You are on page 1of 6

DIVISION UNIFIED TEST

1st QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: ______________________ Marka: ________________
Baitang at Pangkat: X-____________ Petsa: Agosto ____, 2018

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. ISULAT ANG TITIK ng tamang sagot
sa nakalaang espasyo bago ang bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. Lipunan B. Bansa C. Komunidad D. Organisasyon
Para sa bilang na ito, bigyang-pansin and datos tungkol sa unemployment.

2. Ipinapakita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013. Alin sa


mga sumosunod na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO?
A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa
unemployment sa Pilipinas.
B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng
mga manggagawang Pilipino.
C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan.
D. Nagkaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng
edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin.

Para sa bilang 3, suriin ang larawan na nasa bandang kanan


3. Ipinakita sa larawan ang pagpapaalala sa
isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang
ito ay nakapaloob sa anong elemento ng
kultura?
A. Paniwala
B. Pagpapahalaga
C. Norms
D. Simbolo
Para sa bilang 4, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan,

4. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?


A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal
ay hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang
isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinakaharap ng isang lipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap ng
indibiduwal.
Para sa bilang 5, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015)

5. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at
hamong panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling
komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

6. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t-ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng


kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito
ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t
ibang produkto tulad ng tubig, gamut, damit, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa
mga mamayanan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan”. Anong
likas na yaman ang tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamang lupa C. Yamang gubat D. Yamng mineral
Para sa ilang 7-8, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning Office Tungkol sa
epekto ng mga kalamidad sa Pilipinas.

National Disaster at a Glance (Senate Economic Planning Office, 2013)

7. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa


Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kalakalan, kapayapaan, at kalikasan
B. Kabuhayan, kalakalan, at kalusugan D. Kapayapaan, kabuhayan, at kultura
8. Anong batas ang ipinatutupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586
9. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng
iba’ibang sektor sa lipunan.
C. Makakababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor
sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang
mga suliraning pangkapaligiran nito.
10. Alin sa mga sumosunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top down approach sa
pagbuo ng Disarter Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Govement Organization (NGO) ang pagtukoy
sa mga kalamidad na maaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano
kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib na parating
na bagyo.
C. Hinikayat ni Alber ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan
ag pagbara nito na maaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na
tag ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad
upang makalikom ng pundo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang
paghahanda sa iba’t-ibang kalamidad.
11. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob
ang collaboration with community and stakeholder?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo.
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan.
C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang
sektor.
D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan.
12. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Manangement Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Hazard Assessment
B. Disaster Response D. Recovery and Rehabilitation
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng unang Yugto ng Community Based
Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Capability Assesstment C. Loss Assestment
B. Hazard Assesstment D. Vulnerability Assestment
14. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng globalisasyon ?
A. Ito ay ang paglawak, paglalim at pagbilis ng pagkakaugnay-ugnay ng mundo .
B. Isang proseso ng kasaysayan na nag-uugnayan sa mga gawain at karanasang
panlipunan at pangkasaysayan.
C. Makikita sa madaling pagsasalin-salin ng mga ideya,gawi at asal sa mas malawak at
mabilis na paraan.
D. Lahat ng nabanggit.
15. Ang General Agreement on Tariff and Trade ay kasunduan ng mga bansa na
nagtatakda ng mga panuntunan at patakaran sa pakikipagkalakalan. Ilang bansa sa
United Nations Conference on Trade and Employment ang nakipagkasundo at
lumagda noong ika-30 ng Oktubre 1947 ?
A. 13 B. 32 C. 23 D. 33
16. Ayusin ng tamang pagkakasunud-sunod ang mga salik na dapat isaalang-alang sa
pagpaplano ng mga patakaran para sa sustainable development sa bansa .
1. Unti-unting nauubos ang forest cover dahil sa banta ng urbanisasyon, illegal na
pagtotroso at pagkakaingin.
2. Nanganganib ang mga karagatan ng bansa.
3. Lumalaking populasyon ng bansa.
4. Patuloy na pagkaubos ng kagubatan sa bansa.
A. 4321 B. 3412 C. 1234 D. 2143
17. Ang bahagi ng mundo na laging tinatamaan ng bagyo na nabubuo sa Karagatang
Pasipiko.
A. ring of fire B. tectonic plates C. typhoon belt D. seismic activity
18. Kailan naganap ang 7.9 magnitude na lindol ang tumama sa Moro Gulf sa Mindanao
na pumatay sa mahigit 5,000 katao ?
A. 1976 B. 1990 C. 2012 D. 2013
19. Anong tawag sa isang hindi inaasahang pagtaas ng tubig dagat dahil may paparating
na bagyo ?
A. Tsunami B. daluyong C. climate change D. lindol
20. Isa itong malaki at mahabang hanay ng mga aktibong bulkan na nakapaligid sa
Karagatang Pasipiko ?
A. Seismic activity B. typhoon belt C. tectonic plates D. ring of fire
21. Ito ay tugon sa pagbabawas sa banta at epekto ng isang paparating na sakuna.
A. Disaster hotspots B. hazard mapping C. disaster mitigation D. natural disaster
22. Anong tawag sa malalaking tipak na bahagi ng kalupaan na bumubuo sa daigdig ?
A. Tectonic plates B. richter scale C. ring of fire D. typhoon belt
23. Mga lugar ito sa mundo na laging tinatamaan ng mga sakuna .
A. Hazard mapping B. disaster hotspots C. disaster mitigation D. natural disaster
24. Tumutukoy ito sa pagtaas ng temperature bilang epekto na nalikha ng gas, gaya ng
carbon dioxide sa atmospera ng planeta .
A. Fossil fuels B. category 5 C. greenhouse effect D. greenhouse gases
25. Anong tawag sa bilang at dami ng uri ng mga hayop at halaman na nabubuhay sa
kapaligiran ?
A. Biology B. Zoology C. species D. biodiversity
26. Ito’y irregular na serye at masalimuot na pagbabago ng klima na nakaapekto sa
rehiyong Pasipiko malapit sa ekwador .
A. Climate change B. Bagyo C. El Niño D. La Niña
27. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa Global Issues MALIBAN sa
A. bilang ng populasyon C. pagbabago ng pagpapahalaga ng mga tao
B. agham at teknolohiya D. pagkakaiba sa Antas ng pag-unlad ng
Kabuhayan
28. Paano natin matutukoy ang isang global issue?
A. Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na pundasyon sa kasaysayan ng daigdig.
B. Ang pagkakaunawa sa kalikasan ay kalimitang nakasalalay sa pagkakaintindi ng mga
historical perspectives kung saan ang mga isyu at usaping ito ay inilahad.
C. Kailangang magkaroon ng matibay na pagkakaunawa at kaalaman ukol sa heograpiya
ng mundo.
D. Lahat ng nabanggit
29. Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari
at gawain . Kaninong ideya ito ?
A. Panopio B. Karl Marx C. Mooney D. Emile Durkheim
30. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Ang institusyon ay organisadong
sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Anong institusyong panlipunan unang
nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang ?
A. Relihiyon B. ekonomiya C. pamahalaan D. pamilya
31. Walang tao na nabubuhay mag-isa . Kailangan niya ng kalinga , atensyon at
pagmamahal. Maaaring ang ugnayan nila ay pormal o di – pormal . Halimbawa , ang
ugnayan sa pagitan ng amo at ng kanyang manggagawa gayundin ang ugnayan ng
mga manggagawa sa isa’t-isa .Anong tawag sa social group na ito ?
A. Secondary group B. Barkada C. primary group D. gang
32. Mula 2002-2012, nakaranas ang daigdig ng matitinding kalamidad. Noong 2004 , isang
magnitude 9 na lindol ang naganap sa Karagatang Indian na nagdulot ng mga
mapaminsalang tsunami sa mga baybayin. Anong bansa ang hindi nakaranas nito ?
A. Indonesia B. Sri Lanka C. India D. Pilipinas
33. Anong tawag sa paglalagay ng mga hakbang upang ang mga estado, pamahalaan, at
mga komunidad ay gumawa ng mga proactive measures na tutugon sa inaasahang
epekto ng natural disasters bago paman ito tumama sa isang lugar.
A. hazard mapping B. disaster hotspots C. disaster mitigation D. natural disaster
34. Ang Disaster Risk Reduction and Management Plan ay may apat na yugto. Ayusin ang
tamang pagkakasunud-sunod.
1. Disaster Preparedness 3. Disaster Response
2. Disaster Prevention and Mitigation 4.Disaster Rehabilitation and Recovery
A. 2134 B. 1243 C. 4123 D. 3412
35. Isa sa pinakamahalagang kontemporaryong isyu ay ang usaping pang-ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI saklaw sa mga suliraning ito?
A. Kahirapan B. migrasyon C. disempleyo D. programang agraryo
36. Ang mga sumusunod ay solusyon sa problema ng pandaigdigang isyu o global
issues MALIBAN sa
A. pagtutulungan ang lahat ng bansa.
B. pagbubuklud-buklod ng mga bansa upang matugunan ang mga isyung kinakaharap.
C. pag-uusap na may kaugnayan sa politika, kultura, kapaligiran at kapayapaan ng mundo
D. pagkukumpara sa mga karanasan at suliranin na kinakaharap ng iba’t ibang bansa sa
mundo. .
37. Kung ang isang komunidad ay walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan
ng kanilang pamahalaan , hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng
sakuna o kalamidad, kung gayon, sila posibleng ________________ .
A. lazy B. vulnerable C. easy go lucky D. giver
38. Ano ang tawag sa assessment na tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin mula sa pinslang dulot ng hazard?
A. vulnerable assessment B.capacity assessment C. risk assessment D. reassessment
39. Ang kawalan ng malinis na tubig ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng water borne
diseases na makaaapekto sa halos 2.2 milyang katao sa buong mundo. Magiging
madalas din ang pagbaha, landslides, gayundin ang pagiging madalas na pagdating
ng malalakas na bagyo. Ito ay ayon sa anong ahensya?
A. Intergovernmental Panel on Climate Change C. United Nations environment Program
B. World Health Organization D. Association of Southeast Asian Nations
40. Alin sa mga salita sa ibaba ang HINDI EPEKTO ng climate change?
A. El Nino B. La Nina C. Forest fires D. geophysical na lokasyon
41. Malaki ang epekto ng pagbabago ng klima sa kapaligiran . Ang pagbabago sa klima ay
naging dahilan ng pagbabago ng mga gawi ng tao at lawak ng distribusyon ng hayop
at halaman sa buong mundo. Ang pinakamalaking banta ng biodiversity ng planeta ay
ang pagbabago sa klima kasama ng mga hindi sustainable at mapinsalang mga
gawain. Ayon sa mga dalubhasa , ilang bahagdan ng mga nabubuhay na nilalang ang
nanganganib na maglaho kung patuloy na tataas ang temperature sa daigdig ?
A. 10-20% B. 20-30% C40-60 % D. 50-60%
42. Sa panahon ng kalamidad o sakuna, dapat handa tayo sa lahat ng bagay. Kailangang
maghanda o magkaroon ng mga kagamitan na kakailanganin. Piliin sa ibaba ang
HINDI KAILANGAN sa panahon ng kalamidad.
A. Pagkain B. Gamot C. flashlight D. laruan
43. Ano ang maaaring kaparusahan o sanctions sa hindi pagsunod sa mores ng isang
lipunan?
A. Itatakwil ng buong pamilya C. Mawawalan ng kaibigan
B. Maaaring makulong D. Bibigyan ng pagkakataon
44. May apat na elemento ang kultura . Isa dito ay HINDI kasali sa pangkat.
A. Simbolo B. paniniwala C. bilang o numero D. norms
45. Pataas nang pataas ang bilang ng unemployment sa bansang Pilipinas. Isa ito sa
dahilan kung bakit maraming pamilya ang nakararanas ng kahirapan tulad ng :
A. natututong magnakaw ang tao.
B. ginagawan ng paraan upang maibsan ang hirap
C. nananatili pa rin ang pag-asa
D. hindi nawawalan ng paraan upang masulusyunan ang problema
46. Ang Agenda 21 ay isang dokumento na nagtatag ng mga konkretong aksiyon na
gagawin ng UN , mga pamahalaan para sa sustainable development sa ika-21 na siglo
. Ilang bansa ang lumagda at sumang-ayon dito?
A. 100 B. 150 C. 430 D. 550
47. Kailan ipinatupad ang executive Order 15 na bumuo sa Philippine Council on
Sustainable Development at nagbigay rito ng mga mekanismo at ng pondo upang
maipatupad ang mga layunin na napagkasunduan ukol sa sustainable development
sa bansa?
A. Enero 1992 B. Hunyo 1992 C. Oktubre1992 D. Setyembre 1992
48. Ang Coral Triangle ay isang malawak ( 6 na milyang kilometro kwadrado ) na bahagi
ng karagatan na itinuturing na isa sa mga pinakabiodiverse na lugar sa
mundo.Matatagpuan dito ang pinakamataas na konsentrasyon ng mga halamang –
dagat at lamang –dagat. Hanapin ang bansa na HINDI nabibilang dito .
A. Pilipinas B. America C. Papua New Guinea D. Malaysia
49. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Canadian Global Advisory Risk na Maplecroft
noong 2013, anong bansa ang pangalawa sa 16 na bansang nasa extreme risk ayon
sa kanilang climate change vulnerability index?
A. Indonesia B. Malaysia C. Pilipinas D. India
50. Alin dito ang HINDI katanggap-tanggap na pahayag?
A. Maaaring mabawasan ang epekto ng sakuna sa pamamagitan ng paghahanda.
B. Mahalaga na pagplanuhan ang pagharap sa mga paparating na sakuna.
C. Ang mga maling gawain ng tao at ang pagkasira ng kapaligiran ay nakapagdudulot ng
environment disaster.
D. Hindi lahat ng bansa ay nahaharap sa panganib na dulot ng pagbabago sa klima o
climate change.

You might also like