You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 5: Ekonomiks Bilang Sandigan ng Matalinong


Pagpapasya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Arnaldo A. Santos
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos at Nora Hernandez
Tagasuring Teknikal: Ernesto D. Tabios
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ekonomiks Bilang Sandigan ng
Matalinong Desisyon ng Mag-aaral
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
para sa araling Ekonomiks Bilang Sandigan ng Matalinong Desisyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul para sa araling


Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks s!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Naisa-isa ang mga hakbang sa bagbuo ng matalinong desisyon gamit ang
ilang mahalagang konsepto sa ekonomiks;
2. Natukoy ang kahalagahan ng ekonomiks bilang sandigan sa pagbuo ng
matalinong desisyon bilang kasapi ng pamilya at lipunan; at
3. Nakapagmungkahi ng mga hakbang sa pagbuo ng matalinong desisyon
bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang ideya ng
pangungusap.

1. Isinasaalang-alang ng tao ang ______________________ sa bawat pagpili o


trade off na kanyang gagawin.
2. Sumasailalim sa prosesso ng _______________________ ang tao kung
tinitimbang niya ang pakinabang na kanyang makakamit sa pamamagitan
ng cost-benefit analysis.
3. Tinatawag na ____________________________ ang pagtimbang sa maaaring
maging opportunity cost at opportunity benefit sa bawat desisyong ginawa.
4. Ang seguruhin ang kaligtasan ng pamumuhay ng mamamayan ang isa sa
mga mahahalagang mandato ng _____________________.
5. Maaaring magamit at makatulong ang mga mahahalagang konsepto ng
___________________ na magsisilbing gabay sa gagawing desisyon ng lipunan .

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang iba pang mahahalagang konsepto sa ekonomiks na
magsisilbing gabay sa pagbuo ng matalinong desisyon. Isulat ang sagot sa
loob na kahon
__
__
_____
______

______

PAGBUO NG MATALINONG
DESISYON

ARALIN
Ekonomiks: Sandigan sa Pagbuo ng Matalinong Desisyon ng Mag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa


mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong
nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino,
mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din
itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa
iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
Matatandaan sa nakaraang aralin kung ano ang kahulugan ng
ekonomiks. Sinasabing ito ay nagmula sa salitang oikonomos na binubuo ng
dalawang salita - ang oikos na nangangahulugang bahay o sambahayan
samantalang ang nomos naman ay nangangahulugang pamamahala. Kung
susumahi ang dalawang salita, mabubuo ang literal na kahulugan ng Ekonomiks
na "pamamahala ng sambahayan".
Kaakibat ng pamamahala ang paggawa ng pagpapasya. Ikaw bilang mag-
aaral na kasapi ng pamilya at lipunan ay may mahalagang gampanin kung paano
episyenteng pangangasiwaan ang anumang resources mayroon ang institusyong
iyong kinabibilangan. Ang ekonomiks ay nakatuon sa pagtugon sa hamong dulot
ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan ng tao.
Kailangan makabuo ang lipunan ng matalinong pagdedesisyon kung ano,
paano, para kanino, at gaano karami ang dapat na magawang mga produkto.
Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong likas na yaman ay magagamit ng
angkop sa kinakailangan ng mamamayan sa kasalukuyan at susunod pang
henerasyon.
Minsan ay naririnig natin ang mga pahayag na “ubos biyaya, bukas
nakatunganga” o kaya nama’y “para kang one day millionaire”. Nangangahulugan
lamang ang mga ito na kailangan din nating isaalang-alang hindi lang ang
kasalukuyan kundi ang kinabukasan at ang darating pang mga araw. Patunay ito
na ang lahat na maituturing nating mahalaga ay may hangganan. Ang oras ay
hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa loob ng oras
na ito, hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan
mong magpahinga, matulog, at kumain. Dapat mong ilaan ang oras sa mga
kapaki-pakinabang na gawain sapagkat hindi na maibabalik pa ang panahong
lumipas. Ang baon mong salapi sa paaralan ay may limitasyon din sapagkat hindi
nito mabibili ang lahat ng bagay na kailangan at gusto mo. Maging ang data ng
iyong cellphone ay may hangganan din.
Dahil sa pawang katotohanan ang mga sitwasyong nabanggit,
mahalagang isaalang-alang ang paggawa ng matalinong desisyon sa pamamagitan
ng pagsusuri sa trade-off, opportunity cost, incentive, sa pamamagitan ng cost-
benefit analysis o marginal thinking bago isagawa ang pagpili sa mga choices.
Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa
mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, paghahanapbuhay, paglilibang,
paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong
magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay
makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa
mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.
Tunghayan sa ibaba ang kahulugan ng mga nasabing konsepto sa
ekonomiks na magsisilbing sandigan sa pagbuo ng matalinong desisyon bilang
mag-aaral.
 Trade-off - ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay.
 Opportunity cost- tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
 Incentive – Karagdagang halaga ng kapaki-pakinabang na resulta na
ginawang pagpili o desisyon.
 Cost-benefit analysis – proseso kung paano tinitimbang ang posibleng
pakinabang na makakamit sa bawat pagpili na tinatawag na marginal
thinking.
Ngayon ay inaasahang batid mo na ang kahalagahan ng pagaaral ng
ekonomiks bilang sandigan ng matalinong pagpapasya, bilang mag-aaral at kasapi
ng pamilya at lipunan sa pang-araw-araw na buhay. Maaaring magsilbing batayan
ang mga konseptong napag-aralan sa ekonomiks upang episyente magamit ang
yaman na mayroon ang sarili, ang pamilya, at ang lipunang kinabibilangan.

MGA PAGSASANAY
IKAW ANG MAGPAPA-SAYA!
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Dugtungan ang kwento sa
pamamagitan ng kung paano ka magpapasya tungo sa kapaki-pakinabang na
pagkakamit ng layunin na ang lahat ay maging masaya.

Masipag at matalinong bata si Irene. Napaglalaanan niya ng sapat na oras


ang pag-aaral sa kabila ng mga tungkuling nakaatang sa kanya sa pamilya bilang
panganay na anak tulad ng paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng bunsong kapatid, at
iba pa. Parehong nagtatrabaho ang kaniyang magulang subalit hindi pa rin sapat
ang kinikita nito upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya.
Batid ng magulang ni Irene ang sipag at sakripisyo nito para sa kanyang
sarili at pamilya kaya napagkasunduan ng mag-asawa na sorpresahin ang anak.
Binigyan nila ang anak ng halagang sampung libong piso (₱ 20,000.00) mula sa
impok na nakalaan sa pag-aaral ng anak sa kolehiyo sa susunod na taon upang
makabili ng magarang cellphone.

Masayang-masaya si Irene sa sorpresa ng magulang (kaya/subalit)


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

PAGLALAHAT
Petal Web
Panuto: Tukuyin ang mga katangian mo bilang mag-aaral na maaaring hubugin sa
pag-aaral ng ekonomiks. Isulat ito sa loob ng bawat petal ng bulaklak.

Mga katangian ng mag-


aaral na maaaring
linangin at hubugin sa
pag-aaral ng ekonomiks

PAGPAPAHALAGA
ITULOY MO!
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot upang mabuo ang angkop na kaisipan
ng pahayag.

“Mahalaga para sa akin bilang mag-aaral na maunawaan ang ilang mahahalagang


konsepto ng ekonomiks
upang_____________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_”.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto
ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI naman kung hindi wasto.

1. Pangunahing pokus ng ekonomiks na maging mayaman ang


mga mag-aaral nito.

2. Magagamit ang mga kaalamang natutunan sa ekonomiks


upang maging mapanuri sa mga isyung panlipunan at magkaroon ng pamantayan
sa pagbuo ng pagpapasya.

3. Nagsisilbing batayan ang mga konseptong napag-aralan sa


ekonomiks upang episyente magamit ang yaman na mayroon ang sarili, ang
pamilya, at ang lipunang kinabibilangan.

4. May kakayahan ang mag-aaral ng ekonomiks na gawing


unlimited o walang hanggan ang lahat ng pinagkukunang-yaman.

5. Magulang lamang ang may kakayahang magpasya kung paano


pamamahalaan ang mga maituturing na yaman mayroon ang pamilya.
GABAY SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok Balik-Aral
1. opportunity cost o opportunity cost
2. marginal thinking o trade off
3. cost-benefit analysis o cost-benefit analysis
4. pamahalaan o marginal thinking
5. ekonomiks

Pagsasanay: IKAW ANG MAGPAPA-SAYA!

Ang sagot ng mga mag-aaral sa gawaing ito ay maaaring magkakaiba. Ang


kanilang kasagutan ay nakabatay sa kanilang opinyon at pagkakaintindi sa
binasang modyul

Paglalahat: Petal Web

Matalino

Mapanuri Mapagtanong

Gawi Mapanuri

Pag-unawa
Pagpapahalaga: ITULOY MO!
Ang sagot ng mga mag-aaral sa gawaing ito ay maaaring magkakaiba. Ang
kanilang kasagutan ay nakabatay sa kanilang opinyon at pagkakaintindi sa
binasang modyul

Panapos na Pagsusulit
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
MGA SANGGUNIAN
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,
Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene J.
Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
Econlib. “Margins and Thinking at the Margin.” The Library of Economics and
Liberty. https://www.econlib.org/library/Topics/College/margins.html )
accessed June 1, 2020).

Kenton, Will. “Cost-Benefit Analysis.” Investopedia, June 23, 2019.


https://www.investopedia.com/terms/c/cost-benefitanalysis.asp

You might also like