You are on page 1of 11

Gawaing Papel Sa Pagkatuto

Araling Panlipunan 5
Markahan 4, Week 5&6
MELC: Natataya ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor (katutubo at
kababaihan) sa pakikibaka ng bayan (AP5PKB-IVf-4)

Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Seksiyon: _________________Petsa:_____________
Guro: __________________________________________________

Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon ng


Katutubo sa Pakikibaka ng Bayan

ARALIN
Ang Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon
sa Pakikibaka sa Bayan

Ang hindi maayos na pagtrato sa mga ninunong Pilipino ng mga Espanyol


ay dahilan ng paglunsad nila ng pag-aalsa. Magkakaiba ang mga dahilang
nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon. Narito ang partisipasyon ng
iba’t ibang rehiyon sa pakikibaka sa bayan.

1. Pag-aalsa ni Dagami (1565–1567)


 Ang pamilya-Dagami ng Leyte ay namuno sa
rebolusyon laban sa mga Espanyol
noong 1567.
 Nanumbalik ang kapangyarihan ng mga
namumuno sa tribo at mga Tsinong
mangangalakal.

1
 Tinaraydor si Dagami at siya ay pinapatay sa pamamagitan ng "Drawn
and quartered”.
 Ang Drawn and Quartered ay isang uri ng kaparusahan na
ipinapataw ng mga Espanyol sa mga Pilipinong nagtaksil sa kanila
kung saan ang isang tao ay pinaparusahan ng kamatayan sa
pamamagitan ng paghila ng kabayo sa katawan ng taong
pinarusahan hanggang sa siya’y mamatay sa harap ng mamamayan
upang ipakita sa mga ito ang maaaring mangyari sa kanila kapag sila
ay magtaksil sa mga Espanyol.

2. Si Raha Lakandula (1574)


 Dakilang Raha ng Tondo ay nanguna sa isang
pag-aalsa laban sa mga Kastila.
 Ang pang-aabuso at pang-aalipin ni
Gobernador Guido Lavezares sa mga Pilipino ay
ikinagalit ni Lakandula.
 Ang dahilan ng kanilang paghihimagsik ay ang
hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang
pribilehiyo nila ng hindi pagbabayad ng buwis.

3. Si Raha Sulayman (1574)


 Kikilala bilang Raha Sulayman, isang Muslim
na datu, na namuno kasama ni Raha
Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang
malaking populasyon ng mga Tagalog sa
Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila
noong ika-16 na dantaon.
 Inabuso ng mga Espanyol ang kanyang kabaitan
 Nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang
lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar.
 Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa
lungsod.

4. Pampanga Revolt (1585)


 Ang Pampanga Revolt ay pinasimulan noong 1585 ng mga Kapampangan
na mga nagmamay-ari ng mga lupang sakahan o mas kilala sa tawag na
encomenderos na pawang tinaggalan ng karapatan bilang mga dating
datu ng kanilang barangay.

2
 Ang pag-aalsa ng mga Pampagueno ay protesta sa mga pang-aabuso ng
mga encomendero o mga taong namamahala sa mga lupaing
ipinagkatiwala sa kanila ng mga Espanyol.

5. Conspiracy of the Maharlikas (1587–1588)


 Kilala sa tawag na “Tondo Conspiracy” na
binubuo ang samahan ng mga maharlika o
pangkat ng mga datu ng Maynila, Bulacan
at Pampanga kasama ang kanilang mga
kaanak na lumaban sa mga Espanyol dahil
sa kawalan ng kalayaan sa kaniyang mga
nasasakupan

 Ang mga datu ay sumumpang makikidigma


laban sa mga mananakop at ipaglalaban ang
kanilang mga karapatan sa kanilang dating mga nasasakupan at
babawiin ang kalayaan ng kanilang mga nasasakupan.
 Subalit sila ay hindi naging matagumpay sa kanilang mga hangarin
dahil nabatid ng mga Espanyol ang kanilang mga balak at plano.

6. Cagayan at Dingras (1589)


 Ang pag-aalsang nabuo laban sa pagbabayad ng tributo o buwis ng mga
taga Cagayan at Ilocos Norte noong 1589 ay tinawag na Cagayan at
Dingras Revolt.

 Ang mga pagmamalabis ng mga conquistadores na nananakit at nang-


aabuso sa mga Pilipino bukod pa sa pagbabayad ng mataas na buwis
ang naghudyat upang mag-alsa ang mga Ilokano sa pamamahala ng mga
Kastila.

7. Pag-aalsa ni Magalat (1596)


 Siya ay tubong Cagayan na nag-alsa laban sa mga Espanyol dahil sa
hindi makatwirang paniningil ng mga Espanyol.
 Siya ay nadakip sa Maynila sa kasong rebelyon at ipinakulong ng
goberndor-heneral.
 Kasama ng kaniyang kapatid na lalaki, hinimok niyang ipagpatuloy ang
pakikidigma sa mga Espanyol. Hindi nagtagal ay nagawa nilang sakupin

3
ang ilang nakapaligid na mga kabayanan hanggang tuluyan nila itong
makuha mula sa mga Espanyol na mga kawal.
 Siya ay patraydor na pinatay ng kaniyang ilang mga kasamahan sa
kanilang sariling kuta.

8. Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)


 Hindi pumayag ang mga katutubo
na mapasailalim rin sa kagustuhan
ng mga Kastila na maging mga
Kristiyano sila at talikuran ang
kanilang mga paniniwala sa kani-
kanilang mga relihiyon.
 Naging mabilis lamang ang
rebolusyong ito ng mga Igorot sa
kadahilanang labis na dahas ang
ginamit ni Aranda upang masupil
ang mga mandirigmang Igorot
upang hindi na ito malaman pa ng iba pang mga katutubo.

9. Ang pag-aaklas ng mga Intsik (1603)


 Noong 1603, mahigit kumulang na 30,000
Tsinong mangangalakal, namumuno at
mamamayang Intsik ay pinatay ng mga
Espanyol na namumuno noon sa lugar.
 Nagsunog at naglunsad ng pag-aaklas ang
mga Intsik na nainirahan sa Legarda at
Binondo at kanilang binantaan na
kukuhanin nila ang pamumuno ng mga
Espanyol sa Intramuros.

10. Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622)

 Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang


isang rebolusyong kinilala sa tawag na Tamblot Revolt noong 1621.
 Pinilit ng mga Heswitang pari sa Bohol ang mga Boholano na iwan ang
kanilang dating relihiyon at paniniwala at tuluyan nang maging mga
Kristiyano.
 Hinikayat niya ang kangyang mga kababayan na huwag magpadala at
maniwala sa mga paring Heswita at manatili sa kanilang kinagisnan na
relihiyon at paniniwala

4
 Hinuli siya at binitay sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo upang maging
banta sa ilan pang mga Pilipino na hindi aanib sa mga Kastila at lalabag
sa kanilang mga kautusan.

10. Pag-aalsang Bankaw (1621–1622)


 Pinamunuan ni Bankaw na dating datu ng Carigara sa Leyte.
 Hinikayat niya ang kaniyang mga dating nasasakupan na magbalik loob
sa kanilang dating mga paniniwala at talikuran ang Kristiyanismo.
 Dahil sa kanilang pag-aalsa hinuli at pinatawan sila ng parusang bitay
at kaniyang ulo ay inilagay sa isang kawayan upang magsilbing babala
sa mga Pilipinong nagnanais na mag-aklas laban sa mga Espanyol sa
kanilang lugar.

11. Ang Rebolusyong Mandaya o Itneg (1625–1627)


 Kilala sa tawag na Mandaya Revolt
 Sina Miguel Lanab at Alabanan ang namuno ng
pag-aaklas dahil sa sapilitang pagpapalit ng
relihiyon sa mga mamamayan.
 Pinugutan nila ng ulo ang mga paring
misyonaryo kaya sila tinugis ng mga Espanyol.
 Sinunog ng mga kastila ang mga taniman at
palayan na naging sanhi ng pagkagutom ng
mga Itneg dahilan na rin upang sila ay sumuko
noong 1627.

13. Rebolusyong Ladia (1643)

 Si Pedro Ladia ay isang Moro Bornean na nagmula sa angkan ni Raha


Lakandula na dumating sa Malolos noong 1643.
 Noong panahon na iyon, ang kanyang lupain ay sinamsam ng mga
Kastila kung kaya’t pinamunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa
pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang pangangamkam ng mga
lupain sa mga Pilipinong tunay na nagmamay-ari ng mga lupa at lupain.
 Binansagan niya ang kaniyang sarili bilang “Hari ng mga Tagalog”.
Pinigilan siya ng mga paring Espnayol sa kaniyang mga balak subalit ito
ay kaniyang ipinagpatuloy pa rin. Nang siya ay madakip, siya ay
ikinulong sa Maynila at doon pinatawan ng parusang kamatayan.

14. Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–50)

5
 Pinamunuan ni Agustin Sumuroy na tubong Waray sa Palapag, Norther
Samar. Hinikayat niya ang mga tao upang labanan ang mga Espanyol.
Nag-alsa sila dahil sa sapilitang pagtatrabaho sa paggawa ng mga barko
sa Cavite.

 Ang kanilang pangunahing dahilan sa pag-aaklas ay ang pagmamalabis


ng mga Espanyol sa kanilang sapilitang paggawa sa polo y servicios. Ang
kautusan ukol sa polo ay nagsasaad na ang mga manggagawa na mula
sa Maynila ay hindi ipadadala sa mga malalayong lugar sa kanilang
pagtatrabaho sa polo subalit ang mga Waray ay ipinadala at ipinatapon
naman sa malalayong lugar tulad ng Cavite na siyang nagbunsod ng
kanilang pag-aaklas laban sa mga mananakop.

15. Rebolusyong Maniago sa Pampanga (1660–1661)

 Rebolusyon ng mga Maniago sa Pampanga laban sa pang-aabuso ng mga


Espanyol sa mas mataas na tributo, sapilitang paggawa kahit sa
malalayong lugar at ang pagkamkam sa kanilang mga pananim na
palay.
 Ang Maniago Revolt ay naging simula ng mas malawak, mas malaki at
mas madugong digmaan laban sa mga Kastila sa Pangasinan.

16. Panay Revolt (1663)

 Ang Panay Revolt ay kinilala rin bilang Tapar Revolt na pinamunuan ni


Tapar sa pag-aaklas dahil sa hindi pagkakaunawaan sa relihiyon.
 Hindi sila pinayagan ng mga Espanyol na magtayo ng sarili niyang
relihiyon sa isla
 Napatay si Tapar kasama ng kaniyang mga tagasunod sa isang
madugong sagupaan sa patraydor na pag-atake ng mga kawal ng
Espanya kasama ang mga kawal na Pilipino.

18 Zambal Revolt (1681–1683)

 Isang pangkat ng mga pinuno, datu ng Zambales ang tumanging


magpasakop at kilalanin ang pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas
kung kaya’t sila ay naglunsad ng digmaan sa mga ito.
 Dagling nagpadala ng mga hukbo ang mga kinatawan ng Espanya sa
Pilipinas ng mahigit kumulang na 6000 kawal upang hindi na
mapaigting pa ang bilang at dami ng mga nag-aaklas.

6
 Matapos ang halos 2 taon ng paglalabanan, tuluyang nasakop ng mga
Espanyol ang buong bayan at sila ay tuluyan nang napailalim sa
pamamahala ng mga Espanyol. Ang lahat ng nakibahagi sa
pagrerebelyon ay pinatawan ng parusang kamatayan.

19. Agrarian Revolt of 1745

 Ang Agrarian revolt ay nagtagal mula 1745 hanggang 1746.


 Ito ay malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng rehiyon ng
Katagalugan, sa pangunguna ng mga lalawigan ng Batangas, Laguna, at
Cavite dulot ng pangangamkam ng mga prayle sa kanilang lupa.
 Hindi nagtagumpay, bagkus ay walang lupang naibalik sa mga
magsasaka.

20. Cavite Mutiny (1872)

 Isang pag-aalsa noong 1872 na umabot sa


200 Filipinong sundalo at obrero sa
arsenal. Ang pagkamatay ng GOMBURZA
ang naging hudyat ng kanilang pag-aalsa.
 Binuo ng mga kawal na Pilipino ng Fort San
Felipe ng Spanish Arsenal sa Cavite.
 Nag-aklas ang mga ang mga sundalong
Pilipino dahil sa pagkakabitay ng tatlong
paring Pilipino, ang GOMBURZA.

21. Francisco Dagohoy Rebellion (1744–1829)

 Noong 1744 sa Bohol, pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang


rebelyon na bunsod rin ng hindi pagkakasundo sa relihiyon. Matapos
mapatay ang kapatid ni Dagohoy ay hindi ito pinayagan na basbasan ng
paring prayle sa kanilang bayan. Ang pagtanging ito ng prayle ang siyang
naging dahilan ng pagsisimula ni Dagohoy ng rebolusyon. Ito ang
pinakamatagal na rebolusyong nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino
kahit patay na ang nagpasimula nito na nagtagal ng 85 taon.

7
22. Diego Silang (1762–1763)

 Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa,


Ilocos Sur.
 Nagtatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung
saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala
ngayon bilang Bundok ng Silang.
 Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar.
Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa
mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng
mga ito.
 Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong
mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang
opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at
opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang
nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa
iba't ibang bayan.
 Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang
mga Espanyol.
 Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang ipinaglalaban ng asawa. Nahuli si
Gabriela Silang at binitay.

8
Gawain 1
Panuto: Pagbuo ng Salita. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat
ang sagot sa patlang.

1. Ito ay kinilala rin bilang Tapar Revolt na pinamunuan ni Tapar sa pag-


aaklas dahil sa hindi pagkakaunawaan sa relihiyon.
P__ ___ ___ ___ R __ __ __ __ __
2. Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang
isang rebolusyong ito noong 1621
T __ __ __ __ __ __ R __ __ __ __ __
3. Siya ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang isang
rebolusyong kinilala sa tawag na Tamblot Revolt noong 1621.
T __ __ __ __ __ __
4. Dakilang Raha ng Tondo ay nanguna sa isang pag-aalsa laban sa mga
Kastila.
R __ __ __ L __ __ __ __ __ __ __ __
5. Pamilyang namuno sa rebolusyon sa Leyte laban sa mga Espanyol noong
1567.
D __ __ __ __ __

Gawain 2
Panuto: Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

HANAY A HANAY B

___1. Isang Muslim na datu A. Conspiracy of the Maharlikas

___2. Dakilang Maharlika ng Tondo B. Tamblot

___3. Binubuo ng samahan ng mga C. Raha Sulayman


Maharlika sa Maynila

___4. Pinuno ng Tamblot Revolt D. Rebolusyong Mandaya/Itneg

___5. Sina Miguel Lanab at Alabanan E. Raha Lakandula


ang namuno sa pag-aalsang ito

9
Gawain 3
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan kung bakit nag-aklas ang mga sundalo sa Cavite Mutiny?
Dahil sa _______________.
A. Pagkakabitay ng tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA.
B. Pagkakulong ng tatlong paring martir.
C. Pagdakip ng GOMBURZA.
D. Paglaya ng GOMBURZA.

2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pag-aalsa ni


Sumuroy sa mga Kastila?
A. Ang pagsingil ng mataas na tributo
B. Ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang sapilitang paggawa sa
Polo y Servicios.
C. Ang pagkamkam ng mga Espanyol sa mga ari-arian ng mga Waray
D. Ang pagpatay sa kanyang kapatid

3. Ang pag-aalsang nabuo laban sa pagbabayad ng tributo o buwis ng mga


taga Cagayan at Ilocos Norte noong 1589 ay tinawag na ______.

A. Conspiracy of the Maharlikas C. Cagayan at Dingras Revolt


B. Pag-aalsa ni Magalat D. Pag-aalsa ng mga Igorot

4. Si Raha Lakandula ay Dakilang Raha ng Tondo. Ano ang dahilan ng


paghihimagsik niya sa mga Espanyol?
A. Ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang pribilehiyo nila ng
hindi pagbabayad ng buwis.
B. Ang panggagahasa ng mga Espanyol sa kanyang kapatid
C. Ang sapilitang pag-aagaw ng isang prayle sa kanyang mga ari-arian
D. Wala sa nabanggit ang sagot.

5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pag-aalsa ng iba’t ibang rehiyon ng


katutubo sa mga Espanyol?
A. Ang pagnanais na maging malaya ang bansa
B. Ang pagtutol sa mga patakarang pangkabuhayan
C. Panrelihiyon at personal na dahilan
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

10
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
1. Panay Revolt
2. Tamblot Revolt
3. Tamblot
4. Raha Lakandula
5. Dagami

GAWAIN 2
1. C
2. E
3. A
4. B
5. D

GAWAIN 3
1. A
2. B
3. C
4. A
5. D

11

You might also like