You are on page 1of 11

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kalikasang Handog:
Pahahalagahan at
Pananagutan Ko!
Alamin

Ang Modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang malaman ang mga
pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at


pinagkukunang yaman. ( EsP6PPP-IIle-36 )
2. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan
at pinagkukunang yaman.
3. Naipaliliwanag ang mga pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang yaman.

Subukin
Ikaw ba ay may pagpapahalaga sa kalikasang nagbibigay buhay at kabuhayan?

Tara na! Subukin natin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsagot nito.

Isulat ang WASTO kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at DI – WASTO


naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pinapalitan ng mga taga-Sitio Mabuhay ang mga punong kahoy sa kagubatan


na ginagamit nila sa paggawa ng mga kasangkapan.
2. Pinapayagan ng Barangay Matiwasay ang pagkakaingin sa kanilang
kabundukang nasasakupan.
3. Mahigpit na pinagbabawalan ang mga mangingisda sa paggamit ng dinamita.
4. Dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig ay ginagamit pandilig sa halaman ni
Ella ang pinag-unaban ng bigas.
5. Sa tuwing pupunta ng palengke si Aling Nida ay may dala-dala siyang bayong
upang maiwasan ang paggamit ng plastik.
6. Nakasanayan na ng pamilya ni Erik ang pagbubukod ng mga basura mula sa
nabubulok at di-nabubulok.
7. Sumama si Lina at ang kaniyang mga kaibigan sa Tree Planting Program ng
kanilang barangay.

1
8. Tuwing araw ng Sabado ay itinatapon ni Marissa ang kanilang basura sa
katabing ilog.
9. Gumawa ng compost pit si Mang Ruben sa kanilang bakuran upang gawing
pataba ang mga nabubulok na basura.
10. Patuloy ang pagmimina nila Mang Pedro sa kuweba ng walang pahintulot sa
kinauukulan.

Aralin Kalikasang Handog:


Pahahalagahan at
1 Pananagutan ko!

Bilang isang bata at mag-aaral, ano ang pagpapahalagang ginagawa mo o


pananagutan para sa kalikasan?

Ang ating bansa ay napaliligiran ng iba’t ibang yaman ng kalikasan. Mayroong mga
kabundukan, karagatan, ilog at mayabong na kapatagan. Dahil dito ito ang
pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga kapwa Pilipino.

Sa paglipas ng panahon dahil sa kawalan ng pagpapahalaga at pananagutan sa


kalikasang nagbibigay kabuhayan, ito ay unti-unting nasisira at nauubos na.
Masyadong inabuso sa mga bagay o gawain na hindi tama.

Kailan tayo gigising at mababahala? Dapat ngayon na!

Huwag na nating hintayin na ang kalikasang ating pinagkukunan ng kabuhayan ay


tuluyan ng magpapaalam.

2
Balikan

Ano-ano ang mga mabubuting katangiang naging susi sa pagtatagumpay ng mga


Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Mga Mabubuting Katangiang naging Susi sa Pagtatagumpay


ng mga Pilipino

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa
ikaanim na baitang upang maging isang responsableng bata sa
pagkakaroon ng pagpapahalaga at pananagutan sa kalikasang
pinagkukunan ng yaman.

3
Tuklasin

Nakakita ka na ba ng malawak na dagat, na kung saan ay pangingisda ang


pangunahing hanap-buhay?

Ano ang iyong pakiramdam?

Ito si Kapitan Roy. Ang bida sa ating kuwento.

Halika’t samahan mo akong tuklasin kung paano


siya nakatulong sa pagbabago sa buhay at
kalikasan sa Sitio Maligaya sa kuwentong
babasahin natin na may pamagat na “Dating
Paraiso “

Dating Paraiso
ni Marlon D. Paguio

Isa ang Sitio Maligaya sa nabiyayaan ng magandang kalikasan na napaliligiran ng


mayamang karagatan. Dahil dito ang pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay
ng mga taga roon. Ngunit sa paglipas ng ilang taon unti-unti ng napupuno ng mga
basura ang ilang bahagi ng karagatan. Dahil may mga residente na nagtayo ng
kanilang tirahan malapit sa dagat. At doon na mismo nila itinatapon ang kanilang
basura. May mga mangingisda rin na tila di na alintana ang epekto ng paggamit ng
dinamita makahuli lang ng maraming isda.

Hanggang sa dumating ang isang araw na may bago ng nahalal na kapitan sa Sitio
Maligaya, si Kap Roy. Bago pa man nahalal na kapitan si kap Roy ay kilala na siya
sa kanilang sitio na siya ay mayroong malasakit at pagpapahalaga sa kalikasan.
Kaya sa unang araw ng trabaho niya bilang kapitan ng kanilang sitio ay ipinatawag
niya ang lahat ng kaniyang nasasakupan. Sa kanilang pagpupulong ay agad
minungkahi ni Kap Roy ang proyektong “ Ibalik ang paraiso sa Sitio Maligaya ”.

4
Marami ang nagulat sa mungkahi niyang ito ngunit agad naman pinaliwanag ito ni
kap Roy sa kaniyang mga nasasakupan. “Mga kasama hindi ba tayo nababahala na
unti-unti ng nasisira ang ating karagatan, dahil sa mga maling gawain tulad ng
pagtatapon ng mga basura at paggamit ng dinamita sa pangingisda? Kung hindi tayo
magtutulungan ay patuloy na masisira ang ating kalikasan at mawawalan ng hanap-
buhay ang ating mga mangingisda.” Wika ni Kap Roy sa kaniyang mga nasasakupan.
Matapos ang pagpupulong ay naghanda na ang lahat para sa proyektong “Ibalik ang
paraiso sa Sitio Maligaya”. Nagtulong-tulong ang mga naninirahan sa Sitio Maligaya
na linisin at panatilihin ang kalinisan sa kanilang lugar. Ganoon din ang mga
mangingisda ay hindi na gumamit ng dinamita bagkus ay lambat na muli ang gamit
nila.

Di kalaunan ay bumalik na ang dating ganda ng paraiso ng Sitio Maligaya. Sa


tulong ni kap Roy at ng kaniyang mga nasasakupan ay pinatunayan nila na sila ay
may pagpapahalaga at pananagutan sa pinagkukunang-yaman.

Nagustuhan mo ba
ang ating maikling
kuwento?

Naunawaan mo ba ang kuwentong iyong binasa? Sagutin mo ang mga sumusunod


na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang bagong kapitan ng Sitio Maligaya?


2. Ano ang pangunahing suliranin sa Sitio Maligaya?
3. Anong proyekto ang minungkahi ni Kap Roy?
4. Kung ikaw si Kap Roy iyon din ba ang iyong magiging mungkahi?
5. Paano ipinakita ng mga taga–Sitio Maligaya ang kanilang pagpapahalaga at
pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman sa kanilang lugar sa
pangunguna ni Kap Roy?

5
Suriin

Ano ang ipinapakita ng larawan sa itaas?

Ito ba ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pananagutan sa pinagkukunang-yaman?

Malaki ang naitutulong ng likas na yaman sa ating mga pang-araw-araw na gawain.


Kalakip nito ay ang mga kabuhayan na pinagkaloob sa atin. Hindi masama na
gamitin at linangin natin ang kalikasan sa mga bagay na makapagpapaunlad. Ngunit
ito ay mayroon ding hangganan kung ito ay hindi natin pahahalagahan.

Bilang isang mag-aaral sa mga simpleng pamamaraan ay mapahahalagahan natin


ang ating pinagkukunang-yaman. Sa simpleng pagtatapon sa tamang basurahan ng
mga nabubulok at di-nabubulok, sa pagtitipid sa paggamit ng koryente at tubig, sa
pagreresiklo ng mga iba pang materyal na pupuwede pang magamit sa ibang bagay
na magiging kapakipakinabang at marami pang iba.

Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga at pananagutan sa pinagkukunang-yaman ay


makapagsasalba sa kalikasang unti-unti ng nasisira dahil sa kapabayaan, pag-
abuso at maling paggamit nito.

Ikaw mayroon ka bang pagpapahalaga at pananagutan sa pinagkukunang-yaman


na nagbibigay kabuhayan?

Tara na! Sa sarili natin magmumula ang pagpapahalaga at pananagutan para sa


ating inang kalikasan.

6
Pagyamanin

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung ito ba ay nagpapakita ng


pagpapahalaga at pananagutan sa pinagkukunang-yaman at kung hindi naman
gamit ang 2-3 pangungusap isulat kung paano ito mapapahalagahan at
mapapanagutan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

7
Isaisip

Ano-ano ang iyong natutuhan sa ating aralin? Gawin ang mga sumusunod na
gawain sa iyong sagutang papel.

A. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at


pinagkukunang-yaman? Punan ang tsart sa ibaba.

Mga Pagpapahalaga at
Pananagutan sa
Kabuhayan at
Pinakukunang-yaman

B. Bakit mahalaga na magkaroon ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan


at pinagkukunang-yaman?

Mahalaga na magkaroon ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at


kalikasan dahil

Isagawa

Pagsulat ng tula. Sumulat ng simpleng tula tungkol sa pagpapahalaga at


pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

8
Karagdagang Gawain

Gamit ang isang type writing gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng


pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang – yaman.
Maari mong yayain ang iyong nanay, tatay, o kahit na sinong kasama mo sa
bahay upang gawin ito.

9
Susi sa Pagwawasto

You might also like