You are on page 1of 15

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap
sa Pagsali sa Isang Usapan (Chat)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joanne E. Cruz
Editor: Victor M. Javeña
Tagasuri: Miriam V. Cencil
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagasuring Teknikal: Rona C. Almazan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig.

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Paggamit ng Iba’ t Ibang Uri ng Pangungusap sa
Pagsali sa Isang Usapan (Chat)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Modyul para sa
araling Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali sa Isang Usapan
(Chat) !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 Modyul ukol sa Paggamit ng Iba’t


Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali sa Isang Usapan ( Chat)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa


isang usapan;
B. nakikilala ang mga uri ng pangungusap batay sa ginamit na
bantas; at
C. nakabubuo ng tamang pangungusap pasalita o pasulat man.
PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang


salitang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI naman kung hindi.

________1. Ang pangungusap ay lipon ng mga salita o isang salitang may buong

diwa. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas.

________ 2. Ang pangungusap na pasalaysay ay nagtatapos sa tandang pananong.

________ 3. Ang pangungusap na padamdam ay nagpapahiwatig ng matinding

damdamin.

________ 4. Ang paki, maki, maaari o pwede ay mga magagalang na pananalita na

ginagamit sa pangungusap na pakiusap.

________ 5. Ang pangungusap na patanong ay nasa anyong nagsasalaysay o

nagkukuwento.

BALIK-ARAL

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita o mga salita na bubuo
sa pangungusap.

1. Ang _________________ ay tungkol sa katotohanan at realidad na


pangyayari sa buhay at sa lipunan.
2. May tatlong anyo ng dokumentaryo, ito ay ang ______________,
_____________, at ________________.
3. Ang dokumentaryong ________________ ay may layuning magbigay-
impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo
sa kamalayang panlipunan.
4. Sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan ang dokumentaryong ____________.
5. Ang dokumentaryong ___________ ay nangangailangan ng pagkalap ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakasulat
dokumento upang malutas ang mga suliranin.
pagsusuri pampelikula pantelebisyon dokumentaryo

ARALIN

Basahin at unawain ang usapan ng magkapatid na Zoe at Calvin.

Zoe: Kuya nakabihis ka, saan ka pupunta?

Calvin: Pupunta muna ako sa grocery para bumili ng mga kailangan natin.

Zoe: Pwede ba akong sumama sa iyo?

Calvin: Naku, hindi ka pwedeng sumama sa akin!

Zoe: Bakit naman?

Calvin: Hindi kasi ligtas para sa matatanda at batang katulad mo ang


lumabas at maggala ngayong may COVID-19, kaya ipinagbabawal ito ng
ating pamahalaan.

Zoe: Ganon ba, nakakalungkot naman!

Calvin: Huwag ka nang malungkot! Magandang sumunod tayo sa


patakaran para na rin sa ating kaligtasan.

Zoe: Naiintindihan ko kuya! Kaya bago ka umalis, huwag mong kalimutang


magsuot ng face mask at magdala ng alcohol.

Calvin: Nabanggit mo ang alcohol, nakalimutan ko sa aking kwarto.


Pakikuha mo na nga para makaalis na ako.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang tinanong ni Zoe kay Calvin sa umpisa ng usapan ?


____________________
2. Bakit hindi maaaring sumama si Zoe kay Calvin?
______________________
3. Ano ang ipinaalala ni Zoe sa kanyang kuya na dapat huwag
kalilimutan?

4. Ano ang iniutos ni Calvin kay Zoe sa huling bahagi ng usapan?


Basahin ang ilang pangungusap mula sa usapan.

1. Pupunta muna ako sa grocery para bumili ng mga kailangan natin.


2. Hindi ligtas na lumabas ang mga matatanda at bata kaya
ipinagbabawal ng batas.
Ang mga pangungusap na ito ay pasalaysay o paturol.

3. Saan ka pupunta?
4. Puwede ba akong sumama?
5. Bakit naman?
Ang mga pangungusap na ito ay patanong.

6. Naku, hindi ka maaaring sumama sa akin!


7. Ganon ba, nakakalungkot naman!
Ang mga pangungusap na ito ay padamdam.

8. Kuya, bago ka umalis huwag mo kalimutan ang face mask.


9. Pakikuha mo nga ang alcohol sa kuwarto.
Ang mga pangungusap na ito ay pautos at pakiusap.

May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:

1. Paturol o Pasalaysay – ito ay pangungusap na nagsasaad o


nagsasabi ukol sa isang paksa. Ito ay nagsasalaysay o nagkukuwento
at nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
2. Patanong – ito ay pangungusap na nagtatanong.Nagtatapos ito sa
tandang pananong (?).
3. Pautos – ito ay pangungusap na nag-uutos.Tuldok (.) ang inilalagay
na bantas sa hulihan nito.
May mga pangungusap na pautos na gumagamit ng magagalang na
pananalita tulad ng paki, maki, maaari, o pwede.Tinatawag itong
pangungusap na Pakiusap.Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.) o
tandang pananong (?)
4. Padamdam – ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin.Tandang padamdam (!) ang inilalagay sa hulihan nito.
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa bawat


bilang. Isulat ang bilang 1 kung pasalaysay, 2 kung pautos, 3 kung
padamdam, at 4 kung patanong.

____________ 1. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman.

____________ 2. Lumilindol!

____________ 3. Maaari bang tulungan mo ako sa aking takdang-aralin?

____________ 4. Paano mo ginawa ang ating proyekto sa Filipino?

____________ 5. Dapat nating igalang at mahalin ang ating mga magulang.

PAGSASANAY 2

PANUTO: Lagyan ng angkop na bantas ang sumusunod na mga


pangungusap.

1. Mahilig kumain ng prutas at gulay ang magkaibigang Jonas at


Gabriel _____

2. Naku ____ Nahulog ang bata sa hagdanan.


3. Bumili ka nga ng isang kilong baboy sa palengke ____
4. Ang lakas ng ulan. May pasok pa kaya _____
5. Makikiabot ng librong nasa tabi mo_____

PAGSASANAY 3
PANUTO: Isulat nang wasto ang bawat pangungusap at lagyan ang mga
ito nang angkop na bantas.

1. COVID-19 uri isang ang karamdaman ay malubhang nang


__________________________________________________________
2. kuwarto ang linisin iyong mo
_______________________________________________________________

3. tulungan saklolo kami ninyo


__________________________________________________________

4. ako ba mo kakilala pa
__________________________________________________________

5. Inay ang pakikuha mo salamin nga ni


__________________________________________________________

PAGLALAHAT

PANUTO: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang
diwa ng pangungusap sa bawat bilang.
1. Ang pangungusap na ___________________ ay nagtatapos sa bantas na
tandang padamdam.
2. Ang pangungusap na ___________ay gumagamit nang magagalang na
pananalita tulad ng paki, makikisuyo.
3. Ang pangungusap na nagtatanong ay pangungusap na
___________________.
4. Ang pangungusap na ________________ay nagsasalaysay at nagtatapos
ito sa tuldok.
5. Ang pangungusap na nag –uutos ay tinatawag na _____________.

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung wasto ang pahayag at

malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.


____________ 1. Sa pagsulat ng mga pangungusap dapat itong magsimula sa
malaking letra at matapos sa tamang bantas.
____________ 2. Lahat ng pangungusap na nagtatapos sa tandang pananong
ay nasa uring patanong.
____________ 3. Ang mga pangungusap na paturol o pasalaysay, pautos at
pakiusap ay nagtatapos sa tuldok.
____________ 4. Hindi mahalaga ang paggamit ng mga bantas sa pagsulat
ng mga pangungusap.
____________ 5. Gumagamit ng tandang padamdam sa pangungusap na
padamdam upang ipahayag ang matinding damdamin.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang usapan ng mag-inang Gweneth at Aileen.


Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan.

Aling Aileen: Gweneth! Gweneth! Bumaba ka nga rito sandali.


Gweneth: Bakit po Inay, ano po bang nangyari?
Aling Aileen: Pakibantayan mo nga muna ang kapatid mo para maipasok
ko ang package na padala ng Tatay mo.
Gweneth: Ay, dumating na pala ang padala ni Itay! Sandali lang po at
pababa na ako.
Aling Aileen: Dalian mo at baka lumabas ang kapatid mo.
Gweneth: Opo Inay,pababa na po!
Aling Aileen: Kailangan kasing masanitize muna ang kahong pinaglagyan
ng mga padala ng inyong ama bago ipasok sa bahay. Hindi
natin alam kung sino-sino ang humawak at saan-saan
nailapag iyan bago makarating dito sa atin. Mabuti na ang
nag-iingat lalo sa panahon ngayong may COVID-19.
Gweneth: Tama po kayo Inay! Dapat po tayong mag-ingat kasi hindi po
natin nakikita ang virus ng COVID-19.
PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pakibantayan mo nga muna ang kapatid mo para maipasok ko ang


package na padala ng Tatay mo.
A. Pasalaysay B. Pautos C.Pakiusap D. Patanong

2. Bakit po Inay, ano po bang nangyari?


A. Patanong B. Pasalaysay C. Pautos D. Pakiusap

3. Dalian mo at baka lumabas ang kapatid mo.


A. Pakiusap B. Patanong C. Pasalaysay D.Pautos
B.
4. Opo Inay,pababa na po!
A. Pasalaysay B.Padamdam C.Patanong D.Pakiusap

5. Kailangan kasing masanitize muna ang kahong pinaglagyan ng mga


padala ng inyong ama bago ipasok sa bahay. Hindi natin alam kung
sino-sino ang humawak at saan-saan nailapag iyan bago makarating
dito sa atin. Mabuti na ang nag-iingat lalo sa panahon ngayong may
COVID-19.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D.Padamdam
Panapos na Gawain Pagpapahalaga
1.C 1.
2.A 2.
3.D 3.
4.B 4.
5.A 5.
Paglalahat
1.padamdam 5.Pautos
Pagsasanay 3
2.paki, maki, maaari o 4.nagsasalaysay o nagkukuwento (kahit ano ang mauna)
pwede (kahit ano ang 1. Ang Covid-19 ay isang uri nang malubhang karamdaman.
3.patanong
mauna) 2.paki, maki, maaari o pwede (kahit ano ang mauna)
2. Linisin mo ang iyong kuwarto.
3.patanong 1.padamdam
4.nagsasalaysay o 3. Saklolo, tulungan ninyo kami!
Paglalahat
nagkukuwento (kahit 4. Kakilala mo pa ba ako?
ano ang mauna)
5.Pautos 5. Pakikuha mo nga ang salamin ni Inay.
Balik-Aral
1.Dokumentaryo
2.Pampelikula,
Pagsasanay 2 pantelebisyon, at
Pagsasanay 1 pagsusuri
1.• 1.1 (kahit ano ang Paunang Pagsubok
2.3 mauna sa
2.! 1.Tama
tatlong uri ng
3.2 dokumentaryo) 2.Mali
3.•
4.4 3.Pampelikula 3.Tama
4.? 5.1 4.Pantelebisyon 4.Tama
5.• 5.Pagsusuri 5.Mali
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Learning Resources
Filipino MELCS
Online References
A.Academia.edu by Nicko Gabriel T. Gonzales
inSlideShare.net
Filipinomatuto .wordpress.com
Book
Katig Pagbasa at Gramatika Ikalimang Baitang
Susana U.Zacarias Gloria L. Cruz
(May- akda) (Tagapag – ugnay)

INNOVATIVE EDUCATIONAL MATERIALS,INC. (IEMI)


(Tagapaglathala)

You might also like