Professional Documents
Culture Documents
Ganzon
Anunas, Angeles City
TANDAAN MO
May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin. Nahirapan ang mga Pilipino
dahil kinapos sa pagkain.
Pahina 1 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating mga
ninuno sa pananakop ng mga Espaol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang
dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa
loob ng 333 taong pananakop ng mga Espaol sa Pilipinas.
Lakan Dula at Sulayman (1574)
Ang pamamalakad sa bansa ni Legazpi ay maganda at
maayos. Ngunit nang mamatay si Legazpi, ang naging kapalit
niyang si Gobernador Heneral Guido de Lavezares ay hindi
naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga
karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at
pinagsamantalahan ng mga Espaol ang mga katutubo.
Naging matindi ang galit nina Lakan Dula at Sulayman at sila Raha Sulayman
Lakan Dula
ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil
lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina Lakan Dula at Sulayman ang kanilang
karapatan.
Magalat
Sumuroy (1649-1650)
Pahina 3 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa laban sa
kalupitan ng mga Espaol. Nag-alsa ang mga mamamayan ng Lingayen, Pangasinan noong
Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pagbangon at nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa
kilusan nila. Pinatay ng mga Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na Espaol. Nagpadala si
malog ng mga mensahero sa ibat ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa
kanila. Nanghina ang kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Espaol sa bayan ng Binatongan
(Lungsod ng San Carlos). Nabihag si Malong ng mga Espaol at ipinapatay.
Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon
na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Espaol
ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay
siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga
taong bayan at hindi pamarisan.
Dagohoy (1744-1829)
Pahina 4 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar Morales na bigyan ng
Katolikong libing ang kanyang kapatid.
Palaris
TANDAAN MO
Nagsipaglaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at di-
makatarungang pamamahala. Karamihan sa mga pag-aalsa ay nabigo dahil kanya-kanya sila
ng ipinaglalaban. Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan Dula, Magat Salamat, Bancao,
Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago, Malong, Dagohoy, Pule at Tapar.
Pahina 5 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Batay sa ulat ni Pedro Enriquez Calderon na siyang nagsiyasat noong 1739, ang mga lupain at
kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Dominicano, Heswita, at
Agustino.
Ang karampatang bayad ng mga katutubo ay ang mga sumusunod. Ito ay binabayaran sa loob
lamang ng isang taon.
3. Natuklasan din ni Don Pedro Enriquez na ang mga sukat ng lupa na inilaan sa mga
katutubo ay hindi naayon sa tamang sukat.
4. Isang kawani ng audiencia ang gumawa nito at ang mga sumukat ng lupa ay kasabwat
upang dayain ang mga katutubo.
5. Ayon naman sa akda ni Juan dela Concepcion, nanghimasok ang mga Heswita sa mga ari-
arian ng mga katutubo.
7. Nang malaman ito ng mga katutubo, sila ay nag-aklas at nilusob ang mga tahanan ng mga
Heswita at sinunog ang kanilang mga bahay. Ang paghihimagsik na ito ay lumaganap sa
mga karatig na lalawigan.
Noong Nobyembre 7, 1751, si Don Pedro Enriquez ay nagsumite ng ulat sa hari hinggil
sa kanyang natuklasan sa mga pamayanan ng Taguig, Hagonoy, Cavite, at Paranaque.
Sa Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa sapagakat sa mga
lalaawigang ito matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.
Pahina 6 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Ano ang kapatirang ito? Bakit nagsipag-alsa ang mga kasapi?
Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Espaol ang Cofradia. Inipon ni Pule ang 4,000
mga kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Espaol.
Ngunit nang dumating ang mga sumaklolong sundalong Espaol, walang awa nilang
pinagpapatay ang matatanda, mga babae at mga bata na kasama nina Pule.
Matapos siyang barilin (sa edad na 26), ang katawan niya ay pinaghati-hati, inilagay sa
mga kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging babala sa mga
nag-iisip na mag-alsa.
Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa itong kahalili
ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sa kanila ang mga
Espaol. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban.
ARALIN 5 Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng
kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng
kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Cavite.
Pahina 7 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
sa Look ng Maynila sa pamumuno nina Brigador-Heneral Wiliam Draper at Rear-
Admiral Samuel Cornish.
Oktubre 5, 1762, isang gabi bago bumagsak ang Maynila sa kamay ng mga Ingles,
pinagsumikapang lumaban ng mga Espanyol subalit sa tindi ng digmaan at pagiging
handa ng mga Ingles, tuluyan nilang nakubkob ang Kamaynilaan at ang mga teritoryong
militar ng mga Espanyol.
Noong tuluyang nasakop ng mga Ingles ang Maynila, pinasok at hinalughog lahat ng mga
establisimiyento, mga opisina ng gobyerno, at maging mga simbahan.
Ang lahat ng mahahalagang gamit, bagay man o mga dokumento ay kanilang kinuha,
maging ang palasyo ng gobernador heneral ay kanilang nilooban.
Upang matigil ang kaguluhan, ang mga Ingles ay humingi ng halagang apat na milyong
dolyar mula sa mga Espanyol na sinang-ayunan ni Arsobispo Rojo upang mapigilan ang
malaking pinsalang dulot ng mga Ingles.
Noong Nobyembre 2, 1762, si Dawsonne Drake ay itinalaga bilang isang British Governor-
General ng Maynila.
Nasakop ng Britanya ang Maynila. Ito ay nangangahulugang hindi na ang Espanya ang
pinakamalakas na bansa. Mahina na ito at kaya nang talunin ng mga Pilipino.
Pahina 8 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Pahina 9 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Pahina 10 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
ARALIN 4 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag aalsa
Pahina 11 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na. Marami silang
mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw
ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga
kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.
Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa kasaysayan ng
bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila. Napapanahon na
upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa ibat ibang rehiyon,
lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at nakidigma para sa
bayan.
Ang Partisipasyon ng Ibat Ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan
Ang pag-aalasa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugo ng mga Pilipino sa
pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng
ibang mga Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga
Espanyol.
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon.
Dagami Revolt (15651567)
Ang Dagami ay rebolusyong laban sa mga Espanyol na pinamunuuan ng pamilyang
Dagami sa Leyte noong 1567.
Si Raha Lakandula ay kilala bilang "Ang Dakilang Raha ng Tondo". Siya ang bukod tanging
may prebilehiyo nang hindi pagbabayad ng buwis at pagiging malaya sa paghahanap-buhay.
Subalit hindi nagtagal ang kaginhawang ito, sapagkat ito ay ipinatigil ni Governador Lavezares.
Ito ang naging dahilan kung bakit nag-alsa si Raha Lakandula laban sa mga Kastila.Ngunit ng
makita ni Raha Lakandula ang malakas na hukbo ni Legazpi, sinalubong at nakipagkaibigan siya
kay Legazpi. Pinakiusapan niya si Raha Sulayman na tanggapin na ang pamamahala ng mga
dayuhan, ngunit hindi maatim ni Raha Sulayman na makipagkaibigan sa mga Espanyol. Kaya ang
ginawa ni Raha Sulayman ay tinipon niya ang kanyang mga tauhan at muling sinunog ang
Maynila at saka tumakas. Lulan ng 40 malalaking bangka, patungo sa Bulacan at Pampanga at
namamaybay sa Tondo sa bandang Bankusay. Hindi nabatid kung siya ay tumakas o namatay sa
labanan.
Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang mga Kastila. Noong
1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang
paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang prebelehiyo nila ng hindi
pagbabayad ng buwis.
Si Raha Solayman na nakikilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na datu, na
namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng
mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.
Pahina 12 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Malugod niyatinanggap at pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de
Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng
mga pampalasa at mga babae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang
abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na
sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno
siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.
Pahina 14 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
unang dumating si Legazpi sa Pilipinas noong 1565. Bagaman nagpabinyag si Bankaw sa
Kristiyanismo noon, siya ay tumiwalag sa paniniwalang ito. Sa tulong ng isang babaylan, si
Pagali, nagtayo siya ng isang temple para sa mga diwata at diyos na kaniyang dating
pinaniniwalaan noong panahong siya ay isa pang datu. Hinikayat niya ang kaniyang mga dating
nasasakupan na magbalik loob sa kanilang dating mga paniniwala at talikuran ang Kristiyanismo.
Gumamit si Pagali ng mahika upang mahikayat ang mga tao na sumama sa kanila.
Ipinadala ni heneral Alonso Fajardo de Entenza ang alcalde mayor ng Cebu nma si Juan de
Alcarazo kasama ang ilang kawal na Espanyol at mga kawal na Pilipino upang sugpuin ang
rebelyong binubuo ni Bankaw.
Matapos mahuli sila Bankaw, pinatawan sila ng parusang bitay at kaniyang ulo ay inilagay
sa isang kawayan upang magsilbing babala sa mga Pilipinong nagnanais na mag-aklas laban sa
mga Espanyol sa kanilang lugar.
Pahina 15 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Matapos mapatay ang isang pari sa Palapag, mabilis na kumalat ang pag-aaklas na
uinilunsad ni Sumuroy at nakarating ito hanggang sa Mindanao, Bicol at sa Visayas, lalot higit sa
lugar ng Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga, Albay, Camarines at ilan pang mga bahagi ng
Mindanao tulad ng Surigao. Isang gobyernong rebelyon ang kanilang itinatag sa kabundukan ng
Samar.
Subalit si Sumuroy ay nahuli at binitay noong Hunyo 1650 na siyang nagging dahilan
upang humina ang kanilang hukbo. Ipinagpatuloy ng kaniyang pinagkakatiwalaang kasama na si
David Dula ang pakikipaglaban subalit nang siya ay malubhang masugatan sa kanilang
pakikidigma ay nahuli siya at binitay din sa Palapag, Northern Samar kasama ng kaniyang mga
Heneral na pawing nahuli ng mga Kastila.
Napagtanto ni Malong na mag-aklas laban sa mga Espanyol, dahil sa kaniyang mga naging
kaalaman sa mga gawain ng Espanyol. Napigil lamang ito dahil naunang mag-aklas si Francisco
Maniago sa Pampanga. At nang nabigo si Maniago, sinimulang ni Malong ang kaniyang planong
mag-aklas laban sa mga dayuhan. Nagsimula siya sa barangay Malungeuy, at nabigo. Ang
kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang pangarap, ipinagpatuloy niya ang kaniyang
mga balak hanggang sa matagumpay niyang masakop ang buong Pangasinan. At idineklara ni
malong, siya ang Hari ng Pangasinan.
Pahina 16 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Lumakas ang suportang tinanggap ng mga pag-aaklas na ito at nagbunsod sa mga
sumunod pang mga pag-aaklas. Pinangunahan ni Almazan ang rebelyon sa Ilocos at tinawag siya
bilang Hari ng Ilocos at ang kanyang anak naman ay tinuran bilang Prinsipe ng Ilocos. Subalit
matapos ang digmaan ng mga Kastila sa mga Briton ay kanilang nadakip naman si Almazan na
siyang nagging dahilan ng kanyang pagkakabitay.
Pahina 17 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Noong 1744 sa Bohol, pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang rebelyon na bunsod rin
ng hindi pagkakasundo sa relihiyon. Matapos mapatay ang kkapatid ni dagohoy ay hindi ito
pinayagan na basbasan ng paring prayle sa kanilang bayan. Ang pagtangging ito ng prayle ang
siyang nagging dahilan ng pagsisimula ni Dagohoy ng rebolusyon. Ito ang nagging
pinakamatagal na rebolusyon nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino kahit patay na ang
nagpasimula nito na nagtagal ng 85 taon.
Dalawampung gobernador-general mula kay Juan Arrechederra hanggang kay Mariano
Ricafort y Abarca ay hindi nagapi ang rebolusyong ito na nakapagtayo ng isang malayang
rebolusyonaryong gobyerno ng mga Boholano
Nagpadala ng 2,200 kawal si ricafort sa Bohol na nagapi rin naman ni Dagohoy at ng
kaniyang mga tauhan. Muling nagpadala ng sundalo si Ricafort noong 1828 at 1829 at tulad ng
nauna ay hindi nagging matagumpay ang mga ito.
Namatay si Dagohoy 2 taon bago pa man matapos ang kanilang rebelyon, na siya namang
nagging dahilan ng pagtatapos ng rebolusyon. Mahigit 19,000 sa mga tauhan ni Dagohoy na
nabuhay at nadakip ay pinalaya at pinabayaang mamuhay sa ilang bayan ng Bohol; Balilihan,
Batuan, Bilar, catigbian at Sevilla.
Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel
Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.
Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ng kura paroko ng Vigan.
Doon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang
mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng
bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong
Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si
Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na
pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.
Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27
taong gulang nang ikasal.
Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga
atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng
hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay
kabilang sa Pitong Taong Digmaan.
Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng
kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Nagtatag siya ng sariling
kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan.
Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.
Pahina 18 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na
sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga
Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake.
Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng
pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala
sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.
Hindi pumayag ang Gobernador ng Espanya na si Hen. Simon de Anda sa nais ng mga
taga-Binalatongan. At noong 1762, nagsimula ang aklasan laban sa pamahalaang Espanyol, at
ang pangalang Palaris ay nakilalang bilang pinuno ng mga rebolusyonaryo. Sina Colet de la
Cruz, Andres Lopez, at Juan de Vera Oncantin ay kasama ni Juan de la Cruz na namuno sa
aklasan laban sa mga Espanyol.
Nang lagdaan ang Kasunduan sa Paris, noong 1763, natapos na rin ang Pitong Taong
Digmaan noong 10 Pebrero 1763. Nagkaroon nang pagkakataon ang mga Espanyol na sugpuin
ang mga aklasan laban sa kanilang pamahalaan, nagpadala sila ng mga armadong kawal sa
Pangasinan upang madakip si de la Cruz. Ang mga prayle na naiwan sa lalawigan ay
nagsimulang himukin ang kanilang mga parokyano upang mapabilis ang pagdakip kay de la
Cruz.
Noong Setyembre 1763, nakarating na ang balita sa Pangasinan na pormal nang nilagdaan
ang Kasunduan sa Paris, nagsimulang sumuko nang ilang kawal ni de la Cruz at bumalik sa
kanilang mga pamilya upang makaiwas sa mga opensiba ng mga sundalong Espanyol.
Disyembre 1763, nagsimulang lusubin ng mga kawal ng Espanyol ang bayan na Mabalitec,
na malapit sa Ilog Agno na nasa pagitan ng Binalatongan at Bayambang. Nabigo ang mga kawal
ni de la Cruz na ipangtanggol ang lugar na ito. Sumunod na nakuha ang bayan ng Binalatongan,
at sa San Jacinto, Pangasinan, nahuli ng mga Espanyol sina Andres Lopez at Juan de Vera at ilang
matatapat na kawal ni de la Cruz.
Marso 1764, halos lahat ng lugar sa Pangasinan ay nasa kamay na ng mga Espanyol,
piniling manatili ni de la Cruz sa Pangasinan kasama ng kaniyang matatapat na kawal. Dahil sa
tumitinding takot sa mga Espanyol, napilitang ituro ng kaniyang kapatid na si Simeona kay
Agustin Matias na isang gobernadorcillo ng Binalatongan kung saan nagtatago ang kaniyang
kapatid. Noong 16 Enero 1765, si de la Cruz ay dinala sa kapitolyo ng Lingayen para litisin.
Habang nasa loob ng piitan, inamin niyang siya ang pinuno ng aklasan laban sa mga Espanyol.
At noong 26 Pebrero 1765, si de la Cruz ay binitay.
Pahina 20 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Hermano Pule Revolt (18401843)
Isa sa pinakkilala na rebolusyong lunsad ng relihiyon ay ang Pule Revolt na naganap noong
June 1840 na nagtangal hanggang Nobyembre 1841. Ito ay pinangunahan ni Apolinario dela Cruz
na kilala rin sa tyawag na Hermano Pule.
Itinatag niya ang sarili niyang relihiyon na tinatawag na Confraternity of saint Joseph o
Confradia de San Jose sa Lucban Quezon na matatagpuan ngayon sa Tayabas Quezon.
Sa kabila ng maigting na pamamahala at paghikayat ng mga paring Heswita at
Fransiskano at Agustinian, marmi pa ring sumali at sumapi sa Confradia mula, Batangas, Quezon,
Laguna at maging mula sa Maynila.
Dahil dito ay laging nagpapadala ng mga kawal na Espanyol upang supilin ang binuong
samahn ni ela Cruz na siya namang nagtulak sa kanila upang ipagtanggol ang kanilang mga
sarili at pamilya sa mga pananakit at paglusob ng mga Espanyol sa kanilang mga lugar.
Maraming madugong labanan ang sunud-sunod na naganap sa pagitan ng samahan at ng mga
Espanyol. Ang pinakahuli nilang pakikidigma sa mga ito ay noong October 1841 sa Bundok San
Cristobal malapit sa Bundok Banahaw. Natalo ang pangkkat ni dela Cruz at siya ay binitay noong
Nobyembre 4, 1841 sa Tayabas, Quezon.
Pahina 21 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres Bonifacio. Labingwalong
taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung taong gulang naman si Bonifacio na isang
balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng Katipunan.
Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa isang
pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa
Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalalna pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo.
Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang
Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng mga
lihim na dokumento ng samahan.
Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa kanilang tahanan,
sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot siya ng gutom at
hatinggabi na kung umuwi. Naisulat niya noon ang sumusunod na pahayag:
Noon ay para akong kinatatakutan pagkat lahat ng akyatin kong bahay upang
magparaan ng oras ay ipinagtatabuyan ako at mamamamatay wari sila sa takot. Nooy
naghihinanankit ako sa lahat.
Noong akoy kasama ng mga kawal na nanghihimagsik sa parang ng digmaan, wala
akong pangiming sumuong sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala
akong nais kundi ang maiwagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas. Kabilang din
ako sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, akoy nagsasanay ng pagsakay sa
kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng mga sandata. Naranasan kong
matulog sa lupa, nang walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig
o kayay katas ng isang uri ng baging sa bundok na totoong mapakla na nagiging masarap
din dahil sa matinding uhaw
Pinkamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at hindi Makita ang
bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite si
Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa rin
nakikita ang kanilang mga labi.
Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga
mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si
Gliceria Mmarella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio
Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa
pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian.
Pahina 22 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na sai Gliceria at ang
kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita
sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala na itong mga kopya
ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay.
Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang
mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang naging dahilan ng
pag-aresto at pagkakakulong ng kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging
simula ng paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan.
Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang
tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang
bark okay Aguinaldo.
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano. Inokupahan ng
mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga itonang makuha ng kalaban ang liham na
ipinadala niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay
inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga
Amerikano ang rebolusyon.
Patrocinio Gamboa
Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang
angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa
Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal,
sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.
Hindi siya kaagad pinagdudahan ng m,ga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya
sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang
miyembro ng Red Cross.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay
nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na
ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.
May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila ay
kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga
bantay na kawal ng mga espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga
nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan.
Pahina 23 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regaling esopada
ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang ang
bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit.
Kasama niya ang isang katipunero na siya naming nagpanggap na kaniyang asawa.
Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-aaway.
Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa.
Melchora Aquino
Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na Ina ng Katipunan. Sa edad na 84, hindi
siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak
ang mga ito sa labanan.
Dahil mayroon siyang palayan, nagging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo
ang kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa
kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa
kaniyang pagtuloong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya
ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa tumanggap ng libreng tulong.
Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na.
Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.
Teresa Magbanua
Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo uiya at pinag-
aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya
Pahina 24 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda. Nahasa pa niya
ng lalo ang kanyang galling sa pangangabayo.
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa.
Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawing may mataas
na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan.
Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na
Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa armas,
unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang
rebolusyonaryo ang buong isla.
Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang
kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang
kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga
Amerikano, nagging gerilya sila. Napata yang kaniyang kapatid na si Elias sa isang labanan,
samantalangpatraydor namang pinatay si Pascual.
Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko
ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan
ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang makita
niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik siya sa
kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian sapagkat
patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang nagging anak. Nakitira na lamang siya sa
kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.
Pahina 25 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Ang Galeon ng Maynila ay mga barkong pangkalakalan ng Espanya na lumalayag sa
Karagatang Pasipiko mula Maynila patungong Mehiko at pabalik. Kapag nanggaling naman ang
galleon sa Mehiko ay tinatawag naman itong Galeon ng Acapulco.
Noong 1576, naging matatag ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico.
Ang mga produkto mula sa Asya tulad ng rekado, telang seda, bulak mula sa India, at mantas na
tawag sa telang mula sa Ilocos ay dinadala sa Mexico. Iniluluwas din sa Mexico ang mga palamuti
sa katawan na yari sa ibat ibang bato, perlas, pamaypay, suklay, relos, mga mineral tulad ng
tanso at ginto.
Nakarating naman sa Pilipinas ang ibat ibang uri ng prutas at halaman, tul;ad ng chico,
avocado, cacao, maguey, bayabas, cactus, mani, pinya, calachuchi, ipil-ipil, at marami pang uri
ng halaman. Sa Mexico din galling ang mga hayop tulad ng tandang, kabayo, at baka. Mga
imahen tulad ng Black Nazarene at Birhen ng Antipolo, gayundin ang pagtatanghal ng moro-
moro at Moriones ay pawing nagmula sa Mexico.
Tumagal nang may halos 250 na taon ang kalakalang galyon hanggang ipag-utos ng hari
na itigil ito noong 1813. Noong una, naging maganda ang takbo ng kalakalang galyon.
Nagdiriwang ang mga taga-Maynila sa aalis o babalik ang galyon. Ito ang barko na naglalaman
ng mga produkto mula sa Maynila. Nagtutungo sa Maynila ang maraming pinunong bayan tulad
ng mga alcalde at gobernadorcillo upang tiyaking maisasama sa galyong ang kanilang mga
produkto. Dahil dito, napabayaan nila nag kanilang mga nasasakupan. Ang mga lupain ay
ginamit para sa pagtatanim ng mga produktong kinakailangan para sa pangangalakal na
dadalhin ng galyon. Nawalan ng laya ang mga magsasaka na magpasiya kung anong produkto
ang nais nilang itanim.
Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa pangangalakal. Naakit
sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung kayat minabuti nilang
manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan. Nakilahok na lamang sila sa
Kalakalang Galyon kung kayat napabayaan nila ang kani-kanilang tungkulin. Nakatulong ang
mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan nang panahong iyon. Hindi ito nagbigay ng
magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng pananampalataya. Bunga
tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay na opisyales ng
pamahalaan.
Hindi lamang mga produkto ang paroot paritong iniluluwas sa Maynila at ACAPULCO.
Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na situado
real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng
pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon, dalawang
daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real. Dala-dala rin
ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na Kastila mula sa
Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565 hangggang 1821.
Pahina 26 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa kalakalang
galyon. Dahil dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras Pias. Ang
halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa kawanggawa ay naipautang
sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malaking interes o tubo. Yaong nangutang sa Obras
Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon. Naubos ang pondo ng Obras Pias dahil di nakabayad
ang mga nangutang bunga ng pagkalugi ng mga ito.
Pagsapit ng ika-19 na siglo, unti-unting lumiit ang kita mula sa kalakalang galyon. Mahigpit
na kasi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa na nagdadala ng mga kalakal sa Mexico.
Bukod dito, madalas ang paglubog ng mga galyon sa karagatan. Ang mga dahilang ito ang
nagging sanhi ng pasiya ng hari na itigil na ang kalakalang galyon.
PANIMULA
Mula pa man ng unang dumating nag mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi na buo ang
nagging pagtangggap sa kanila ng mga Pilipino. Bagaman may ilang bukas palad buong puso
silang tinanggap at marami rin naman ang hindi sumang-ayon sa kanilang mga kagustuhan at
pawang lumaban sa kanila tulad ni Lapu-Lapu.
Marami pang iba na lumaban sa mga Kastila sa loob ng mahabang panahon ng kanilang
pamamalagi sa Pilipinas. May ibat ibang kadahailanan ang bawat pag-aaklas na inilunsad ng
mga Pilipino mula sa ibat ibang mga lugar sa bansa. Ang ilan ay nagtagumpay sa kanilang
layunin ngunit kalimitan sa kanila ay hindi.
Ang lahat ng mga ito ay siyang naglunsad upang unti unting mabuo ang malayang
kamalayan ng mga mas makabagong Pilipino ng kanilang panahon. Ito ang kanilang nagging
daan at paraan upang ang kalayaang matagal na nilang inaasam ay kanila nang makamit
matapos ang maraming taon ng mahirap at madugong pakikidigma.
ALAMIN MO
Anu-ano kaya ang nagging dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga pag-aalsa
ngmga Pilipino laban sa mga Kastila? Papapaano nila napagtagumpayan ang mga
balakid na ito upang makamtan ang kalayaan ng bansa?
Pahina 27 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na. Marami silang
mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw
ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga
kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.
Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa kasaysayan ng
bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila. Napapanahon na
upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa ibat ibang rehiyon,
lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at nakidigma para sa
bayan.
Pagsilang ng Nasyonalismo
Sa unang dalawang siglo ng pananakop ng mga Espanyol, tahimik na tagasunod lamang
ang mga nakararaming mga Pilipino. Bagaman may mga rebelyong naganap sa simula pa
lamang ng pagdating ng mga Espanyol, hindi ito nakatulong upang mapag-isa ang mga Pilipino.
Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay nagging saksi sa mga maraming
pangyayari na nagulot ng maraming mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ang siyang
nagbukas daan sa pagsilang ng damdaming nasyonalismo o diwng makabansa ng mga Pilipino.
Isyu ng Sekularisasyon
Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa kkaparian noong ika-18 na siglo.
Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino ng karapatan na
magkaroon ng sarili nitong parokya.
Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang grupo ang mga paring
secular at ang mga paring regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda ng buhay ng
mga Pilipino, marami sa mga magulang ang nagnaisa na ipasok sa seminary ang kanilang mga
anak na lalaki upang maging pari. Gayunpaman, mababa ang pagtingin ng mga paring Espanyol
sa mga paring Pilipino, kaya katulong lamang sila ng mga ito.
Dahil sa paglaki ng mga parokya at paglisan ng mga Heswita sa Pilipinas, nagkaroon ng
kakulangan sa mga pari. Itinadhana ng hari ng Espanya ang pagpapatupad ng dikring 1774 na
nagbigay sa mga Pilipinong pari ng karapatan na magkaroon na rin ng kanilang sariling parokya.
Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas, maraming Pilipinong pari ang natanggalan
ng katungkulan at posisyon sa kani-kanilang mga parokya. Nagkaisa ang mga Pilipinong pari na
ipaglaban ang kanilang karapatan na pamunuan ang kanilang sariling parokya.
Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan ay si padre
Pedro Pelaez. Kabilang siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o insulares. Tubo siyang
Pagsanjan, Laguna. Kinilala siya bilang lider ng mga Pilipinong pari. Naging maikli ang kaniyang
pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa loob ng gumuhong Katedral ng Maynil dahil sa
lindol.
Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming mestizong Pilipino. Tubo siyang Vigan,
Ilocos Sur at kinilala bilang isang matalino at mahusay na pari. Ipinagpatuloy niya ang nasimulan
ni Padre Pelaez.
Kamatayan ng GOMBURZA
Nang mahirang si Rafael de Izquierdo bilang kapalit ni dela Torre sa pagiging gobernador-
heneral, ipinagkait niyang muli ang mga karapatang tinamasa ng mga Pilipino. Kabilang sa mga
naapektuhan nito ay ang mga nagtatrabaho sa Fort Felipe sa Cavite na isang arsenal ng armas.
Pinagbayad silang muli ng buwis.
Pahina 30 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r
Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento La Madrid ang pag-aalsa ng mga Pilipino
sa nasabing arsenal ng armas. Napatay nila ang maraming Espanyol sa loob ng moog, ngunit
nasupil din sila agad. Apatnaput isa sa mga nag-aklas ang napatay, samantalang ang iba ay
nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang labingtatlo pang nag-aklas ay ipinapatay na rin.
Sa sumunod na mga araw, marami ang hinuli at ikinulong. Kasamang idinawit sa nasabing
pag-aalsa sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ang layunin ng pagdawit
sa kanila ay upang takutin ang mga paring Pilipino at huwag nang isulong ang isyu ng
sekularisasyon. Idinaos ang mabilis na paglilitis sa kanila. Ang kanilang kamatayan ay nagpaalab
sag alit ng mga Pilipino. Inialay ni Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na El Filibusterismo
sa tatlong pari.
Pahina 31 | A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 4 t h Q u a r t e r