You are on page 1of 14

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Araling Panlipunan 9

Paksa: Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Inihanda ni:

Russelle Jane U. Marcos


Mag-aaral na Nagsasanay

Sinuri ni:

Junelle Richee P. Tagle


Tagapagturo

1
Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling
Panlipunan Grade 9
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya;
b. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya;
c. Nasusuri ang isa isa ang mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya
Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint presentasyon
Mga Sangunian: Balitao, Bernard R. et.al. Ekonomics. Mga Modelo ng Pambansang
Ekonomiya pp. 231-238.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Magandang umaga Binibining Marcos.


Magandang umaga naman mga mag-aaral!

Bago tayo magsimula sa ating klase, maaring (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga kalat at
pulutin ang mga kalat at ayusin ang inyong isinaayos ang mga upuan)
mga upuan.

Aze, maaari mo bang pangunahan ang ating


panalangin. Klas, tayo’y tumayo at (Tumayo ang mag-aaral para sa panalangin)
manalangin.

Pwede na kayong umupo.

Klas, sino ang lumiban sa ating klase ngayon?


Wala po Ma’am.
Mabuti naman kung ganon.

A. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin
mayroon akong inihandang gawain na
pinamagatang Hula Letra. Paunahan na kayo
ay makasagot. Sa pamamagitan ng hint,
huhulaan ninyo ang mga tamang letra para
makabuo ng isang salita. Ang mga salitang
inyong mabubuo ay may malaking kaugnayan
sa paksang ating tatalakayin sa araw na ito.
Handa na ba kayo?

2
1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa
kabuuang ekonomiya.

2. Salaping kinokolekta ng pamahalaan


upang makalikom ng pondo.

3. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang


bansa.

Inaasahang sagot:

1.
2.
3.

B. Paglalahad
Klas, pakilahad sa klase ang mga salitang
nabuo mula sa gawain.
Ang mga salita na aming nabuo ay ang
makroekonomiks, buwis at export po ma’am.
Tama!
Ano ang kahulugan ng makroekonomiks?
Ang makroekonomiks ay sangay ng ekonomiks
na tumitingin sa ekonomiya sa isang malawak
na kahulugan at tumatalakay sa mga
kadahilanan na nakakaapekto sa pambansa,
rehiyonal, o pandaigdigang ekonomiya bilang
isang buo.
Magaling!
Ano ang kaibahan nito sa maykroekonomiks?
Ang maykroekonomiks naman ay  tumitingin
sa ekonomiya sa isang mas maliit na sukat at
tumatalakay sa mga tiyak na entidad tulad ng
mga negosyo, sambahayan at indibidwal.
Mahusay!
Upang mas mapalalim pa ang inyong
kaalaman, ating tatalakayin ang paikot na
daloy ng ekonomiya.

3
C. Pagtatalakay
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay
naglalarawan ng paggalaw at pagbalanse ng
mga gawain sa sektor ng ekonomiya.
Saang bansa unang pinag-aralan ang paikot na
daloy ng ekonomiya klas?
Ang mga Physiocrats sa France ang unang nag-
aral sa paikot na daloy ng ekonomiya ma’am.

Tama ang iyong sagot.


Ngayon, inyong pansinin ang larawang ito.
Sino sa inyo ang nakakakilala sa kanya?

Siya po si Francois Quesnay, na namuno sa


mga Physiocrats, na may akda ng Tableau
Economic po ma’am.
Mahusay!
Siya si Francois Quenay.
Upang mas mapadali ang kabuuang daloy ng
ekonomiya hinati ito sa limang modelo.
Jeollia, ano ang Unang Modelo na tinutukoy sa
pambansang ekonomiya?
Ang unang modelo ay naglalarawan ng
simpleng ekonomiya. Sa modelong ito na ang
sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil ang
gumagawa ng produkto ay siya ring
komokonsumo nito. Ang suplay ng bahay
kalakal ay ayon sa demand o pangangailangan
ng sambahayan.
Magaling!
Sa unang modelo iisa lamang ang sambahayan
at bahay kalakal.
Ang larawan na inyong nakikita ay halimbawa
ng unang modelo.

4
Ano ang inyong makikita sa larawan?
Ang nasa larawan po ay isang babae na nasa
gilid ng dagat.
Tama.
Kung kayo ay napadpad sa isang isla at
walang tao na maaaring makatulong sayo,
Ano ang iyong gagawin para ikaw ay
mabuhay? Maghahanap ako ng makakain na tutugon
sa gutom na aking nararamdaman, gagawa
ng pansamantalang masisilungan para ako
ay may matulugan, o maghanap ng
materyales na pwedeng gawing damit para
hindi ako malalamigan.
Mahusay!
Sa makatuwid, ang sambahayan at bahay
kalakal ay ikaw lamang.
Ano naman ang ikalawang modelo ng
pambansang ekonomiya?
Ang ikalawang modelo ay nagpapakita ng
bahay-kalakal at sambahayan bilang
pangunahing sektor ng paikot na daloy ng
ekonomiya. Sa modelong ito ay magkaiba ang
sambahayan at bahay- kalakal.
Magaling!
Ano naman ang dalawang sektor sa ikalawang
modelo ng pambansang ekonomiya?
Ang dalawang sektor sa ikalawang modelo ng
pambansang ekonomiya ay ang sambahayan at
bahay- kalakal.
Tama!
Ano ang mahalagang ginagampanan ng
sambahayan at bahay kalakal sa ating
ekonomiya?
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng
produksyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship. At ang bahay kalakal naman

5
ay lumilikha ng mga produkto at serbisyo.
Mahusay!
May dalawa namang mahalagang uri ng
pamilihan sa ikalawang modelo ng
pambansang ekonomiya. Ano ang dalawang
ito?
URI NG PAMILIHAN SA
PAMBANSANG EKONOMIYA

Pamilihan ng mga Pamilihan ng mga


salik na produksyon tapos na produkto
(Factor market) (Commodity Market)

Magaling!
Kilala ang dalawang uri ng pamilihang ito
bilang factor markets at commodity markets.
Ano ang pagkakaiba ng factor markets at
commodity markets?
Ang pamilihan ng salik na produksyon o
factor markets ay dito kung saan inilagak ng
sambahayan ang mga salik ng produksiyon
gaya ng kapital, lupa, paggawa at
pagnenegosyo. Samantala, ang pamilihan ng
tapos na produkto o commodity market kung
saan dinadala ang tapos na produkto at
serbisyo mula sa bahay-kalakal para ibenta sa
sambahayan.

Mahusay ang iyong sagot.


Ngayon inyong pansinin at pag-aralan ang
illustrasyon ng daloy ng ekonomiya sa
ikalawang modelo. Sino sa inyo ang
makapagbibigay ng paglalarawan dito?

6
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik na
produksyon tulad ng lupa, kapital, paggawa at
pagnenegosyo kung saan ang sambahayan ay
kumikita. Ang bahay-kalakal naman ang
siyang bumibili sa mga salik na produksyon na
nagmula sa sambahayan. Ang bahay kalakal
rin ang nagpapasahod, umu-upa at tumutubo
para sila ay makalikha ng mga tapos na
produkto’t serbisyo at kanilang ibinebenta sa
pamilihang kalakal at palilingkod o commodity
markets kaya’t ang bahay kalakal naman ay
kumikita. Ang mga tapos na produkto sa
commodity markets na ginawa ng bahay
kalakal ay siyang binibili ng mga sambahayan,
sa pagkakataong ito ang sambahayan ay
gumagasta ng mga tapos na produkto.
Napakahusay!
Klas naunawaan niyo ba?
Opo Ma’am.
Mahusay!
Tandaan na ang sambahayan ay walang
kakayahan na gumawa ng produkto kung wala
ang bahay kalakal. At hindi rin kaya ng bahay
kalakal na magbigay ng mga salik nga
produksyon dahil sa sambahayan lamang ito
nagmumula. Kaya’t ano ang tawag sa ugnayan
ng sambayahan at bahay-kalakal?
Ang tawag sa ugnayan ng sambahayan at
bahay kalakal po ay tinatawag na
interdependence.
Tama!
Dumako naman tayo sa ikatlong modelo ng
pamilihang ekonomiya.
Angel, ano ang ikatlong modelo?
Ang ikatlong modelo po ay ang Pamilihang
Pinansyal: Pag-iimpok (Savings) at
Pamumuhunan (Investment).
Tama.
Ano ang tawag sa ikatlong pamilihan na
papasok sa daloy ng ekonomiya?
Ang tawag sa ikatlong pamilihan na papasok sa
daloy ng ekonomiya ay ang Pamilihang
Pinansyal o Financial Market.
Magaling!
Anu-ano ang mga halimbawa ng Pamilihang
Pinansyal klas?

7
Mahusay!
Sino sa inyo ang nag-iipon ng pera?
Ako po ma’am nag-iipon.
Sa anong paraan ka nag-iipon, Glyneeze?
Halimbawa po Ma’am ay may natira akong
pera sa aking alawans na ibinigay ng aking
mga magulang at inilalagay ko po ito sa aking
alkansya.
Napakahusay!
Katulad ninyo, ang sambahayan ay nag-iimpok
. Ang ibang kita ng sambahayan ay ini-iimpok
sa Pamilihang pinansyal.
Bakit napakahalagang gawain ng sambahayan
ang pag- iimpok o savings?
Napakahalagang gawain ng sambahayan ang
pag- iimpok o savings dahil naplaplano at
napapaghandaan ng mga tao ang mga gastusing
panghinaharap.
Tama.
Kapag ang sambahayan ay nagangailangan ng
salapi madali lamang maghanap ng
mapagkukunan, ano ang tawag nito.
Ito ay tinatawag na Outflow kapag ang
sambahayan ay nagangailangan ng salapi at
madali lamang maghanap ng mapagkukunan.
Magaling!
Kung may outflow ay mayroon ding tinatawag
na inflow.
Sa anong paraan nagkakaroon ng inflow sa
pamilihan?

8
Nagkakaroon ng inflow sa pamilihan kapag
namuhunan ang bahay kalakal mula sa mga
pamilihang pinansyal.
Tama!
Bakit ang bahay-kalakal ay nanghihiram ng
salapi sa sambahayan sa pamamagitan ng
pamilihang pinansyal para sa kanilang
karagdagdagang kapital?
Ang bahay-kalakal ay nanghihiram ng salapi sa
pamilihang pinansyal upang ang kanilang mga
ginagawang produkto at serbisyo ay mapalago.
Mahusay!
Sa ganitong paraan ng pamumuhunan ng
bahay-kalakal ay maaaring makapagpaloob ng
hanapbuhay sa mga tao at makapagdaragdag sa
kanilang kita.
Ngunit mayroong babayaran ang bahay-kalakal
sa hiniram na puhunan. Ano ang tawag rito?
Ang babayaran ng bahay-kalakal sa hiniram na
puhunan ay tinatawag na interes.
Tama!
Saan naman napupunta ang interes na binayad
ng bahay-kalakal?
Ang interes ay mapupunta sa sambahayan
bilang tubo sa kanyang pag-iimpok o savings.
Magaling!
Anong paraan ang dapat gawin upang
mapaunlad ang pamilihan sa ekonomiya?
Upang umunlad ang ekonomiya kailangan
pataasin pa ang antas ng pamumuhunan ng
mga bahay-kalakal, maraming trabaho ang
maipagkakaloob nito at lalago rin ang negosyo
at dadami din ang kita ng nag-iimpok dahil sa
interes. Kailangan rin na mas malaking savings
ng sambahayan upang may sapat na puhunan
ang bahay-kalakal.
Napakahusay
Dumako naman tayo sa ika-apat na modelo.
Zaireen, ano ang bumubuo sa ika-apat na
modelo?
Ang ika-apat na modelo po Ma’am ay ang
Pamahalaan at Pamilihan ng Pinansyal Salik na
Produksyon, Kalakal at Paglilingkod.
Tama!
Anong sektor ang papasok sa ika-apat na
modelo?

9
Ang sektor na papasok sa ika-apat na modelo
ay ang Pamahalaan.
Magaling!
Ano ang pinakamahalagang tungkulin na
ginagampanan ng pamahalan sa pamilihan?
Ang mahalagang tungkulin na ginagampanan
ng pamahalan sa pamilihan ay mangulekta ng
buwis sa pag-papaunlad ng bansa.
Tama.
Nangongolekta ang pamahalaan ng buwis mula
sa bahay-kalakal at sambahayan.
Ano ang tawag sa kita mula sa buwis na
ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng
pampublikong paglilingkod?
Ang kita mula sa buwis na ginagamit ng
pamahalaan upang makalikha ng
pampublikong paglilingkod ay tinatawag na
public revenue.
Mahusay, Charlene!
Ano naman ang tawag sa tulong pinansyal na
ipinagkakaloob ng pamahalaan sa
sambahayan?
Ang tawag sa tulong pinansyal na pinagkaloob
ng pamahalaan sa sambahayan ay transfer
payment.
Tama!
Ano naman ang tawag sa tulong pinansyal na
pinagkaloob ng pamahalaan sa bahay-kalakal.
Ang tawag sa tulong pinansyal na pinagkaloob
ng pamahalaan sa bahay kalakal ay subsidy.
Magaling!
Ang transfer payment at subsidy ay tulong ng
pamahalaan sa dalawang sektor.
Sa anong paraan natutulungan ng pamahalaan
ang sambahayan?
Natutulungan ng pamahalaan ang sambahayan
sa pagbibigay ng serbisyo publiko gaya ng
scholarship o libreng pag-aaral, 4P’s, libreng
pang-medikal at iba pang benepisyong sosyal.
Tama.
Sa anong paraan naman natutulungan ng
pamahalaan ang bahay kalakal?
Natutulungan ng pamahalaan ang bahay
kalakal sa dagdag na financial aid, murang pa-
utang, pambili ng mga kagamitan sa
produksyon at iba pang kailangan ng bahay-

10
kalakal.
Magaling!
Paano uunlad ang ekonomiya sa modelong ito
klas?
Uunlad ang ekonomiya kung gagamitin ang
buwis sa wastong pamamaraan at pagkakaloob
ng tapat na serbisyo publiko.
Tama.
Ngayon, dumako naman tayo sa panghuling
modelo.
Jomel, ano ang ikalimang modelo?
Ang ika-limang modelo ay ang Pambansang
Ekonomiya sa Kalakalang Panlabas.
Tama.
Anong sektor ang papasok sa ikalimang
modelo?
Ang sektor na papasok sa ikalimang modelo ay
ang Panlabas na sektor.
Magaling!
Anong mga gawain ng naglalarawan sa
panlabas na sektor?
Ang panlabas na sektor ay ang
pakikipagkalakalan at pakikipag-ugnayan natin
sa ibang bansa.
Mahusay!
Dito pumapasok ang import at export.
Ano ang pagkakaiba ng import at export? IMPORT EXPORT
Ang pag-angkat Ang pagluwas ng
ng mga produkto mga tapos na
at serbisyo sa produkto sa ibang
ibang bansa bansa

Magaling!
Paano uunlad ang ekonomiya sa modelong ito
klas?
Ang dapat gawin upang mas mapa-unlad ang
ating ekonomiya ay kailangan mas madami ang
pag export kaysa import upang mas madaming
salapi ang papasok sa ating bansa.
Mahusay!
Mahalagang balanse ang ugnayan ng bawat
sektor at pamilihan sa paikot na daloy ng
ekonomiya upang makapagtamo ng pag-unlad
sa ating bansa.

11
D. Paglalahat
Kung lubos ninyong naunawaan ang ating
pinag-aralan. Sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.
Ano ang ugnayang namamagitan sa
sambahayan at bahay-kalakal? Ang ungnayan na namamagitan sa dalawang
actor ay ang sambahayan ang siyang
nagmamay-ari ng mga kasangkapan at
kinakailangan ng mga bahay kalakal upang
makagawa ng mga produkto at serbisyo na
kailangan ng mga sambahayan.

Sumakatuwid, ang sambahayan at bahay-


kalakal ay umaasa sa isa’t-isa upang matupad
ang kanilang mga pangangailangan at
kagustusan.
Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na
sektor? Kailangan ng ekonomiya ang panlabas na
sektor dahil isa ito sa mga tumutulong sa
paglago at pagsasaayos ng ating ekonomiya.Isa
rin ito sa mga tumutulong upang tugunan ang
mga pangangailangan ng bansa at ito rin ay
nagbibigay ng malaking ambag upang
palaguin ang ating ekonomiya sapagkat isa sila
sa mga sangay ng pamahalaan na tumutulong
upang makapagpasok ng pera sa labas ng isang
bansa.
Napakahusay!

E. Paglalapat
Naghanda ako ng isang larong “Pass the Ball
Game” kung saan mayroon akong inihandang
bola na inyong gagamitin sa larong ito. Kapag
nagsimula na ang musika, magsisimula na ring
ipasa ang bola sa katabi hanggang sa tumigil
ang tugtog. Kung sino ang nakahawak sa bola
ng tumigil ang tugtog siya ang sasagot sa aking
katanungan.
Saang bansa unang pinag-aralan ang paikot na
daloy ng ekonomiya?
Ang unang bansa na nag-aral sa paikot na
daloy ng ekonomiya ay sa France ma’am.
Sino ang unang namuno sa pag-aaral ng paikot

12
na daloy ng ekonomiya?

Ang unang namuno sa pag-aaral ng paikot na


daloy ng ekonomiya ay si Francois Quesnay.
Anong modelo na iisa lamang ang sambahayan
at bahay kalakal?
Ang modelo na iisa lamang ang sambahayan at
bahay kalakal ay ang unang modelo o ang
simpleng ekonomiya.
Ano ang mahalagang ginagampanan ng
pamahalaan sa ekonomiya?
Ang mahalagang tungkulin na ginagampanan
ng pamahalaan sa pamilihan ay mangulekta ng
buwis sa pag-papaunlad ng bansa.
Ano ang tawag sa pagluluwas ng produkto sa
labas ng bansa?
Ang Export ay ang pagluluwas ng produkto sa
labas ng bansa.
Ano ang tawag sa pag-angkat ng produkto
mula sa ibang bansa.
Ang Import ay ang pag angkat ng produkto
mula sa ibang bansa.
F. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap at tukuyin kung ano ang
tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nagpapakita ng dalawang pangunahing
sektor ang sambahayan at bahay
kalakal.
2. Naglalarawan ng simpleng ekonomiya.
3. Ito ang modelo ng ekonomiya na kung
sann ang pamahalaan ay lumalahok sa
sistema ng pamilihan.
4. Sumisingil ng buwis,
5. Pagluluwas ng produkto sa labas ng
bansa.
6. Pag-aangkat ng mga produkto mula sa
ibang bansa.
7. Pamilihan ng mga tapos na produkto
8. Sa modelo ng pamilihang ito
pumapasok ang panlabas na sektor.
9. Sa modelong ito may mahalagang
dalawang uri ito ng pamilihan ang
factor markets at commodity makets.

13
10. Ito ay isang pamilihan tulad ng bangko,
insurance, kooperatiba, stock market at
pawnshop.
Inaasahang sagot
1. Ikatlong modelo
2. Unang modelo
3. Ika-apat na modelo
4. Pamahalaan
5. Export
6. Import
7. Commodity/ goods market
8. Ikalimang modelo
9. Ikalawang modelo
10. Pamilihang pinansyal
G. Kasunduan
Saliksikin at pag-aralan ang mga sumusunod:
1. Ano ang pambansang kita?
2. Bakit mahalagang malaman ang
pambansang kita ng ating bansa?
3. Ano ang dalawang uri ng kita?

14

You might also like