You are on page 1of 4

Pag-aalsa ng Estadong Kolonyal By: Samuel B.

Rondina

2. Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa


ating mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap, pagmamalupit at
pang- aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-
aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas.

3. Lakandula at Sulayman Naging matindi ang galit nina Lakan Dula at Sulayman at sila
ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga
Pilipino nang ibalik kina Lakan Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.

4. Magat Salamat • Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula,
kaysa sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Ang mga kasapi ay buhat sa
iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din
sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan.
Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si
Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at pinatay si Magat Salamat.

5. Ang Rebelyon ng Gaddang Dahil sa pagmamalabis ng mga Español, pinamunuan nina


Felipe Catabay at Gabriel Taya gang paghimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley.
Pinakiusapan sila ng Dominikong paring si Pedro de Santo Tomas na itigil na ang
labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakining sila at sumuko.

6. Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil
nais talikdan ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa
pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay
pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao. Nagpadala ang
pamahalaan ng mga sundalong Español at sundalong Pilipino galing Cebu upang
supilin ang rebelyon.

7. Sumuroy Ang mga taga-Samar ay pinamunuan ni Sumuroy dahil sa pagtutol ng mga


Bisaya mula sa Samar na magpunta sa Cavite ayon sa kautusan ni Gobernador Diego
Fajardo upang gumawa ng mga barko

8. Ang Rebelyon ni Maniago Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga


Kapampangan. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho. Hinarangan nila ang mga
ilog para mapiglan ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila upang
magutom ang mga Español. Nahikayat ni Maniago ang mga taga- Pangasinan at Ilocos
na sumama sa kanya. Nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobernador heneral at
ni Maniago. Si Maniago at ang mga kasama nito ay pinangakuan ng mga Español na
bibigyan ng malaking halaga. Hinayaan din silang gumawa sa kanilang mga bukid kayat
natigil ang pag-aalsa.

9. Ang Rebelyon ni Malong Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na


mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Español. Nag-alsa ang mga mamamayan ng
Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pagbangon at
nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa kilusan nila. Pinatay ng mga Pilipino ang
gobernador at ibang malulupit na Español. Nagpadala si malog ng mga mensahero sa
iba’t ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila. Nanghina ang
kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Español sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San
Carlos). Nabihag si Malong ng mga Español at ipinapatay.

10. Ang Pag-aalsa ni Tapar Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang
isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663.
Tinutulan ng paring Español ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng
pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang
kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan.

11. Ang Rebelyong Silang Si Diego Silang ay kinulong ng mga Español dahil


nagpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino. Nagtatag siya ng
sariling pamahalaan sa Vigan at nakipag-ugnayan sa mga Ingles upang makayanan ang
pakikipaglaban sa mga Español. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga ito. Nang siya
ay namatay noong Mayo 28, 1763, ipinagpatuloy naman ng kanyang asawa, si Maria
Josefa Gabriela ang pakikipaglaban. Sa kasamaang-palad, hindi rin nagtagal ang
kanyang pangrerebelyon. Pinatay siya ng mga Español noong Setyembre 20, 1763.

12. Dagohoy Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Español ay pinagunahan ni


Francisco Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan
ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar Morales
na bigyan ng Katolikong libing ang kanyang kapatid.

13. Palaris Ang pag-aalsa sa Pangasinan ay pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris.


Nahimok na sumapi ang mga mamamayan ng mga bayan ng Binalatongan, Dagupan,
San Jacinto, Bayambang at Santa Barbara, upang humingi ng reporma sa pamamahala.

14. Ang Rebelyon ni Hermano Pule Si Apolinario de la Cruz ang namuno sa rebelyong


panrelihiyon ng mga tagalog noong 1840-1841. Kilala siya sa tawag na Hermano Pule.
Pangarap niyang maging mahal banal na misyonero o ministro ng Diyos kayat
nagtungo siya sa Maynila upang pumasok sa isang orden. Hindi siya tinanggap dahil isa
siyang Pilipino. Marami ang sumapi sa kanyang itinatag na samahan ngunit ito ay
ipinagbawal ng mga opisyal ng simbahan. Tinugis siya ng mga ito at itinuring na
rebelled kayat lumaban siya. Noong Nobyembre 4, 1841, pinugutan siya ng ulo sa bayan
ng Tayabas (sa Quezon). Ang pugot na ulo ay itinusok sa poste upang maging babala sa
tao.

Mo

Mga Pagbabagong Pangkabuhayan sa Panahon ng Pananakop ng Espanya

- Isang pamilihan na isa lamang ang nagtitinda.

- Pamilihan kung saan ang produkto ng isang industriya ay hinahawakan ng isang


pangkat ng nagtitinda.

Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at


pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan
– isang pamaraan upang matiyak at mapanatiling malaki ang kinikita ng Espanya dito.
Kaugnay nito ay hindi nalinang ang kalayaan sa pagtatanim ng iba pang produktong
agrikultural lalo na sa mga lugar kung saan ito lamang ang ipinapatanim.

=> Nueva Ecija

=> Abra

=> Cagayan Valley

=> Marinduque

=> Ilocos

=> La Union

=> Isabella

mabuting epekto:

-ang pamahalan ay nakapagpagawa ng kalsada, gusali, tulay at nakapagpalagay ng


karagdagang ilaw sa mga bayan

di mabuting epekto:

-bumaba ang produksyon ng pagkain

Mga Epekto
=> Nakilala ang Pilipinas na pangunahing tagagawa ng tabako sa alin mang bansa sa
Silangan.

=> May multa ang mga magsasakang hindi makatupad sa itinakdang aanihin.

=> Sa Maynila, dinadala ang mga dahon ng tabako.

=> Umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng monopolyo kaya ipinatigil ito at tuluyang
nahinto sa panahon ni Gobernador Primo de Rivera taong 1882.

Monopolyo ng Tabako

Ang Tabako ay isang agrikultural na produkto na hinahango mula sa mga sariwang


dahon ng mga halaman na napapabilang sa saring Nicotiana. Maari itong kainin,
gamitin bilang organikong pamuksa ng peste at bilang sangkap sa gamot kung
gagamitin sa pormang nicotine tartrate.

Le Fin...

=> Ito ay itinatag ito ni Jose Basco y Vargas noong ika- 1 ng Nobyembre 1781
labinlimang taon makalipas na ipakilala sa Pilipinas ang sistemang monopolyo.

=> Tumagal mula 1781-1881 ang uri ng pangkabuhayang ito.

LAYUNIN: madagdagan ang kita ng pamahalaan at ng di na umaasa pa sa Mexico.

Ang Monopolyo

Ang Tabako

MONOPOLYO NG TABAKO

You might also like