You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 3

I. Layunin:
Pagkatapos ng apatnapu’t limang minutong talakayan, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a. maipakita ang papapahalaga sa iba’t ibang paniniwala sa
pamagitan ng paggalang sa mga ito;
b. makapaghinuha ng mga paraan upang mapanatili ang
kapayapaan at pagkakaintindihan; at
c. maipahayag ang pananaw tungkol sa paggalang sa iba’t ibang
paniniwala sa pamagitan ng isang sanaysay.

II. Paksang Aralin


Paksa: Iba’t ibang Paniniwala, Dapat Igalang
Konsepto: Ang paggalang sa iba’t ibang paniniwala ay isang
mahalagang kaugalian na dapat matutunanan ng bawat isa upang
mapanatili ang kaayusan at pagkakaintindihan ng lahat.
Mga Sanggunian:
Boncan, et al. Ako at Ang Aking Kapwa: Batayang Aklat sa Pagtuturo
sa Edukasyon sa Pagpapakatao, pahina 292-295
https://www.youtube.com/watch?v=lSvkaMY9SBw
Date Retrieved: February 25, 2021
Kagamitan :
Mga larawan
Powerpoint presentation
Video presentation
Method and Approach: Indirect and Constructivist.

III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
1. Panalangin (Interfaith Prayer)
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
b. Pagbabalik-aral (Noong nakaraan lingo ay tinalakay natin ang
tungkol sa mga gawain at mga paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa Diyos)
1. Magbigay ng isang paraan upang maipakita ang
paggalang sa Diyos.

c. Motibasyon (Read-Aloud)
a. Poem Presentation (Kapwa Ko by: Z. B Nemenzo)
IV. Pagtatalakay

a. Aktibiti (Guess a Picture)


1. Magpresenta ng mga larawan at magtanong kung anong
relihiyon ang sinisimbolo ng mga ito.

Mga larawan:

b. Analisis
1. Iproseso mga nakuhang sagot sa aktibiti.
2. Ilahad ang bagong paksa at ihanda ang talakayan.
3. Magtanong (hot questions and activate prior knowledge)
tungkol sa bagong paksa.

c. Abstraksiyon
1. Ilahad ang mga bagong kaalaman tungkol sa paksang
tatalakayin (Powerpoint Presentation).
1.1 Mga pamamaraan sa paggalang sa iba’t ibang
paniniwala.
1.1.a. Unawain ang paniniwala ng iba
1.1.b. Pakinggan ang kanilang pananaw
1.1.c. Pahalagahan at igalang ang kanilang mga
kaugalian, kultura, at tradition.
2. Talakayin ang kaibahan ng mga paniniwala sa iba’t ibang
relihiyon.
3. Paglalahat
3.1. Ang paggalang sa iba’t ibang paniniwala ay isang
mahalagang kaugalian na dapat matutunanan ng
bawat isa upang mapanatili ang kaayusan at
pagkakaintindihan ng lahat.

d. Aplikasyon

1. Paano mo maipakita ang paggalang sa paniniwala ng ibang


tao?

V. Pagtataya
1. Panuto: Gumawa ng sanaysay na naglalarawan kung paano
mo igagalang ang paniniwala ng ibang tao. Ang sanaysay ay
binubuo ng isang talata lamang na may lima o higit pang
pangungusap.

VI. Takdang Aralin


1. Gumawa ng comic strip na naglalarawan ng pakikipagkaibigan
sa mga batang may iba’t ibang paniniwala.

Inihahanda ni: Zaldy Boy C. Nemenzo- BEED-Generalist

Isinusumite kay: Bb. Grace A. Clavecillas

You might also like