You are on page 1of 11

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 18 Mga Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Catherine I. Arevalo
Tagasuri: Estelita R. Portillano, MT I
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Komunikatibong Paggamit ng mga
Pahayag
Manunulat: Catherine I. Arevalo
Tagasuri: Estelita R. Portillano, MT I
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 18 para sa
Aralin Pangwakas na Gawain: Pagsulat ng isang Kampanyang Panlipunan (Social
Awareness Campaign)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 17 ukol sa Mga


Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan.

Mga Inaasahang Layunin:


1. Nababatid ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng
isang kampanyang panlipunan.
2. Nagagamit sa pagpapahayag ang mga salitang angkop na gamitin sa
pagbuo ng isang kampanyang panlipunan.
3. Napahahalagahan ang epekto ng angkop na paggamit ng salita.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang kung
anong paraan ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap.

Pagtanggap Pagbibigay-babala Pagsalungat


Pagtanggi Pag-aalinlangan Pagsang-ayon

“Kahit kailan hindi ko sinabing “Tama ka, dapat tayong


tamad ka, pero bakit wala ka pa magsumikap upang umangat ang
ring ating buhay.”

1. _______________________________ 2. _______________________________

“Hindi mangyayari ang plano mo.


“Tanggap ko na mahirap tayo kaya
Hindi ko ipakakasal sa iyo ang
lalo akong magsusumikap.”
aking anak.”

3. _______________________________ 4. _______________________________

“Siguro makakaipon tayo ng marami


kapag nagtinda tayo ng malamig na
tubig at juice.”
5. _______________________________

6
BALIK-ARAL
Panuto: Suriin kung nagpapahayag ng hakbang sa pagsulat ng social awareness
campaign ang pangungusap. Lagyan ng  kung ang pahayag ay Tama at 
kung Mali.
__________1. Magsaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang iyong
nais bigyang-pansin upang magkaroon ng sapat at malawak na
kaalaman tungkol dito.
__________2. Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng kampanya ay hindi na ito
kailangan pa ng mahusay na pagpaplano.
__________3. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa
pagsasagawa ng iyong kampanya.
__________4. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong
makabasa, makarinig, makakita o makapanood ng kampanyang
iyong gagawin.
__________5. Maaaring gumawa ng maraming paksa at hindi kailangan na
napapanahon ang isyu na nais mong gawan ng isang social awareness
campaign.

ARALIN

Mga Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag

Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig


ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kanyang mga pananalita. Lalo na sa
wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa
anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang
epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon sa ating
kausap o tagapakinig. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.

A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin


1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)
2. “Maaari kayang mangyari ang kanyang mga hinala?” (pag- aalinlangan)
3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga
pananalitang yaon.” (pagtanggi)
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.”
(pagsalungat)

7
B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at
ipinadarama.
1. Pagbibigay-babala
“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.”
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
2. Panghihinayang
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
“Kung naipagtapat ko lamang sa kanya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”
3. Hindi Pagpayag
“Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
“Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang isinasaad ng pahayag at M
kung mali.

_______1. Ang sige, oo, tanggap, payag ay ilan lamang sa mga salitang ginagamit
para sa pagtanggap na pagpapahayag.
_______2. Ang pagpapahayag ng pag-aalinlangan ay gumagamit ng mga salitang
siguro, marahil, huwag, maaari, tama upang ilahad ang hindi
pagiging tiyak o walang kasiguruhan.
_______3. Ang pagtanggi ay gumagamit ng mga salitang hindi, ayoko, ayaw at iba
pang salitang nagpapahayag ng hindi pagpayag.
_______4. Ang pagbibigay-babala at panghihinayang na pagpapahayag ay
isang paalala sa tao upang malayo sa sakuna o pinsala na maaaring
maidulot ng isang bagay o pangyayari.
_______5. Ang pagpapahayag ng pagsalungat ay naglalahad ng pagkontra sa isang
kilos o ideya.

Pagsasanay 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

tunay hindi mag-ingat


ayoko siguro sayang

1. “Ama _______________ ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!”


2. “_______________ na muna ako dadalo dahil mas ninanais ko na pangalagaan
ang aking pamilya.”
3. “_______________, naka-gradweyt sana siya kung hindi nagloko.”
4. “Ang kanyang pinintang larawan ay _______________ na kahanga-hanga.”

8
5. “_______________ maibabalik din sa ayos ang mga napinsalang bukirin
pagkalipas ng ilang buwan.”

Pagsasanay 3
Panuto: Lagyan ng bilog ang patlang kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa mahalagang epekto ng angkop na paggamit ng salita.

_______1. Mabisang naipaparating ang mensahe sa kausap sa pamamagitan ng


iba’t ibang uri ng paraan ng pagpapahayag.
_______2. Higit na nauunawaan ang mga pahayag na nais sabihin.
_______3. Ang paraan ng pagpapahayag ay ginagamit lamang sa pamumuna.
_______4. Madaling malaman ang pahayag sapagkat gumagamit ng mga salita o
parirala na naaayon sa uri ng pagpapahayag.
_______5 Mga artista lang ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng pagpapahayag.

PAGLALAHAT
Panuto: Salungguhitan ang salitang ginamit sa pangungusap na nagpapabatid sa
uri ng pagpapahayag nito.

1. “Talagang sumasang-ayon ako na dapat ibalik sa “Enhanced Community


Quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng
COVID-19.”
2. “Bahala ka kung anuman ang nais mong gawing proyekto.”
3. “Mag-ingat ka sa pag-uwi ng gabi dahil marami na ang nagkalat na masamang
tao.”
4. Pumapayag ako sa iyong mungkahi na bigyan natin ng mga binhi ang ating
mga kabaranggay upang itanim sa kanilang mga bakuran.
5. Mali ang kanyang tinuran kaya nagalit sa kanya ang mga tao.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa grupo ng mga salita at isulat sa patlang
upang mabuo ang diwa ng talata.

Napakahalaga na natin ang mga ibig natin ipahiwatig sa paraan ng ating. Ang
bawat na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang _______, gamit ang ating wika
upang _______ nating maiparating ang ating mensahe o reaksyon.

A. pananalita D. pagsang-ayon
B. epektibo E. pahayag
C. maipaunawa F. layunin

9
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin sa Hanay B ang angkop na paraan ng pananalita sa Hanay A. Isulat
sa patlang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
_______1. “Hindi maaaring gumala-gala
ang mga bata ngayon sa
labas.” A. Pagtanggi

_______2. “ma, dapat tayong maging B. Pagbibigay-babala


positibo sa buhay kahit
C. Panghihinayang
maraming suliranin.”
D. Pagsang-ayon
________3. “Kung nag-ipon lang sana
ako, may ipambibili ako ng E. Pagsalungat
gamit sa pasukan.”
F. Pag-aalinlangan
________4. “Ayokong dalhin mo sa loob
ng bahay iyang tsinelas na
ginamit mo sa labas.”

________5. “Huwag kang masyadong


mabilis magpatakbo
sapagkat lapitin sa
disgrasya ang daanan na
ito.”

Alam kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng


sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang
araling ito upang tumibay ang iyong pagpapahalaga sa tamang paraan
ng pagpapahayag.
Ngayon, alam kong nadagdagan na muli ang iyong kaalaman at
kasanayan sa araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na
aralin.

10
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Aklat
Enrijo, Willita A., Bola, Asuncion B., Maniquis, Arlene B., Salum,
Roselyn T., Canlas, Jocelyn DR., Dasig, Mary Jane R., Villaverde, Sharon
A., Cruz, Jayson A., Magpantay, Roel Cyrus S., Gellecanao, Jet O. at
Francia, Maricar L., Panitikang Pilipino 8, Book Media Press Inc. at Printwell
Inc. Unang Edisyon, 2013
Infantado, Remedios., BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8,
Rex Book Store, 2015
Manlapaz, Carolina Dion, Miranda, Liezl Maslog,. GANTIMPALA:
Pinagsanib na Wika at Panitikan, Innovative Educational Materials Inc.,
2015

11

You might also like