You are on page 1of 66

FIL 5 Q4 W8

Unang Araw
Nabibigyang-
kahulugan ang
matalinghagang
salita
“May SAWA sa
Agusan del Sur”

Matalinghagang
Salita
Itanong:
Kumusta ang kababaihan
sa inyong lugar?

Ano ang kalimitang


ginagawa nila?
Tingnan ang larawan.

Itanong: Alam niyo ba kung


anong uri ng halaman ito?
Ano kaya ang maaaring
gawin sa halamang ito?

Bakit mahalaga ang


abaka sa mga tao?
Ipabasa ang “May SAWA sa
Agusan del Sur” sa batayang
aklat pahina 214.

Pasagutan ang PAG-UNAWA


SA BINASA A. sa pahina 216.
Pasagutan ang
PAG-UNAWA
SA BINASA B.
sa pahina 216.
Pangkatin ang klase sa apat.
Pabilisan ang bawat pangkat na
makakapagsulat ng mas maraming
pangungusap gamit ang mga
sumusunod na matalinghagang
salita sa loob ng limang minuto.
Ipasulat ito sa manila paper.
-ibaon sa hukay
-bahag ang buntot
-bantay-salakay
-kumukulo ang tiyan
-ilaw ng tahanan
Paglalapat:

Paano maipamamalas
ang paggalang sa taglay
ng kultura ng ibang tao?
Ano ang matalinghagang
salita?
Ang matalinhagang salita ay
mga salitang may malalim na
kahulugan. Ito ay kadalasang
binubuo ng tamabalang salita
na ang kahulugan ay naiiba sa
kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal.
Pasagutan ang PAG-USAPAN
NATIN -Talasalitaan sa
batayang aklat pahina 215-216.

Ibigay ang kahulugan ng


matalinghagang salitang
ginamit sa bawat pangungusap.
Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.
1.Bukang-liwayway
2.kisapmata
3.humahalik sa yapak
4.pagbabanat ng buto
5.Nagsusunog ng kilay
6.sunong nang abaka
7.isang kahig,isang tuka
8.May sinasabi
9.nagbibilang ng poste
10.di-maliparang uwak
Ikalawang Araw

Nasasabi ang sanhi


at bunga ng mga
pangyayari
Sanhi at Bunga
Balikan Muli:
Ano ng ibig sabihin ng SAWA?
Paano nakatulong ito sa mga
taga-barangay Sinai?
Ano rin ang ibig sabihin ng
matalinhagang salita?
Magbigay ng halimbawa nito.
Itanong:
Kapag nagtutulungan ang
bawat mamamayan sa isang
komunidad, ano kaya ang
maaaring maging bunga nito sa
kanilang pamumuhay?

Ano ang sanhi bakit patuloy na


umuunlad ang hanapbuhay ng
mga kababaihan sa Barangay
Sinai?
Ano ba ang ibig sabihin ng
sanhi at bunga?

Talakayin ang pagkakaiba


ng sanhi at bunga.
PAG-UNAWA SA BINASA C.
Ipabigay ang sanhi at bunga ng bawat
pangyayari. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1.Nagtinda ng abaka ang ilang
kababaihan _________.
2.___________,kinilala na ang abaka sa
kanilang rehiyon.
3.Napansin ng isang mamimili ang
panindang abaka _____________.
4.______________, binigyan sila ng tulong
ng local na pamahalaan.
5.Nakaipon ng malaking halaga ang
organisasyon____________________.
PAG-UNAWA SA BINASA D.
Ipasuri ang larawan sa
batayang aklat pahina 216.
Magpabuo ng mga
pangungusap na may snhi at
bunga tungkol dito. Ipasulat ito
sa kuwaderno.
Panuto: Isulat sa patlang ang titik S
kung ang may salungguhit ay
tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik
B kung ito ay tumutukoy ng bunga.
____1. Hindi naplantsa ni Janet ang
kanyang uniporme dahil nawalan
sila ng kuryente.
____2.Tulog ang sanggol kaya
huwag kayong maingay.
____3. Pagka’t malakas ang sikat ng
araw, agad natuyo ang mga damit
sa sampayan.
Paglalapat:

Bakit mahalaga na matukoy


kung ano ang sanhi at bunga
sa bawat pangungusap?
Paglalahat:

Ano ang tinatawag na “sanhi”


ng isang pangyayari?

Ano naman ang tinatawag na


“bunga” ng isang pangyayari?
Tinatawag na sanhi kung ito ay
nagsasabi ng dahilan ng
pangyayari. Karaniwan itong
sumasagot sa tanong na bakit.

Tinatawag naming bunga ng


pangyayari kung ito ay
nagsasabi ng kinalabasan o
resulta ng pangyayari.
Bawat sanhi sa Hanay A ay may
katambal na bunga sa Hanay B.
Pagtambalin ito at isulat sa patlang
ang titik ng sagot.
Hanay A
___ 1. Pagtatapon ng basura sa ilog
___ 2. Pagtataas ng halaga ng
gasoline
___ 3. Paggamit ng pataba
___ 4. Pananalanta ng bagyo
___ 5. Pagpuputol ng mga puno sa
kabundukan
Hanay B
__ a. tumataas ang presyo ng
bilihin
___ b. bumabaha sa kapaligiran
___ c. nagpapabagal ng daloy
ng tubig
___ d. umaani nang masagana
ang magsasaka
___ e. nasisira ang mga ari-
arian
Ikatlong Araw
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pagsali sa isang
usapan.

-Natutukoy kung karaniwang ayos


at di-karaniwang ayos ang bawat
pangungusap.
Karaniwan ayos at
di-karaniwang ayos
ng pangungusap
Balik-aral:

Ano ang sanhi at bunga ng


SAWA sa barangay Sinai?
Basahin ang sumusunod na pangungusap:

Malaki ang naitulong ng industriya ng abaka


sa bayan ng Sibagat.
Ang organisasyon ay nakaipon ng PHP 5.5
milyon?
Alin sa mga binasa mong pangungusap ang
nasa karaniwang ayos?
Alin naman ang nasa di-karaniwang ayos?
Ano ang nakita mong pagkakaiba ng dalawang
pangungusap?
Talakayin ang PAG-
ARALAN NATIN sa
pahina 217 tungkol
sa karaniwan at di-
karaniwang ayos
ng pangungusap.
Pagtatalakay:

Ipagawa ang
PAGSIKAPAN NATIN A
sa batayang aklat
pahina 217-218.
Ipagawa ang PAGSIKAPAN
NATIN B batayang aklat sa
pahina 218.
Pagsasanay: Suriin ang sumusunod na mga
pngungusaap. Kung ang mga ito'y nasa
karaniwang ayos, isulat sa kabalikang ayos.
Kung ang mga ito nama'y nasa kabalikang
ayos, isulat naman sa karaniwang ayos.
Halimbawa:
Ang pagluluto ay kinagigiliwan ni Ling
Lourdes.
Sagot: Kinagigiliwan ni Aling Lourdes ang
pagluluto.
1.Paborito niyang lutuin ang
sinigng na isda.
2.Ganito ang pagluluto ng
sinigang.
3.Linisan muna ang isda.
4. Ang hugas-bigas ay
pakuluan.
5.Ihain ang mainit na
sinigang.
Sabihin kung ang ayos ng pangugusap ay Karaniwan o di-
karaniwan. Kung karaniwan, gawing di karaniwan ang ayos,
kung di-karaniwan naman, gawing karaniwan.

____ 1. Ang araw ay sumisikat na.


____ 2. Unti-unting nawawala ang dilim.
____ 3. Bumangon mula sa kanyang kama si Crispin.
____ 4. Si Inay ay nagluluto ng almusal.
____ 5. Ang mga tandang ay tumitilaok nang malakas.
____ 6. Ginigising nila ang mga tao sa pamayanan.
____ 7. Ang mag-anak ay sabay-sabay kumain ng almusal.
____ 8. Nagtimpla ng kape si Crispin para kay Itay.
____ 9. Sina Tatay at Crispin ay mag-aani ng mga gulay at
prutas.
____ 10. Ang mga ani ay ibebenta nila sa palengke.
Paglalapat:

Bakit mahalaga
ang paggamit nang
maayos na
pangungusap sa
isang usapan?
Paglalahat:

Ano ang pagkakaiba


ng karaniwan at di-
karaniwang ayos ng
pangungusap?
Pagtataya:
Suriin ang sumusunod na mga
pangungusap. Isulat ang K mung
ang mga ito ay nasa karaniwang
ayos at DK kung ang mga ito ay
nasa di-karaniwang ayos.

1.Si Marianne ay isang batang


malusog.
2.Namimilog ang kanyang
magagandang pisngi.
3.Malinaw rin ang kanyang
mga mata.
4.Ang mg dilaw na prutas at
gulay ay madalas niyang
kainin.
5.Maaga rin siyang natutulog
gabi-gabi.
Ika-4 na Araw

Nakapagbibigay ng
lagom o buod ng
tekstong napakinggan
Pagbibigay lagom
o buod ng
tekstong
napakinggan
Balik-aral:
Tumawag ng mag-aaral na
magbibigay ng halimbawa ng
pangungusap at ipasagot sa
kaklase kung ito ay karaniwan
o di-karaniwang ayos ng
pangungusap.
Ano ang ginagamit natin
para matukoy ang
kinaroroonan ng isang lugar
at kung ano-ano ang
matatagpuan dito?
Talakayin ito sa klase.

Ano ang mapa at para


saan ginagamit ang
mapa?
Ang mapa ay ang paglalarawan ng
kalawakan gamit ang mga simbolo
at pinapahiwatig ang kaugnayan ng
bawat bagay, rehiyon at tema.

Ang mapa ay ginagamit sa


paglalahad ng anumang lokal na
pag-aari ng buong mundo o parte
nito. Puwede rin siyang gamitin
upang ilahad ang anumang
pamamagitan, tulad ng utak o
kalawakan sa labas ng mundo.
Bakit ito mahalaga?

Ito ay mahalaga dahil


ito'y may tiyak na
lokasyon upang
matuntun mo ang
isang lugar
Ipagawa ang PAGTULUNGAN NATIN sa
pahina 218.

Hatiin ng klase sa samung pangkat.


Ipaguhit sa isangkartulina aang mapa
ng kanilang komunidad/bayan. Ipaguhit
ang mga kilalang inaaning produkto at
hanapbuhay ng mga mamamayan doon.
Ipabigay ang mga katangian o kultura
ng kanilang bayan. Tiyaking gumamit ng
sanggunian ang bawat pangkat upang
tumpak ang mga impormasyong
kanilang ibabahagi sa klase.
Iulat at talakayin ang
natapos na gawain.
Ipagawa ang PAGNILAYAN
NATIN sa batayang aklat
pahina 219.
Ibigay ang mabutbuting
naibunga sa komunidad ng
mga kababaihan ng Barangay
Sinai sa pagtatanim ng abaka
at paggawa ng mga produkto
buhat dito.
Isulat sa kuwaderno ang sagot.
Paglalapat:

Ano ang iyong gagawin


upang matuklasan ang
kakayahang angkin?
Paglalahat: Ano ang lagom o buod?

Anu-ano ang mga dapat tandaan sa


pagbubuod ng tekstong narinig?

Ang buod o lagom ng


teksto/kwentong narinig ay ang
kabuuang nilalaman sa pagbubuod
ng tekstong narinig, mapaiikli sa
dalawa, tatlo o ilang pangungusap
lamang ang isang buong talata.
Pagtataya: Makinig sa kwentong babasahin
ng guro at ibigay ang buod nito.

“Ang Diwata ng Karagatan”

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya


at masaganang namumuhay. Mapagpala
ang kalikasan sa kanila. Ang
pangunahing hanapbuhay nilay ay ang
pangingisda. Sagana sa maraming isda
ang karagatan. May isang diwatang
nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda
at ito'y nalalaman ng mga taganayon.
Ngunit may mga taong sakim, ibig
nilang makahuli ng maraming-maraming
isda upang magkamal ng maraming
salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't
labis na napinsala ang mga isda, pati
ang maliliit ay namatay.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng
mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isda ang mga tao.
Naghirap at nagutom ang mga tao at
naging pangit na rin ang karagatan na
dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang
mga taganayon at napagpasyahan
nilang humingi ng tawad sa diwatang
nangangalaga sa karagatan. Nakiusap
din silang ibalik na ang dating ganda ng
karagatan at gayundin ang mga isda..
Nangako sila na hindi na gagamit ng
anumang makasisira sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad
sa diwata ay bumalik na ang ganda ng
karagatan at muling dumami ang mga
isda. Nanaganang muli ang kabuhayan
ng mga tao.
Ika-5 Araw

Lagumang
Pagsusulit
Balik-aralin ang mga
tinalakay sa loob ng isang
linggo.
Pagbibigay ng iba’t
ibang halimbawa ng
mga tinalakay.
Pagbibigay ng panuto sa pagsusulit.
SAMPLE TEST LANG PO

A. Isulat ang ayos ng sumusunod na pangungusap.


____ 1Bumili ng sariwang isda at manok si Inay.
____ 2. Masayang umuwi mula sa palengke sina Tatay at
Crispin.
____ 3. Malaki ang kanilang kinita mula sa pagtitinda ng
ani.
____ 4. Ang aming mga magulang ay nagsisikap para sa
aming mag-anak.
____ 5. Nagtutulungan kami sa bahay at sa bukid.
B. Gawing di-karaniwan ang ayos ng bawat pangungusap.

1. Naglalaro sa bakuran ang magkakapatid.


____________________________________________________
2. Umiiyak nang malakas ang sanggol.
____________________________________________________
3. Maghahanap ng trabaho si Ben.
____________________________________________________
4. Magsisimba mamaya sina Lolo at Lola.
____________________________________________________
5. Hindi nagbago ang presyo ng mga bilihin.
C. Gawing karaniwan ang ayos ng bawat pangungusap.

1. Ako ay narito para sa iyo.


____________________________________________________
2. Ang bagong guro natin ay mabait.
____________________________________________________
3. Sina Tatay at Nanay ay mamamalengke.
____________________________________________________
4. Sila ay mangingisda sa dagat.
____________________________________________________
5. Ang mga ibon ay malayang lumilipad.
Panuto: Isulat ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat ang
titik B kung ito ay tumutukoy ng bunga.
1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.
2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa sampayan.
4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.
5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.
6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.
7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot niya sa
pagsasanay.
8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang lagnat.
9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.
E. Basahin ang kwento at
piliin ang wastong buod
nito.

Ang Sakim na Aso


May isang sakim na Aso na lagi nang nagnanakaw ng mga pagkain ng mga inosenteng Tuta.
Isang araw ay gala nang gala ang Aso sa paghahanap ng magugulangang Tuta. Masuwerte
ang ganid sapagkat isang Tutang may sakmal na pata ang makakasalubong nito sa daan.
Nagkunwaring hindi pansin ng bruskong Aso ang Tuta pero nang mapalapit ay bigla nitong
inagaw ang taba at nagtatakbong papalayo.
Nang mapagod sa katatakbo ang Aso ay nagpalinga-linga ito. Nag-aalala ang ganid na baka
may higit na malaki pang Aso na gustong agawin sa kanya ang masarap na pata ng baboy. Upang
makasiguro, hindi siya nagdaan sa kasukalan kundi sa makitid na tulay.
Habang naglalakad na sakmal ang inagaw na pata ay nasalamin niya sa malinaw na tubig ang
sarili. Sa pag-aakalang higit na malaki ang patang sakmal-sakmal ng higit na maliit na Asong
nasasalamin sa tubig, tinakot ng ganid ang anino sa pagtahol nito. Nabitawan ng Aso ang pata na
lumubog sa malinaw na tubig. Sisinghap-singhap ang ganid na Aso sa panghihinayang.

a. Dapat na maging mapanuri upang malaman ang layunin ng mga taong nakapaligid sa atin.
b. Ang hangaring panlalamang ay walang magandang tutunguhan.
c. Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin.
d. Pakaisipin ang pinakamabisang paraan upang mailigtas ka sa kapahamakan.
Ang Uhaw na Uwak
May isang uhaw na uhaw ha Uwak na gustong uminom sa isang pitsel na naiwan sa mesa.
Makipot lamang ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng Uwak ang ulo upang sipsipin
ng tuka ang tubig. Hirap na hirap abutin ng Uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan.
Kahit na anong pilit ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng ibon.

Tumingala siya at luminga-linga sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang


problemang kinakaharap natin. Tama siya! Sa isang iglap ay naisip niya ang tanging kasagutan.
Lumipad siya sa labas at tumuka ng isang munting bato na inihulog sa loob ng pitsel.
Nagpabalik-balik siya sa paglalagay ng mumunting bato hanggang sa umabot ang tubig sa
makitid na bunganga ng pitsel. Nakainom ang Uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang
iglap lamang.

a. Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin.


b. Ang hangaring panlalamang ay walang magandang tutunguhan.
c. Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin.
d. Pakaisipin ang pinakamabisang paraan upang mailigtas ka
F. Gumawa ng mapa sa inyong paaralan. Iguhit ang ang mga silid-aralan sa kani-kanilang lugar
at ang pinagtatayuan ng mga watawat.

You might also like