You are on page 1of 10

Sanayang Papel sa Filipino 10

Pagsasanay 8: Pagtukoy sa mga salitang magkapariho ang


kahulugan.

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat.


Huwag lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng
sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling mahirap sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa
pamamagitan ng sanayang papel na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Simulan mo!

Isang mapagpalang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Kumusta ang araw mo?
Gaano na ba kalawak ang iyong bokabularyo sa wikang Filipino? May mga salita bang
nahihirapan kang unawain? Kung gayon,huwag kang mag-aalala dahil magtutulungan
tayo upang lalo pang mapayabong ang iyong pag-unawa sa mga tila malalalim na salita
at gagawin natin ito sa pinakasimpleng pamamaraan.Sa araling ito ay malalaman mo
ang tungkol sa pagbibigay kahulugan sa magkaugnay na mga salita. Handa ka na ba?
GAWAIN 1 :
Panuto: Ang tatlo sa mga salitang nasa bawat bilang ay may halos magkakahawig na
kahulugan. Piliin at bilugan ang salitang may naiibang kahulugan.

1. matatag matibay maganda malakas

2. pinamasaya pinanabikan pinakahihintay pinakaaasam

3. Aandap-andap Mahinang- Aalog-alog Kaunti na lang ang


mahina ningas

4. tumugon sumagot lumuha nagsabi

naantala naiinip nahuli natagalan


Page 1 of 10
5.

Magaling! Madali mo lang nasagutan ang gawaing ito! Alam kong handa ka na para sa susunod na gawain

Alam mo ba?
Ugnay-Wika
Sa pag-unawa ng panitikan, malaki ang ginagampanang
tungkulin ng wika bilang daluyan ng kaayusan nito. Ang isang
mambabasa ay maaaring umugat ng pag-unawa sa akda batay sa mga
salitang pamilyar sa kaniya. Ayon sa mga pag-aaral, mas nagiging
matagumpay ang pag-unawa sa mga akda o teksto kung nasusulat ito
sa katutubong wika. Magkagayunman, may mga hakbangin din tungo sa pag-unawa ng akda o
teksto batay sa umiiral na wika at daloy ng pahayag sa kuwento.

Suriin ang mga salita sa ibaba:


 
mabango–mahalimuyak–masamyo
maganda–kaakit-akit–maayos

May mga salita na akala nati’y magkakaparehas lamang ang gamit dahil halos
magkaparehas ito ng nais ipakahulugan. Ngunit mali, ang bawat salita ay may inaangkupang
pangungusap depende sa diwa o mensaheng nais ipahayag nito.

Halimbawa:
a.Mabango ang bulaklak ng sampagita.
b.Masamyo ang pabangong iyong ginamit.
c.Mahalimuyak ang iyong buhok.

Kung susuriin ay ginamit sa iba’t ibang antas ang mga halimbawang salita. “Mabango”
pangkalahatang termino sa mabangong amoy. “Masamyo” para sa panandaliang pagkakamoy
sa bango. At “Mahalimuyak” para sa pangmatagalan at nanunuot na bango.

Iba pang halimbawa:

 suwail–pasaway–masama

Page 2 of 10
“Suwail” para sa taong hindi sumusunod sa mga utos at panuntunan. “Pasaway” para sa
taong matigas ang ulo at hindi nasasaway. “Masama” para sa pangkalahatang kahulugan ng
paggawa ng masama.
         
 
sampal–tampal–suntok
     “Sampal” para sa malakas na paghampas sa pisngi o mukha. “Tampal” para sa paghampas
sa katawan o bahagi ng katawan. “Suntok” para sa pananakita nang may puwersa at nakuyom
ang kamao.
Isa rin sa paraan ng madaling pag-unawa sa talasalitaan kung hahanapin natin ang
kaugnay nitong salita. Hindi nangangahulugan na kailangan parehas ng kahulugan ngunit
nararapat na magkaangkla o magkaugnay sa isa’t isa. Suriin ang mga salita sa ibaba.
Halimbawa:
masama – mabuti
liwanag – dilim
malakas – mahina
bida – kontrabida

Nakikita naman natin ang ugnayang nais ipahiwatig ng mga salita. Kahit na ang mga
salitang ito ay kabaligtaran ng bawat isa, pinalulutang naman nito ang katuturan ng isa pang
salita. Halimbawa, tumitingkad lamang ang karakter ng “bida” kung magagampanan nang
maayos ang karakter ng “kontrabida”. Kung mayroong “masama” dapat mayroong “mabuti”
upang maging balanse. Ugnayan pa rin namang matatawag kung ang dalawang salita ay
magkaiba sa konteksto ngunit parehas ng pinupuntong mensahe.

   Madalas nagkakaroon din tayo ng dagdag pag-unawa sa mga salita batay sa tinatawag
na contextual clues kung saan pinag-uugnay-ugnay natin ang mga salita sa loob ng
pangungusap upang ganap natin itong maunawaan. (kolokasyon)
Halimbawa:
          problema–dalamhati–suliranin
          pag-asa–bukas–positibo
          pagtitiis–sakripisyon–malasakit
Ang pangkat ng mga salitang ito ay matutukoy rin bilang magkakaugnay na salita, na
kapag makita mo sa isang kuwento o pahayag, madali mo na lamang malalaman kung ano ba
ang kahulugan ng iyong binasa.

Ngayon at tapos mo nang mabasa ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga salitang
magkakaugnay ang kahulugan,maari mo bang sagutan ang simpleng gawain sa ibaba?

Page 3 of 10
Gawain 2:
A. Panuto: Tukuyin ang titik ng salitang kapareho o kaugnay ng kahulugan ng salitang
nakasulat ng madiin sa pangungusap.

1. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang kasaysayang
nag-uugat pa sa malayong nakaraan.
a. naglalagi c. nagmumula
b. nagatataglay d. Naiiwan

2. Ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa isinasagawa nilang bullfight.
a. nakikipagtiyagaan c. nakikipag-isa
b. nakikipagpaligsahan d. Nakikipagsabwatan

3. Ang paa ng mga mananayaw ay singgaan ng hangin at hindi halos lumalapat sa sahig.
a. lumalakad c. sumasayaw
b. sumasayad d.lumilitaw

4. Ang isang kaugaliang natatangi sa mga espanyol ay ang paglalaan nila ng tatlong oras para
sa pananghalian at pagsi-siesta.
a. naiiba c. nakakapareho
b. nakadaragdag d. nagagawa

5. Maraming putahe ang kanilang inihanda sa tanghaliang tinatawag nilang


La Cena.
a. Prutas c.kanin at tinapay
b.ulam d.minatamis
     
B.
  napopoot masanay
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa loob   matalino tingnan
ng kahon na magkatulad o magkaugnay ang   dalubhasa natanaw
  nagliliyab tumpak
kahulugan. Isulat ang sagot pagkatapos ng bilang.
  Mahira tunay
   
1. ___________________________ :nag-aalab
2. ___________________________ :totoo
3. ___________________________ :tama
4. ___________________________ :mahirati
5. ___________________________ :nakita
Page 4 of 10
6. ___________________________ :henyo
7. ___________________________ :pagmasdan
8. ___________________________ :nasusuklam
9. ___________________________ :bihasa
10.___________________________ :dukha
Napakagaling mo naman! Nasagot mo ang mga pagsasanay nang walang kahiraphirap! Bilib ako
sa’yo kid!Siguradong kayang-kaya mo ring sagutin ang kasunod na gawain. Tara na!

Magtulungan tayo!
Maliban sa mga salitang nakilala mo sa naunang gawain,ay baka may makikita ka pang
ibang salitang bago sa iyo. Basahin at unawain ang kasunod na talata at sundin ang panuto na
nasa ibaba. Huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong sa iyong guro kung may bahagi kang
hindi maunawaan. Alam kong kaya mo ito! Simulan na natin?

GAWAIN 3: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Pansinin ang mga salitang nakadiin at
tukuyin kung alin dito ang magkasingkahulugan. Halawin at isulat ang sagot sa talahanayan.

Salita Kasingkahulugan

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG


ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng


mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.
Sa katunayan ng masamang nakaugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning
na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang
nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang
ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong
sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at
isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang
noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil
sa liwanag.
Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis
at dalita.
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman
ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga pinuno na
pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang
mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng
kapangyarihang ito.

Page 5 of 10
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa
dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at
magandang-asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin
pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na
landas ng katwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at
ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa
paningin.Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto kayang kumuha ng halimbawa at
lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Magagawa mo!

Pagtataya ng iyong kaalaman

Sa gawaing ito ay mahigpit kong bilin sa iyo, na gawin mo itong mag-isa upang
malaman mo kung may natutunan ka sa araling ito.

Gawain 4:

Panuto: Tukuyin ang kahulugan o kaugnay na salita sa salitang nakasulat nang madiin sa
pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1.Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata._____________

2. Naghintay ang dalaga sa pagdating ng kanyang iniirog.__________

3. Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipinagkaloob na dote ng pamilya ng binata sa pamilya ng


dalaga.________________

4.Sa tahanan ng binata,idaraos ang maringal na kasalan.___________

5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakasama sa kasayahan._________

6. Nag-uumapaw ang pagmamahal ni Jose kay Juana.___________


7. Huwag kang malugmok sa mga pagsubok na dumadating sa iyong buhay, nandito ako para
gumabay.____________
8. Huwag mong hayaang mahumaling ang iyong anak sa mga online games, dahil makakasira
ito ng kanyang pag aaral.______________
9. Pagmasid ko sa aking paligid napagtanto ko na napakalaki na pala ng pagbabago mas
marami na ang mga bahay kesa noon.___________
10. Humayo ang prinsipe sa isang paraisong nababalot ng hiwaga at kasiyahan.___________

Page 6 of 10
Binabati kita! Magaling! Pinatunayan mo na handang-handa ka na para sa susunod
pang aralin na tatalakayin. Patuloy ka lang at laging tatandaan. Edukasyon ang
paraan para sa magandang kinabukasan.
Maraming Salamat sa iyong kooperasyon.

Sanggunian:

Filipino 10 Modyul 1
Pluma 10
Google.search.com

Bumuo sa Pagsusulat ng Sanayang Papel

Manunulat: Nanette R. Jaramillo


Editor: Teodora R.Santos
Tagasuri: Florence S. Donayre
Division Learning Areas EPS: Mylane V. Barquera, Ed. D

Page 7 of 10
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1.

1. maganda

2.pinakamasaya

3.aalog-alog

4.lumuha

5. nainip

Gawain 2 :

A.

1. C 2. B 3. B 4. A 5. B

B.

1. Nagliliyab 6. matalino

2. tunay 7. tingnan

3. tumpak 8. napopoot

4. masanay 9. dalubhasa

5. natanaw 10.mahirap

Gawain 3:
(Guro ang magwawasto ng sagot)

Gawain 4:
1.panliligaw 6.sobra-sobra
2.kasintahan/minamahal 7.mabaon
3.ibinigay 8.obsesyon/mahibang
4.engrade/kahanga-hanga/elegante 9.pagtanaw/pagtingin
5.estupido/walang alam 10.Naglakbay/sumulong/lumakad

Page 8 of 10
SAGUTANG PAPEL
PANGALAN: ___________________________ Petsa/Oras : Agosto ___,2020
BAITANG at PANGKAT:__________________ Asignatura : Filipino
ISKOR: ___________________________ Markahan : Una
Gawain 1.

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2:
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay ang
kahulugan. Isulat ang sagot pagkatapos ng bilang.
1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10

Gawain 3:
Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Piliin ang mga salitang bago sa iyo at kilalanin ang
kasingkahulugan gamit ang diksyunaryo o halawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit. Gamit sa makabuluhang pangungusap pagkatapos. Isulat
sa talahanayan ang iyong sagot.(Kung hindi kasya,maaari mong isulat ang karugtong sa isa
pang papel)
Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

Gawain 4 .

Panuto: Ibigay ang kahulugan o kaugnay na salita sa salitang nakasulat nang madiin sa
pangungusap. Isulat patlang ang tamang sagot.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Page 9 of 10
Page 10 of 10

You might also like