You are on page 1of 35

5

Music
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Antas ng Daynamiks

CO_Q4_Music 5_ Module1 1
Alamin

Sinasabi ng karamihan na ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa at


ito ay naipahihiwatig gamit ang boses at paano laruin ang bawat instrumentong
pangmusika. Sa bawat lakas o hina ng ating boses at paghampas sa mga
instrumento iba’t ibang damdamin o emosyon ang nakapaloob dito.

Kung ang nota ang nagbibigay tono sa bawat titik ng komposisyon, paano
naman pinapahayag ng kompositor sa mang-aawit o manunugtog na kailangan na
nitong lakasan o hinaan ang pag-awit o pagtugtog?

Dito pumapasok ang isa pang mahalagang elemento ng musika ang


daynamiks. Mahalagang malaman ang wastong pagbasa at pagsunod sa bawat
antas ng daynamiks para magabayan ang mang-aawit at manunugtog sa wastong
damdamin na nais ipahayag ng kompositor o ng komposisyon.

Sa modyul na ito ay ating matutuhan ang angkop na terminolohiyang


pangmusikal upang matukoy ang antas ng daynamiks (MU5DY-Iva-b-2) at
inaasahang makamit ang mga sumusunod:
a. Nagagamit ang angkop na terminolohiyang pangmusikal upang matukoy
ang antas ng daynamiks.
b. Nakakaawit ng katutubong awit na sumusunod sa mga simbolo ng
daynamiks.
c. Nagbibigay-kasiyahan habang ginagawa ang pag-awit

Subukin

Panuto: Ibigay ang angkop na antas ng daynamiks (Italian word) ng mga


sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang

1. malakas na malakas _______________________


2. malakas _______________________
3. katamtamang lakas _______________________
4. katamtamang hina _______________________
5. mahina _______________________
6. mahinang-mahina _______________________
7. unti-unting paglakas _______________________
8. unti-unting paghina _______________________

1
CO_Q4_Music 5_2Module1
Aralin

1 Mga Daynamiks

Sa musika, ang daynamiks ng isang komposisiyon ay ang pagkakaibaiba ng


lakas o hina ng tunog ng mga nota o grupo ng mga nota. Ang mga antas ng
daynamiks ay nakasaad kadalasan bilang mga simbolo lamang. Ngunit, ang mga
ito ay depende pa rin sa interpretasyon ng manunugtog o ng mang-aawit ayon sa
kung ano ang konteksto o hinihinging interpretasyon ng musika.

Balikan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

A. Anong uri ng mga nota at pahinga ang sumusunod? Ibigay ang kumpas ng
bawat isa. Isulat mo sa iyong papel.

Halimbawa: = kapat na nota = 1 kumpas

Mga Nota at Pahinga Pangalan Bilang ng Kumpas

1.

2.

3.

4.

5.

3
B. Gumuhit ka ng mga notang pataas, notang pababa at mga notang inuulit gamit
ang nakalaang limguhit sa ibaba.

Pataas

Pababa

Inuulit

Tuklasin

Nakapanood ka na ba ng isang debate? Marahil maririnig mo ang


tagapagsalita na lumalakas at humihina ang kanyang boses depende sa punto o
kaisipan na nais niyang ipabatid sa kanyang tagapakinig. Kapag mainit na ang
usapin at nagpapalitan na ng argumento ang bawat panig kadalasan lumalakas
ang boses ng mga ito. Samantalang humihina naman kapag gusto nilang
kumbinsihin ang mga manonood na pumanig sa pinaniniwalaan nila. Ginagamit
nila ang lakas at hina ng boses para maikuwento o maipaliwanag sa tagapakinig
ang kanilang pinaglalaban. Ang pag-iiba rin ng boses ay isang mabisang paraan
upang maihatid ang mensahe at kahulugan ng bawat usapin.

Bawat kanta ay may nakapaloob na kuwento. Kaya ang mang-aawit ay


mistulang taga- kuwento rin. Gamit ang lakas, hina, bagal o bilis ng boses at tunog
naipararamdam at naipamamalas nito ang kahulugan ng bawat titik at nailalabas
nito ang emosyon na nakapaloob sa bawat musika.
4
Suriin

Ang daynamiks ay nagpapakita kung gaano kalakas o kahina ang isang


tunog. Ang malakas at mahinang tunog ay mapapakinggan kung ang isang tao ay
umaawit, nagsasalita o tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika. Ito rin ay
mapapansin sa mga mananayaw habang sila ay umiindak at sumasayaw sa iba’t
ibang saliw ng musika. Ang daynamiks ay tinatawag ding volume.

Sa pagsasalita ang lakas at hina ng boses ay iba-iba. Halimbawa, maaari


mong lakasan ang boses kung ikaw ay nagbibigay-diin sa mga mahahalagang
salita. Maaari mo ring hinaan ang iyong boses para ipahiwatig na ikaw ay kalmado.
Puwede ka ring bumulong para hindi ka marinig ng iba.

Ganoon din sa pagkanta, kinakailangan mo ring ibahin ang paglakas o


paghina ng iyong boses. Mula sa mahina patungong katamtaman hanggang sa
paglakas nito para maipahayag ang kahulugan ng awitin.

Sa pagtugtog naman ng mga instrumento nakatutulong ang daynamiks sa


pagbibigay-kahulugan ng isang awitin. Halimbawa maaaring ang pagpalo sa drums
ay magsisimula sa malakas at magtatapos sa mahina. Ang lakas ay sumisimbolo
ng matinding emosyon at sigla. Sa kabilang dako naman ang mahina ay
nangangahulugan ng pagiging kalmado at payapa.

Ang simpleng pagkumpas ng kamay ay makatutulong sa


pagpapahiwatig ng daynamiks. Maaari mong itaas ang iyong
kamay para sa malakas na tunog ibaba naman ito para sa
mahina. Puwede rin itong gamitin bilang senyales sa
pagbabago ng daynamiks sa mga pangkatang awitin.

Narito ang mga antas ng daynamiks na ginagamit sa isang awitin. Ito ay


nakalimbag sa wikang Italyano. Ang iba’t ibang antas na ito ay nagsisilbing gabay
para maipamalas ang ninanais na lakas o hina ng tunog habang umaawit.

Simbolo Antas ng Daynamiks Kahulugan


Fortissimo malakas na malakas
Forte malakas

Mezzo forte Katamtamang lakas

Mezzo piano Katamtamang hina

Piano mahina
pianissimo mahinang-mahina
5
Pagyamanin

Gawain 1.

Panuto: Ibigay ang naaangkop na antas ng daynamiks ng mga sumusunod na


simbolo.

Dynamic Marking Antas ng Daynamiks

1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________
4. ____________________
5. ____________________

Gawain 2.
Panuto: Pag-aralang mabuti ang awiting Magtanim ay di Biro at awitin ito batay
sa mga nakalagay na simbolo ng daynamiks. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong .

(Villamor n.d.) 6
Mga Tanong:

1. Paano nagbago ang tunog sa unang sukat ng awitin?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________

2. May pagbabago rin ba sa pangalawang sukat?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Anong sukat ng awitin ang walang pagbabago sa tunog?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 3.

Panuto: Bilang mag-aaral paano mo maipakikita na ikaw ay nasiyahan habang


kinakanta ang katutubong awit?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

7
Arts
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Kagamitan sa Paggawa ng 3
Dimensiyonal Craft

8
Alamin

Ang sining ng mga sariling palamuti ay nauugnay sa nakaraang panahon


bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating bansa. Ang mga sinaunang
gintong alahas ng Pilipinas na natagpuan dantaon na ang nakalipas sa bansa ay
makikita ngayon sa ayala Museum at Metroplolitan Museum. Ang mga ito ay isang
pagpapatunay sa pagiging malikhain at magaling sa sining ang mga katutubong
Pilipino.
Ang mga sinaunang gintong alahas ay nagpapakita nang masinsinang
pagkakagawa nito. Ang ilan ay gawa sa butil-butil na ginto o di kaya’y hinabing
parang hiblang maninipis. Mayroon ding mga alahas na nagpapakita ng kakayahan
ng pinaghalong ukit at pagpapanday ng mga hugis sa pagdesinyo ng hikaw, pulseras
at iba pang pansariling palamuti.
Ang gawaing sining sa aralin na ito ay bibigyang-diin ang kahalagahan ng
muling paggamit ng mga bagay upang ito ay maging kapaki-pakinabang. Tatalakayin
dito ang kaugnayan ng sining sa kabuhayan ng tao. Bibigyan halaga ang paglinang
sa sariling kakayahan upang mapagyaman ang sarili at kabuhayan sa pamamagitan
ng sining.
Sa modyul na ito, ating makilala ang mga kagamitan sa paglikha ng 3
dimensiyonal craft na paper bead (A5EL-IVa) at inaasahang makamit ang mga
sumusunod:
1. Nakikilala ang mga kagamitan sa paglikha ng 3-dimensiyonal craft na
paper beads
2. Nakakasunod sa mga hakbang sa paggawa ng 3 dimensyonal craft na
paper beads
3. Napahahalagahan ang mga kagamitang makikita sa sariling silid-
aralan o pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng 3
dimensyonal craft na paper beads

Subukin

Panuto: Ang sumusunod na mga salita ay lista ng mga materyales sa paggawa ng


likhang-sining. Kilalanin at lagyan ng tsek (  ) kung ito ay kagamitan para
sa paggawa ng 3D-craft na paper beads at ekis (  ) pag hindi. Isulat ang
sagot sa patlang sa ibaba.

_______ 1. Lumang magasin _______ 6. Manipis na tela


_______ 2. Gunting _______ 7. Varnish
_______ 3. Pandikit _______ 8. Protective mask
_______ 4. Linoleum _______ 9. Rubber mat
_______ 5. Barbecue stick _______10.Ballon 9
Aralin 1 Mga Kagamitan sa Paggawa
ng 3 Dimensiyonal Craft
Mahalaga ang paglinang sa sariling kakayahan upang mapagyaman ang
sarili at kabuhayan sa pamamagitan ng sining.

Balikan

Panuto: Tukuyin kung ano ang sinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang wastong
sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

3D art Mobile Art Maaliwalas

1. Ang _____________ ay isang uri ng 3D art na maaaring gumagalaw.


2. Ang mobile art ay lubusang mahahangaan kung ito ay nakasabit sa _______na
lugar.
3. Ang _____________ ay uri ng sining na may taas, lapad, anyong paharap,
tagiliran, at likuran at maaaring malayang tumayo sa isang lugar.

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan at suriin ang mga larawan. Alin sa mga ito ang pamilyar sa
iyo? Nakita mo na ba ang mga ito ng personal? Isulat sa ibaba ang paraan
sa paggawa nito.

(Orbitrasen, 2016) (Handaculture, 2015)

____________________________ _____________________________

10
Suriin

Ang paggawa ng pansariling palamuti ay maaari mong gawing


pangkabuhayan. Madali itong gawin kung gagamitin ang pagkamalikhain sa
pagdidisenyo. Lalo nang mainam kung ang gagamiting materyales sa paggawa ay
recycled o mga gamit na patapon ngunit maaaring bigyan ng bagong-buhay.

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at pagkamaparaan. Makikita


ito sa estilo ng pananamit, pagkain, at pagkahilig sa pagsusuot ng mga makukulay
na mga dekorasyon, palamuti, at alahas sa katawan. Ilan dito ay ang mga pulseras
at kuwintas na higit na nagpapatingkad sa kanilang kasuotan.

Ang paper bead ay likhang-sining na ginagamitan ng mga pinulupot na papel


na may iba’t ibang hugis at kulay.

Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan upang


mapakinabangang muli ang mga lumang diyaryo, magasin, at makukulay na papel.
Maaari itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating tahanan at higit sa lahat,
maaari rin itong pagkakakitaan.

Mga kagamitan:

- Makulay na papel o lumang magasin


- Gunting
- Pandikit
- Barbecue stick
- Varnish
- Protective mask

Mga hakbang sa paggawa:

(Mag-ingat sa paggamit ng gunting at sa matutulis na bagay)

1. Gumupit ng mga hugis tatsulok mula sa makukulay na papel o


lumang magasin na may 1” by 4“ (2.5cm x10cm) na tatsulok.
2. Lagyan ng glue o pandikit ang magkabilang dulo ng tatsulok.
3. Ipulupot ang papel sa barbeque stick. Panatilihin ang tatsulok sa
gitna habang ipinupulupot.
4. Higpitan ang pagpulupot sa papel kung nais na maging matibay ang
beads.
5. Kapag tapos na ipulupot, pahiran ng pandikit ang kabilang dulo ng
tatsulok.
6. Lagyan ng varnish upang kumintab at hayaang matuyo.
Siguraduhing magsuot ng protective mask upang hindi malanghap
ang varnish.
7. Suriin ang nilikhang sining gamit ang rubrik.
11
Higit na
Nasusunod ang Hindi nasusunod
nasusunod ang
hakbang sa ang hakbang sa
hakbang sa
Mga Sukatan paggawa ng paggawa ng paper
paggawa ng paper
paper beads beads
beads
5 3 1
1. Nakabuo ng paper
beads higit sa lima
2. Gumamit ng lahat ng
kagamitan sa paggawa
ng paper beads
3.Nakikita ang
malikhaing paggamit
ng mga hakbang sa
paggawa ng paper
beads
4. nakikita ang
pagsusumikap ng mag-
aaral na makagawa ng
paper beads

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga kagamitan sa paggawa ng 3D-Art na nasa ibaba. Isulat
ang sagot sa patlang.

1. _____________
(maja7777 2020)

2. _____________
12
(Ferguson, 2011)
3. _____________
("Free Stock Photos - Pxhere"
2017)

4. _____________

(Calkins n.d.)

5. _____________
(Crisco 2015)

6. _____________
https://www.piqsels.com/en/public-domain-photo-fktyj.

7. _____________

(oneVillage Initiative. 2010)

Gawain 2
Panuto: Isulat sa tamang arrow ang wastong pagkasunod-sunod sa paggawa ng
paper beads. Nasa loob nga kahon ang mga hakbang.

 Higpitan ang pagpulupot sa papel kung nais na maging matibay


ang beads

 Lagyan ng varnish upang kumintab at hayaang matuyo.


Siguraduhing magsuot ng protective mask upang hindi
malanghap ang varnish.

 Ipulupot ang papel sa barbeque stick. Panatilihin ang tatsulok sa


gitna habang ipinupulupot.

 Gumupit ng mga hugis tatsulok mula sa makukulay na papel o lumang


magasin na may 1” by 4“ (2.5cm x10cm) na tatsulok. 13
 Kapag tapos na ipulupot, pahiran ng pandikit ang kabilang dulo
ng tatsulok.

 Lagyan ng glue o pandikit ang magkabilang dulo ng tatsulok.

1 2 3

4 5 6

Gawain 3
Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga kagamitang
makikita sa sariling silid-aralan o pamayanan na maaring gamitin sa
paggawa ng 3 dimensiyonal craft na paper beads?

Isaisip

Ang natutunan ko sa araling ito ay ________________________________________________


__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

14
Isagawa

Panuto: Gumawa ng dalawang paper beads; maaaring kuwintas at pulseras gamit


ang wastong kagamitan at hakbang sa paggawa nito.

Rubrik para sa paper bead

Nakasunod sa
Nakasunod sa Hindi
pamantayan subalit
pamatayan nang nakasunod sa
Mga Sukatan may ilang
higit sa inaasahan pamantayan
pagkukulang
5 1
3
1.Nakagawa ako
ng desinyo
ayon sa pinag-
aralan
2.Naipakita ko
ang
pagkamalikhain
sa paggawa ng
likhang -sining
3.Naisasagawa ko
nang buong
husay at
malinis ang
ginawang mga
paper bead

4.Naibabahagi ko
ang sariling
likha sa
kapangkat

6
CO_Q4_Arts 5_Module1
15
Tayahin

I. Panuto: Kilalanin ang mga kagamitan sa paglikha ng 3-Dimensional craft paper


beads. Tambalin ang salita na nasa Hanay A sa kagamitan na nasa Hanay
B. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
1. Ang mga kuwintas, pulseras, hikaw, at
singsing ay tinatawag na pansariling ____. a. varnish

2. Ang sining ay maaring makatulong sa


pagpapayaman ng kakayahan at ______. b. Paper beads

3. Ang pangunahing gamit sa paggawa ng


paper beads ay ____________. c. Makukulay na
papel o
magasin
4. Ang mga ________ay likhang-sining na
ginagamitan ng mga pinulupot na papel na d. kabuhayan
may iba’t ibang hugis at kulay.
5. _______ang ilagay upang kumintab ang
gawang paper beads. e. palamuti

II. Panuto: Hanapin at bilugan ang mga nakatagong salita sa puzzle na mga
kagamitan na ginagamit sa paggawa ng paper beads. Isulat sa ibaba ang
mga nabuong salita.

V S T I C K M R E T
A Y G U N T I N G A
R D T U P M A S K N
N J G T Y U J H G G
I P A N D I K I T S
S B O R L O L O Y E
H G H U P O L U I J
M A G A S I N Q A G

1.___________________ 3. _______________ 5. ____________ 7. _______________

2.___________________ 4.________________ 6._____________ 8. _______________


16
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang bracelet na paper beads. Sundin ang wastong


hakbang sa paggawa nito.

Sagutin ang tanong nang buong katapatan. Lagyan ng tatsulok ( ) ang


hanay na iyong naisagawa.

Oo Hindi Ilan lang


Nakasunod ba ako sa
hakbang ng paggawa ng
bracelet na paper
beads?
Naayos ko ba ang
paggawa ng bracelet na
paper beads?
Naging malikhain ba
ako sa aking paggawa
nito?
Nagawa ko ba ito ng
malinis?

8
CO_Q4_Arts 5_Module1
17
Physical
Education
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Polka sa Nayon

18
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang pagsasaalang-alang ng antas


ng iyong kaalaman at kakayahang matuto ng mga kasanayan na nakapaloob sa
modyul na ito. Saklaw nito ang pamamaraan at kasanayan sa pagsayaw ng Polka sa
Nayon na maaaring magamit mo sa pang-araw-araw at iba pang sitwasyon sa pag-
aaral.

Ang mga aralin ng modyul na ito ay mga likas na pagkilos ng katawan na


inayos batay sa mga bagay na dapat mong matutuhan upang makatulong sa
pagpapaunlad o pagpapanatili ng magandang fitness ng iyong katawan bilang isang
mag-aaral.

Nakatuon and modyul na ito sa apat na mga aralin:


• Aralin 1 – Introduksiyon sa Katutubong Sayaw: Polka sa Nayon
• Aralin 2 – Polka sa Nayon: Mga Hakbang Pansayaw. Ating Alamin!
• Aralin 3 – Polka sa Nayon: Halina’t Sayawin!
• Aralin 4 – Polka sa Nayon: Pagyamanin Natin!

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahan na malinang


ang Most Essential Learning Competency (MELC) na:

1. explains the nature/background of the dance Polka sa Nayon


(PE5RD-IVb-h-3);
2. executes the different skills involved in the dance (PE5RD-IVc-h-4);
at
3. recognizes the value of participation in physical activities
(PE5PF-IVb-h-19).

1
CO_Q4_Physical Education5_Module1
19
Subukin

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga ibinigay na pagpipilian. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang nagpakilala ng sayaw na Polka sa Nayon sa mga Pilipino?


a. Hapon c. Kastila
b. Amerikano d. Koreano

2. Ano ang kasuotan ng lalaki sa sayaw na Polka sa Nayon?


a. tsaleko c. pang-etniko
b. barong tagalog d. bahag

3. Ano ang kasuotan ng babae sa sayaw na Polka sa Nayon?


a. Maria Clara o Balintawak style
b. gown o pangkasal na kasuotan
c. Patadyong at kamisa na may abaniko
d. pang-etnikong kasuotan

4. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy kung paano nakatutulong


sa ating katawan ang pagsasayaw maliban sa _____?
a. napapalakas at napapalusog ang katawan
b. nagiging masaya at nalilibang
c. napapabuti ang tindig at sirkulasyon ng dugo
d. nagdudulot ng pagod at sakit

5. Alin sa mga istilo o hakbang ang HINDI batayan sa pagsasayaw ng Polka


sa Nayon?
a. polka c. cha-cha-cha
b. heel-toe polka d. gallop

B. Panuto: Isulat ang Tama kung ang sumusunod na pahayag ay totoo at Mali
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Ang Polka sa Nayon ay isinasayaw na may kapareha.


_______2. Ang musika ng Polka sa Nayon ay nasa ritmong tatluhan.
_______3. Isinasagawa ng buong ingat ang mga hakbang sa
pagsasayaw.
_______4. Ang Jaleo at Closed Ballroom ay mga posisyong ginagamit sa
sayaw na Polka sa Nayon.
_______5. Ang sayaw na Polka sa Nayon ay nagsisimula sa saludo.
20
Introduksiyon
ARALIN 1 sa Katutubong Sayaw:
Polka sa Nayon
Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang pagkakaroon ng iba't ibang mga katutubong
sayaw mula sa iba't ibang mga rehiyon ng bansa. Sa araling ito ay matututuhan mo
ang isa sa mga katutubong sayaw na bahagi ng kultura, tradisyon, at
pagkakakilanlan ng mga grupo ng tao lalo na ng mga Batangueño.

Balikan

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot para sa mga larawan ng bawat bilang.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Cariñosa kasuotang pambabae

Tinikling kasuotang panlalaki

hakbang ng paa sa pagsayaw kaliwang lukso

1. 2.

3. 4. 5.

21
Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Ito ay mga halimbawa ng katutubong


sayaw na bahagi na ng ating kulturang Pilipino. Pamilyar ka ba sa mga sayaw na
ito? Alin sa mga halimbawang katutubong sayaw ang napag-aralan mo na? Nasayaw
mo na ba ito? Alin ang hindi pa?
Isa sa mga sayaw na ito ang pag-aaralan natin na hindi pa natalakay sa
nakaraang markahan. Ang sayaw na ito ay ang Polka sa Nayon.

22
Suriin

Polka sa Nayon

Ang Polka sa Nayon ay isa sa mga katutubong sayaw na


literal na nangangahulugang "polka in the village". Ito ay
ipinakilala sa Pilipino ng mga Kastila. Ang mga Batangueños
(mga tao ng lalawigan ng Batangas) ay lumikha ng kanilang
sariling bersyon ng polka na tinawag na Polka sa Nayon na
naging tanyag noong 1950s.
Sinasayaw ang Polka sa Nayon sa timog lalawigan ng
Batangas, Mindoro at Quezon. At sa pagdaan ng panahon,
narating ang pagkakakilanlan nito sa hilagang lalawigan ng
Bulacan at Bataan. Ito ay mas naging kilala pa sa iba’t
ibang bahagi ng bansa dahil sinasayaw ito sa mga
malalaking pagdiriwang tulad ng mga piyesta,
malaking pagtitipong sosyal at iba pa.

Kasuotan:

Babae - Maria Clara o balintawak na may tapis at


malambot na pañuelo na linalagay sa kaliwang balikat;

Lalaki - Barong Tagalog o Camisa de Chino at anumang


makukulay na pantalon.

Bilang: isa (1), at dalawa (2) sa isang sukat

Musika: may tatlong (3) bahagi: A, B at C (Aneks D) at ito ay


nasa ritmong 24

Kung gagamitin sa pagtatanghal (demonstration)


ang sayaw na Polka sa Nayon, ang mga mananayaw
ay maaaring pangkatin ng set na may apat (4) na
pareha. Iaayos ito ng hugis parisukat na ang bawat
pareha ay nasa sulok o di kaya ay sa kaayusang
longways. Kung ito naman ay gagamitin sa kaayusang
pambulwagang sayawan, ang mga pareha ay maaaring
humarap sa iba’t ibang direksyon at nakakalat sa
bulwagan.
23
Ang kalidad ng pagsasayaw ng Polka sa Nayon ay nakasalalay sa mga
katangiang pisikal at kasanayan o sangkap ng skill-related fitness na nasasakop ng
mga mananayaw. Ang mahusay na koordinasyon, kakayahang magbalanse sa
paggalaw, pagtayming o reaction time, bilis at liksi ay mga sangkap ng skill-related
fitness na may kaugnayan sa kaangkupang pisikal na makatutulong sa iyo upang
mapagbuti ang pagsayaw.

Ang pagsasayaw katulad ng sayaw na Polka sa Nayon ay nakatutulong din


para:
• mapabuti ang iyong tindig at kahutukan,
• mapabuti ang kalagayan ng ating puso at baga,
• maging maayos ang sirkulasyon ng dugo,
• mapalakas ang buto at maiwasan ang peligro ng osteoporosis,
• mapaganda ang pangangatawan,
• makapagpasaya at makapaglibang.

Batay sa Philippine Physical Activity Pyramid (PPAP), ang pagsasayaw


ay isa sa mga gawain na hinihimok at inirekomenda para sa lahat na gawin
upang manatiling malusog ang pangangatawan. Maaaring gawin ito 4-6 beses
sa isang linggo.

Pagyamanin

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng ibinigay
na kahulugan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PLKAOASONYNA
___________________ 1. literal na nangangahulugang “polka in the village”

STANBGAA
___________________ 2. lugar kung saan ginawa ang bersyon ng sayaw na Polka
sa Nayon

KATBLIANAW
___________________ 3. kasuotan ng babae

OBNARGGOTLAGA
___________________ 4. kasuotan ng lalaki

TSALAKI
___________________ 5. nagpakilala ng sayaw na Polka sa Nayon sa mga
Pilipino 24
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Punan ang mga bilog batay sa tinutukoy nito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

kahulugan: mga
kasuotan:

Polka
Sa
nagpakilala
Nayon taon
sa mga
Pilipino: naging
tanyag:

bilang ng
ritmo ng
musika:

B. Panuto: Punan ang mga bilog ng mga magagandang dulot ng pagsasayaw. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Magagandang
Dulot ng
Sayaw

25
Health
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Pangunang Lunas

26
Alamin

Isa sa mga tungkulin ng tao ay ang makapagligtas ng kapwa mula sa


pakikipaglaban sa buhay at kamatayan. Sa pamamagitan ng modyul na ito,
matututunan ang tamang kaalaman at kasanayan sa pangunang lunas. Nakapaloob
din sa modyul na ito ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan na maaaring
magamit mo sa pang-araw-araw o sa anumang sitwasyon na kailangan upang
makapagligtas ng buhay at maagapan ang anumang pinsala o kapansanan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahan na malinang


ang Most Essential Learning Competency (MELC) na:

1. explains the nature and objectives of first aid (H5IS-lVa-34)

1
CO_Q4_Health5_Module1
27
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang __________ ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga at


pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
A. pangunang lunas
B. pagpapanatili ng buhay
C. pagtaguyod sa paggaling
D. pananggalang sa sarili

2. Sino sa mga sumusunod ang maaring magsagawa ng first aid o pangunang


lunas?
A. doktor na may aparato
B. nars na may mga dalang gamot
C. guro na may sapat na kasanayan
D. karaniwang tao na may wastong kaalaman

3. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing suriin bago magsagawa ng


pangunang lunas?
A. pagdaloy ng dugo sa katawan
B. daanan ng hangin
C. buga ng hangin
D. pagdurugo

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat bigyan ng pangunang


lunas?
A. natutulog
B. nasugatan
C. nawalan ng malay
D. nabalian ng buto

5. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong may balinguyngoy o
nagdurugo ang ilong?
A. imasahe ang ilong ng pasyente
B. painumin ng maraming tubig
C. takpan ang ilong nga bendahe
D. painumin kaagad ng gamot

2
CO_Q4_Health5_Module1
28
6. Mahalaga ang pagbibigay ng pangunang lunas sa taong nangangailangan
upang __________?
A. maging sikat
B. maisalba ang buhay
C. makatulong sa mga doktor
D. masigurado ang bisa ng gamot

7. Kung ang panlunas sa nagtatae na ABC ay Abocado Bayabas Caimito, sa first


aid ito ay nangangahulugang __________?
A. Animal Bite Center
B. Anemia Blood Causes
C. Airway Breathing Circulation
D. All Body Masses

8. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing layunin ng pangunang


lunas maliban sa isa?
A. Pagbigay ng gamot
B. Pagpapanatili ng buhay
C. Pagtaguyod sa paggaling
D. Pag-iwas sa paglala ng pinsala

9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagsasaad ng tama ukol


sa pangunang lunas?
A. Ang pangunang lunas ay maari ding ibigay sa mga hayop
B. Ang pangunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang
buhay
C. Dapat na unahing suriin ang daanang hangin sa pagbibigay ng
pangunang lunas
D. Kinakailangang gamitan ng natatanging aparatong panggamot ang
pagbibigay ng pangunang lunas

10. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong nalason ng
pagkain?
A. painumin ng maraming tubig at magpahinga
B. kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya
C. painumin ng maligamgam na tubig na may lemon o kalamansi at asukal
D. Lahat ng nabanggit

3
CO_Q4_Health5_Module1
29
Aralin

1 Pangunang Lunas

Lahat tayo ay may pananagutan sa isa’t isa. Tungkulin natin ang maging handa
sa pagliligtas sa kapwa tao mula sa pakikipaglaban sa buhay at kamatayan. Ang
kaunting kaalaman sa pangunang lunas ay makaliligtas ng buhay.

Balikan

Panuto: Piliin ang mga kahon na tumutukoy sa tulong o lunas na pwede maibigay
sa taong may sakit o napinsala? Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno
sa MAPEH.

Painumin ng soft Punasan ng basang


drinks tatlong beses bigyan ng tuwalya ang
sa isang araw ang maraming pera katawan ng may
maysakit. lagnat.

dalhin sa Painumin ng
pinakamalapit na angkop na gamot
ospital ang may
karamdaman.

Tuklasin

Tingnan ang mga larawan. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan? Paano
ito makatutulong sa tao? Naranasan mo na bang makatulong sa kapwa mo?

30
Abracia, n.d.
Suriin

Ang pangunang lunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong,


kalinga at pangangalaga sa mga taong napinsala dahil sa sakuna o karamdaman.

Ang tatlong pangunahing mga layunin ng pangunang lunas na mas kilala


bilang 3 P (tatlong P) ay ang mga sumusunod:

• Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)


• Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa
paglala ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)
• Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng


Pangunang Lunas

Airway – Ang daanan ng hangin/Ang daanang


panghininga/Ang daanang-hingahan. Dapat unahin suriin at
subuking lutasin ang mga suliraning may kaugnayan sa
daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente.

Breathing – Buga ng hangin


Bantayan ang katangian ng paghinga.

Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan


Suriin at subukin sugpuin ng tagapaglunas ang anumang
suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon
(pagdaloy at pag-ikot ng dugo sa katawan.)

Abracia, n.d.

31
Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Iguhit ang hugis __ sa mga sitwasyon na
nagpapakita ng kasanayan sa pagbibigay ng pangunang lunas at hugis __
naman kung ito ay hindi nagpapakita. Ilagay ang iyong sagot sa isang
malinis na papel.

______1. Unahing suriin ang daanang hangin sa pagbibigay ng pangunang


lunas.
______2. Suriin at subuking sugpuin ang anumang suliranin at pinsala na
may kaugnayan sa sirkulasyon.
______3 Gumamit ng natatanging aparatong panggamot ang pagbibigay ng
Pangunang lunas.
______4. Ang pangunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang
buhay.
______5. Pagbibigay ng gamot ang pangunahing layunin ng pangunang lunas.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Ano ang pangunang lunas (first aid)?


2. Ibigay ang tatlong pangunahing layunin ng pangunang lunas? Ipaliwanag
ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang matutunan natin ang mga pangunahing kasanayan sa
pagbibigay ng pangunang lunas?

6
CO_Q4_Health5_Module1
32
Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang mga nasa larawan. Ihanay ang layunin sa bawat sitwasyon
at ipaliwanag ang bawat kahalagan nito. Isulat ang inyong pagpapaliwanag
sa ikatlong kolum.

Abracia, n.d.

Kolum A Kolum B Kolum C


(Sitwasyon) (Layunin) (Kahalagahan)

1. Sugat sa paa at a. Pagtataguyod sa


a.
kamay paggaling

2. Taong nalunod sa b. Pagpapanatili ng


b.
baha buhay

c. Pag-iwas mula sa
pagkakaroon ng mga
3. Taong nabali ang dagdag na pinsala o
c.
buto sa paa pag-iwas sa paglala
kapinsalaan o
karamdaman

33
Tayahin

A. Panuto: Itugma ang nasa Hanay A sa nasa Hanay B. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Breathing a. Ang daanan ng hangin

2. Circulation b. Buga ng hangin

3. Airway c. Pagbibigay ng pangunang tulong, kalinga


at pangangalaga sa mga taong napinsala
dahil sa sakuna o karamdaman

4. Pangunang Lunas d. Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa


katawan

5. Preserve life e. Pagpapanatili ng buhay

f. Pagtataguyod sa paggaling

B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang unang mabisang gawin sa tuwing magbibigay ng pangunang lunas.


a. maging ligtas c. maging masaya
b. maging malusog d. maging malinis

2. Ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga


taong napinsala ng sakuna o karamdaman ay tinatawag na __________.
a. pagsagip c. pangunang lunas
b. pangangalaga sa kalusugan d. paggamot sa maysakit

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kasanayan sa pangunang


lunas?

a. b. c. d.

4. Kung ikaw ay nasa ligtas na lugar, ikaw ay manatili at ________ ng


pangunang lunas.
a. magsimula c. magturo 34
b. mag-aral d. huminto
5. Ang kaalaman sa mga kasanayan sa pangunang lunas ay mahalaga upang
_____
a. mabigyan ng maraming pera
b. makatulong at makasagip ng buhay
c. magkaroon ng maraming kaibigan
d. maging kilala sa lipunan

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng limang magagawang tulong sa mga sanggol at matatanda na


biglang nagkasakit o napinsala. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________

9
CO_Q4_Health5_Module1
35

You might also like