You are on page 1of 37

Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng karunungan.

Dakilang pinagmulan ng lahat at Siyang tamang daan. Nawa’y


tanggapin ang aming pasasalamat sa iyong mga biyaya. At
buong pusong paghingi ng kapatawaran sa aming mga
nagawang pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa. Gabayan
Ninyo po kami sa aming mga gawain sa araw-araw. Bigyang
lakas at husay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay.
Habang nananatiling nagpupunyagi at nagsusumikap. Para sa
ikauunlad ng aming sarili at pamayanan. At para sa ikararangal
ng aming Paaralan at ng bansang Pilipinas. Amen
✓ Dumalo sa klase sa tamang oras
✓ Panatilihing nakabukas ang inyong video
✓ Ilagay sa mute ang inyong audio habang nagtatalakay at
✓ i-unmute ito kapag naatasang sumagot
✓ Gamitin ang chat box kung may mga katanungan
✓ Lumahok sa talakayan at mga gawain
✓ Iwasan ang pagkain habang nagkaklase
✓ Iwasan ang paggamit ng “gadgets” na hindi nakalaan sa
✓ pag-aaral
✓ Panatilihin ang respeto sa bawat isa sa lahat ng pagkakataon
COMPONENTS AP
Written Works
Written Outputs (2 per Quarter) 30 %
Long Test
Performance Task
2 Outputs per Quarter 50%
Recitation
Behavior
Quarterly Assessment 20%
______
Total 100 %
YUNIT 1
MGA PANGUNAHUNG KONSEPTO NG
EKONOMIKS
ARALIN 1: Kahulugan ng Ekonomiks

➢ Kahulugan ng Ekonomiks
➢ Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks
➢ Ang Ekonomiks bilang Isang Agham at
Kaugnayan nito sa Ibang Agham
➢ Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
➢ Naipaliliwanag kung bakit itinuturing na agham
panlipunan ang Ekonomiks
➢ Naipaghahambing ang iba’t ibang pananaw sa pag-aaral
ng Ekonomiks.
➢ Napahahalagahan ang kontribusyon ng mga iskolar sa
paglinang ng pangunahing kaisipan sa Ekonomiks
GAWAIN #1: OVER SLEPT
Suriin ang larawan at bigyan ito ng sariling interpretasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng sitwasyon?
Ipaliwanag.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at
kailangan mong pumili? Ipaliwanag.
GAWAIN #2: THINK, PAIR, AND SHARE
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon
at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.

OPTION A OPTION B DESISYON DAHILAN

1. Pagpapatuloy ng pag- Pagtatrabaho pagkatapos


aaral sa kolehiyo ng high school
2. Paglalakad papunta sa Pagsakay ng jeep o tricycle
paaralan papunta sa paaralan
3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase
4. Pananaliksik sa aklatan Pamamasyal sa parke
5. Pakikipagkwentuhan sa Paggawa ng takdang-
kapitbahay aralin
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa
ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon?
Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?
Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa
simple hanggang sa pinakakumplikado.
Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na
mahalaga sa marami niyang pamimilian.
Bata man o may edad,
basta’t may pangangailangan at kagustuhan
na kailangang mapunan,
ay masasabing maiuugnay
ang kaniyang sarili sa ekonomiks
Kaugnay nito,
naisip mo ba kung ano ang ekonomiks,
at ano ang kaugnayan nito
sa pang-araw-araw nating pamumuhay?
GAWAIN #3: ANO DAW?
1. Panoorin ang isang video. https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48
2. Mula sa video na ito, punan ang Star Map/Bubble Map Graphic ng mga
katagang may kaugnayan sa Ekonomiks. Maaaring dagdagan ang bilog sa
Bubble map/ Star map ayon sa mabuong mga ideya na konektado sa Ekonomiks.
Pamprosesong Tanong:
1. Mahalaga ba ang pag-aaral ng kaisipang ito? Ipaliwanag.
2. Paano ito makatutulong sa iyo upang maging isang produktibong mag-aaral o
miyembro ng pamilya?
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

tahanan / bahay pamamahala

pangangasiwa ng sambahayan
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

➢ isang sangay ng Agham Panlipunan na may layuning pag-


aralan ang mga kilos, asal at pagsisikap ng indibidwal, at
pinakamahusay na paraan ng paggamit ng mga limitadong
pinagkukunang yaman upang matugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Economic Goods- lahat ng bagay ay may halaga o presyo tulad


ng pagkain, damit at bahay

Free Goods- mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad


tulad ng init ng araw at hangin
GAWAIN #4: ONE - MINUTE PAUSE
Bumuo ng sariling depinisyon ng Ekonomiks gamit ang One-Minute Pause.

Ang EKONOMIKS ay......

Pamprosesong Tanong:
1. May pagkakatugma ba ang iyong ibinigay na kahulugan sa mga natalakay na
kahulugan? Anong mga pangunahing ideya ang magkakapareha?
2. Hindi ba malayo sa mga kahulugang ibinigay ng mga may-akda o eksperto ang iyong
sagot? Ipaliwanag.
Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Equality
• Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.
• Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng kanyang
pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Efficiency
• Masinop na paggamit sa mga pinagkukunang yaman
upang matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Pangunahing tuon ng ekonomiks ang pag-aaral kung
paano tutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan.
Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Sustainability
• Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang
hindi nanganganib ang kakayahan ng susunod na
henerasyon na tugunan ito.
2 SANGAY O SAKLAW NG EKONOMIKS
Maykroekonomiks
➢ Pag – aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya
tungkol sa kilos, gawi at desisyon ng bawat bahay kalakal
at sambahayan.
❑ Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit –
sambahayan, bahaykalakal at industriya. Ang mga
desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa
pagunawa ng ekonomiya.
2 SANGAY O SAKLAW NG EKONOMIKS
Makroekonomiks
➢ Pag – aaral sa kabuuang galaw ng Ekonomiya ng isang
bansa
❑ Pinag–aaralan nito ang interaksiyon ng sambahayan,
kompanya, pamahalaan, at pandaigdigang pamilihan.
❑ Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang
pangkahalatang antas ng presyo at pambansang kita.
2 SANGAY O SAKLAW NG EKONOMIKS
DIBISYON NG EKONOMIKS
A. PRODUKSYON- paglikha, paggawa ng produkto
at paglilingkod
B. PAGKONSUMO- pagbili, paggamit o pag-ubos ng
mga produkto at paglilingkod
C. PAGPAPALITAN- paglipat ng isang produkto o
paglilingkod mula sa isang tao patungo sa ibang
tao
D. PAMAMAHAGI- pagbibigay ng bayad sa
mga salik ng produksyon na ginagamit din
para sa pagkonsumo
E. PAGTUSTOS O PAMPUBLIKONG PANANALAPI-
salaping nalikom ng pamahalaan tulad ng
buwis upang magbigay ng pampublikong
paglilingkod
3 MAHALAGANG KATANUNGAN
SA EKONOMIKS

1. Anong produkto ang dapat lilikhain?


2. Paano ito lilikhain?
3. Para kanino ito lilikhain?
3 MAHALAGANG KATANUNGAN
SA EKONOMIKS
Anong Produkto ang Dapat Likhain?
➢ Anong mga bagay at serbisyo ang
pinahahalagahan ng tao o lipunan
➢ Importante na makapili sa mga bagay at serbisyo
na dapat likhain at kung ano – anong mga
alternatibo ang maaring tahakin
3 MAHALAGANG KATANUNGAN
SA EKONOMIKS

Paano ito Lilikhain?


➢ Pamamaraan at proseso ng paglikha ng produkto
at serbisyo.
➢ Isinaalang – alang dito ang kombinasyon ng
paggamit ng teknolohiya o makinarya, uri ng
manggagawa, at presyo.
3 MAHALAGANG KATANUNGAN
SA EKONOMIKS

Para Kanino ito Lilikhain?


➢ Ang lilikhaing produkto ay para sa mga taong
magbibigay halaga o makikinabang dito

You might also like