You are on page 1of 23

PANALANGIN

PANUNTUNAN
 Pag nag sasalita ang guro dapat makinig ang lahat.
 Maging aktibo sa klase.
 Pag hindi tinawag ng guro wag mag sasalita.
 Pindutin ang raise hand button kapag may
katanungan.
 Gamitin lamang ang chatbox kung kinakailangan.
BALIK ARAL!
BALIK ARAL!

Ano nga ang leksyon nung nakaraan?

Halina’t Tangkilikin ang Kultura Natin


BALIK ARAL!

Anu-ano nga ang mga Pamanang


Kulturang Materyal?
Kwentong-bayan
Epiko
Pabula
Alamat
Parabula
Bugtong
Salawikain
BALIK ARAL!

Bakit kailangan pahalagahan ang mga


pamanang kulturang materyal?

Mahalagang pahalagahan at tangkilikin natin ang


mga pamanang kulturang materyal na minana pa
natin sa ating mga ninuno upang may ipapasa pa
tayo sa ating susunod na henerasyon.
Obserbahan ang litrato sa loob ng isang minute.
Aralin 12“Magkakaibang Kultura Daan para sa
Pandaigdigang Pagkakaisa”

Layunin.

Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang pangungusap na nagpapakita ng


pandaigdigang pagkakaisa;

b. Nakapagpapakita ng pakikilahok sa klase,at

c. Nakapagsulat ng pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura.


Simulan Natin

Ang panitikan, sining at laro ay mahalagang bahagi


ng kulturang kinagisnan.Lahat ng bansa ay may
sariling kulturang pinahahalagahan.Upang makilala at
maunawaan ang ibang bayan ay dapat na may sapat
na kaalaman sa kulturang kanilang kinagisnan.Ito ay
daan upang maunawaan na marami tayong
pagkakatulad kahit magkakaiba tayo ng kultura.
Simulan Natin

Ang kultura ang nagsisilbing salamin ng kasaysayan


at pagkakakilanlan ng isang bansa. Nakikilala ang
bansa sa natatangi nitong gawi, kilos,at galaw na
binubuo ng kulturang kaniyang kinagisnan. Sa
pamamagitan ng minanang kultura ay masusuri at
mauunawaan ang isang bansa.
Kwentong bayan

 Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan , mga damdamin, mga


karanasan,hangarin, at diwa ng mga tao sa pamamagitan ng pagsusulat. Ang sari-
saring anyo ngpanitikan ay naglalarawan sa kalinangan,kaisipan,at katalinuhan ng
lahing pinagmulan. Kabilang dito ang kwentong bayan.

 Ang pagbasa ng mga kwentong bayan mula sa ibang bansa ay daan upang
magkaroon ng kaalaman at kamalayan sa kulturang kanilang kinamulatan. Mula sa
aral ng mga kwentong ito ay mauunawaan natin na kahit magkakaiba tayo ng kultura
ay magkatulad tayo na may pagpapahalaga sa mabuti at tamang adhikain sa buhay.
Kwentong bayan

• Ang pabula na nagmula sa Tsina na pinamagatang”The


Tiger Finds a Teacher” ay may katulad na tema at aral sa
pabula na galing sa ating bansa na pinamagatang “ Si
Pagong at si Matsing”. Ang dalawang pabula ay may
parehong tema at aral na nagsasaad na dapat hindi
manlamang sa kapwa.
Katutubong Sayaw

• Ang katutubong sayaw ay isang anyo ng sayaw na binubuo


sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga tao.Ang katutubong
sayaw ay nagpapahayag ng ibat’t ibang saloobin at damdamin
ng mga mamayan mula sa bansang pinagmulan nito.

• Ang mga galaw at hakbang ng sayaw na ito ay bihirang


nababago at patuloy na ipinapasa sa susunod na mga
henerasyon. Ito ay isang libangan o seremonyal na sayaw na
karaniwang sinasayaw ng mga kasapi ng komunidad o bayan.
Katutubong Sayaw

• Ang mga katutubong sayaw na umiiral sa isang bansa ay mahalagang bahagi ng


kultura.Ang sayaw na ito ay maaring nagpapahiwatig ng ritwal, pamumuhay, libangan,
pagmamahal,pagkakakilanlan, at pagpapahalaga ng mga tao mula sa pinagmulang
bansa nito. Tulad nalamang ng “Sayaw sa Bangko” mula sa Pilipinas at “Circle Dance”
na nagmula naman sa bansa ng Arab, Greece, at Africa. Ang ganitong uri ng
katutubong sayaw ay nilikha upang magkaroon ng damdamin ng pagkakaisa at
pagkakakilanlan ng mga mamamayan.
Katutubong Awit

Ang katutubong awit ay sumsalamin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng


mga katutubo at mga mamamayan. Ang mga awiting ito ay nagkukuwento tungkol
sa mga katutubo, sa kanilang simpleng pamumuhay,at kung paano nila ginagawa
ang iba’t ibang gawain.Ang mga awit na ito ay nagpapahayag ng damdamin,
kaisipan, at kultura ng mga mamamayan. Ang katutubong awit tulad ng “Bahay
Kubo” mula sa ating bansa at “Hamabe no Uta” mula sa bansang Japan ay may
parehong tema tungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan.
Katutubong Laro

Ang katutubong laro ay isang mahusay na paraan upang


makintal ang pagiging makabayan. Nagdudulot ang mga larong
ito sa mga kalahok ng pakikiisa at pagtataguyod sa komunidad
na kinabibilangan. Ang mga larong ito ay isang tunay na bahagi
ng kultura ng isang bansa.
APLIKASYON

Tagubilin:Isulat sa papel ang inyong sagot.Dapat


ang inyong sagot ay hindi lalagpas sa limang
pangungusap.

Tanong: Paano ninyo maipapakita ang


pagpapahalaga sa ibat ibang kultura?
Tandaan Natin!

Malaki ang ginagampanang papel ng panitikan,sayaw,awit, at laro upang makilala


at maunawaan ang kultura ng ibang bayan. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa kultura
ng iba ay daan upang sila ay mas higit nating maintindihan at pahalagahan. Mula sa
pagsusuri ng kulturang banyaga ay natuklasan natin na sa kabila ng ating pagkakaiba
ay marami tayong pagkakatulad lalo na sa ating mga pinahahalagahan. Iba man ang
kultura at pamamaraan ng pagpapahayag natin ay iisa tayo ng adhikain tulad ng
pagmamahal sa bayan, kabutihan,pagtutulungan, at pakikiisa. Ang pagkilala at
pagpapahalaga sa banyagang kultura ay daan tungo sa pandigdigang pagkakaisa.
Pagsusulit

Google Form Link:


https://forms.gle/tsizFzJ6qf7TS5h4A
Takdang Aralin

Gamit ang internet magsaliksik kayo


ng mga Likas na Yaman sa ating bansa.
Ilista ninyo sa papel ang inyong
nasaliksik.

You might also like