You are on page 1of 19

Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

ARALIN 1.2
Kahalagahan ng Ekonomiks

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 2

Pag-aralan Natin 4
Kahalagahan ng Ekonomiks 4
Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks 5
Dalawang Sangay ng Ekonomiks 6
Tatlong Batayang Proseso ng Ekonomiya 6
Mga Aspekto ng Isang Ekonomiya 6
Iba Pang Konsepto ng Ekonomiks 7
Division of Labor 7
Trade off 7
Opportunity Cost 8

Sagutin Natin 9

Suriin Natin 10

Pag-isipan Natin 10

Gawin Natin 10

Dapat Tandaan 13

Pinagkunan ng mga Larawan 15

Mga Sanggunian 15

0
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Aralin 1.2
Kahalagahan ng Ekonomiks

Panimula

Bilang isang tao, likas sa atin ang magkaroon ng pangangailangan at kagustuhan. Ito ang isa
sa mga nagdidikta kung paano tayo kumikilos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Halimbawa, ano ang iyong gagawin kung kailangan mo ng pagkain? Ano ang iyong gagawin
upang guminhawa ang iyong buhay? Ang pagsagot sa mga tanong na ito ay isa lamang sa
kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks.

1
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Nailalahad ang kahalagahan ng ekonomiks.
● Natatalakay ang mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks.
● Nasusuri ang iba pang konsepto ng ekonomiks.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia- 2 ).

Subukan Natin

Pangalanan ang Watawat


Panuto
Pagtambalin ang mga bansa sa Hanay A sa mga watawat sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Alemanya a.

2
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

2. Estados Unidos b.

3. United Kingdom c.

4. Hapon d.

5. Tsina e.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-ano ang pagkakatulad ng mga bansang iyong nakikita sa itaas sa aspekto ng
ekonomiya?
2. Bakit magkakaiba ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga bansa sa daigdig?
3. Sa iyong palagay, makakamit ba ng Pilipinas ang katulad na pag-unlad ng mga
bansang ito? Ipaliwanag.

3
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Pag-aralan Natin
Tulad ng nabanggit sa nakaraang aralin, ang kahulugan ng ekonomiks ay ang pagkakaroon
ng kaalaman ng pagtugon sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ang tao ay nagkakaroon ng problemang
kinahaharap dahil limitado ang kaniyang pinagkukunang-yaman (resources) sa kabila
ng walang hanggang pangangailangan at kagustuhan (needs and wants) nito.

Upang matugunan ang ating walang hanggang pangangailangan at kagustuhan,


kinakailangang gamitin nang mahusay ang mga yaman sa ating paligid. Ito ang ating
kinahaharap na problema sa araw-araw. Halimbawa, nais mong bumili ng aklat at kumain
ngunit limitado ang iyong pera, ano ang iyong maaaring gawin upang matugunan mo ang
iyong mga pangangailangan at kagustuhan?

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

walang
hindi natatapos, walang dulo
hangganan

mahusay mabuti, maigi

tumatalakay pinag-uusapan

Kahalagahan ng Ekonomiks
Dahil sa pag-aaral ng ekonomiks ay natututuhan ng mga mag-aaral na magkaroon ng
matalinong pagpapasya at/o pagdedesisyon. Sa mahusay na paggamit ng limitadong
yaman, maaaring mailaan pa ito sa iba pang kagustuhan o pangangailangan. Ang mahusay
na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang ay tinatawag na
efficiency. Isa itong mahalagang kaisipan sa ekonomiks.

4
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Lar. 1-2. Alin ang iyong pipiliin, pagkain o aklat?

Hindi lamang ang mahusay (efficient) na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ang


natututuhan sa ekonomiks. Nakatutulong din ito sa pagiging produktibo ng isang tao o
pamayanan.

Mahahalagang Tanong
● Bakit nagkakaroon ng suliranin ang tao?
● Paano matutugunan ang walang hanggang pangangailangan ng
tao?
● Bakit mahalagang mag-aral ng ekonomiks?

Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks


Makikita mula sa talakayan sa nakaraang aralin na dalawa ang pamamaraan sa pag-aaral
ng ekonomiks. Ang isa ay nakatuon sa pambansang mga suliranin, samantalang ang isa
naman ay nakatuon sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal. Tandaan na ang
pinakaunang dumiskurso sa ekonomiks bilang isang buong sistema ay si Adam Smith.

Si Alfred Marshall naman ang nagbigay ng eksaktong agham upang mapag-aralan ang
ekonomiks nang mas maigi. Sa pamamagitan nila at ng iba pang ekonomista ay umunlad
ang disiplina at larang ng ekonomiks.

5
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Marami pang iba’t ibang konsepto at termino sa ekonomiks na kailangan mong matutuhan
upang maging mas madali ang iyong pag-aaral sa mga susunod pang aralin. Narito ang
ilan sa kanila.

Dalawang Sangay ng Ekonomiks


1. Makroekonomiks – ang pag-aaral sa pangkalahatang lagay o daloy ng ekonomiya
ng isang bansa, at kung paano nag-uugnayan ang mga indibidwal na bahagi nito.
2. Mikroekonomiks – ang pag-aaral sa mga indibidwal na bahagi ng ekonomiya tulad
ng sambahayan at mga negosyo.

Tatlong Batayang Proseso ng Ekonomiya


1. Produksiyon - paglikha o paggawa ng isang produkto sa pamamagitan ng isang
proseso.
2. Distribusyon - paghahati ng kita at yamang pambansa; paghahati ng halaga ng
produksiyon.
3. Pagkonsumo - paggamit o pagbili ng produkto at serbisyo.

Mga Aspekto ng Isang Ekonomiya


1. Prodyuser - indibidwal o kumpanyang gumagawa ng produkto o nagbibigay ng
serbisyo
2. Konsumer - indibidwal, grupo, o kompanyang bumibili ng produkto o serbisyo
3. Kalakalan - pagbili at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo
4. Demand - dami ng gusto at kayang bilhin ng mga tao
5. Suplay - dami ng produktong ginagawa ng isang prodyuser
6. Implasyon – pagtaas ng halaga ng mga bilihin

Iba Pang Konsepto ng Ekonomiks


Mayroon pang ibang mga konsepto sa ekonomiks bukod sa mga nabanggit sa itaas.
Mahalaga ring matutuhan at maunawaan ang mga konseptong ito.

6
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Division of Labor
Ang division of labor ay ang distribusyon ng mga gawain sa iba’t ibang tao. Ito ay isang
kaisipang ginagamit upang matugunan ang pangangailangan ng isang pangkat o grupo.
Bukod sa pagtugon sa pangangailangan, ang konsepto rin ng division of labor ay isang
paraan sa mas maayos at magandang kalidad ng produkto at serbisyo.

Sinasabing ang kaisipang division of labor ay unang naitala sa mga aklat ng mga Griyego.
Ibinibigay ang mga gawain sa isang tao na may higit na kakayahan at pagnanais. Sa
ganitong paraan, mahusay na nagagamit ng mga tao ang kanilang oras at makagagawa rin
sila ng mga produkto at serbisyo na kanilang maipagmamalaki at may higit na mas mataas
na halaga.

Dahil din sa division of labor kaya mayroong mga taong nagpapakadalubhasa sa kanilang
napiling propesyon. Halimbawa na rito ang mga doktor na nag-aaral ng maraming taon
upang sila ay makapagpagaling ng mga maysakit, ang mga inhinyero na nagdidisenyo at
gumagawa ng mga impraestraktura, at ang mga guro na nagtuturo sa mga kabataan.

Trade off
May mga pagkakataon naman na gusto mong gumawa ng iba’t ibang bagay ngunit alam
mong ito ay hindi maaari sapagkat may kakulangan sa iyong pinagkukunang-yaman
(maaaring pananalapi, oras, o kakayahan). Halimbawa, kung nais mong bumili ng aklat,
ngunit gusto mo ring bumili ng pagkain at hindi sapat ang iyong dalang salapi,
kinakailangan mong mamili ng isa lamang sa kanila. Kapag pinili mong kumain kaysa
bumili ng aklat, ano-anong benepisyo at kaginhawaan ang kailangan mong isuko sa
ganitong desisyon? Sa kabilang banda, kapag bumili ka naman ng aklat imbes na kumain,
ano naman ang magiging epekto nito sa iyo?

7
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Ang halimbawang iyong nabasa sa itaas ay tumatalakay sa konsepto ng trade off . Ito ay


isang sitwasyon kung saan lumiliit ang halaga ng isang pagpipilian kapalit ng pagtaas ng
halaga ng isa pa. Sa halimbawang nabanggit, kung ikaw ay gutom na gutom, malamang ay
pipiliin mong kumain muna bago bumili ng aklat. Ang maaaring maging trade off o kapalit
ng desisyong ito ay wala kang mababasa hanggang sa susunod na linggo o kaya naman ay
hindi ka makapag-aaral para sa isang pagsusulit dahil kailangan mo pala ang aklat na iyon.

Opportunity Cost
Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga (value) ng isang bagay o desisyon kapalit ng
isa pang bagay o desisyon. Halimbawa, nais mong manood ng sine at gusto mong bumili
ng aklat. Kung anoman ang iyong piliin, ang halaga ng desisyon mo ay ang bagay na
binitawan mong kapalit nito.

Makikita sa usaping trade off at opportunity cost kung ano ang mahalaga para sa isang tao o
institusyon. Makikita nang mas maigi sa mga konseptong ito ang ideya ng kakulangan na
isang mahalagang bahagi ng pag-aaral sa ekonomiks.

Sa kabuoan, ang pag-aaral ng ekonomiks ay tungkol sa mahusay at maayos na pagpapasya


na kinahaharap sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maraming naitutulong ang pag-aaral
ng ekonomiks sa buhay ng mga tao. Ang konsepto sa ekonomiks tulad ng trade off at
opportunity cost at ang kaisipang tinatawag na division of labor at efficiency ay malaking
tulong o tuwang sa tao upang umunlad. Tinuturuan nito ang mga tao na magkaroon ng
mahusay at tamang desisyon.

8
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Sagutin Natin

Panuto: Punan ang mga patlang upang makumpleto ang maikling sanaysay.

Mahalaga ang (1) ____________________________ dahil tinutulungan tayo nito upang magamit

ang ating mga pinagkukunang-yaman nang mas mahusay. Ang paraan ng paggamit ng mga

pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang ay tinatawag na (2)

____________________________.

Mayroong dalawang sangay ang pag-aaral ng ekonomiks, ang (3)

____________________________ kung saan (4) ____________________________ at (5)

____________________________ na tumatalakay sa (6) ____________________________. Tatlo ang

batayang proseso sa ekonomiks. Dalawa sa mga ito ang (7) ____________________________ at

(8) ____________________________.

Makikita sa konsepto ng (9) ____________________________ at (10)

____________________________ ang ideya ng kakulangan ng mga pinagkukunang-yaman. Sa

pamamagitan ng pag-intindi ng dalawang konseptong ito, matutulungan tayong makagawa

ng mas efficient na desisyon.

9
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Suriin Natin

Panuto. Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Anong kaisipan sa ekonomiks ang tumutukoy sa distribusyon ng mga gawain sa iba’t
ibang tao?
2. Anong kaisipan sa ekonomiks ang tumutukoy sa mahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang?
3. Sino ang unang nagtala tungkol sa kaisipang division of labor?

Pag-isipan Natin

Sa ano pang bahagi ng iyong buhay maaari mong magamit ang mga konsepto sa
ekonomiks na nabanggit sa araling ito?

Gawin Natin
Panuto. Sagutan ang sumusunod sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.

1. Ano-ano ang nais mong magawa sa taong ito? (Halimbawa: makabili ng isang gamit,
makapasyal, at iba pa.) Isulat sa ibaba ang tatlo sa mga pinakamahalaga mong layunin
para sa taong ito.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

10
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

2. Balikan mo ang iyong tala sa Subukan Natin sa Aralin 1. Batay sa tala ng iyong
kasalukuyang pinagkakagastusan, maaabot mo ba ang iyong layunin? Ipaliwanag ang
iyong sa sagot.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

3. Paano mo pa maiaayos ang iyong paggastos upang mabilis mong maaabot ang iyong
layunin? Gumawa ng iyong sariling badyet para sa susunod na buwan. Isaalang-alang
mo ang iyong mga layunin para sa taong ito. Isulat sa ibaba ang iyong badyet para sa
buwan.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. Ano ang mga dati mong pinagkakagastusan na kinailangan mong alisin? Anong
kategorya ng pagkakagastusan ang iyong idinagdag? Bakit mo ginawa ito?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Talakayin sa klase ang resulta ng gawaing ito. Sa dulo ng iyong presentasyon, magbigay ng
isang importanteng tip upang magamit ng iyong mga kaklase ang kanilang allowance nang
mas mahusay.

11
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa ng


kaysa Pagsasanay Magaling Napakahusay
Pamantayan
Inaasahan 2 3 4
1

Kalidad ng Kulang ang May iilang Maraming Puno ng tamang


Nilalaman halimbawa at detalye lamang; detalye ang detalye at
walang may ibang isinaad; may isa maayos na
karagdagang bahagi na o dalawang ipinahayag,
impormasyong kinakailangan halimbawa na inilarawan, at
ibinigay. pa ng hindi lubusang ipinaliwanag din
karagdagang naipaliwanag. ang mga
impormasyon. halimbawang
ibinigay.

Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang


Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang
lamang hindi kasiya-siyang napakagandang
may maipasa sinikap na resulta, may gawain na may
sa guro. mapaganda pa pagsisikap na masidhing
itong lalo. pagandahin pagsisikap na
pang lalo. maging
natatangi ito.

Kasanayan/ Hindi Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng


Husay naipakikita ang pagnanais na husay sa husay at
pagnanais na mapaghusay paggawa; galing sa
mapaghusay ang kaniyang kailangan pa ng paggawa; may
ang paggawa. kaunting sapat na
isinumiteng pagsasanay. kaalaman o
gawain. pagsasanay.

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng


Paggawa ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang kaniyang
sanaysay sa sanaysay sa sanaysay sa sanaysay bago
loob ng loob ng itinakdang pa ang
dalawang isang linggo petsa ng itinakdang petsa
linggo matapos matapos ang pagpapasa. ng pagpapasa.
ang

12
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

itinakdang itinakdang
petsa ng petsa ng
pagpapasa. pagpapasa.

Dapat Tandaan

● Ang ekonomiks ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa tamang pagpapasya kung


paano sapat na matutugunan ang pangangailangan ng tao sa kabila ng kakapusan
ng mga pinagkukunang-yaman.
● Ang dalawang sangay ng ekonomiks ay ang makroekonomiks at
mikroekonomiks.
● Ang tatlong batayang proseso ng ekonomiya ay produksiyon, distribusyon, at
pagkonsumo.
● Ang mga kabilang sa aspekto ng isang ekonomiya ay ang prodyuser, konsyumer,
kalalakan, demand, at suplay .
● Efficiency ang tawag sa mahusay na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang
walang nasasayang.
● Ang division of labor ay ang distribusyon ng mga gawain sa iba’t ibang tao upang
matugunan ang pangangailangan ng isang pangkat o grupo.
● Ang trade off ay isang sitwasyon kung saan lumiliit ang halaga ng isang pagpipilian
kapalit naman ng pagtaas ng halaga ng isa pa.
● Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng isang bagay o desisyon kapalit ng
iba pa.

13
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Karagdagang Kaalaman
Ang paggawa ng isang badyet ay mahalaga dahil tinutulungan ka nitong
magdesisyon kung ano-anong bagay ang iyong pagkakagastusan batay sa
kung ano ang iyong pansariling mga layunin.

Ang pagbabadyet ay kadalasang


ginagamit ng mga indibiduwal at pamilya,
ngunit alam mo ba na kahit ang
pamahalaan ng Pilipinas ay gumagawa ng
badyet? Ang badyet ng Pilipinas ay
ginagawa bago pa ito gamitin.

Ang DBM ay saklaw ng Tanggapan


ng Pangulo ng Piliinas.

Halimbawa, ang Php 5.024-trilyon badyet para sa taong 2022 ay


naaprubahan noong Setyembre 30, 2021. Ginagawa ito ng pamahalaan
upang magkaroon ito ng sapat na panahon upang mangalap ng sapat na
salapi upang tustusan ang iba’t ibang programa ng mga sangay ng
gobyerno. Ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala o Department of
Budget and Management (DBM) ang namamahala sa proseso ng
pagbabadyet sa bansa.

14
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Pinagkunan ng mga Larawan

Parboiled rice with chicken, peppers, cucurbita, peas and tomato by Petar Milošević is
licensed under CC BY-SA 3.0 via Wikimedia Commons.

Pile livres rouges by Erasoft24 is licensed under CC BY-SA 3.0 via Wikimedia Commons.

Mga Sanggunian

Free, Rhona C. 21st Century Economics: A Reference Handbook. S.l.: Sage, 2010.
Mallari, Jan Phillip D., and Johannes L. Chua. Panahon, Kasaysayan, at Lipunan (Ikalawang
Edisyon). 2nd ed. Makati City, Philippines: Diwa Learning System Inc., 2006.

Menger, Carl, Peter G. Klein, Friedrich A. Von Hayek, James Dingwall, and Bert F. Hoselitz.
Principles of Economics. Auburn, Ala.: Ludwig von Mises Institute, 2007.

Nolasco, Liberty I., Jerome A. Ong, and John N. Ponsaran. Ekonomiks: Mga Konsepto,
Aplikasyon, at Isyu . Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2010.

15
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 1.2. Kahalagahan ng Ekonomiks

Subukan Natin
1. b
2. e
3. d
4. a
5. c

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-ano ang pagkakatulad ng mga bansang iyong nakikita sa itaas sa aspekto ng
ekonomiya?
Maaring magkakaiba ang mga sagot. Ang mga bansang ito ay ang ilan sa may
pinakamalalaking ekonomiya sa buong daigdig.
2. Bakit magkakaiba ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga bansa sa daigdig?
Maaring magkakaiba ang mga sagot. Magkakaiba ang kalagayang
pang-ekonomiya ng mga bansa sa daigdig dahil iba-iba rin ang mga
pinagkukunang-yaman (resources) ng mga ito. Malaki rin ang epekto kung gaano
kahusay ang paggamit ng isang bansa sa mga pinagkukunang-yaman nito.
3. Sa iyong palagay, makakamit ba ng Pilipinas ang katulad na pag-unlad ng mga
bansang ito? Ipaliwanag.
Maaring magkakaiba ang kasagutan. Posible itong mangyari kung higit na
pagtutuonan ng pansin ng Pilipinas ang mga wastong hakbang upang umunlad ang
ekonomiya nito gaya ng mga nabanggit na bansa.

1
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Sagutin Natin
Maaaring magkapalit ang sagot sa 3 at 5 at 4 at 6, ngunit siguruhing tama ang
depinisyong maibibigay para sa sangay ng ekonomiyang tinutukoy. Maaari ring
magkapalit ang sagot sa 9 at 10.

Mahalaga ang (1) ekonomiks dahil tinutulungan tayo nito upang magamit ang ating mga

pinagkukunang-yaman nang mas mahusay. Ang paraan ng paggamit ng mga

pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang ay tinatawag na (2) efficiciency.

Mayroong dalawang sangay ang pag-aaral ng ekonomiks, ang (3) makroekonomiks kung

saan (4) pinag-aaralan ang pangkalahatang lagay ng ekonomiya ng isang bansa at (5)

mikroekonomiks na tumatalakay sa (6) pag-aaral ng mga indibidwal na bahagi ng

ekonomiya tulad ng sambahayan at mga negosyo. Tatlo ang batayang proseso sa

ekonomiks. Dalawa sa mga ito ang (7) produksiyon/distribusyon/pagkonsumo at (8)

produksiyon/distribusyon/pagkonsumo.

Makikita sa konsepto ng (9) opportunity cost/trade off at (10) opportunity cost/trade off ang

ideya ng kakulangan ng mga pinagkukunang-yaman. Sa pamamagitan ng pag-intindi ng

dalawang konseptong ito, matutulungan tayong makagawa ng mas efficient na desisyon.

Suriin Natin
1. Anong kaisipan sa ekonomiks ang tumutukoy sa distribusyon ng mga gawain sa
iba’t ibang tao?
Ang division of labor ang kaisipan sa ekonomiks na tumutukoy sa distribusyon ng
mga gawain sa iba’t ibang tao.

2
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

2. Anong kaisipan sa ekonomiks ang tumutukoy sa mahusay na paggamit ng


pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang?
Ang efficiency ang kaisipan sa ekonomiks na tumutukoy sa mahusay na paggamit
ng pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang.
3. Sino ang unang nagtala tungkol sa kaisipang division of labor?
Ang mga Griyego ang unang nagtala tungkol sa kaisipang division of labor.

Pag-isipan Natin
Sa ano pang bahagi ng iyong buhay maaari mong magamit ang mga konsepto sa
ekonomiks na nabanggit sa araling ito?
Maaaring magkakaiba ang mga sagot. Isa sa aspekto ng buhay ng isang
mag-aaral na may kaugnayan sa ekonomiks ay ang pagdedesisyon at gastos ng
mga ito sa kani-kanilang pag-aaral.

You might also like