You are on page 1of 6

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ________________________________


Module Code: LDS1-F9-Q1-W1-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION- BARMM REGION


SCHOOLS DIVISION OF LANAO DEL SUR 1

MODYUL SA FILIPINO 9
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang mahihirap/ malalalim na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan (F9PT-Iab-39)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


 Denotatibo o konotatibong kahulugan ng mga salita

PANIMULA
Ang mga salitang ating binibigkas ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan batay
sa nilalaman ng konteksto. Maaaring tawaging denotatibo o konotatibo ang kahulugan ng
mga salita depende sa kung ano ang nais mong ipagpakahulugan. Mahalagang
maunawan ng taong kinakausap ang mensahe ng tagapagsalita o ng binabasa. Gayundin
naman sa taong nagsasalita, dapat ay malinaw na maiparating ang mensahe upang
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Paano mo ba malalaman kung ang kahulugan ay denotatibo o konotatibo? Ano ba
ang pagkakaiba ng mga kahulugan nito? Upang madaling maunawaan ang pagkakaiba ay
simulan mo ang pag-unawa sa denotatibo. Ito ay ang kahulugan ng mga salitang
matatagpuan sa diksyunaryo kung saan literal ang ibinibigay nitong pagpapakahulugan.
Samantala, ang konotatibo naman ay mga pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan ng mga
salita na maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa sa
karaniwang kahulugan nito.
Kapag naging malinaw ang gamit ng mga salita sa pagpapakahulugan ay nagiging
maayos din ang daloy ng komunikasyon. Sa paggamit halimbawa ng salitang rosas. Ito ay
nangangahulugang uri ng bulaklak ngunit kung kukunin ang konotatibong kahulugan nito
ay maaari itong iugnay sa mga kababaihan o mga dalagang kadalasang inihahambing ng
mga binatang nanliligaw upang mas maging maganda ang dating ng kanilang mensahe.
Ilan pa sa mga halimbawa ng mga salitang may denotatibo at konotatibong
kahulugan ay ang mga sumusunod.
Salita Denotasyon Konotasyon
tanikala Posas, kadena, gapos Hindi makagalaw, nasasakal,
walang kalayaan
ahas Uri ng reptilya na ang iba ay Taong traydor
may kamandag
puso Bahagi ng lamang-loob Pag-ibig, pagmamahal

Mga sangguniang ginamit:

1. Maaaring tingnan/bisitahin online - https://www.youtube.com/watch?v=wFnLbsOhzuw


2. Online na sanggunian- https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-konotasyon-at-denotasyon
3. Pinagyamang Pluma 9
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Maaaring sa puntong ito ay nagiging maliwanag sa iyo kung paano nakikilala ang denotatibo at
konotatibong kahulugan ng mga salita. Subukin mong tuklasin pa ang iyong kakayahan sa
pagtukoy kung denotatibo o konotatibo ang kahulugan ng salitang nakatala sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa unahang bilang.

B. TUKLASIN: Gawain 1
Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang kahulugang ibinigay sa bawat bilang.

________________1. bola – sinasabing pahayag sa ibang tao upang makuha ang loob ng
kinakausap
________________2. ginto – mamahaling hiyas o isang elementong kemikal
________________3. Itim – kadiliman o problema
________________4. panulat – ginagamit na bagay upang mag-iwan ng marka sa papel o
sa ibang pinagsusulatan
________________5. supling – ang nagbubuklod sa mag-asawa at nagbibigay kasiyahan
sa loob ng tahanan
________________6. unos – malakas na bagyong dumarating sa panahon ng tag-
ulan
________________7. musika – nagbibigay-buhay o kulay sa ibang taong nakadarama ng
lungkot
________________8. bahay – tinitirahan ng mga tao o hayop
________________9. putik – dumi o basang lupa
________________10. kulungan - lugar na pinagdadalhan ng mga taong nagkasala
Mabilis mong naunawaan ang ating aralin tungkol sa denotatibo at konotatibong kahulugan.
Ngayon naman ay basahin mo ang buod ng isang akda na naglalaman sa ibaba ng mga salitang
may denotatibo at konotatibong kahulugan.

Takipsilim sa Dyakarta
Mochtar Lubis
(Isinalin ni Aurora E. Batnag)
ibinuod ni Elizabeth M. Avila

Isang maaliwalas na dapithapon ng mga sandaling iyon nang pumarada ang pulang-pula
at bagong-bagong cadillac sa harap ng restawran. Marami ang nakaparadang kotse noon nang
bumaba ang mag-asawang Raden Kaslan at Fatma. Makikita ang karangyaan at luho sa kanila
dahil na rin sa kanilang pananamit at postura. Naupo sila sa harap ng restawran kung saan
nakahiwalay ang kanilang mesa sa karamihan. Umorder ng pagkain si Raden nang hindi man
lang tinitingnan ang menu. Pagkatapos ay nag-usap ang mag-asawa ng tungkol sa mga
mamahalin at maluluhong bagay.
Samantala, isang lumang kalesa na walang sakay ang hila-hila ng isang payat na kabayo
ang dumaan sa harap ng restawran. Natutulog dito ang kanyang kutsero na si Pak Idjo. Wala pa
siyang pasahero maghapon kung kaya’t nakatulugan na niya ang gutom. Nasanay na ang
kabayo sa araw-araw na paghila sa kalesa kahit tulog si Pak Idjo. Kusa na lamang din itong
humihinto kapag may pumaparang pasahero o pinapatigil ng pulis-trapiko. Nasa ganitong
maaliwalas na dapithapon ang paghila ng kabayo sa kalesa nang biglang may malaking aso na
humahabol sa pusa ang biglang tumalon habang tumatahol nang malakas. Nagulat ang
matandang kabayo at biglang nadapa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay tumama sa pulang
cadillac ang kaliwang poste ng kalesa at ang dulo ng poste na gawa sa pinaitim na tanso na
sumira sa chromium na pintura ng pulang-pulang kotse. At tumama din sa salamin ng bintana ng
kotse ang nakausling bakal sa bubungan ng kalesa.
Naalimpungatan si Pak Idjo kaya’t bumaba siya at inalalayan ang kanyang kabayong
nakadapa. Hinimas-himas niya ang tuhod at ulo ng kabayo.
Dito na nagulat ang mga kumakain at nag-iinuman sa restawran. Tumayo si Raden
Kaslan at tiningnan ang nangyari. Ikinagalit niya nang husto ang nakita sa kanyang nasirang
chromium at pintura pati na ang nabasag na salamin ng bintana. Napamura at sinigawan niya
ang matandang kutsero.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Pinaaamin niya ito sa kanyang kasalanan at pinagbabayad ang kawawang matanda na


namumutla at nangangatog. Mababakas sa kutsero ang takot at pagdurusa dahil na rin sa
kanyang sakit na iniinda. Walang lumalabas sa kanyang mga bibig upang mangatwiran.
Sinabihan siyang idedemanda kung hindi mababayaran ng di kukulangin sa isa o dalawang
rupiah. Paiyak na nabanggit ng kutsero na patayin na lamang siya dahil pobre lamang siya
habang patuloy na hinihimas ang ulo ng kanyang kabayo.
Ikinainis lamang ni Raden Kaslan ang narinig na katwiran ng kutsero kung kaya’t tumawag na
siya ng pulis. Marami ang nakiusyoso nang dumating ang mga pulis sakay ng kanilang
motorsiklo na tulad ng tunog ng pumapatay na baril. Naalala tuloy ng kutsero ang dahilan kung
bakit siya umalis sa kanilang nayon dahil sa mga tunog na iyon, ang mga baril ng mga tulisan.
Nang imbestigahan na ito ng bata pang pulis ay nagsibalikan na sa restawaran ang mga
nakiusisa. Nasanay na rin ang mga tao sa ganitong insidente dahil palaging may
nagbabanggaan.
Hiningi ni Raden Kaslan na siya ay nararapat bayaran ni Pak Idjo dahil sa bagong-bago
ang kanyang kotse. Napag-alaman nilang totoong may sakit ang matandang kutsero nang ipakita
nito ang kangyang pigsa sa likuran at hita na kasinglaki ng kamao. Namumula at namamaga na
ang mga ito. Nakakikilabot na pagmasdan.
Tanging mga katagang patayin na lamang siya dahil wala siyang maibabayad ang
namutawi sa bibig ni Pak Idjo habang lumuluha. Kinakailangan niya ang magtrabaho upang may
mapakain sa kanyang pamilya na kahapon pa hindi nakakakain. Nagpalipat-lipat ng tingin ng
pulis sa kanya, kay Raden Kaslan at sa asawa nito na tila mawawalan ng bait. Wala nang
nagawa si Raden Kaslan at muling napamura. Inakbayan ang kanyang asawa pabalik sa
restawran. Hinayaan na lamang niya dahil sa imposible na talaga siyang mabayaran sa kanyang
kotse.

C. MGA GAWAIN
Gawain 2: Magtala ng sampung salita may denotatibo at konotatibong kahulugan mula sa
akdang binasa.
Denotasyon Salitang Naitala mula sa Konotasyon
Teksto

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Nakatutuwang nasagutan mo ang naunang pagsasanay batay sa iyong pagkaunawa sa ating


aralin. Ngayong alam mo na ang mga salitang may denotatibo at konotatibong kahulugan, subukin
mo namang sumulat ng sariling pangungusap batay sa hinihinging kahulugan sa bawat bilang.

Gawain 3: Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang mga salitang nakatala sa bawat
bilang. Gawing gabay ang hinihinging kahulugan.
Halimbawa:
Ibon - konotasyon : Ninanais niyang maging isang ibon na nakalilipad saan man niya
naisin.

1. kalapati – konotasyon :
_____________________________________________________________________
2. dyamante – konotasyon :
_____________________________________________________________________
3. bahaghari – denotasyon :
_____________________________________________________________________
4. dapithapon – denotasyon :
_____________________________________________________________________
5. berde – konotasyon :
_____________________________________________________________________

Upang lubos mo pang mapalalim ang gamit ng ating aralin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Subukin mo naman ngayong iugnay ang iyong sarili sa mga salitang may denotatibo at
konotatibong kahulugan.

Integrated the Development of the Following Skills:


1. Communication (Understanding of words/vocabulary)
2. Communication (Understanding of words/vocabulary Following instructions/directions )
3. Communication (Understanding of words/vocabulary) / Creativity
4. Communication (Understanding of words/vocabulary, Responding to the ideas) / Creativity
5. Critical Thinking/ Communication (Understanding messages Following instructions/directions)
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

E. PAGTATAYA

Gawain 5: Hanapin at ikahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
Tukuyin din kung ito ay ang denotatibo o konotatibong kahulugan ng salita.

____________1. Naupo sa harap ng restawran ang mag-asawang Raden Kaslan at Fatma


na kakikitaan ng magarang pamumuhay dahil sa suot ng magkabiyak na magagandang
kasuotan at mamahaling hiyas.

____________2. Sadyang mahirap ang buhay ni Pak Idjo kung kaya’t makikita sa kanyang
gula-gulanit na damit ang kanyang katayuan sa buhay.

____________3. Kasa-kasama ng may edad na si Pak Idjo ang matandang kabayo na


matagal na ring naninilbihan sa kanya.

_____________4. Muling nanariwa sa kanyang alaala ang tunog ng baril na siyang naging
dahilan ng kanyang pagtakas sa kanilang lugar dahil sa dahas na dala nito.

____________5. Malakas ang kabog ng dibdib ni Pak Idjo ng dumating ang mga pulis dahil
na rin sa takot na siya ay makulong at magdusa nang hindi nauunawaan ng mga
tagapagpatupad ng batas ang kanyang paliwanag.

____________6. Umorder ng pagkain si Raden Kaslan nang hindi man lang tinitingnan ang
presyo sa menu na nagpapatunay lamang kung gaano kadami ang kanyang biyaya sa
buhay.

____________7. Malaki ang panghihinayang ni Raden Kaslan sa pagkasira ng kanyang


magarang kotse dahil sa bago pa lamang ito ay halatang mamahalin ang presyo nito.

____________8. Patuloy sa pagdaloy ang luha ng kaawa-awang si Pak Idjo habang siya ay
nagmamakaawa dahil sa pagdurusa sa nangyari.

____________9. Sadyang mabait pa rin ang langit kay Pak Idjo dahil napatawad siya ni
Raden Kaslan at hindi na pinagbayad tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa mga
nagkakasala.

____________10. Patuloy na tinitiis ni Pak Idjo ang sakit na kanyang nararamdaman dahil
sa pigsa sa kanyang likuran at hita na tila malalang karamdaman na pinandidirihan ng iba.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Inihanda ni:
JOHAIRA B. ESMAIL
SST1-SULTAN MALUNGUN NHS

You might also like