na deforestation?
A. Dahil sila ang direktang napeperhuwisyo sa mga ilegal na gawain.
B. Dahil sila ang halos walang hanapbuhay at umaasa na lamang sa
tulong na galing sa ilegal na gawain.
C. Dahil karamihan sa kanila ay nakatira sa malapit sa kagubatan na
nagsisilbing tahanan at hanapbuhay ng karamihan sa kanila.
D. Dahil wala silang kakayahan na kontrolin ang illegal loggers sa
pagputol ng mga puno kung kaya sila ay mananatiling sumasang-
ayon na lamang sa gawain ng mga ito para sa sarili na rin nilang
kapakanan.
7. Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated
Protected Areas System (NIPAS). Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa
mga layunin nito?
A. pangangalaga sa pagpapanatili ng mga puno
B. rehabilitasyon ng malaking bahagi ng kagubatan
C. pangangalaga sa mga taong nakatira malapit sa gubat
D. pangangalaga sa protected areas mula sa pang-aabuso
8. Isa sa mga maituturing na isyung pangkapaligiran ang naranasan sa Villa,
Aurora nang magkaroon ng pagguho ng lupa rito na naging dahilan ng
pagkasira ng daan at ilang tahanan; patunay na ito ay epekto ng unti-unting
pagkaubos ng mga puno sa kagubatan gawa ng illegal logging at
pagkakaingin. Alin sa sumusunod ang PINAKAMABISANG hakbang na
maaari mong gawin upang mapigilan ang suliraning ito?
A. Batikusin ang pamahalaan at iba’t ibang lider sa mga maling gawain
at pagpapahintulot sa pagpuputol ng puno.
B. Magbigay ng tulong gaya ng pagkain, damit at tubig para sa mga
biktima ng ganitong uri ng trahedya at suliraning pangkapaligiran.
C. Sumali sa iba’t ibang programang may kinalaman sa pagpapanatili ng
maayos na kapaligiran gaya ng clean-up drive program at tree planting.
D. Mag-post sa social media ng mga larawan at ipahayag ang mga
saloobin hinggil sa isyung may kinalaman sa kapaligran upang
makakuha ng maraming suporta.

9. Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa


hinggil sa hindi tamang pagtatapon ng basura dahil sa patuloy na kawalan
ng disiplina ng ilang mamamayan. Alin sa sumusunod na mga gawain ang
HINDI kabilang sa mga ito?
A. pagsusunog ng mga plastik, gulong at goma sa mga bakuran
B. paggawa ng compost pit at tamang segregasyon ng mga basura
C. hindi pagreresiklo ng mga basura upang magamit pa sa ibang bagay
D. pagtatapon ng basura sa mga kanal, estero, bakanteng lote, ilog at iba
pang mga pampublikong lugar
10. Bilang isang kabataan, alin sa sumusunod ang PINAKAMAINAM na dapat
mong gawin upang makatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang
mabawasan ang mga suliraning pangkapaligiran?
A. pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura
B. pagsunod sa mga alintuntuning itinatakda ng ating pamahalaan
C. pakikiisa sa mga gawaing panlipunan na makatutulong sa
pagsasaayos ng kapaligiran
D. pagiging huwarang kabataan na nakikisangkot sa mga gawaing
panlipunang makatutulong sa pagsasaayos ng iyong kapaligiran
11. Ang sumusunod na mga hazard ay bunga ng gawain ng tao. Ang maitim
na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay ilan lamang sa
mga halimbawa nito. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakahulugan
dito?
A. anthropogenic hazard C. man-made hazard
B. human-induced hazard D. natural hazard
12. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa
panahon ng sakuna at kalamidad?
A. upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima
B. upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan
C. upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at
pribadong sektor
D. upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay,
ari-arian at sa kalikasan
13. Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa
pagharap sa banta ng kalamidad upang __________.
A. maraming makaalam sa parating na kalamidad
B. mapagtulong-tulungan na mapaghandaan at maiwasan ang anumang
dulot na kapahamakan
C. mabigyan ng agarang solusyon ang mga maaaring maapektuhan ng
kalamidad
D. malimitahan ang pagkilos ng mga mamamayang nais tumulong upang
mapagaan ang gawain ng pamahalaan

14. Alin sa sumusunod ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang


anomang sakuna kung may lindol?
A. bomb threat drill B. earthquake drill C. fire drill D. tsunami drill
15. Paano magiging ligtas ang isang komunidad mula sa mga sakuna o
kalamidad?
A. pagtutok sa ulat panahon ng PAG-ASA
B. pagmo-monitor sa ulat ng PHIVOLCS
C. pakikinig at panonood sa social media
D. pagbuo ng mahusay na plano ng disaster management
16. Ano ang PINAKAMAINAM mong gawin kung may sakuna ng baha?
A. manatili sa bahay at hintayin na tumaas ang tubig
B. mag-panic at hintayin ang tulong mula sa mga rescuer
C. lumabas ng bahay at alamin kung sino ang mga apektado nito
D. ipaalam sa mga kinauukulan ang sitwasyon upang mabigyan ng
agarang tulong
17. Ano-anong aspekto ang naaapektuhan ng mga kalamidad na nararanasan
sa Pilipinas?
A. kalusugan, kabuhayan, at kalikasan
B. kabuhayan, kalakalan, at kalusugan
C. kalakalan, kapayapaan, at kalikasan
D. kapayapaan, kabuhayan, at kultura

Para sa bilang 18-19

Panuto. Basahin, suriin at unawain ang nilalaman ng artikulo at sagutin ang


katanungan sa ibaba.

Tumitinding Problema sa Baha!


Posted by Gus Abelgas on July 18, 2018

Paralisado ang maraming lugar sa Metro Manila at mga karatig na


lalawigan dahil sa nararanasang matinding pagbaha dala ng Habagat na
pinatindi pa ng Bagyong Henry kahapon. Talagang malaki ang problema ng
bansa ngayon sa mga matinding pagbaha. Kung dati ay ang mabababang
lugar lang ang madalas bahain tuwing malakas ang pag-ulan o kaya ay high
tide, ngayon, kahit ‘yung ilang matataas na mga lugar minsan ay nilulubog
na rin ng baha. Kahit nga hindi naman kalakasan ang ulan at sandali lang,
madalas ay mayroon agad baha. Ilan sa mga nakikitang dahilan dito ay ang
hindi maayos na mga drainage system, na lagi naming nakikitang proyekto
ng gobyerno sa maraming lugar.
Kabi-kabila nga ang mga paghuhukay at pagsasaayos ng mga drainage
pero mukhang walang silbi ang mga ito. May ilan kasi na ‘bara-bara’ ang
gawa at hindi natututukan o nababantayan. Marami sa mga proyekto ang
ganyan, mapanasyunal o lokal. Sa ilang proyekto, ang kinukuhang mga
contractor, basta nabayaran ay hindi na pinupulido ang gawa o ang mga
gamit ay hindi na inaayon sa mga napagkasunduan, pati kung paano ito
isasagawa. Mayroon pa nga riyan, kunwari ay magbabaon ng malalaking
concrete pipe, hindi naman alam kung saan padadaluyin ang tubig,
mistulang nagbaon lang kunwari. Kapag umulan, bumabalik sa kalsada
mula sa imburnal ang tubig. Walang silbi ang mga ginawa. Sayang ang pera
ng bayan. Isa pang dahilan sa matinding pagbahang nararanasan ay ang
walang habas na pagtatapon ng basura sa kung saan-saan. Madalas, ito ang
bumabara sa mga daluyan ng tubig.
Hangga’t hindi natututo ang marami, maya’t mayang mararanasan
ang baha. Baka ito ang palagi nating mararanasan – ang malubog sa baha.

Pinagkunan:
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pangmasa/punto-
mo/2018/07/18/1834498/tumitinding-problema-sa-baha/amp
18. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit
kailangang aksyonan ng kinauukulan ang lumalalang isyu ng pagbaha?
A. Maraming hanapbuhay ng pamilya ang maaantala.
B. Magdudulot ito nang maraming sakit sa mga mamamayang apektado
ng baha.
C. Makatutulong ito upang masuplayan ng tubig ang ilang taniman.
D. Maaaring magkaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig at pagkain sa
lugar.

19. Bilang isang mamamayang disiplinado at may kooperasyon sa inyong


lugar, alin sa mga pahayag ang HINDI mo dapat gawin upang maiwasan
ang pagbaha?
A. Panatilihing maayos ang pagtatapon ng basura gaya ng paghihiwa-
hiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok.
B. Magtanim ng mga puno sa bakuran o sumama sa mga tree planting
program ng barangay.
C. Makisangkot sa mga gawaing pangkomunidad na may kinalaman sa
pagsasaayos ng kapaligiran gaya ng community service o paglilinis.
D. Magmasid sa komunidad at hayaaan ang mga hindi sumusunod sa
tamang disiplina sa pagtatapon ng basura.

20. Ang unang yugto sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction


Management (CBDRRM) Plan ay tinatawag na ________.
A. pagtugon sa kalamidad
B. paghahanda sa kalamidad
C. paghadlang at mitigasyon sa kalamidad
D. rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad
21. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at
maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong
pakikibahagi ng mga mamamayan. Ito ay nakapaloob sa ______.
A. Philippine Disaster Risk Management
B. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council
C. Community Preparedness and Risk Management Approach
D. Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach

22. Bahagi ng rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad ang mga hakbang at


gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at
estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga nasalanta ng kalamidad.
B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at
paglilingkod sa pamahalaan.
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga
nasalantang komunidad.
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing
pangangailangan at gamot.
23. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down
Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM)
Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government
Organization (NGO), ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring
maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Capin ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng
estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot
ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga
first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang
kalamidad.

24. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement o


kolaborasyon sa pamayanan at iba pang katuwang na sektor?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo.
B. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang
mamamayan.
C. Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang proyekto
kapag pinagplanuhan.
D. Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang plano kung
binubuo ito ng iba’t ibang sektor.

25. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang PINAKAMABISA mong nararapat


gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagdating
ng iba’t ibang panganib at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong
pamayanan.
B. Magsagawa ng personal plan matugunan ang pangangailangan
ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at tulungan ang mga
naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang
pangangailangan ng mga tao.

26. Ang pinuno ng mga bansang kasapi ng organisasyon ay nagpupulong-


pulong upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang
pangangailangan. Ano ang anyo ng globalisasyon na tinutukoy nito?
A. ekonomiko B. kultural C. politikal D. teknolohikal
27. Alin sa sumusunod ang buhay na manipestasyon ng globalisasyon?
A. ekonomiko B. OFW C.sosyo-kultural D. teknolohikal

28. Ang brain drain ay tumutukoy sa mga propesyonal na manggagawa,


samantalang ang brawn drain ay tumutukoy sa ___________.
A. construction workers C. overseas workers
B. domestic workers D. skilled workers
29. Alin sa sumusunod ang epekto ng paglitaw ng maraming multinational
companies at transnational companies?
A. pagkakaloob ng hanapbuhay
B. pagbaba ng presyo ng produkto
C. pagdami ng produkto at serbisyo
D. pagkalugi ng mga multinational companies at transnational
companies
30. “Ang globalisasyon ay laganap na noon pa man at naging mas malawak sa
kasalukuyang panahon.” Ang mahihinuha natin sa pahayag na ito ay
_______.
A. ugnayan ng mga bansa sa daigdig na walang pagitan o hadlang
B. suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa
daigdig
C. bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto,
impormasyon at tao, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa
komunikasyon at transportasyon
D. isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya,
relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga
bansa sa daigdig

31. Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto


ng globalisasyon?
I. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
II. Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan tulad ng
ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal.
A. Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
B. Tama ang nilalaman ng una at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

32. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng dahilan sa pag-


usbong ng globalisasyon?
A. pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya at paggalaw ng mga tao
dulot ng migrasyon
B. pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at pagdami ng mga taong
walang trabaho dahil nalulugi ang maliliit na negosyo
C. pagbuti ng mga lokal na kompanya sa presyo at kalidad ng serbisyo
at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang
kompanya
D. paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng
impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan
ng materyales na ginagamit dito

33. Alin sa mga sektor ng manggagawa ang madalas nakararanas ng pang-


aabuso at hindi pantay na oportunidad sa pagtratrabaho?
A. agrikultura B. industriya C. pamahalaan D. serbisyo
34. Ano ang tawag sa anyo ng subcontracting kung saan ang mga
subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho ng
mga manggagawang ipinasok nila?
A. iskemang subcontractor C. job mismatch
B. job contracting D. labor-only contracting
35. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa
trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa?
A. dahil sa sistema ng kontraktuwalisasyon
B. dahil puro regular na ang mga manggagawa
C. dahil mataas na ang pasahod sa ating manggagawa
D. dahil marami ang benepisyong natatanggap ng ating manggagawa
36. Bilang tugon sa suliraning nararanasan ng mga manggagawa, mayroon
silang karapatang hindi dapat malabag upang masabi na sila ay may
disente at marangal na hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang sa mga karapatan ng manggagawa?
A. Karapatan sa pantay na suweldo para sa parehong trabaho.
B. Karapatang sumali sa marahas at mapanganib na uri ng unyon.
C. Karapatang maging ligtas at malayo sa panganib ang kalagayan ng
pagtatrabaho.
D. Karapatan na makatanggap ng sapat at karapat-dapat na suweldo para
sa makataong pamumuhay.
37. Halos mapudpod na ang sapatos ni Justin sa paghahanap ng trabaho
ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fair na rin ang kaniyang
pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito
nangyayari kay Justin?
A. Kulang pa ang kaniyang lakas ng loob.
B. Kulang siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya
nagugustuhan.
C. Hindi kaaya-aya ang kaniyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya
natatanggap sa trabaho.
D. Biktima si Justin ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kaniyang
kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya.
38. Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), maraming job
fairs noong 2010 ngunit kakaunti lamang ang mga natanggap na
kalipikadong aplikante mula sa maraming bilang ng mga nag-apply. Alin
ang HINDI angkop na dahilan nito?
A. Ang mga aplikante ay hindi interesado sa mga trabaho sa bansa.
B. Kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch
ng mga aplikante sa bansa.
C. Mayroong patuloy na mismatch sa kasanayan at kakayahan mula sa
tinapos na kurso at sa hinihinging kalipikasyon ng mga employer.
D. Maraming kurso sa Higher Education Institutions sa bansa ang hindi na
tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na
nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
39. Alin ang angkop na salita na tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaako na
ng lalaki ang mga gawain sa tahanan dulot ng migrasyon?
A. helper B. house boy C. house father D. house husband
40. Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa
kapakanan ng migrante MALIBAN sa __________________.
A. Commission of Filipino Overseas
B. Philippine Oveaseas Labor Offices
C. Department of Labor and Employment
D. Department of Science and Technology
41. Isang epekto ng migrasyon ay ang pagtanggap o pagpapadala ng mga lakas-
paggawa sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
magandang benepisyo ng brain gain?
A. Malaki ang posibilidad ng promotion ng manggagawa.
B. Gastusin ng kompanya ang pagpapadala ng manggagawa sa ibang
bansa.
C. Maaring magtrabaho sa ibang bansa ang empleyadong ipinadala upang
matuto.
D. Magiging asset ang migranteng manggagawa sa nagpapadala at
tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo.
42. Matagal na naghanapbuhay si G. Pascual sa Australia, kaya sa kaniyang
pag-uwi sa pamilya ay hindi siya pinansin ng kaniyang mga anak at nagtago
ang mga ito sa kuwarto. Ano ang iyong mahihinuha rito?
A. Malaki ang takot ng mga anak sa kanilang ama.
B. Walang pasalubong si G. Pascual sa mga anak.
C. Hindi kilala si G. Pascual ng kaniyang mga anak.
D. Nagkakahiyaan ang mag-aama sa kanilang pagkikita.

43. Paano nakaaapekto ang pangingibang-bansa sa estado ng ekonomiya ng


bansa?
A. Madaragdagan ang populasyon ng bansa.
B. Mapananatiling matatag ang palitan ng piso at dolyar.
C. Mahihirapan ang mga Pilipino na makisama sa mga dayuhan.
D. Mas maraming papasok sa bansa na mga imported na produkto.
44. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang nakararanas
ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa Saudi Arabia.
Bilang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang pinakamabisa mong
gagawin upang matulungan at maprotektahan sila?
A. Pababayaan sila hanggang matapos ang kanilang kontrata.
B. Maglulunsad ng rally sa embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas.
C. Hihingi ng tulong pinansiyal at pauuwiin ang mga manggagawa sa
Saudi.
D. Maglilikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at isusuplong ang
mga amo sa kinauukulan.

45. Alin sa sumusunod ang konseptong tumutukoy sa slavery?


A. pang-aalipin C. sapilitang pagtatrabaho
B. sitwasyong payapa D. pagpupuslit ng mga tao
46. Kung ikaw ay opisyal ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng
mga OFW, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng
pang-aabuso sa mga Pilipino?
A. Pauuwiin ang lahat ng OFW at bibigyan na lamang ng trabaho sa
Pilipinas.
B. Pababayaan na lamang ang mga OFW dahil isolated cases lang naman
ang mga ito.
C. Ipauubaya na lamang ang mga gagawing aksiyon sa pamahalaan ng
bansa kung saan nagtatrabaho ang OFW.
D. Magtatatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng
mga OFW at gagawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso.
47. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari
mong magawa upang masigurong makaaangkop ka sa pangangailangan ng
ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon?
A. Magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya.
B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera.
C. Magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho.
D. Maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang
yumaman.
48. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng
fair trade?
A. Itinatakda ng mga bansa ang pamantayan ukol sa mga kakayahan ng
mga manggagawa.
B. Ang mayayamang bansa ay nagbibigay ng tulong sa pinakamahihirap
na tao sa mundo lalo na sa Aprika at Asya.
C. Sinisiguro ng mga bansa ang patas o pantay na kalakalan gaya ng
pagbabantay sa tamang presyo ng mga produkto.
D. Ang pamahalaan ay nakikialam sa kalakalang panlabas na may layong
protektahan ang mga lokal na namumuhunan.
49. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakararanas ng pangungulila sa
kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila
matutulungan?
A. Makisimpatiya sa kanila.
B. Bigyan sila ng sulat isa-isa.
C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak.
D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay
sa kanila.
50. Sa Pilipinas ay marami ang nangangarap na mangibang bansa dulot ng
kahirapan sa buhay. Nangangamba naman ang mga ekonomista dahil
maaapektuhan brain drain at brawn drain ang ekonomiya. Bilang
ekonomista, ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang isyung
ito?
A. Pigilan ang mga nais mangibang bansa.
B. Hayaang umalis ang mga nais na magtrabaho sa ibang bansa.
C. Bigyan ng suportang pinansiyal ang mga mamamayan na walang
trabaho.
D. Gumawa ng isang development plan na tutugon sa mga isyu ng
migrasyon.

You might also like