You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
NEW BATAAN DISTRICT

COGONON INTEGRATED SCHOOL

UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9

Name: __________________________ Baitang at Pangkat:________________ Petsa:__________ Iskor: ____

PART I- Multiple Choice


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang tamang titik sa
patlang.

______1. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin
sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan B. Isyung pangkapaligiran C. Isyung pangkalusugan D.Isyung Pangkalakalan
______2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan.
______3. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng
pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya.
A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran
______4. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I.Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV
______5. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I. Nagiging mulat sa katotohanan. II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip.
III. Napalalawak ang kaalaman. IV. Napapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV
______6. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung
A. kilalang tao ang mga kasangkot C. napag-uusapan at dahilan ng debate
B. nilagay sa Facebook D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang
______7. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.
A. Isyung showbiz B. Kontemporaryong Isyu C. Kasaysayan D. Balita
______8. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I.Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III
______9. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig?
I.Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.
III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.
IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I,II,III B. I C. I,II,III,IV D. I,II
______10. Ito ay isang nonprofit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero waste sa
pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura.
A. Mother Earth Association B. Mother Earth Foundation C. Bantay Kalikasan D. Green Peace Foundation

_______11. Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas-kayang pag-unlad.
A. Mother Earth Association B. Mother Earth Foundation C. Bantay Kalikasan D. Green Peace Foundation
_______12. Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balance at malusog na kapaligiran.
A. Mother Earth Association B. Mother Earth Foundation C. Bantay Kalikasan D. Green Peace Foundation
_______13. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng
solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586
_______14. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C.Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor
sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran
nito.
_______15. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation, Batas Republika kung saan naitatag ang
Reforestation Administration?
A. Proclamation No. 643 B. Batas Republika Bilang 705 C. Batas Republika Bilang 7206 D. Batas Republika Bilang 2706
_______16. Idineklara ang ilang pook bilang National Park kung saan ipinagbabawal ditto ang paguhuli ng hayop, pagtotroso, at iba
pang Komersyal na Gawain ng tao.
A. RA # 5786 B. RA # 8749 C. RA # 7586 D. RA # 705
_______17. Layunin ng Batas na ito na ingatan at protektahan ang mga kuweba at ang mga yaman nito bilang Bahagi ng likas na
yaman ng bansa.
A. RA # 9071 B. RA # 9147 C. RA # 2706 D. RA # 9072
_______18. Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at
makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya.
A. Philippine Mining Act B. Executive Order No. 79 C. Philippine Mineral Resources Act of 2012 D. Executive Number 91
_______19. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) Plan?
A. Lahat ng desisyon ay nagmumula sa nakataas na kinauukulan.
B. Nag-aantay ng tulong ang mga lider ng barangay galling sa nakakataas na kinauukulan.
C. Pinangungunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga maaaring maging epekto ng bagyong
paparating.
D. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard,kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay nabibigyang pansin.
_______20. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
A. Disaster B. Vulnerability C. Resilience D. Hazard
_______21. Isa itong uri ng Hazard o panganib na dulot ng kalikasan.
A. Natural Hazard B. Social Hazard C. Anthropogenic Hazard D. Physical Hazard
_______22. Isang uri ng hazard na bunga ng mga Gawain ng tao.
A. Natural Hazard B. Social Hazard C. Anthropogenic Hazard D. Physical Hazard
_______23. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsal sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
A. Hazard B. Risk C. Disaster D. Resilience
_______24. Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaring maiwasan?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian
B. Pagbagsak ng ekonomiya
C. Pagtaas ng bilihin
D. Pagdami ng basura
_______25. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
A. Pagtutok sa ulat panahon ng PAGASA
B. Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS
C. Pakikinig at panunuod sa Social Media
D. Mahusay na plano ng Disaster Management
_______26. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng bottom-up approach?
A. Ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kakayahan ng mga mamamayan na simulant at panatilihin
ito.
B. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay nabibigyang pansin.
C. Pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang pansin sa paggawa ng plano.
D. Nakasalalay sa kamay ng mga mamamayanan ang responsibilidad sa pagbabago.

_______27. Nagbibigay ng mga update tungkol sa mga paparating na bagyo at sama ng panahon
A. Philippine Atmospheris Geophysical Astronomical Services Administration
B. Philippine Atmospheric Geophysicscal Astronomical Services Administration
C. Philippine Atomepheric Geochemical Astronomical Services Administration
D. Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration
_______28. Nagbibigay ng mag update tungkol sa mga rescue efforts at relief lalo sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
A. Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas
B. Ahensiyang Pang-ekonomikal ng Pilipinas
C. Ahensiyang Pang- impormasyong pang tao
D. Ahensiyang Pang- impormasyon ng Mundo
_______29. Sakop nito ang pagbibigay ng babala sa mga biyaheng pandagat kasama na ang rescue and search operations.
Sinisiguro nito ang kaligtasang pandagat.
A. Philippine Cost Guard B. Philippine Mining Guard C. Philippines Rescue Team D. Philippine Coast Guard
_______30. May lindol na tumama sa lugar nina Pepe. Napansin niya na unti-unti ng gumuho ang kanilang bahay. Kung kayo ang
nasa katayuan ni Pepe. Ano ang gagawain mo?
A. Manood ng mga palabas sa tv.
B. Duck, cover and hold. Lumabas sa bahay at maghanap ng lugar na ligtas.
C. Tumawag ng police.
D. Balutin ang sarili ng kumot.
________31. Bago ang panahon sa bagyo, ano ang dapat mong isigurado na parte ng iyong bahay?
A. silid-paliguan B. Bubong ng bahay C. Kusina D. silid-tulugan
_______32. Alin sa mga sumusunod ang ligtas na gawin pagkatapos ang bagyo?
A. swimming B. listening to the radio C. sight-seeing D. fishing
_______33. Kung patuloy ang pagputol sa mga pungkahoy sa kagubatan, alin sa nga sumusunod ang ma-aaring epekto nito?
A. Magkakasakit ang mga tao na nakatira sa kagubatan.
B. Maaring mawalan na ng tahanan ang mga mamamyan.
C. Ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng mga tahanan ng mga
ibon at hayop.
D. Wala sa nabanggit.
_______34. Ano ang layunin ng Executive Order No. 193 na nilagdaan noong 2015?
A. Layunin nito na palawakin ang sakop ng National Greening.
B. Layunin na magkaroon ang mga mamamayan ng mga sariling basurahan.
C. Layunin na makamit ang pagkakaisa tungo sa malinis na ilog.
D. Lahat ng nabanggit.
_______35. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang malayo o makaiwas sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad.
A. I, II, III B. I,II C. I, III D. II, III
_______36. Ayon sa weather forecast ni Mang Tani, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon at kasama ang inyong bayan na
matatamamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?
A. Lumikas sa mataas na lugar
B. Lumikas kapag mataas na ang tubig
C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana
Part II- IDENTIFICATION
Panuto: Tukuyin kung ano ang hinahanap ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________________________37. Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatan ng mga katutubo at sa kanilang kontribusyon sa


pangangalaga sa kapaligiran.
________________________38. Ipinahayag ang June 25 bilang Philippine Arbor Day
________________________39. Ipinatigil ang pagputol ng puno sa Natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng
anti-illegal logging task force.
________________________40. Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa
National Greening Program.

______________________ _______________
Pangalan ng Magulang Petsa
ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT
MGA SAGOT

1. A 21. A
2. B 22. C
3. B 23. C
4. B 24. A
5. C 25. D
6. C 26. C
7. B 27. D
8. C 28. A
9. C 29. D
10. B 30. B
11. C 31. B
12. D 32. B
13. A 33. C
14. B 34. A
15. D 35. A
16. C 36. A
17. D 37. REPUBLIC ACT 8371
18. B 38. PROCLAMATION NUMBER 643
19. A 39. EXECUTIVE NUMBER 23
20. C 40. EXECUTIVE NUMBER 26

You might also like