You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est for P rogress


Z P eal of artnership

Filipino- Modyul 5:
Ikalawang Markahan
Panitikang Pandaigdig - Nobela

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panitikang Pandaigdig – Isang Nobela mula
sa Canada Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jillean N. Ocay


Editor: Arnie P. Taclap
Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez Tagaguhit/Tagakuha
ng Larawan:
Tagalapat: Wilvin H. Inding

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent


Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Divisio n
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog
City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-
5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
a. Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o
alinmang angkop na pananaw/teoryang pampanitikan. (F10PB-IIf-77
MELC)
b. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na
mga elemento nito. (F10PB-IIf-78 MELC)
c. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga
terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan. (F10PT-IIf-74
MELC)
d. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may
paksang kaugnay ng binasa. (F10PD-IIf-72 MELC)

Arali Panitikang Pandaigdig Isang


n5 Nobela Mula sa Canada

Balikan
Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang tungkol sa
maikling- kuwento. Ngayon, ating sukatin ang iyong kaalaman mula sa iyong
natutunan sanakaraan. Handa ka na ba? Tara. . . Atin ng simulan!
Gawain A. LIWANAGAN ANG KASABIHAN!
Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang tungkol sa maikling kuwentong
pinamagatang “Ang Kuwento ng Isang Oras”. Nalaman mo ang naging samahan
ng mag-asawang Ginoong at Ginang Mallard. Base sa iyong kaalaman, punan
mo ang hinihingi sa ibaba.
Magbigay ng mga rason kung bakit
nauuwi sa hiwalayan ang samahan
ng mga mag-asawa.
Paano kaya mapapanatili ng mga
mag-asaw ang magandang samahan
sa kabila ng mga problemang
kinakaharap?

1
Tuklasin
Sa Modyul na ito iyong nasusuri ang nobela bilang
akdang pampanitikan sa pananaw realismo o alinmang
angkop na pananaw/teoryang pampanitikan,
naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre
batay sa tiyak na mga elemento nito,
nabibigyangkahulugan ang mahihirap na salita,
kabilang ang mga terminong ginagamit sa panunuring
pampanitikan at nabubuo ang sariling wakas ng
napanood na bahagi ng teleserye na may paksang
kaugnay ng binasa.
GAWAIN A. Payabungin Natin!

(Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita. F10PT-IIf-74 MELC)

Bago mo basahin ang nobelang pinamagatang “Si Anne ng Green


Gables”, iyo munang bigyan ng kahulagan ang mga salitang
nakasulat nang madiin sa pangungusap. Hanapin mula sa kahon
ang sagot at saka isulat sa iyong kuwaderno.
alagaan libingan magmasid Makipag-usap
nakapinid nakatago matanong sumama
1. Si Ginang Rachel ay mausisa at nais malaman ang lahat ng
nangyayari sa kanyang mga kapitbahay.
2. Mahilig siyang magmatyag sa mga hindi pangkaraniwang ikinikilos
ng mga tao sa kanyang paligid.
3. Nais ni Matthew na kupkupin na lang nila si Anne.
4. Sa bangko ng Abbey nakalagak ang lahat ng kanilang salapi.
5. Ang kanyang naging huling himlayan ay isang lugar na malayo sa
minahal niyang lupain.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

GAWAIN B. Basa – basa din, pag may time!

Natapos mo nang bigyan ng kahulugan ang mga salita sa itaas, kaya naman
binabati kita. Ngayon ay handa ka na para basahin ang nobela na nasa ibaba.
https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA

Si Anne ng Green
Gables ni L.M Montgomery

Napansin ni Gng. Rachel Lynde, isang


kapitbahay na mausisa at mahilig magmatyag sa
mga pangyayari sa buhaybuhay ng kanyang mga
kapit-bahay sa bayan ng Avonlea ang hindi
pangkaraniwang ikinilos ni Matthew Cuthbert. Si
Matthew, isang animnapung taong gulang na
magsasaka, tahimik, labis na
mahiyain, at hindi madalas lumabas ng bahay ay nakita niyang
https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEM A

bihis na bihis, sakay ng kanyang munting sasakyan, at halatang may

2
mahalagang sadya sa labas ng bayan. Bihira itong mangyari kaya naman labis
na naging interesado si Ginang Lynde na malaman ang dahilan.

Nagpunta siya sa Green Gables, ang lupaing pag-aari ng


magkapatid na Matthew at Marilla upang makiusisa. Nalaman niyang papunta
pala sa estasyon ng tren si Matthew upang sunduin ang binatilyong ipinadala ng
ampunan sa Nova Scotia upang ampunin nila at makatulong sa ilang gawain sa
bukid. Dito nagpahayag ng pagkagulat si Ginang Lynde at nagsabi na ng kung
ano-anong nakatatakot na kuwentong nabalitaan niyang ginawa na dati ng mga
batang inampon. Naisip din ito ni Marilla subalit pinayapa na lang niya ang
sarili lalo pa’t alam niyang Canadian din ang batang aampunin kaya hindi na rin
ito naiiba sa kanila. Hindi nga lang niya naisip ang pag-aampon ng isang babae
dahil wala naman itong magiging silbi sa bukid.

Nang dumating si Matthew sa estasyon ng tren ay laking


gulat niya nang malamang nagkamali ng batang ipinadala ang ampunan. Isang
batang babae, sa halip na ang gusto sana nilang batang lalaki ang inabutan
niya. Kakaiba si Anne Shirley, isang labing-isang taong gulang na batang
babaeng may suot na kupas, luma at pangit na damit; lumang sombrero; may
mapulang buhok na nakatirintas, at may dalang isang lumang bag na lalagyan
ng kanyang mga gamit. Wala siyang nagawa kundi iuwi muna sa kanilang bahay
si Anne. Sa maikling biyahe pabalik sa Green Gables ay naging magaan agad
ang loob ni Matthew sa bata kahit pa siya’y takot makisalamuha sa mga babae
dahil sa ito’y masayahin, ubod ng daldal, at may napakakulay na imahinasyon.

Pagdating sa Green Gables ay hindi naitago ni Marilla ang


pagkadismaya nang makita si Anne. Dito nalaman ni Anne na hindi siya ang
inaasahan ng mga taong mag-aampon sana sa kanya. Umiyak siya nang
umiyak. Hindi malaman ng magkapatid kung ano ang gagawin sa bata.
Iminungkahi ng mahiyaing si Matthew na kupkupin na lang nila at huwag nang
ibalik sa ampunan si Anne. Kinabukasan nang paalis na sina Marilla at Anne
para kausapin ang kinatawan ng ampunan sa Avonlea at ayusin ang
pagkakamaling nagawa ng ampunan sa Nova Scotia ay sinabi ni Matthew na
kukuha na lang siya ng taong makatutulong sa bukid dahil gusto niyang
kupkupin na nila si Anne.

Habang nasa daan ay nalaman ni Marilla ang kuwento ng


buhay ni Anne. Namatay ang kanyang magulang na kapwa mga guro noong
siya’y sanggol pa lang. Nagpalipat-lipat siya sa dalawang pamilyang maraming
anak kung saan si Anne ay naging katu-katulong sa pag-aalaga ng mga bata.
Muli siyang ibinalik sa ampunan nang mamatay ang asawa ng babaeng huling
nag-ampon sa kanya. Naawa si Marilla sa narinig. Nang malaman ni Ginang
Spencer, ang may-ari ng ampunan sa Avonlea ang nagawang pagkakamali ay
sinabi niyang aayusin niya ang gusot. May isang babae rin kasing naghahanap
ng batang babaeng maaampon, si Ginang Blewett. Nang marinig ni Marilla kung
sino ang interesadong mag-ampon ay nagdalawang-isip siya dahil kilala sa
buong bayan ang masamang ugali ng babaeng ito. Sinabi niyang iuuwi na lang
muna niya si Anne upang mapag-isipan ang dapat gawin.
Pagdating sa bahay ay kinausap ni Marilla si Matthew.
Pumayag na siyang aampunin si Anne subalit mayroon siyang kondisyon; hindi
makikialam si Matthew sa gagawin niyang pagpapalaki kay Anne. Tuwang-tuwa
naman si Matthew. Ang pakiusap lang niya’y maging mabuti si Marilla kay
Anne.

Kinagabihan ay sinimulan na nga ni Marilla ang pagtuturo


ng mabubuting asal kay Anne. Pinagsabihan niya ang batang magdasal subalit

3
ikinagulat niyang malaman na hindi pala ito marunong. Ayon kasi sa babaeng
unang nag-ampon sa kanya, sinadya raw ng Diyos na bigyan siya ng pulang
buhok na labis niyang kinaiinisan kaya naging malayo ang loob niya sa
Panginoon. Dito napag-isipan ni Marilla na ipasok si Anne sa Sunday School ng
kanilang simbahan upang matuto siya ng tungkol sa relihiyon.

Kinabukasan nang muling magtanong ang bata ay


ipinaalam na ni Marilla kay Anne na patitirahin na rin siya sa Green Gables.
Tuwang-tuwang nangako ang bata na siya’y magiging mabait at masunurin; mga
katangiang alam niyang magugustuhan ni Marilla. Nagtanong din siya kung
puwede niya tawaging Auntie si Marilla subalit sinabi niyang Marilla lang ang
itatawag sa kanya.

Naging maayos ang mga unang araw ni Anne sa Green


Gables. Nagawa niyang maglibot at kilalanin ang mga puno at halaman sa
paligid hanggang sa muling dumalaw ang mausisang kapitbahay na si Ginang
Lynde. Nang Makita niya si Anne ay pinintasan ang bata at sinabing
napakapayat, pangit at may buhok na kakulay ng carrots. Nagalit si Anne at
gumanti sa pasigaw na sinabing si Ginang Lynde ay mataba, mausisa at walang
imahinasyon saka patakbong umakyat sa itaas ng bahay. Hindi sinaktan ni
Marilla si Anne tulad ng mungkahi ni Ginang Lynde subalit sinabi niya sa
batang humingi ng paumanhin sa ginawang pagsigaw sa bisita. Ayaw itong
gawin ng bata sa paniniwalang hindi siya dapat humingi ng paumanhin sa
bagay na hindi naman niya pinagsisihan. Si Matthew ang nagpaliwanag sa
kanya kung bakit kailangan niyang humingi ng paumanhin. Sumunod si Anne
at humingi ng paumanhin sa paraang mabulaklak at ma-drama.

Hindi dito nagtapos ang pagsisikap ni Marilla na maturuan


ng kagandahang-asal si Anne sapagkat alam niyang kailangan nitong matuto ng
mga asal na katanggap-tanggap sa lipunan. Pinapunta niya ang bata sa
simbahan at pinadalo sa Sunday School pagkatapos ng samba upang matuto ng
tungkol sa relihiyon. Sa daan ay nakakita ang bata ng makukulay na bulaklak
na kanyang ipinalamuti sa kanyang sombrero at pinagtawanan ng mga
mamamayan ng Avonlea. Pag-uwi ni Anne ay sinabi niya kay Marilla na
nakababagot ang sermon at pagtuturo ng guro sa Sunday School. Pinagsabihan
siya ni Marilla subalit sa loob-loob niya’y alam niyang totoo ang sinasabi ng
bata. Maliban sa mga kakaibang kilos at prangkang pananalita, ang isa pang
naging suliranin kay Anne ay ang labis na imahinasyon at wala sa lugar na
pangangarap na madalas nagdadala sa kanya sa kapahamakan tulad na lang ng
mag-bake siya ng cake na hindi makain dahil nalagyan niya ng liniment sa halip
na vanilla at nang muntik na siyang malunod habang iniaarte ang isang tula.

Subalit hindi lang si Marilla ang nagturo kay Anne. Si Anne


man ay pumukaw rin ng mga damdaming hindi alam ni Marilla na taglay pa
pala ng kanyang puso tulad nang minsang yakapin at hagkan siya ni Anne sa
laki ng tuwa nito sa balitang magkakaroon ng picnic ang mga batang kasama sa
Sunday School, nakadama si Marilla nang hindi maipaliwanag na kaligayahan.
Marami pang pangyayaring naganap sa akda ang lalong naglapit kay Anne sa
puso ni Marilla. Kung tahimik at malamig man siya sa pakikitungo sa bata,
batid niyang mahalaga si Anne at hindi pinagsisihan ang pagkupkop dito.

Nagsimulang pumasok sa paaralan si Anne kung saan siya


nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging mas malapit nga lang siya sa mga
babae at umiwas sa mga lalaki. Mas lumawak ang mundo niya at dito lumutang
ang taglay niyang likas na katalinuhan. Naging karibal niya sa pangunguna sa
klase si Gilbert Blythe, ang kaklaseng kinainisan niya dahil tinawag siyang

4
“Carrots” at pabirong hinatak pa ang kanyang tirintas. Mula noon hanggang sa
halos pagtatapos na ng nobela ay hindi niya pinansin at kinausap si Gilbert
kahit pa paulit-ulit na itong nagpapakumbaba at humihingi ng tawad. Masakit
kay Anne na tawaging “carrot” dahil sa simula pa lang ay ayaw na ayaw niya sa
pulang buhok na sa tingin niya’y nagpapapangit sa kanya.

Naging matalik na kaibigan ni Anne si Diana., isang batang


kapitbahay at kaklase rin niya. Lagi silang sabay sa pagpasok sa paaralan at
pagsasadula sa mga bagay na bunga ng makulay na imahinasyon ni Anne.
Minsan, sa kanilang pagsasadula ay aksidenteng napainom niya ng totoong alak
si Diana sa halip na juice ng raspberry. Inakala ng nanay ni Diana na sinadya
niyang lasingin ang anak kaya’t pinagbawalan niya si Diana na makipaglaro o
makipag-usap kay Anne. Labis itong ikinalungkot ni Anne. Nabago lang ito nang
mailigtas ni Anne ang bunsong kapatid ni Diana nang sumpungin ito ng croup o
pagdalahit ng ubo habang wala ang kanilang magulang.

Nagkaroon ng magandang pagbabago sa buhay ni Anne


nang mapalitan ang mga dating guro sa paaralan at sa Sunday School ng mga
gurong tulad nina Ginang Allan at Binibining Stacy na higit na makabago,
mahuhusay magturo at may malasakit sa mga mag-aaral. Lalong lumago ang
taglay na talino at galing ng bata. Dahil din sa matiyagang paggabay ng
dalawang guro ay nagbago maging ang mga hindi magagandang ugali ng bata.

Ang pagsisikap at katalinuhang ipinakita ni Anne ay


nagbunga nang mapasama siya sa ilang piling mag-aaral na sasanayin ni
Binibining Stacy upang kumuha ng entrance exam sa Queen’s Academy.
Nalungkot lang si Anne dahil hindi na niya kasama ang matalik na kaibigang si
Diana. Wala na kasing balak ang magulang niyang papag-aralin siya sa
kolehiyo. Nnag lumabas sa mga pahayagan ang resulta, hindi lang basta
pumasa si Anne. Sila ni Gilbert ay parehong nanguna sa pagsusulit at ang lahat
ng mga mag-aaral mula sa Avonlea na kumuha rin ng pagsusulit ay pumasa.
Tuwang-tuwa sina Matthew, Marilla, Ginang Lynde at Diana sa tagumpay ni
Anne.

Nakapasok at nakapagtapos ng isang taong programa si


Anne sa Queen’s Academy. Hindi lang iyon, nakuha rin niya ang Avery
Scholarship para sa pinakamahusay na mag-aaral sa Ingles, kaya’t pagkatapos
ng isang taon niya sa Queen’s Academy ay maaari na niyang ituloy ang apat na
taong kurso sa Redmond College. Naroon pa rin ang paligsahang namamagitan
sa kanila ni Gilbert subalit para kay Anne, hindi na mahalaga ang Manalo. Sa
halip, iniisip niyang sana’y maging magkaibigan na sila ni Gilbert.

Sa pagbabalik niya sa Avonlea ay nalaman niyang


magtuturo na si Gilbert sapagkat hindi na siya kayang papag-aralin ng kanyang
ama. Ikinalungkot ni Anne ang balita. Bukod dito, napansin niya ang pagsama
ng kalagayan ng kalusugan nina Matthew at Marilla. Si Matthew ay may
iniindang sakit sa puso samantalang si Marilla ay patuloy ang paglabo ng mata
at madalas na pagsakit ng ulo. Madalas din niyang naririnig ang dalawang
naguusap ukol sa hindi magandang lagay ng Bangko ng Abbey kung saan
nakalagak ang lahat ng kanilang salapi.

Ang sakit sa puso ni Matthew ang naging dahilan ng biglaan


niyang pagkamatay nang malamang bumagsak at nagsara ang Bangko ng Abbey
kasama ang lahat ng naipon nila. Labis na ikinalungkot nina Marilla at Anne
ang pagkamatay ni Matthew. Ito ang kauna-unahang pagkakataong
nakaramdam si Anne ng sobrang sakit sa pagpanaw ng isang minamahal.
Naging karamay siya ni Marilla na noo’y nagpahayag ng pagmamahal kay Anne.

5
Sa kanilang mga pag-uusap ay ipinagtapat din ni Marilla na ang ama ni Gilbert
ay dating nanligaw sa kanya subalit nang minsang magkasamaan sila ng loob ay
hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon at ito’y pinagsisihan niya nang labis.
Isang bagay na ayaw niya sanang maranasan ni Anne.

Dahil sa paglala ng kalagayan ng mga mata ni Marilla ay


nagpasiya si Anne na manatili na sa Green Gables upang maalagaan siya sa
halip na ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng Avery Scholarship.
Tinanggihan niya ang plano ni Marilla na ipagbili ang Green Gables. Magtuturo
na lang daw siya sa Carmody, isang paaralang nasa labas pa ng kanilang bayan
dahil ang paaralan sa Avonlea ay naibigay na kay Gilbert. Subalit hindi
inaasahan ni Anne ang sakripisyong ginawa ni Gilbert. Nakiusap pa ang binata
sa mga namamahala ng paaralan sa Avonlea upang ibigay na lang ang posisyon
kay Anne at nang hindi siya malayo kay Marilla. Siya naman ay sa White Sands
na magtuturo, isang paaralang malayo sa Avonlea kung saan kakailanganin pa
niyang mangupahan. Natuwa si Anne na sa Avonlea na lang siya magtuturo
dahil mababantayan niya si Marilla at malalapit siyang muli kay Diana. Nang
nagkita sila ni Gilbert ay binasag na niya ang limang taong malamig na
pakikitungo sa binata. Pinasalamatan niya ito at sila’y nagkamay bilang tanda
ng pagsisimula ng isang mabuting pagkakaibigan. Naging mas makitid at
nagkaroon man ng liko ang hinaharap para kay Anne ay nanatili siyang masaya
at umaasang ito’y maghahatid sa kanya sa higit na mabuting bukas.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

Suriin
Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang kaalaman tungkol sa mga

pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan na tutulong sa iyo upang


higit na maintindihan ang paksang-aralin.

Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring


Pampanitikan
Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na búhay. Mababatid ang
kalagayan at kasaysayan ng isang lugar sa isang partikular na era o panahon
sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang nasulat at umusbong sa
panahong ito. Sa maraming pagkakataon, nakita ang lakas at kapangyarihan
ng panitikan sa pagiging daan nito upang mabago ang lipunan. Nakita natin sa
kasaysayan kung paanong ang panitikan ang naging mitsa upang maghimagsik
ang mga karaniwang taong nasikil ang kalayaan, at magkaisa sa paglagot ng
tanikalang bumihag sa kanila sa mahabang panahon. Kung ganito kalakas ang
impluwensiya ng panitikan sa tao ay nararapat lamang na matuto tayong
sumuri o maging mapanuri sa mga panitikang ating binabasa at sinusundan
Paano nga ba sumuri ng isang akdang pampanitikan? Kailangan bang maging
dalubhasa upang makapagsuri ng akdang pampanitikan? Sa ano-anong
pagdulog o pananaw ba maaaring suriin ang isang panitikan? Mababasa sa
ibaba ang sumusunod na mga pagdulog o pananaw at pahapyaw na
pagpapaliwanag sa katangian ng bawat isa :

6
1. Moralistiko- Sa pananaw na ito sinusuri ang panitikan batay sa
pagpapahalagang taglay nito. Mababatid ng isang manunuri kung taglay ba ng
akda ang pagpapahalaga sa disiplina, moralidad, at kaayusang nararapat at
inaasahan ng madla.
2. Sosyolohikal- Sa pamamagitan ng pananaw na ito mahihinuha ang
kalagayan ng lipunan nang panahong isinulat ang akda. Karamihan sa mga
akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito ay dumadalumat sa kalagayan ng
lipunan at sa uri ng mga taong namayagpag sa panahong ito.
3. Sikolohikal- Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng
manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay,
ang kanyang paninindigan, paniniwala at pagpapahalaga, gayundin ang mga
ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.
4. Formalismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito, binibigyang- pansin
ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang
malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon, at maging sa pagkatao o
katangian ng may-akda.
5. Imahismo- Umusbong ang paggamit ng pananaw na ito noong mga
unang dekada ng 1900. Laganap kasi sa panahong ito ang romantisismo sa
panitikan kayâ inilunsad ang imahismo na naglalayong magpahayag nang
malinaw gamit ang mga tiyak na larawang biswal. Nagiging mas epektibo ang
pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang nabibigyang- búhay ng may-akda
ang mga kaisipang nais ipahiwatig.

6. Humanismo- Binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang kakayahan o


katangian ng tao sa maraming bagay.Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga
higit sa tao kaysa sa anumang bagay.
7. Marxismo- Ito ay nakabase sa teorya ni Karl Marx patungkol sa
pagkakaiba-iba ng kalagayan sa buhay at ang implikasyon ng sistemang
kapitalista sa ating lipunan. Karaniwang ginagamit ang pananaw Marxismo sa
pagbibigay-halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at
magkasalungat na puwersa o kapangyarihan tulad ng tunggalian sa pagitan ng
mahihirap at mayayaman, maykapangyarihanat naaapi. Ipinakikita ng
Marxismo kung paanong ang mahihirap at manggagawa ay naaapi hindi lang sa
panitikan kundi higit sa lahat sa tunay na buhay. 8. Arketipo-Ang pananaw
na ito ay gumagamit ng huwaran upang masuri ang elemento ng akda. Ang
salitang arketipo ay nangangahulugang modelo kung saan nagmumula ang
kapareho nito.
9. Feminismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri ang
kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng
kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan. Layon nitong
labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang
tradisyonal na pananaw sa kababaihan.
10. Eksistensyalismo-Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang
magpasiya para sa kanyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal
nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Makikita o mababanaag
ito sa uri ng mga tauhang gumaganap sa akda.

Ginamit din sa pagsusuri ng panitikan ang tatlong malalaking kilusang


pansining at pampanitikan tulad ng sumusunod:

1. Klasisismo- Ang sumusunod ay ang mga katangian ng akdang klasisismo:


a. Pinahahalagahan nito ang katwiran at pagsusuri.
b. Layunin nitong mailahad ang katotohanan, kabutihan at
kagandahan.
c.Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod-
sunod,at may hangganan.

7
2.Romantisismo-Ito'y isang malaking kilusang pansining at pampanitikn sa
Europa na sumibol noong huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng 1900. Ang
sumusunod ay ang mga katangian ng mga akdang romantiko:
a. Binibigyang-halaga nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang
rebolusyon kaysa konserbatismo, imahinasyon kaysa katwiran, at likas
kaysa pagpipigil.
b. Kung ang panitikan sa panahon ng klasisismo ay
maayos,mapayapa,ideyal, at rasyonal, sa panahon naman ng
romantisismo ay higit na lumutang ang damdamin kaysa
kaisipan.
3. Realismo- Ipinakikita ng panitikang realismo ang katotohanan. Ipinalalasap
nito ang katotohanan ng búhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin
nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay. Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10

Pagyamanin
Gawain A. Tanong Ko, Sagutin Mo!
(Nasusuri ang akdang pampanitikan gamit ang alinmang angkop na pananaw/
teoryang pampanitikan F10PB-IIf-77 MELC)

Subuking suriin ang Anne ng Green Gables gamit ang pananaw Feminismo.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong upang maging gabay sa pagsusuri:
Isulat sa kuwaderno ang iyong kasagutan.

1. Bakit kahit lalaki ang inaasahang aampunin ay tinanggap at minahal


nina Marilla at Matthew si Anne na isang babae nang makilala nila ang tauhang
babae ang nagpakita ng pagiging malakas at may malayang sa pagsusuri: tunay
na pagkatao niya?
2. Ano ang makikitang higit na nangingibabaw sa tahanan sa Green Gables
ang impluwensiya ba ni Marilla na isang babae o ang impluwensiya ni Matthew
na isang lalaki? Patunayan.
3. Paano inilarawan si Anne bilang isang babae? Ano-anong pangyayari sa
akda ang nagpapakita sa lakas na taglay niya bilang isang tauhan kahit pa
siya'y isang babae?
4. Ano ang pinatunayan ng may-akda nang ipakita niyang si Anne at
lumaban nang sabayan sa lahat ng mga naging kompetisyon nila ng tauhang
lalaking si Gilbert at hindi lang basta pumantay sa galing nito kundi lumamang
pa?
5. Sa panahong inilathala ang akda noong 1908 ay isang panahon kung
saan ang kalalakihan ay kinikilalang mas matimbang. Sino-sinong me pag-iisip
maliban kina Anne at Marilla? Ano-anong pangyayari sa akda ang nagpatunay
sa pantay na karapatan at kalagayan ng mga babae at lalaki?
6. Bakit itinuturing na isang mabuting huwaran o modelo si Anne ng mga
kabataang babae sa iba’t ibang bahagi ng mundo?
7. Base sa mga isinagot mo sa mga naunang tanong, bakit masasabing
isang akdang may kulay Feminismo ang nobelang ito?

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

8
Isaisip

Gawain A: Relate Kita!


Ang “Anne of Green Gables” ay maaaring ihambing sa iba pang nobelang may
kaparehong tema kung saan ipinakita ang pagbabago sa buhay ng isang batang
babaeng mahirap o ulila subalit may maganda o positibong asal at
nakapagbigay pa ng pag-asa sa mga taong kumupkop sa kanya. Magbasa ng
alinmang impormasyon sa mga aklat o sa Internet tungkol sa mga nobelang
nakalahad sa ibaba at saka buuin ang paghahambing.

• Rebecca of Sunnybrook Farm ni Kate Douglas Wiggin


• Pollyana ni Eleanor H. Porter

9
• Heidi ni Johanna Spyri

Anne ng Green Gables


Pamagat ng nobelang
tinalakay natin
Pamagat ng nobelang napili
mo
Pangunahing Tauhan
Tagpuan
Taon kung kalian nalathala ang
nobela
Temang tinalakay sa nobela
Maikling buod
Mga napansin mong
pagkakapareho ng dalawang
nobela
Mga napansin mong pagkakaiba
ng dalawang nobela
Pangkalahatang komento sa ginawa mong paghahambing:

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

Isagawa

GAWAIN A: Wawakasan ko, ang napanood ko!


(Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may
paksang kaugnay ng binasa. F10PD-Iif-72 MELC)
Sa wakas ay binabati kita sa iyong kahusayang ipinamalas sa modyul na ito.
Kaunti na lamang at matatapos mo na rin ang mga inaaatas sa iyo. Sa gawain na
ito iyong magagamit ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagbuo ng iyong
sariling wakas sa napanood na bahagi ng teleserye na may paksang kaugnay ng
iyong binasa na nobela.

Teleseryeng Nagtapos ang teleseryeAng


na pagwawakas na naisip
mga paslit pa ang tatlong
ko sa paglaki ng mga batang
Hawak Kamay ito ay...
batang inampon, minahal,
inalagaan, at ipinaglaban
ni Gin.

Teleseryeng Ipinakita sa teleserye Ang


ang pagwawakas na naisip
ko para sa teleseryeng ito
Dream Dad pagmamahalan ng isang
ay...
bata at ang lalaking
kumupkop at nagmahal sa
kanya na parang tunay
niyang laman at dugo.
Nobelang Sa pagtatapos ng nobelaAng
ay pagwawakas na naisip
ipinakita ang kabutihan ko
ng para sa nobelang ito ay...
puso ni Anne nang
Anne ng Greentanggihan niya ang Avery
Scholarship para
Gables maalagaan si Marilla na
humihina na ang paningin
sanhi ng pagtanda.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.
1. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga katangian ng isang akdang klasisismo,
MALIBAN sa isa. Alin sa ibaba ang naiiba?

a. Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.


b. Binibigyang- halaga ang indibidwalismo kaysa kolektibismo.
c. Layuning mailahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan.
d. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunodsunod
at may hangganan.
2. Anong uri ng pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan ang
tumutukoy sa higit na lutang na damdamin kaysa kaisipan?
a. Klasisismo
b. Romantisismo
c. Realismo
d. Humanismo
3. Ang nobelang pinamagatang “ Si Anne ng Green Gables” ay kuwento ng
dalawang magkapatid na matandang babae at lalaki na gustong magampon
ng batang lalaki ngunit sa halip na lalaki ay batang babae ang naipadala sa
kanila ng ampunan. Batay sa pahayag, anong pagdulog o pananaw ang
nangingibabaw sa nobelang ito?
a. Humanismo
b. Eksistensyalismo
c. Feminismo
d. Marxismo
4. Ang nobelang pinamagatang “ Si Anne ng Green Gables” ay tanyag na
naisalin sa pambatang palabas o animated cartoon , base sa palabas na ito,
Anong katangian ni Matthew na nagpapakita ng kanyang labis na
pagkamahiyain?
a. Hindi niya magawang makipag-usap sa mga babae maliban kina
Marilla at Anne.
b. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit sinong tao.
c. Hindi siya sumasagot kahit kinakausap siya ng mga tao.

11
d. Hindi siya lumalabas ng bahay at palaging nagkukulong sa kanyang
silid.
5. Sa katapusan ng nobelang “ Si Anne ng Green Gables” si Anne ay naging
isang?
a. Abogado c. negosyante
b. Doktor d. guro

6. Bakit hindi natuloy ang pag-aaral ni Anne sa Redmond College gamit ang
Avery Scholarship?
a. Kailangan siya ni Marilla sa mga panahong humihina na ang
paningin nito.
b. Pinagbawalan siya ni Marilla na lumayo para mag-aral.
c. Inalok siya ni Gilbert ng kasal.
d. Ipinangako niya kay Marilla na hindi siya lalayo sa Green Gables.
7. Bakit hindi nakasama ni Anne ang kanyang matalik na kaibigan na si
Diana sa Queen’s Academy?
a. Nag-aral siya sa ibang unibersidad.
b. Nag-asawa na siya agad pagkatapos nila ng hayskul.
c. Hindi na siya pinag-aral ng magulang.
d. Nagtayo siya ng isang maliit na negosyo?
8. Anong uri ng pagdulog o pananaw ang nagsusuri ng kalagayan sa mga
kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng mga
kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan?
a. Feminismo
b. Moralistiko
c. Formalismo
d. Imahismo
9. Masasabing ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng
“Hawak Kamay” ay may pagkakapareho. Sa papaano kaya ito
nagkakapareho?
a. Pareho sila na may temang Feminismo.
b. Pareho sila na tumatalakay sa napapanahong isyu ng lipunan.
c. Pareho ang mga pangalan ng mga tauhan.
d. Parehong patungkol sa pag-aampon ang tema.
10.Ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng “Dream Dad” ay
may pagkakahawig din. Magkapareho din ang wakas nito. Sa papaano kaya
nagwakas ang dalawang ito?
a. Parehong napamahal ang mga inampon sa mga nag-ampon sa
kanila.
b. Parehong naging matagumpay na negosyante ang mga tauhan.
c. Parehong naging mapagmahal na guro ang mga pangunahing
tauhan.
d. Parehong nasawi sa huli ang mga pangunahing tauhan.
Panuto: Ang tatlo sa apat na salita sa kahon ay magkasingkahulugan. Kilalanin at
isulat sa sagutang papel ang salitang may naiibang kahulugan.
11. karibal kakompetensiya kaagaw kapanalig
12. pagpanaw pagkakasakit pagyao pagkamatay
13. paumanhin pasensiya pasayahin patawad
14. kaligayahan gusot problema suliranin
15. tumangis lumungkot lumuha umiyak

12

Karagdagang Gawain
GAWAIN.
Sa wakas! Malapit mo ng matapos ang mga pagsasanay sa modyul na ito.
Para sa iyong panghuling gawain, maglahad ng mga sitwasyon o pangyayari sa
nobela na nagpapakita ng pagdulog o pananaw na Feminismo. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 punto


Nilalaman Malinaw na Nakapaglahad ng Nakapagbigay ng
nakapaglahad ng 2 na pangyayari isang pangyayari
3 o higit pa na sa nobela na sa nobela na
pangyayari sa nagpapakita ng nagpapakita ng
nobela na Feminismo. Feminismo.
nagpapakita ng
Feminismo.

Sanggunian
Pinagyamang Pluma 10, Phoenix Publishing House, Emily V. Marasigan,
et.al
https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA

13

You might also like