You are on page 1of 5

Ministry of Basic, Higher, Technical Education-BARMM

DIVISION OF LANAO DEL SUR 1


MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9
PANGALAN BAITANG AT PANGKAT:
:
GURO:
MODULE CODE: LDS1-AP9-Q1-W1-01

KAHULUGAN NG EKONOMIKS
LAYUNIN
Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng Konsyumer at
Prodyuser

PANIMULA
HALINA’T SIMULAN

Nagsimula ang pag-aaral ng Ekonomiks bilang isang agham noong ika-18 dantaon, na
mas kilala sa katawagan na Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment. Sa panahong
ito sinusulong ang katwiran o reason bilang pangunahing pinagmulan ng tunay na
kapangyarihan.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA H.SAMAD

KABANATA 1
Isang pamilya ang kasalukuyang naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID – 19, ang Pamilya
H. SAMAD mula sa lungsod ng Marawi. Ang pamilya ay binubuo ng mag-asawang Usman at Jamilah.
Si Usman ay tumigil magtrabaho ng mahigit 2 buwan bunga na din ng Community Quarantine na
pinatupad. Sa pagpasok ng GCQ (General Community Quarantine) muling nakabalik bilang foreman sa
isang construction site. Samantalang ang kanyang kabiyak na si Jamilah ay isang may bahay at
minsan ay nagbibigay ng serbisyo ng paglilinis ng kuko sa kanyang mga kapitbahay.

Ang mag-asawa ay mayroong tatlong anak. Ang panganay na si salman, 14 na taong gulang at
nasa ika-9 na baiting. Ang ikalawa ay si Aisah, 11 taong gulang at nasa ika-6 na baiting. Ang bunso ay
si Boyet na isang taong gulang pa lamang. Umasa ang pamilya sa mga donasyon mula sa lokal na
pamahalaan at sa kanilang naipong pera noong nagdaang mga buwan. Ang pamilya ay isa sa mga
napili na mabigyan ng tulong sa tinatawag na Social Amelioration Program. Pinag-uusapan ng mag-
asawa kung paano nila gagastusin ang kanilang makukuhang tulong ng pamahalaan na
nagkakahalaga na
Php 5,000. Tulungan ang pamilya at sagutan ang Gawain 1
HALINA’T ALAMIN

Suriin ang Organizational Chart sa sumunod na pahina at alamin ang pinagmulan ng salitang
Ekonomiks.
PANGALAN BAITANG AT PANGKAT:
:
GURO:

Ang Ekonomiks ay nag mula sa salitang Griyego na


“Oikonomia”. Nagmula ito sa dalawang salita ang
“oikos” na nangangahulugang tahanan at “nomos” na
nangangahulugang pamamahala. Kaya kapag
pinagsama ang “oikomomia” ay nangangahulugan na
pamamahala ng tahanan. Kinikilala ang sambahayan
o ang iyong tahanan bilang pinakamabisang modelo
ng ekonomiks. Ano nga ba ang dapat pamahalaan sa
loob ng tahanan?

Tulad ng Pamilya H.SAMAD, ang


tahanan/pamilya nila ay maraming mga kinakailangan
tulad ng pagkain, damit, kuryente, tubig kasama na
din dito ang load para sa kanilang mga gadgets.
Sapat ba ang makukuha nilang pera mula sa SAP?
Upang higit na maintindihan ang pag-aaral ng
ekonomiya kinakailangan suriin ang dalawang
kaisipan na ito:
KAISIPAN 1 KAISIPAN 2
“Walang katapusang Pangangailangan at “Limitado ang Pinagkukunang Yaman”
Kagustuhan
 Likas sa tao na kailanman di nauubusan ng  Lahat ng mga yaman ay may limitasyon o
mga nais niya makuha materyal o di materyal may hangganan. Maari man itong mapalitan
na produkto at serbisyo. Lagi siyang darating ang panahon na ito ay mauubos
nagnanais na makuha ang kanyang mga
kailangan at kagustuhan
Halimbawa:
1. Maraming nais mabili ang Pamilya H.Samad upang matugunan ang kanilang pangangailangan
ngunit alam nila na di magkakasya ang pera na ipagkakalob ng SAP upang matugunan ang kanilang
nais mabili
2. Sa loob ng isang araw, maraming nais gawin ang kabataan na tulad mo ngunit ikaw ay limitado
pagdating sa oras at sa sarili mong lakas kaya iilan lamang ang iyong nagagawang aktibidad
3. Nais man tayong lahat na mabigyan ng relief goods ng ating barangay ng sabay sabay, sila ay
nahihirapan dahil limitado lamang ang kanilang mga produktong hawak, kaya mas inuuna na
mabigyan ang higit na nangangailangan

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks ,na isang sangay ng Agham Panlipunan, ay maaaring


makapag-isip ng paraan paano mapamahalaan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa
kabila ng limitadong pinagkukunang yaman. Ang Ekonomiks ay magbibigay kasanayan upang mahasa ang
iyong matalinong pagdedesisyon upang mapamahalaan ang Kakapusan.

PANGALAN BAITANG AT PANGKAT:


:
GURO:

2.HALINA’T GAWIN
Gawain 1: Tulungan natin ang mag-asawang Samad at Jamilah. Isulat ang iyong ilalaan na halaga
para sa mga nais bilihin ng mag-asawa sa kanilang makukuhang pera mula sa SAP na
nagkakahalagang P 5,000. Sa huling kahon, magdagdag pa ng isang dapat nilang bilhin at
ilalaan na presyo. Sagutan ang mga Gabay na Tanong

Mga Dapat Mabili Ilalaan na Halaga MGA GABAY NA TANONG


PAGKAIN
BAGONG DAMIT 1. Anong produkto ang pinaglaanan
KURYENTE mo ng pinakamalaking halaga?
TUBIG _________________________
LOAD
________________ 2. Anong produkto ang pinaglaanan
mo ng pinakamaliit na halaga?
_________________________
Gawain 2: Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa
Ekonomiks (10 SALITA) 3. Anong dahilan bakit mayroong
paglalaanan ng mas malaking
DIGMAAN KAPAYAPAAN halaga kumpara sa iba?
HANGIN
_________________________
PANGANGAILANGAN YAMAN

DESISYON KAKAPUSAN

SAMBAHAYAN EKONOMIKS PAMAMAHALA

KAPITAN PERA

KAGUSTUHAN LIWANAG

LIMITASYON PAGMAMAHAL TAHANAN

Gawain 3: Magbigay ng 5 halimbawa na matatagpuan sa iyong tahanan na nagpapakita ng WALANG


HANGGANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN ngunit LIMITADO ANG
PINAGKUKUNANG YAMAN. Gamitin ang unang produkto bilang halimbawa.

PRODUKTO PAGPAPALIWANAG
BIGAS Madaling maubos ang aming sinaing dahil marami kaming nakatira sa aming bahay

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:


GURO:

Gawain 4: Kasama ang iyong mga magulang, gumawa ng isang budget plan sa loob ng isang araw sa
iyong baong pera. Isulat ito sa kahon sa ibaba.
Halaga ng baong pera? BUDGET PLAN

Mga nais bilihin Ilalaan na halaga

Gawain 5: Punan ang patlang. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba

Ang Ekonomiks ay isang ________________ ng agham ____________________ na nag-aaral

kung paano tugunan ang walang ______________ pangangailangan at ________________ ng tao

gamit ang ________________ pinagkukunang yaman. Ito ay nagmula sa salitang

________________ na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang _______________ at

________________ ay pamamahala.

Upang mapahalaan ang ________________ ay hahasain ng Ekonomiks ang kasanayan sa

matalinong ______________.

NOMOS SANGAY KAKAPUSAN KAHIRAPAN

EKONOMIYA GRIYEGO PANLIPUNAN KAGUSTUHAN

LIMITADONG HANGGAN TAHANAN PAGDEDESISYON

PANGALAN BAITANG AT PANGKAT:


:
GURO:

Integrated the Development of the following Learning Skills


COMMUNICATION CRITICAL THINKING COLLABORATION CHARACTER
 Vocabulary  Analysis  Exchange of ideas  Honesty
 Reasoning  Problem solving  Reflection
 Following  Decision making
instructions

 Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang “oikonomia” na nangangahulugan


pamamahala ng tahanan
 Upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa
kabila ng limitadong resources ang layunin ng pag-aaral ng Ekonomiks

C.PAGTATAYA: Kumuha ng balita na nagpapakita ng walang hanggang pangangailnagan at


kagustuhan sa kabila ng limitadong pinagkukunang yaman.

PAMAGAT NG BALITA:
PINAGMULAN NG BALITA:
PETSA:
BALITA:

Karagdagang Babasahin:
 Learner’s Module: Ekonomiks 9, pahina 15
 https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-1-ang-kahulugan-ng-ekonomiks-97962565?
fbclid=IwAR27ZNAB46Hx-T3nkngjUvbVpbcTvB2asyBevI3DI0660ICuX0U6WiIgmaM

Inihanda ni, NASRODIN M. ALIP


Pangadaman Provincial Science High School

You might also like