You are on page 1of 33

Pagsunod sa Batas Pambansa at

Pandaigdigan Tungo sa
Pangangalaga Kapaligiran
ESP 6 Q3 W7 D1-5
Day 1

Panimula
O

Maraming paraan ang maari nating gawin


upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.
Ang pinakamahalaga ay ang pagsunod natin sa
mga batas na ipinapatutupad ng ating
pamayanan, bansa at pandaigdigan hingil dito.
Dapat natin itong sundin upang maiwasan ang
tuluyang pagkawasak nito at mapanatiling
malinis at maganda para sa maunlad,
mapayapa at mapagkalingang pamayanan.
Panimulang Gawain:
Magandang buhay mga anak!

Sinong liban sa klase ngayong


araw?
Tunghayan ang mga sumusunod na larawan
at magbigay opinyon sa makikita.
Sagutin ang mga tanong:
a.Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Ano ang naramdaman mo sa
b.
ipinakitang larawan? Bakit?
c.Sa kasalukuyan, ganito pa rin ba
kaganda ang mga ito? Ipaliwanag.
Sagutin ang mga tanong:

d. Sa iyong palagay, ano


ang kahalagahan na
naidudulot ng magandang
kapaligiran? Bakit?
Alam in N at in

Basahin ang artikulo tungkol sa


pangangalaga ng kalikasan
 

PD 705 o “Revised Forestry


Code”
Ang Presidential Decree 705 ay patungkol sa
pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa
Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang
epektibong pangangasiwa ng mga lupain at
yamang-lupa sa bansa at kabilang dito ang
pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain
upang malaman kung anong uri ng
pangangalaga ang dapat ilaan para dito.
Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas
ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng
kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin ang
pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga
kompanyang puputol ng puno. Ang tinukoy
bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay
ang Bureau of Forest Development. Ang
batas na ito ay inaprubahan noong Mayo 1975.
Batas Ukol sa Selective Logging
Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang
batas ukol sa selective logging o o ang
pagpili lamang sa kung anong puno ang
maaaring putulin at kung ano ang dapat
iwanan. Ayon sa batas na ito, ang mga
punong maaaring putulin ay yaong mga
punong mayroon dyametrong 60 cm(sa
bahagi ng puno na kasingtaas ng dibdib ng
tao).
Sa paraang ito, hindi tuluyang
makakalbo ang lupain, sa siyang
tutulong sa pananatili ng
magandang kondisyon ng lupa at
para makaiwas sa pagguho ng
lupain. Ang PD 705 ay inaprubahan
noong Mayo 1975.
a. Tungkol saan ang binasa?
b. Ano ang gustong ipahiwatig ng
PD 705 o Revised Forestry Code?
c. Sa inyong palagay, bakit nagtakda
ang pamahalaan ng mga batas
hinggil sa pangangalaga sa
kapaligiran?
d.Bilang isang mag-aaral, sang-
ayon ka ba sa batas na ito? Bakit?
e.Ano kaya ang mangyayari sa
ating kapaligiran kung hindi natin
pinahalagahan ang ating kalikasan?
f.Anong pagpapahalaga ang inyong
natutunan sa araw na ito?
Tandaan Natin

“Kalikasan ay Ating Pag-


ingatan Upang Kalamidad
ay Maiwasan”
Day 2
Balik-aral
a. Ano ang tinalakay natin kahapon?
b. Anong pagpapahalaga ang napulot mo
tungkol sa kapaligiran?
c. Paano ito nakaiimpluwensya sa iyo
bilang mag-aaral. Ipaliwanag.
Pagpaparinig ng awiting

“Masdan Mo Ang
Kapaligiran”
https://www.youtube.com/watch?v=3EKS
KMwHMy
Pangkatang Gawain
O Pangkat I: Gumawa ng isang skit na
nagpapakita kung ano ang
Kasalukuyang nangyayari sa kapaligiran
O Pangkat II: Gumawa ng poster kung
paan mapangangalagaan
ang kalikasan
OPangkat III: Maglista ng mga bagay
na nagpapakita ng
pagmamahal sa kapaligiran.
OPangkat IV: Gumawa ng isang sulat
para sa mga kabataan na
naglalayong hikayatin ang kanilang
kapwa para makiisa sa
mga programang pangkalikasan.
PAMANTAYAN      

   
   

1. Linaw ng Naipapahayag Naipapaha Hindi


pagpapaha nang yag nang malinaw na
yag ng napakalinaw malinaw naipahayag
kaalaman ang kaalamang ang ang
nais iparating kaalamang kaalamang
nais nais
iparating iparating
2.Pakikiisa Lahat ng kasapi 2 kasapi ng 3 o higit pa
ng pangkat ay pangkat kasapi sa
nakilahahok sa ang hindi pangkat
gawain. nakilahok ang hindi
sa gawain nakilahok.
TALAKAYAN
a. Ano ang naramdaman ninyo pagkatapos ng
inyong gawain?
b.Ano ang nais ipahiwatig ng Pangkat I? Pangkat
II, Pangkat III? Pangkat IV?
c. Ano ano ang epekto ng mga ito sa iyong
lipunang ginagalawan? Magbigay ng
halimbawa?
d.Papaano ninyo susundin ang mga batas
pangkalikasan?

Day 3 Isapuso Natin

1. Magpakita ng video clip ng


balita
Ohttps://www.youtube.com/watc
h?v=T-M68bKOZQw
Talakayan

a. Tungkol saan ang video clip na iyong


napanood?
b. Pagkatapos mong mapanood ang
balita, ano ang naramdaman mo?
c. Ano ang naging bunga ng paglilinis
ng mga kabataan sa ilog?
Talakayan
d.Kung bibigyan ka ng pagkakataon,
gagawin mo rin ba ng ginawa ng mga
kabataan katulad ng iyong napanood?
Bakit?
e.Mahalaga ba na sundin ang mga
batas pangkalikasan? Bakit?
Gumawa ng simpleng poster

O“Kalikasan ay Ating
Pag-ingatan Upang
Kalamidad ay
Maiwasan”
Takda
OKapanayamin ang isang
opisyal ng inyong barangay
ukol sa pagpapatupad ng batas
sa pangangalaga ng
kapaligiran.
Day 4 Isabuhay Natin

Gamit ang inyong papel, gumawa ng pangako sa pagsunod


sa batas para sa pangangalaga sa kalikasan.
O Ako si _______________________ nasa
ika-anim na baitang. Nakatira sa
__________________ ay nangangakong
tutupad sa batas pangkalikasan
upang______________________________
__________________________________
__________________________________.
1. Tumawag ng ilang mag-
aaral upang ibahagi ang
kanilang ginawang pangako.
2. Iproseso ang kanilang
ginawa.
CLOSURE

“Kalikasan ay Ating
Pag-ingatan Upang
Kalamidad ay
Maiwasan”
Day 5 SubukinNatin
Maglagay ng salita o mga salitang
naaangkop upang magkaroon ng isang
maayos at naaayon na pangungusap.
1. Ang pagputol ng mga maliliit na puno ay
nagpapakita ng isang __________________.

2. Ang _______________ ay isang paraan ng


pagmamahal sa kapaligiran.
3. Upang hindi masira ang ozone
layer, ang mga tao ay nararapat
lamang na tumigil sa
_______________.
4. Ang pangingisda ay dapat
ginagamitan ng
__________________.
5. Ang mga puno ay nakakabawas ng
polusyon sa hangin, kung kayat
________________.
CLOSURE

“Kalikasan ay Ating
Pag-ingatan Upang
Kalamidad ay
Maiwasan”

You might also like