You are on page 1of 4

Department of Education

Division of City Schools


GENERAL SANTOS CITY SPED INTEGRATED SCHOOL
GENERAL SANTOS CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN – 10

Pangalan: __________________________ Pangkat: _____________ Batch: ___________ Petsa: __________


LRN: _______________

I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakawastong sagot. Bilugan ang titik ng iyong napiling sagot.

1. Alin sa mga sumusunod angkop na kahulugan ng kontemporaryong isyu?


A. Pangyayari sa nakaraan na bumabalik upang muling maranasanng tao
B. Nakasentro ito sa iisang aspekto at iiang gupo ng tao ang nakakaranas nito.
C. Mga pangyayari na nakaaapekto sa mayorya o nakararaming pangkat sa mundo.
D. Mga pangyayaring nararanasan sa kasalukuyan, may iba’t ibang aspekto at maaring hindi lahat ng tao ay apektado
nito.

Para sa bilang 2 – 4. Basahin ang sumusunod na talata.


Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang
kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng
ating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung
ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat
sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa
kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat.
Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan
kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa
mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

2. Batay sa talata, anong suliraning panlipunan ang nais harapin ng nagsasalita?


A. Kahirapan B. Kaguluhan C. Kawalan ng Katarungan D. Kawalan ng Pagkakapantay – pantay

3. Ang pagkilos upang harapin ang mga hamong hatid ng mga suliraning panlipunan ay mahaharap ng isang lipunan. Saang
bahagi ng talata ito napapatuyan?
A. kung nakaya ng ibang bansa mamakaya rin natin C. simulan natin ang pagbabago sa ating sarili
B. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan D. mag-aral ng mabuti para may kaalaman sa kinabukasan ng
bayan

4. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

5. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon

6. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang
balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang
iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga
industriya
na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na
yaman
ang tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamang gubat C. Yamang lupa D. Yamang mineral

7. Ang mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran, alin ang hindi nararanasan ng Pilipinas?
A. El Niño B. Erosion C. Deforestation D. Desertification

8. Paano pinapalala ng tao ang pagdami ng mga greenhouse gases?


A. Pagsusunog ng fossil fuel ng mga sasakyan C. Pagsunog sa Kagubatan
B. Pagkakaroon ng malawak na mga taniman D. Lahat ng Nabanggit

9. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid
waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 7942 C. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

10. Alin sa mga sumusunod programa ang ginagawa ng Bantay Kalikasan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?
A. Nagpapatayo ng MRF sa iba’t ibang barangay C. Nagsasagawa ng mga clean-up drive sa karagatan
B. Nagpapalaganap ng environmental awareness gamit ang media D. Nagsasagawa na mga pagkilos laban sa illegal mining.

11. Ano ang maaaring idulot ng pagdami ng mga greenhouse gases sa atmospera?
A. Paglindol B. Global Warming C. Panibagong ice age D. Pagsabog ng mga bulkan

12. Bakit madalas tamaan ng mga natural calamities ang Pilipinas?


A. Ang ating bansa ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko
B. Ang ating bansa ay nakalatag sa bahagi ng pinakamainit na bahagi ng mundo
C. Ang ating bansa ay may mga mamamayang hindi nagpapahalaga sa kapaligiran
D. Ang ating bansa ay nasa Typhoon Belt at napapaloob din sa Pacific Ring of Fire

13. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at
hazard.
A. Disaster Management B. Climate Management C. Business Management D. Tourism Management

14. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
A. Hazard B. Disaster C. Risk D. Vulnerability

15. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
Maaaring ang itong mangyari dahil sa takbo ng kalikasan gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng
digmaan at polusyon.
A. Hazard B. Disaster C. Vulnerability D. Risk

16. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
A. Vulnerability B. Disaster C. Hazard D. Risk

18. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
A. Resilience B. Disaster C. Risk D. Vulnerability

19. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
A. Hazard B. Resilience C. Disaster D. Vulnerability

20. Ito ang batas na naglalayong pagplanohan ang mga hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad.
A. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010
B. Philippine Dangerous Drug Act of 2010
C. Philippine Disaster and Management Act of 2010
D. Philippine Daily Inquirer and Tribune series of 2010

Para sa bilang 21-24 basahin ang seleksyon sa ibaba


Disaster Management Plan: Four Thematic Areas
Ang Disaster Risk Reduction and Management Plan ay mayroong apat na yugto: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster
Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa unang yugto ay isinasagawa ang iba’t ibang pagtataya
tulad ng hazard assessment, risk, vulnerability assessment, at capacity assessment. Ang mga impormasyong makukuha dito ay
gagamitin bilang batayan sa iba pang yugto ng plano. Sa ikalawang yugto naman ay ipinagbibigay-alam sa mga mamamayan ang
mga dapat gawin bago at habang nararanasan ang isang kalamidad upang maiwasan ang higit na pinsala sa buhay at ari-arian.
Samantala sa ikatlong yugto ay inilalahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang nararanasan ang kalamidad. Sa ikaapat na
yugto ay inilalatag ang plano kung paano matutulungan ang mga nasalanta at maging ang komuidad na bumangon mula sa naganap
na kalamidad.

21. Batay sa binasang teksto, ano ang tamang pagkakasunod sunod ng hakbang sa Disaster Management?
A. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Response, Disaster Preparedness, at Disaster Rehabilitation and Recovery.
B. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response at Disaster Rehabilitation and Recovery.
C. Disaster Response, Disaster Preparedness, Disaster Rehabilitation and Recovery at Disaster Prevention and Mitigation.
D. Disaster Rehabilitation and Recovery, Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response

22. Sa binasang teksto, saang bahagi ng paghahanda sa darating na kalamidad dapat gawin ang Disaster Response?
A. Bago dumating ang mga kalamidad C. Sa buong yugto ng mga kalamidad
B. Habang nagaganap ang mga kalamidad D. Pagkatapos ng mga kalamidad

23. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa kalamidad na pinag-uusapan sa teksto?
A. Pagkakaroon ng pandemya tulad ng Covid 19 C. Pagkakaroon ng shortage sa asukal
B. Pagdating ng super typhoon D. Pagkamatay ng reyna ng Great Britain

24. Bakit kailangang ng pag-iipon ng datos at pag-aaral sa paghahanda sa mga darating na kalamidad?
A. upang maka-ipon ng mga kinakailangang materyales sa darating na sakuna
B. upang magkagawa ng financial report ng mga masisirang gusali at ari-arian
C. upang makagawa ng mga angkop na pagpaplano sa pagharap sa darating na kalamidad
D. upang maipakita na ang mga pulitiko ay may malasakit para sa kanilang mga kababayan sa oras ng kalamidad.

25. Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services. They also
result
in injuries, health problems, property damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the
Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also affected more than 71 million
individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with
average annual damages of US$251.58 million. Batay sa teksto, ano ang mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na
naranasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

Test II: Tama o Mali: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan tungkol sa Kontemporaryong
Isyu at Mali
naman kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang kwaderno. (Paalala: Tama o Mali lang ang sagot wala ng iba)

______26. Ang mga Kontemporaryong Isyu ay nangyayari noong mga nakaraang panahon at hindi na maaring mangyari ngayon.
______27. Ang mga balitang makikita sa radio, TV at social media ay pawang mga Kontemporaryong Isyu.
______28. Naapektuhan ng mga Kontemporaryong Isyu ang pamumuhay ng mga tao sa kumunidad.
______29. Ang mga Kontemporaryong Isyu ay may positibo at negatibong epekto sa mga mamamayan.
______30. Ang mga Kontemporaryong Isyu ay nangyari na noon, nangyayari ngayon at maaring mangyari sa hinaharap.

Test III: Mga Uri ng Kontemporayong Isyu: Tukuyin kung anong Uri ng Kontemporaryong Isyu ang ipinapakita ng mga sumusunod
na pangyayari. Pumili ng mga Kontemporaryong Isyu sa pagpipilian.
A. Isyung Pangkapaligiran B. Isyung Pang-ekonomiya C. Isyung Pangkarapatang Pantao
D. Isyung Pangkasarian

_____31. Black Lives Matter ____32. Business Process Outsourcing (Call Center Agent) ____33. Climate Change
______34. Abortion Ban sa US _____35. Same sex union
For Liquit and Surriga Only

Test IV. Ibigay ang kahulugugan ng mga sumusunod na acronym ng mga ahensya ng pamahalaan at ipaliwanag ang tungkulin ng
mga ito sa pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran ng bansa. 3 puntos bawat bilang

36 – 38 DND – OCD - ____________________________________________________: -


___________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________.

39 – 41. DILG - _________________________________________________________: -


____________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________.

42 – 44. DSWD - ________________________________________________________: -


____________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________.

45 -47. DOST - _________________________________________________________: -


____________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________.

48 – 50. NEDA - _______________________________________________________: -


_____________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________.

WAKAS NG PAGSUSULIT

You might also like