You are on page 1of 6

SELF-LEARNING MATERIALS in ART

Worksheet in Grade 5 – ART (A5EL-Ia)


Q1- Week 1- Lesson 1- Discusses events, practices, and culture influenced by
colonizers who have come to our country by way of trading.(A5EL-Ia)

Name of Learner: ____________________________________________ Date:_______________

Name of School: ________________________________________ District: ______________

Anong kailangan mong malaman?

Mga Selebrasyon sa Pilipinas


Tayong mga mga Pilipino ay likas na masayahin. Napagbubuklod-
buklod tayo dahil sa mga selebrasyon at iba’t ibang gawaing pambayan.
Sama-sama tayong nagsasaya, nagbabatian at naghahanda upang
maisakatuparan ang mga pagdiriwang na ito. Ang mga sumusunod ay
iilan lamang sa mga selebrasyong taon-taon nating ipinagdiriwang.

https://kmc-service.jp/2020/06/araw-ng-kalayaan/

Araw ng Kalayaan isa sa mga pinakamahalagang araw sa ating


kasaysayan ang Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng
Hunyo. Sa araw na ito nabibigyang halaga ang ginawang kabayanihan
ng ating mga ninuno sa pagkamit ng ating kalayaan mula sa pananakop
ng mga Espanyol.

https://www.google.com/search?q=piyestang+bayan

Piyestang Bayan ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang


panahon ng piyesta. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan na
ipinagdiriwang ng isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi
ng pagdiriwang na ito ay ang misa at prusisyon. Dito nagkakaisa ang
magkakaibigan at magkakamag-anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga

1
palaro at masasayang tugtugin ng mga musikong umiikot sa
buong bayan habang ang iba naman ay nagsasalo-salo sa masaganang
pagkain.

https://www.google.com/search?q=pasko+at+bagong+taon&tbm

Pasko at Bagong Taon Masayang ipinagdiriwang ng mga Pilipino


ang ipinagdiriwang ang Pasko tuwing ika-25 ng Disyembre at Bagong
Taon tuwing ika-1 ng Enero. Sa panahong ito, bawat pamilya ay
samasamang nagsisimba at nag-aalay ng panalangin sa Dakilang
Lumikha. Naipamamalas din sa panahong ito ang pagiging likas na
mapagbigay ng mga Pilipino.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_mga_Puso

Ang Araw ng mga Puso ay ang pagdiriwang tuwing ika-14 ng


Pebrero. Dito ipinapahiwatig ng magkakasintahan, mag-asawa at
mga pamilya ang kanilang pag-ibig sa isa't isa at nagpapadala ng
mga bulaklak, kard at donasyon, kadalasan hindi sinasabi
ang pangalan. Si San Balentíno, ayon sa Katolisismo, ang siyang patron
ng mga magkasintahan.

https://slsu.edu.ph/events/araw-ng-kagitingan/

2
Ang Araw ng Kagitingan o kilala rin bilang Araw ng
Bataan o Araw ng Bataan at Corregidor, ay
isang pagtalima sa Pilipinas kung saan ginugunita ang pagbagsak ng
Bataan noong ika-9 ng Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

https://www.google.com/search?q=ano+ang+araw+ng+undas

Ang kapistahan ng Todos los Santos, Araw ng Lahat ng


mga Santo o Araw ng mga Santo, tinatawag na All Saints' Day ay
ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang Linggo
ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo o banal, kilala o
hindi. Sa Iglesya Katolika Romana, ang Araw ng Todos los Santos ay
parangal sa mga taong nakatamo ng beatipikong pananaw ng
kalangitan habang ang sumunod na araw, ang ika-2 ng Nobyembre,
ang Araw ng mga Kaluluwa ay paggunita sa lahat ng yumaong
mananampalataya na hindi pa nadadalisay at nakararating sa langit.

Ano ang inyong natutunan?

Gawain 1

Panuto: Halina at sagutin ang Pinoy Text Twist. Buuin ang jumbled
letters upang mabuo ang selebrasyon o gawaing pambayang
impluwensya ng mga mananakop na dumating dito sa Pilipinas. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. P K S A O ________________________________________
2. Bagong T O N A __________________________________
3. Araw ng K Y A N A L A ______________________________________
4. Araw ng mga O A S N T______________________________________
5. Araw ng K N G A A G T I I N__________________________________

3
Gawain 2

Panuto: Makikita mo sa Hanay A ang mga selebrasyon at sa Hanay B


naman ang mga petsa kung kailan ito ipinagdiriwang. Pagtambalin mo ang
mga ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A. B.

______1. Araw ng mga Puso A. Disyembre 25


______2. Bagong Taon B. Pebrero 14
______3. Araw ng Kalayaan C. Abril 9
______4. Araw ng Kagitingan D. Enero 1
______5. Pasko E. Hunyo 12

Gawain 3

Panuto: Kilalanin ang mga selebrasyong makikita sa larawan. Isulat ang sagot
sa patlang.

1. ____________________________________
https://drive.google.com/drive/folders/1hpoXqVM3YVj4PwUVxttlXYuTkzqcO3DQ?fbclid=IwAR05MF6oMEOVKNspW9uNo75czpgon9Sfytc2zMbb-RC51eU-D0fwChnbmNM

2. ______________________________________
https://drive.google.com/drive/folders/1hpoXqVM3YVj4PwUVxttlXYuTkzqcO3DQ?fbclid=IwAR05MF6oMEOVKNspW9uNo75czpgon9Sfytc2zMbb-RC51eU-D0fwChnbmNM

3. ______________________________________
https://drive.google.com/drive/folders/1hpoXqVM3YVj4PwUVxttlXYuTkzqcO3DQ?fbclid=IwAR05MF6oMEOVKNspW9uNo75czpgon9Sfytc2zMbb-RC51eU-D0fwChnbmNM

4. _____________________________________
4
https://drive.google.com/drive/folders/1hpoXqVM3YVj4PwUVxttlXYuTkzqcO3DQ?fbclid=IwAR05MF6oMEOVKNspW9uNo75czpgon9Sfytc2zMbb-RC51eU-D0fwChnbmNM

5. _____________________________________
https://drive.google.com/drive/folders/1hpoXqVM3YVj4PwUVxttlXYuTkzqcO3DQ?fbclid=IwAR05MF6oMEOVKNspW9uNo75czpgon9Sfytc2zMbb-RC51eU-D0fwChnbmNM

ANSWER KEY FOR THE ASSESSMENT IN ART


Worksheet in Grade 5 – ART (A5EL-Ia)

5
Q1- Week 1- Lesson 1- Discusses events, practices, and culture influenced by
colonizers who have come to our country by way of trading.(A5EL-Ia)

Gawain 1 Gawain 2
1. Pasko 1. B
2. D
2. Bagong Taon
3. E
3. Araw ng Kalayaan 4. C
5. A
4. Araw ng mga Santo
5. Araw ng Kagitingan

Gawain 3
1. Pasko
2. Piyestang Bayan
3. Araw ng mga Puso
4. Araw ng Kalayaan
5. Bagong Taon

Sanggunian:
Emelita C. Valdecantos Umawit at Gumuhit, Batayang Aklat Ikalimang Baitang,
DepEd-BLR pahina 171-176

https://tl.wikipedia.org/wiki/Undas

https://tl.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_mga_Puso
https://tl.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_Kagitingan

https://tl.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_Kalayaan

You might also like